webnovel

Chapter 1

"YOU HAVE A PURPOSE AND YOU ARE LOVED"

"Nakita mo yon alys?!" sigaw ni Sevi

I'm watching him playing basketball at kitang kita ko ang swabeng pag-shoot niya ng bola. He's boasting it.

Kakatapos lang ng klase ko and it's already 5 o'clock in the afternoon at tumambay muna ako at nanuod ng practice game nila Sevi para sa laro nila bukas. Magkakalaban kasi ang bawat course at sila ang pambato ng architecture department. We are having our intramural starting tomorrow at basketball ang first game nila bukas. I am a nursing student kaya siyempre sa nursing department ang team ko.

This is my first ever intramural as a college student. I am first year college at itong si Sevi naman ay second year college na.

We met last year nung kinakailangan niya ng respondents for their thesis at nag volunteer ako as one, then we started hanging out at tinutulungan niya rin ako for my studies. Naging best of friends kami at sobrang close niya din sa parents ko. At first, akala nila mommy at daddy nanliligaw si Sevi sa akin pero ipina-intindi namin na magkaibigan lang talaga kami. Meron din naman akong mga kaibigan na babae pero kadalasan si Sevi talaga ang kasama ko.

"ikaw ba naka-shoot nun?" kunwari kong tanong para asarin siya. Kitang-kita ko kung paano bumusangot ang mukha niya. I'm preventing myself to laugh para ipakita na di ko talaga siya nakitang na-shoot yun.

Inis siyang tumabi sa akin at inabot ko naman ang bote ng tubig sa kaniya habang nagpipigil ng tawa.

"you saw it!" pilit niyang sabi

I can't help myself but to laugh sa sinabi niya.

"of course! I saw it. Ang galing mo kaya! Swabeng swabe ang pag-shoot ah" sabi ko habang pinapakita kung paano niya tinira yung bola.

Nakita kong lumiwanag agad ang mukha niya ng sinabi ko yun at medyo natawa siya sa unting pag-arte ko kung paano niya ginawa.

"Galingan niyo bukas pero wag niyo ipapanalo kasi nursing department ang mananalo. " pang aasar ko sa kaniya

"malabo pre! Kyle kasama namin." bawing asar niya.

"I forgot! Kasama niyo pala ang MVP at captain ball ng College University of the Philippines... Naku! Ang lalaki ng ulo niyo!" sabi ko

"haha takot lang kayo kasi alam niyong wala na kayong panalo!" pang aasar niya

"eh bakit wala yang MVP at captain ball niyo ngayong last practice?" pagtatanong ko

"itinakbo daw sa hospital ang lola niya. Pero balita ko okay naman na daw kaya makakapag laro siya bukas. Hindi mo alam? Eto talaga napaka judgemental!" sabay pitik niya sa nuo ko

"aray naman! Wala naman nabanggit si mommy" sabi ko habang hawak ang noo ko doon sa bandang pinitik niya. Susuntukin ko sana siya nung tumayo siya at kinuha na ang bag ko at mga gamit niya sabay layo sa akin.

"halika na umuwi na tayo! Hatid na kita sa inyo." sigaw niya habang papunta sa mga kasama niya. Mukhang mag pa-paalam na.

"alright!" sigaw ko

Nakita ko siyang nakikipag apir sa mga kasama niya at nagpa-paalam. Lumapit ako at nag-paalam na rin.

"Ingat kayo pre, Good luck sa atin bukas." sabi ni ivan. Isa sa mga kasama nila sa team at nginitian ako. Ngumiti din ako pabalik at kinawayan sila habang naglalakad palabas.

Pagkatapos mag-paalam ni Sevi, nag punta na kami sa sasakyan niya. Nag-aasaran pa kami habang punapatugtog niya ang mga kanta sa playlist niya.

"Nagugutom ako, gusto mo ba kumain saglit?" tanong niya. Sus! Gusto lang nito kumain sa bahay para maka libre ng pagkain eh

"Sa bahay ka na kumain! Nakakahiya naman sayo!" sabay naman kaming tumawa dahil sa sinabi ko

"hindi naman kayo namumulibi at sikat na sikat ang mga hotel niyo pero kung maka asta ka para kang taong nauubusan ng pera!" asik ko

"My mommy never cooks food! Palaging katulong ang nagluluto. Mas masarap kaya luto ng mommy mo kesa sa mga luto ng katulong sa bahay" pambobola niya.

That's true, my mother initiate the cooking in the house. Meron naman kaming mga katulong pero si mommy talaga ang nagluluto dahil gusto niyang masiguro na malinis ang kinakain namin. Every weekdays, si mommy ang nagluluto ng dinner namin kasi gabi lang naman kami nagkikita-kita. Every weekends naman, siya ang nagluluto ng pagkain namin buong araw. Every weekend lang kasi kami magkakasama kasi tuwing weekdays inaasikaso nila yung kompanya namin. My parents own one of the biggest engineering company here in the Philippines kaya palagi silang busy. Pero kahit palagi silang busy, they always gives time for me.

Nagtataka din ang mga tao kung bakit hindi engineering ang kinuha kong course dahil ako lang naman daw ang mag mamana ng kompanya namin. I refuse to take the company dahil mas gusto ko talaga maging doctor. My plan is to take nursing at kapag nakapag-graduate na ako staka ako mag ma-masteral at doctoral.

Naintindihan naman nila mommy at daddy because they believe na kapag hindi mo mahal ang ginagawa mo, hindi ka magtatagumpay sa buhay. Dahil nga ayoko mag engineering, kailangan daw makapag-asawa ako ng engineer para daw may pagbibigyan sila ng kompanya kapag nawala na daw sila sa mundo. Alam kong biro lang nila yun pero alam ko rin na malaking problema iyon kapag walang magpapatuloy ng kompanya.

Pag-uwi namin ay kumain kami agad ni Sevi. Nagkwentuhan sila saglit nila mommy kasi nga parehas sila ng goal sa buhay. Mga engineer! Dahil nga hindi ko maintindihan mga pinag-uusapan nila, nag paalam na ako na papasok na sa loob ng kwarto. Nag paalam na rin ako kay Sevi dahil baka uuwi rin daw siya mamaya.

Naligo ako at nagbihis ng pang tulog. Dumiretso ako sa aking vanity table at ginawa na ang akin ritwal sa aking pagmumukha. I have a lot of skin care routine kaya medyo natagalan ako. It's already 8:30pm when I decided to open my instagram. I brows for about 30 minutes at sinunod ko naman ang twitter. Pang-huli ang facebook dahil medyo hindi ako ma-facebook na tao. I also brows my tiktok app at nanuod ng iba't ibang video. Si Sevi ang nagsabi sa akin na mag-download daw ng tiktok kasi maraming entertaining videos ang mapapanuod. May sampung videos din si Sevi at paulit-ulit kong pinapanuod dahil puro katatawanan lang naman iyon. I closed my phone and started reviewing all my note sa lahat ng lesson ngayong araw. Even though walang klase bukas dahil nga intrams namin, gusto ko parin mag review para hindi mawala sa isip ko.

It's 11 o'clock in the evening when I decided to go to sleep dahil alam kong magiging nakakapagod ang araw bukas. Kailangan naming manuod at suportahan ang aming team para ganahan sila sabi ng mga teachers namin. I closed all my main light at puro led light lang ang natira. I set the light to blue dahil mas nakakatulog ako sa kulay na ganun. I gave myself some time to talk to God bago ko napagpasiyahan na matulog na talaga.

Pagka gising ako ay bumanggon ako kaagad. Naligo ako at nagsuot ng maong na shorts at yung uniform naming white polo na may naka-print na nursing sa likod. Bawat course may kanya-kanyang color uniform. Naglagay lang ako ng light make up at naligo sa pabango. Kinuha ko ang backpack ko na may nakalagay na tubig, sumbrero, payong, Earpods, at extra t-shirt. Nagsuot ako ng white rubber shoes bago bumaba para mag almusal.

"Good morning, hija." bati ni mommy sabay halik sa pisngi ko

"Good morning, my. " sabi ko

"nakita ko namang pababa na si daddy sa hagdan at diretso na sa lamesa.

" Good morning daddy." sabay halik ko sa pisngi niya

"Good morning baby." ngiti niyang bati. Tinignan niya ang suot ko at nagtataka siguro bakit hindi ako naka uniform.

"Today is the first day of our intramurals, daddy. I'm wearing the most comfortable clothes I have para makanuod ng maayos" nagsalita na ako bago pa siya magtanong.

"ah okay. Wala ka bang sinamahang sports?" pang aasar ni daddy

"dy! Alam mong wala akong alam na sports eh." sabi ko

"alright. Kumain ka na. Wag mo palamigin ang pagkain" tumatawa niyang sabi

"here baby." abot ni mommy sa gatas na hinanda niya

"thank you mommy" ngiti ko

"How's school hija?" tanong ni mommy

"okay nama po. Kailangan lang i-review araw-araw ang mga lessons kasi hindi nila sinasabi kung may quiz ba the other day. Pero all in all, masaya naman po ang experience my" kwento ko kay mommy

"I'm happy that you're doing well anak" ngiti ni mommy habang nilalagyan pa ng pagkain sa lamesa si daddy.

Pagkatapos ko kumain ay nagpahatid na ako sa school para hanapin ang mga kasama ko.

Pababa na ako sa sasakyan ng nakita ko si kyle na papasok sa loob ng campus.

Jairus kyle Ferrer... My ultimate big crush. Hindi pa alam ni Sevi kasi alam kong aasarin niya ako kapag nalaman niya.

He was wearing brown polo t-shirt, which is their uniform. A black slacks and a white chunky rubber shoes. Sobrang simple pero lahat ata ng babaeng makakasalubong niya ay talaga namang matutulala. He is wearing his usual cold stare na talagang gustong gusto ng mga babae sa buong campus. He is also a basketball player and the captain ball of college University of the Philippines. He is also one of the dean's lister at talagang nangunguna pagdating academic area. Kaibigan siya ni Sevi kaya nakakasama ko rin siya tuwing may okasyon sila Sevi.

Naglalakad ako papasok nung bigla siyang huminto at tuminggin sa akin. Ako ba? Tuminggin ako sa likod dahil baka may tao sa likod na tinitignan niya pero wala namang studyante sa likod ko. Yumuko ako at nagpatuloy sa paglalakad. Nang nakarating ako sa may banda niya, bigla siyang nagsalita.

"I think this is yours..." sabi niya sabay abot ng key chain kong silver airplane na nakasabit sa bag ko.

Agad kong tinignan ang bag ko at nakitang nawawala nga iyon. Agad kong kinuha iyon.

"thank you... Hindi ko namalayan na nawawala na pala. Saan mo ito kinuha? " sabi ko habang naka ngiti

Bumuntong hininga siya at umalis na. Wala man lang ibang sinabi. Hindi man lang sinagot ang tanong ko! Sungit!

Hindi ko alam kung bakit ito napunta sa kaniya pero malakas ang hinala ko na naiwan ko ito nung nag practice sila last week at nanuod ako.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad hanggang sa makapunta ako sa gym kung saan gaganapin ang opening ceremony. Agad kong hinanap ang mga kasama ko at agad ko naman silang nakita.

"yanna!" sigaw ko para tawagin ang isa sa mga kaibigan ko. Bukod kay Sevi, meron akong tatlong babeng kaibigan. Si yanna, kate, at si rainne. Pare-pareho silang may kaya sa buhay pero mas madalas silang gumala at mag-shopping. Minsan sumasama ako pero kadalasan mas kasama ko si Sevi. Even though hindi kami palaging magkakasama, aware parin kami sa mga happenings sa buhay ng bawat isa. Sila lang din ang nakaka-alam na crush ko si jairus. Nagkakilala kaming apat dahil pare-pareho kaming sumasama sa beauty pageants at mag classmates kami.

"nako alys! Dapat nagpa-late ka na. Alam mo namang boring lang ang segment na ito" sabi ni kate tinutukoy ang opening ceremony.

"It's okay. Kasama ko naman kayo." sabi ko

Natapos ang opening ceremony ay nagsimula mag hiwalay ang mga manlalaro. Nasa gym ang mga basketball team, nasa field naman ang volleyball at nasa rooms naman ang mga indoor activities katulad ng table tennis. Naghihitay naman ang ibang manlalaro katulad ng badminton, sepak, at iba pa.

Nagpaaalam ako kila yanna para puntahan si Sevi na kumakaway sa akin na nasa gate ng gym.

"good morning!" bati niya sa akin

"Good moring! Kayo ang first game?" tanong ko sa kaniya

"yup! Manunuod ba sila yanna? Kung manunuod sila, I reserved seats for all of you." sabi niya

"manunuod sila. Magkakasama kami ngayon kasi wala naman daw silang ibang pupuntahan. Tawagin ko lang sila." sabi ko at tinawag na ang mga girls.

Dumiretso kami sa isang bench malapit sa mga players. Sobrang saya pa ng mga kasama ko dahil daw malapit kami sa mga players. Inasar din nila ako ng slight kay kyle.

" naks naman! Lapit natin kay crush ah! " pang aasar ni rainne pero bulong lang at sapat na para marinig naming tatlo

"manunuod tayo para suportahan si Sevi. Itong mga to kung ano ano sinasabi" ngiti kong sabi

"sus!" sabay sabay nilang asar sa akin

Nginitian ko lang sila at natuon na ang pansin ko sa court dahil magsisimula na ang game.

Parehas kaming napapasigaw tuwing makaka-shoot ang engineering department at nursing department. Dahi hindi rin namin alam kung sino talaga ang susuportahan namin, tatanggapin namin kung sino ang mananalo. Kitang-kita namin ang galing ni kyle at ang mga swabe niyang galaw. Magaling din si Sevi pero hindi alintana na mas magaling si kyle. Bawat shoot niya at napapatili kami at napapa-palakpak.

Sobrang dikit ng laban. Parehong 72 ang scores at last 5 minutes na lang. Sa huli, engineering department ang nanalo. Kahit alam naming sila ang mananalo, sobrang proud pa rin namin sa mga ka-team namin dahil nakuha nilang humabol sa mga scores.

Pagkatapos ng laro, pumunta agad kami sa kung nasaaan sila Sevi para batiin.

"galing! Pero sad kasi hindi nanalo team namin." sabi ko habang kausap si Sevi

"I told you. Wag ka na umasang mananalo kayo sa amin" tawa niyang pang-aasar

"Ang gwapo talaga ni kyle, diba Sevi?" sabi ni yanna

"oo nga! Ang swabe ng mga galaw niya!" sabi naman ni rainne

"yup! Captain ball ng school natin eh." sabi naman ni Sevi

Luminggon ako sa banda kung nasaan si kyle pero nagulat ako nung nakatingin din siya sa akin. Agad kong binawi ang tinggin ko.

Lumapit ang ibang kasama ni Sevi kasama na doon si kyle.

"girls, lalabas kami mamaya. Baka gusto niyong sumama." sabi ni ivan

"game kami kuya!" sabi ni yanna. Pinsan ni yanna si Ivan kaya close din siya sa basketball team.

"guys, baka di ako masakama. Sasamahan ko si mama para sa dinner niya later with her business partners. Kailangan daw kasi yun." sabi ni Sevi

"okay lang bawi ka nalang next time pre." sabi naman ni josh, isa sa mga players.

"sasama ka ba?" tanong ni Sevi

"yup! Walang magawa sa bahay eh. Staka papayagan naman ako." sabi ko

"alright! Ingat kayo mamaya ha" sabi niya

Natapos lahat ng laro at alas tres na ng pina-uwi kaming lahat. Nag-paalam ako sa mga kaibigan ko at umuwi na para makapag-paalam.

Agad akong pinayagan ng mga magulang ko dahil may tiwala naman sila sa akin. Tinext ni yanna ang lugar kung saan kami pupunta at agad na akong naghanda.

Pababa na ako ng hagdan ng biglang nag-text si Sevi.

"may susundo sayo diyan. Wag ka na magpahatid sa mga drivers niyo. Sumakay ka na at wag na mag inarte. Ang dami kong ginawa para mapa-oo lang yang sundo mo. Psh!"

Agad akong nagtaka kung sino ang sinasabi niyang susundo sa akin. Nag ring ang telephone kung saan naka-connect sa guard at agad kong sinagot.

[Ma'am. May susundo daw po sa inyo]

"sige po kuya papasukin niyo nalang po. Marami pong salamat." sabi ko

I put the telephone down para mag-paalam na kila mommy. Bumaba ako ng hagdan para puntahan sila mommy pero nahagip ng mga mata ko ang sasakyan na naka parada sa harap.

Siguro nga nadiyan na yung "susundo" daw sa akin.

"Mommy! Aalis na po ako Good night po." pag papa-alam ko habang papunta na sa pinto

"wait hija!" sigaw ni daddy pero huli na dahil naka labas na ako.

Pagkalabas ko laking gulat ko dahil sa nakikita ko.

Nakasandal sa kaniyang sasakyan habang may naka lagay na earpods sa kaniyang tainga. Hindi ako naka galaw dahil hindi ko inaasahan na siya ang susundo sa akin.

Na-alarma siya nung napansin niyang nasa labas na ako.