webnovel

Chapter 3

Romans 8:18

I consider that our present sufferings are not worth comparing with the glory that will revealed in us.

Natapos ang intramurals namin at overall champion ang engineering department. 3rd place naman ang nursing department. Hindi na rin kami nagtaka dahit umpisa pa lang alam na namin kung sino ang panalo.

Pagkatapos ng araw na yun, talagang pinasalamatan ko si Sevi. Hindi ko na nakwento ang buong pangyayari pero nasabi kong sobra akong nag enjoy. Patuloy parin sila sa pagrereto sa aming dalawa ni kyle. Isang linggo na nila kaming nirereto at isang linggo na rin akong hatid sundo ni kyle. Dinadalhan niya rin ako ng lunch ko at snacks palagi sa room. Medyo close na rin kami at nagagawa niya nang ngumiti tuwing magkasama kami. Bukas na ang last day namin before ang sem break. Nagplaplano naman sila yanna ng outing for 1 week para naman daw masulit namin. Sa tagaytay daw ang punta namin. Gusto ko rin sumama para makapagrelax ng onti.

Patapos na naming lahat ang clearance namin at inaasikaso nalang namin ang iba pang trabaho.

Papunta ako sa teacher's office para ilagay sa lamesa ang mga activity sheets na pinakolekta ng professor namin.

Naglalakad ako sa tapat ng engineering department nang may tumabi sa akin at sumabay sa paglalakad. Napahinto ako at tuminggin sa kaniya

"where to go?" sabi niya sabay kuha ng dala dala kong activity sheets. Sinubukan kong kunin ang kalahati pero binigyan niya lang ako ng mga 10 pieces nung activity sheets.

" I can handle it kyle. Hindi naman masyadong mabigat." sabi ko

"let me. Now, where to go?" pilit niya

"teacher's office po" pangaasar ko sa kaniya

Sinamahan niya ako hanggang teacher's office at sinamahan niya rin ako pabalik sa classroom namin.

Pagpasok ko agad naman akong inasar ni rainne

"nako! Nagpass lang ng activity sheets may nahanap na agad na gwapo" pangeechos ni rainne

"tigil tigilan mo ako rainne ha! Tapusin mo na clearance mo. Iisa na nga lang oh" tawa tawang sabi ko sa kaniya

"opo Ms. Lovebird!" sabi niya bago siya lumabas para magpa pirma ng clearance niya.

Lunch na at andito kaming lahat sa cafeteria para pagusapan ang plano nilang outing.

"Alam ko naman na mayayaman kayo, kaya magdala nalang kayo ng sari-sarili niyong sasakyan." sabi ni yanna

"No. Yanna, sa akin ka sasakay kasama si trixie, rainne, at kate."sabi ni Ivan

"I'll bring my van para sa iba" sabi naman ni josh

Bale 12 kaming lahat na sasama. Si rainne, kate, yanna, sevi, kyle, ivan, josh, trixie, jayson, jerome at si emman. Trixie is ivan's sister na classmate din namin. Si jayson, jerome, emman naman ay mga basketball players ng college University of the Philippines.

"alyssa? Kay Sevi ka?" tanong ni josh

"Nope. Sa akin siya." napatinggin kaming lahat kay kyle. Natahimik sila sa una pero kalaunan ay nangasar na

"kasama ba ako sa inyo kyle?" nangaasar na tanong ni Sevi with puppy eyes.

"hindi. Magdala ka ng sasakyan mo" nagtawanan naman ang lahat.

"damot mo naman! Sige. Magdadala ako ng sasakyan ko." kunwari nagtatampong biro ni Sevi

Paguwi ko agad akong nagpa-alam kina mommy at daddy. Pinayagan naman nila ako dahil kailangan nilang i-check ang bahay ng isang kliyente sa Australia. Wala lang daw akong gagawin kaya mas maganda kung magrelax ng kunti.

Bukas na ang alis namin papuntang tagaytay kaya naghahanda na ako ng susuotin ko. I prepared a lot of dresses, shorts and tops. I only bring one bikini dahil nahihiya akong magsuot nun.

I heard a knock at my door kaya mabilis kong binuksan iyon.

"sweetie! I brought something for you!" sabi ni mommy habang dala ang isang medium size paper bag.

"what's that mommy?" I ask

"i bought 10 different kinds of bikini. Gusto ko dalhin mo lahat ito at dapat bawat isa diyan ay may pictures ka. Nasabihan ko na rin si kyle na kuhanan ka ng litrato!"excited niyang sabi habang ipinapakita ang binili niya

"you told kyle what? mommy? Nakakahiya!" sabi ko

"alys, Susundin mo ako o hindi ka sasama baby? Hmm?" pag babanta niya sa akin

"alright! I'll... I'll wear this. Pero mommy, nahihiya ako." sabi ko

"don't be, baby. You'll be doing good. Alright? Ilagay ko na ito sa bag mo okay?" sabi niya

Tumanggo lang ako dahil wala naman na din akong choice.

Naggising ako ng maaga para maghanda na. I brought my DLSR camera, tripod, and my instax with me. Nagsuot ako ng maong shorts and a red crochet top. Nagdala rin ako ng flats at yung isa ay sinuot ko. I straighten my hair a bit because its naturally curl sa dulo. Medyo mahaba na rin ang buhok ko at balak nang paggupitan pag may oras. Bumaba na ako papuntang kusina para mag almusal.

My parents greeted me "good morning" at nagsimula na kaming kumain. Pagkatapos kumain ay ilang saglit lang ay natanaw ko na ang sasakyan ni kyle sa labas. Pinapasok siya at nakita ko kung gaano siya kagwapo sa bohemian polo shirt na suot niya. May shades din sa kaniyang ulo na nagpadagdag ng kagwapuhan niya. Kinuha niya ang mga gamit na dala ko at kinausap si mommy.

Madaming bilin si mommy sa aming dalawa at marami ring pinadalang snacks para hindi kami gutom-in sa byahe.

"take care!" sabi ni mommy habang kumakaway siya sa labas ng bahay namin.

"sa school muna tayo?" tanong ko dahil doon napagusapan magkita kita bago sabay sabay umalis.

"yup. Are you excited?" he asked

"yeah! Siyempre" sabi ko at nakita ko naman siyang ngumiti

Nagkita-kita kaming lahat at sabay-sabay na umalis. Sunod-sunod ang aming mga sasakyan at pang huli naman ang sasakyan ni Sevi. Sinamahan nalang siya ni kate dahil mag-isa niya lang sa sasakyan.

"Do you have something to eat?" tanong ni kyle

"why? Are you hungry? Wala pa tayo sa gitna ng byahe kakain ka na?" natatawang tanong ko sa kaniya

"i haven't eat breakfast dahil late akong naggising" sabi niya

"bakit hindi ka naman kumain ng almusal? Here..." sabay bigay ng sandwich na pinabaon ni mommy.

"do you think I can eat that while driving?" sabi niya

Oo nga naman! Anong gagawin ko? Susubuan ko siya? Kumalabog ang puso sa mga naiisip ko

"Feed me. I can't eat while driving" sabi niya. I was shocked! Pero wala akong choice!

"a-alright" sabi ko habang unti-unting inaabot sa bibig niya ang sandwich.

Habang tumatagal ay nababawasan ang pagka-ilang ko. Binigyan ko rin siya ng tubig nung natapos na siyang kumain. I open his music playlist at nagpatugtog ng mga kanta niya. I notice how he likes songs with deep meaning.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa gitna ng byahe. Naggising na lamang ako nung naririnig kong ginigising niya ako.

"hey. Wake up, we're here" mahina niyang sabi

Minulat ko ang mata ko at nakita ko ang gwapo niyang mukha sa aking harapan.

"Sorry nakatulog ako. kanina pa ba tayo nandito?" tanong ko

"kakarating lang natin. Pababa pa lang sila sa sasakyan. Give me you things ako na magdadala" ibinigay ko ang bag ko na may lamang mga damit. Ako na nagdala ng mga iba pang gamit ko na kaya ko namang hawakan at mga pagkain na pinadala ni mommy na hindi naubos.

Bumaba ako ng sasakyan at agad nilapitan si Sevi

"Sevs! Picture-an kita dali!" sigaw ko at walang alinlangan namang nag pose si Sevi.

"Sama ako!" Sigaw ni kate na kabababa palang sa sasakyan ni Sevi.

Kinuhanan ko sila ng litrato at tinawag na kami ng mga kasama namin dahil pupunta na kami sa hotel ng resort.

"let's go." sabi ni kyle habang dala ang mga gamit namin.

Nang kinuha ng crew ang mga gamit namin at dinala na sa rooms namin agad namang hinawakan ni kyle ang kamay ko, Tinignan ko siya.

"aalalayan lang kita. Baka madapa ka, kung saan saan ka pa naman din nakatingin" sabi niya sabay iwas tingin

"really, huh?" sabi ko

Pagdating namin sa mga rooms namin, magkahiwalay siyempre ang mga babae at lalaki. Sina kyle, Sevi, at ivan ang magkakasama sa isang room. Sina josh, emman, jerome, at jayson naman ang magkakasama sa isa pang room. Kaming dalawa naman ni yanna ang magkasama sa isang kwarto at sina kate, rainne, at trixie ang magkakasama sa kabilang kwarto. Bale apat na rooms ang bi-nook namin.

Nagpahinga kami saglit at itutuloy namin ang mga itinerary namin mamaya. Napag-usapan ng team na maligo muna sa beach at mamayang gabi may party sila dito sa resort kung saan may DJ sila at inumin.

It's 3pm nang napagpasyahan na na maligo sa dagat.

"please tell me magsusuot ka ng bikini! Hindi pa kita nakitang nagsuot sa dagat tuwing outing. Puro sa pageants lang eh" sabi ni yanna

"my mother bought a lot of swimwear. Pinagsusuot niya ako pero nahihiya ako" sabi ko

"don't be! Nakita ko kung gaano kaganda ang katawan mo nung sumama ka sa pageant last year. Isuot mo! Halika magpalit na tayo" sabi niya sabay hila sa akin para magpalit. Siya ang namili kung ano ang susuotin ko habang naghihintay ako sa loob ng cr.

She gave me the bloody red two-piece na pinaka paborito ni mommy na ipasuot sa akin kahapon.

"tutal you wore a red crochet earlier, ituloy na natin." sabi niya habang naghihintay sa labas.

Nagsuot ako ng dress bago lumabas para takpan muna. Pagkalabas ko, I saw her wearing a mustard yellow one piece at kitang kita ang hubog ng katawan niya. Yanna is a bit morena. Si kate naman at may tamang puti. Si rainne naman ang may pinaka-tan na kulay. Pero bagay parin niya. I have a very fair skin color. My skin is very white, paper white.

"let's go!" sabi niya sa akin habang hila ako palabas ng room. Dala ko ang camera ko at nagsuot din ako ng shades.

Paglabas namin, palabas na rin ang mga kasama namin. Kate was wearing blace two-piece with her hair tie up. Rainne was wearing a dark blue two-piece pero tube ang pang-itaas. While trixie, she is wearing a white knitted one piece na backless.

The boys are wearing shorts maliban lang kay kyle na naka-shades. Si Sevi at emman ay may dalang salbabida, habang ang iba ay nag-uusap habang naglalakad.

"thank God you're not wearing a bikini" sabi ni kyle na nasa tabi ko na pala ngayon

"paano ka maliligo? Wearing that dress?" tanong niya

"do you really think I will be wearing a dress habang naliligo sa dagat, kyle?" natatawa kong tanong

Mukhang nakuha niya ang sinabi ko

"fucking shit!" bulong niya pero narining ko parin. Natawa nalang ako sa kaniya.

Nang umabot na kami sa dagat ay agad na lumusong ang mga kasama ko. Naiwan ako sa kubo kasama si kyle para ayusin ang mga gamit nila.

"alys! Come on! Let's swim." yaya I yanna

Lumapit siya sa akin at painapahubad na ang suot kong dress

Napatinggin ako kay kyle na ngayon ay nakatinggin na sa akin. His gaze is scary. Parang huli kong nakita yun nung inabot niya sa akin yung key chain na nahulog ko.

"I'll take pictures first. Para may ipakita kay mommy." sabi ko kay yanna

"ow okay!" sabi niya

Hinubad ko iyon at umalis na si yanna para bumalik at maligo.

I was looking at myself afraid to show to others nang may naramdaman akong kamay na pumulupot sa baywang ko.

"your mother alarmed me about this pero hindi ko parin kayang may ibang tumiggin sayo." sabi niya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.

I was so stunned. Hindi ko akalain na ganito ang magiging reaction niya.

"come on, let me take you a photo and get this shit done" sabi niya habang akay sa akin sa mga parte ng resort kung saan maraming puno.

Nakahawak parin siya sa bawyang ko at binitawan nila lamang iyon nung narating na kami.

Kinuha niya ang camera ko at nagsimula nang itapat sa akin iyon.

"baby, give me your best pose para matapos na ito agad" sabi niya

Ilang kuha rin ng pictures at habang tumatagal nagiging comfortable na ako sa suot ko. Nang natapos ay sabay kaming pumunta sa mga kasama namin at hindi siya maalis sa tabi ko. Hindi man siya umalis sa tabi ko, hindi naman siya nagsasalita at tanging tango lang. Hindi na rin nagbago ang expression ng mukha niya. Para siyang may galit sa mundo.

"Ginalit mo babe!" sabi ni Sevi na nasa tabi ko na pala ngayon

"I didn't do nothing!" depensa ko

"Hindi mo pa alam. Kaya alamin mo. Kausapin mo para malaman mo." sabi ni Sevi at bumalik na siya sa kubo kung saan nakalagay ang mga gamit namin.