webnovel

Chapter 2

"the things that we can hold on are the ones that we can easily loose, but the things that we cannot see but feel are the ones that we can easily keep"

"Ikaw? Ikaw ang sundo ko?" gulat na tanong ko

Narinig kong bumukas ang pintuan ng bahay kaya napatinggin ako.

"Good evening Mr. And Mrs. Standford" bati niya sa mga magulang ko na ngayon ay kakalabas lang sa pintuan ng bahay namin.

"Good evening, hijo. Ikaw ba ang susundo sa anak ko?" tanong ni daddy

"yes po. Pinaki-usapan po ako ni Sevi na sunduin si... Alyssa. Ako na rin po ang mag hahatid sa kaniya pauwi. " this was the first time na binanggit niya ang pangalan ko

"that's nice! Hija, enjoy your night at mag ingat kayo sa byahe." sabi naman ni mommy

"kyle, aasahan ko na ikaw na ang magbabantay sa batang iyan. Wag mo masyadong pa-inumin ng kung ano ano. Tawagin mo na rin kaming tito at tita. Wag ka nang maging pormal dahil Kaibigan ka rin naman ni alys." sabi ni daddy habang naka ngiti kay kyle.

"don't worry tito. I'll take care of her."sabi ni kyle

"alyssa listen to Kyle at wag matigas ang ulo. Mag ingat kayo. Kyle, Kamustahin mo na rin kami kay ninang. Ayos na ba ang pakiramdam niya?" tanong mi mommy

"yes tita. Nakalabas na po siya sa hospital kahapon. Maayos na rin po ang pakiramdam ni lola" sagot ni kyle

"mabuti naman kung ganon, hijo. Mag-ingat kayo at wag masyadong uminom ng marami" sabi ni mommy bago sila sabay na pumasok ni daddy sa loob ng bahay

Kilala siya ng mga magulang ko dahil mag kakasama din kami tuwing may okasyon kila Sevi. Isa pa, ninang ni mommy ang lola ni kyle kaya imbitado din kami tuwing kaarawan ng lola niya. Pero never kami nagkaroon ng maayos na conversation ni kyle. Palagi lamang siyang tahimik at takot akong kausapin siya.

He held the door of the car for me at agad na akong pumasok.

The silence of the atmosphere makes me feel uncomfortable. Ano kaya magandang topic?

"sorry sa abala. Na istorbo ka pa tuloy. Hindi mo naman na rin ako kailangan i-hatid mamaya pauwi. Pwede naman akong magpasundo sa mga driver namin" sabi ko

"hindi ka abala." mahinang bulong niya pero narinig ko pa rin

Stunned by his sudden words, hindi ko mapigilan magtanong. Baka mamaya guni guni ko lang!

"what did you say?" tanong ko

"I promised to your parents that I'll take you home later. And you also promised them to listen to me. Kaya wag ka ng makulit" seryoso niyang sabi

Guni guni ko nga lang talaga...

"okay fine... I was just suggesting!" mahina kong protesta. Bumalik ang katahimikan kaya napagpasyahan kong wag na magsalita

Pagdating namin ay agad kong nakita sina yanna. Agad pumasok sa aking tainga ang napakalakas na tugtugin. Amoy ko rin ang pinag halong sigarilyo at alak. Bumati ako sa kanila at umupo na sa tabi nila.

"sinong naghatid sayo? Bakit halos magkasabay kayo ni kyle na dumating?" sigaw na tanong ni rainne

"you won't believe me! Girls!" tawag ko sa mga kaibigan ko

"sinundo ako ni kyle!" sabay sabay naman silang napatili.

"what happen? Niligawan ka na? May gusto na daw ba siya sayo? Baka naman kayo na? May number ka na niya? O baka naman buntis ka na? Hahahaha" sunod sunod na pang eechos na tanong ni kate

"baliw ka! kinausap daw siya ni Sevi. Pinakiusapan na sunduin at ihatid ako pauwi" sabi ko

"akala ko naman nililigawan ka na! Si Sevi pala dahilan!" sabi ni yanna

"pero ang pinag tatakahan ko. Bakit niya papaki-usapan si kyle na sunduin ako?" makahulugan kong tanong sa mga babaeng ito

Sabay sabay silang umiwas ng tinggin kaya alam ko na kung bakit.

"Sinabi niyo kay Sevi?!" gulat kong tanong

"eh kasi naman sis. College ka na pero wala ka paring karanasan sa pag-ibig. Gumawa lang kami ng paraan para umandar na yang lovelife mo. Wag ka na magalit sa amin please..." pag papa cute ni yanna

"Sinabi namin kay Sevi dahil alam naming matutulungan ka niya. Pumayag naman siya." sabi naman ni kate

"kahit na! Baka mamaya kung anong isipin ni kyle. Baka isipin niya hinahabol ko siya. " medyo irita kong sabi sa kanila

"wag ka nang magalit please... Just give it a try! Kung isang buwan na at wala pa ring mangyayari sa pangrereto namin sa inyong dalawa, edi let's stop it and move on." dagdag pa ni kate

Hindi naman sa ayaw ko, pero natatakot ako dahil gustong gusto ko. He's been my ultimate crush since senior high school... hanggang ngayon. Hindi naman masamang i-try pero paano pag nag fail?

"alright! Pero kapag wala talagang nangyari, Ititigil na natin ito?" sabi ko

"of course! Kung saan ka sasaya sweetie!" sabi ni rainne at agad naman daw silang nagplano ng gagawin nila para mas paglapitin kami ni kyle.

Nagsimula na ang party nila at naghanda na sila ng mga inomin. Nakipag kwentuhan din ako sa mga kakilala ko. Marami ring anak ng mga kaibigan ng mga magulang ko ang nandito. Minsan madadaanan ko sila at makikipag kwentuhan sa kanila. Hindi ko rin masyadong nakikita na umaalis si kyle sa table namin. Isang beses palang nang may mga lalaki na kumausap sa kaniya. Marami akong nakikita na nagsusubok na kausapin siya pero katulad ko, takot din sila. May mga high school friends din ako na nakita at nakaka-kwentuhan.

It's already 11 o'clock in the evening at sobrang waisted na ng mga kasama at kaibigan ko. I'm also a bit tipsy at medyo nahihilo na rin ako. Yung mga kasama naming boys ay kung saan saan na napadpad. Nanatili naman si kyle sa table namin habang sumisimsim sa liquor na iniinom niya. Pinag masdan ko siya at kitang kita ko ang kagwapuhan niya kahit naka gilid. His perfect jawline, his pointy nose, his thick but perfectly made eyebrows, and his long eyelashes. Gwapong gwapo siya sa suot niyang black long-sleeves na nakatupi hanggang siko at ang black pants and a pair of white balenciaga shoes. Nakababa ang dalawang tatlong unang butones sa damit niya na nakadadagdag sa kagwapuhan niya. You can really see the simplicity in his clothing style pero hindi rin maitago ang sumisigaw niyang kagwapuhan kahit sa napaka simple niyang suot.

Habang pinagmamasdan ko siya kitang kita ko kung paano biglaang tuminggin siya sa akin. Agad kong iniwas ang tinggin ko at yumuko dahil sa kahihiyan.

Ibabalik ko sana ang tinggin ko sa kaniya ng narinig ko siyang nagsalita sa harap ko. Yumuko siya para pantayan ang mukha ko. Humawak ang isang kamay niya sa gilid ng sandalan na inuupunan ko

"do you want to go home?" tanong niya

Sa sobrang lapit niya, amoy na amoy ang mabangong hininga niya.

"si-sina yanna... Sinong maghahatid sa ka-kanila?" nauutal kong tanong

Kinakabahan ako dahil sa sobrang lapit niya!

Nakita ka ang pagsilay ng maliit na ngiti sa kaniyang labi pero bigla ding nawala. Guni guni ko nanaman ba yon?

"Ivan and Josh already called their drivers. At baka mamaya andito na sila para sunduin ang mga kaibigan mo" sabi niya habang nasa harapan ko parin

Habang nagsasalita siya hindi ko maalis ang tinggin ko sa mata niyang kulay tsokolate. Sobrang ganda! Ibang iba sa mga mata na may ganung kulay. My eyes are color black at hindi pa ako nakakita ng ganung kagandang mata.

I heard him chuckled. Napansin niya atang gandang ganda ako sa mata niya.

"y-yeah! Ihahatid mo pa rin a-ako?" bakit ako nauutal! dammit!

Yup! Miss. I am not breaking my promise to your parents. Let's go." kinuha niya ang small purse ko at hinawakan ang kamay ko sabay akay sa akin palabas ng bar.

Nagulat ako sa biglaang niyang paghawak sa kamay ko kaya doon lamang ako nakatingin. His right hand is holding my purse while his left hand is holding my hand softly.

"hindi ka ba magpa-paalam kila Ivan?" tanong ko sa kaniya

"Mga lasing na ang mga iyon kaya baka hindi na rin ako makapag paalam ng maayos" sabi niya

Tama nga naman. Baka hindi niya na rin mahanap ang mga iyon dahil sa sobrang dami ng mga tao sa loob.

Hawak niya parin ang kamay ko habang palabas kami ng bar kaya hindi ko maalis ang tingin sa scenario na iyon.

Pinag buksan niya ako ng pinto at sumakay naman ako agad. I put the seat belts on. Pinaandar niya at umalis na kami.

"did you drink a lot?" tanong niya

"not that much" buti nalang hindi na ako nautal. Tumanggo siya

"uhm... How about you? " bawi kong tanong

"I only drank 5 shots" sagot niya

5 shots lang?! Ako nga siguro naka 10 shots dahil pinipilit akong painomin nila yanna.

"are you not feeling well?" gusto kong palakpakan ang sarili ko because I managed to ask that question

"nope. I only drank 5 shots dahil alam kong ihahatid kita. I want to drive you home safely" sabi niya

I was shocked! Am I being a bother?

"sorry for bothering you today... Hindi mo tuloy na enjoy yung party niyo." malungkot kong sabi

"No, I enjoy the party. Ayoko lang talaga uminom ng marami ngayong araw." sabi niya

"uhm... Thank you sa paghatid at pagsundo." sabi ko

Tumango siya at ngumiti. Wait? Did he smile? Shet! Ang pogi naman nun! Pero agad din niyang binawi iyon.

Hindi parin ako nakaka move on sa ngiti niya kaya hindi ko namalayan na naka-uwi na pala ako. Pinagbuksan niya ako ng pinto at humarap ako sa kaniya

"thank you ulit sa paghatid at pagsundo. Pasensya na rin sa abala ngayong gabi" sabi ko

"you... Are always welcome, alys" sabi niya

Hindi ko alam pero sobrang sarap sa  pakiramdan na marinig ang pagtawag niya ng pangalan ko. My heart is beating so fast na parang ayaw ko nang tumigil ito.

"sige na pumasok ka na. I'll get going." paalam niya

"sige. Salamat ulit" sabi ko bago pumasok sa loob ng bahay.

Pagkapasok ko staka ko narining ang sasakyan niya paalis.

My heart was so happy tonight. Parang ma-aalis ang puso ko sa sobrang lakas ng tibok nito. Sobrang saya ko sa simpleng conversation namin kanina.

Umakyat na ako sa kwarto ko at nagsimula namang magbihis at maghanda para matulog.

Pahiga na ako sa kama ko ng tumunog ang phone ko.

[goodnight...] sabi ng text. Unknown number siya pero alam ko na kung sino ang may ari ng number na ito. Hindi ko muna ito ni-replyan dahil gusto ko muna makasiguro na sakanya nga ito.

Pinatay ko ang phone ko at pinatay rin ang mga ilaw. Tanging ang mga led lights lang ang natira. This day feels like a dream. Parang hindi makatotohanan lahat ng nangyari. I will definitely say "thank you" to Sevi tomorrow. Ipinikit ko ang aking mga mata at unti unting tinangay ng antok.