webnovel

My Devil Sweetheart

Do you believe when the person you hate the most is the person you'll end up with?

wackymervin · Teen
Not enough ratings
11 Chs

#MDSH 3

MyDevilSweetHeart

#MDSH 3

 

Mira's POV

Pagkatapos akong papasok sa loob ng gate, ay diniretso ako nito sa may dinning Area. Ang laki ng Dinning nila. Parang pwede ka ng maglaro sa sobrang lawak ng dinning nila. Meron din silang entertainment room sa may gilid, doon raw sila na-sisyesta ang pamilya Pascual.

Si aling Sita ang sumasama at nag-ikot sa aking sa buong bahay. Simula first floor hanggang sa kwarto ng mga anak ni mam Ara. Meron daw dalawang anak si mam ara. Yung panganay ay si Terrence na nagtatrabaho raw sa ibang bansa bilang isang model. Oh!!!! Diba sosyal model, siguro sexy yun si kuya?. Haha, at yung bunso na college student at love ang music, may ibinilin pa sa akin si aling sita na hindi ako pwedeng pumasok sa music room kung hindi ipinag-uutos ni Dwayne. Medyo masama raw ang ugali nito, at wag ko nalang raw sabihin kay mam ara baka kasi masaktan ito.

Masaya kausap si aling sita, ilang dekada narin syang nagsisilbi sa bahay na ito, kaya kahit sya ay parte ng pamilya. At totoo raw yung tsimis na walang nagtatagal ng mga kasambahay dito dahil sa kakulitan at kasamaan ng ugali ni Dwayne.

Pinabayaan muna akong maglibot libot sa buong bahay ni aling sita par naman raw makita ko ang ibang parte ng lugar ng bahay na ito. Na syang magiging bahay ko na rin at aking aalagaan.

Habang naglalakad ako malapit sa maliit na garden sa likod ay biglang may dumagaan sa aking isang mabigat na bagay. Napatumba pa ako at noong humarap ako ay isang malaking aso ang nasa aking harapan.

Pero imbis na matakot ako ay natuwa ako sa ginawa nya. Pinag-didilaan ako nito na para bang gusto ako nitong kainin. Pero ewan ko hindi ako nakaramdam ng kahit konting takot ng oras na iyon ng ako ay kanyang daganan. Mabalahibo itong aso ang sobrang cute nya.

Tahol pa ito ng tahol habang patuloy ito sa pagdila sa akin. Hindi mabaho yung kanyang laway hatalang alagang alaga syang aso.

Biglang dumating si aling sita kasama si mam ara. Halata sa mukha ni aling sita noong itinaboy nito ang aso sa aking harapan at tinulungan akong makatayo sa aking pagkakahiga sa lupa.

"ok ka lang?" pag-aalala pang tanong ni Mam Ara sa akin. Tinulungan pa ako ni aling sita na pag-pagin ang mga dumi sa akin likuran at ganun din sa akin damit na ginawa na pagdagan sa akin ng cute na asong iyon.

"Ok naman po ako" sagot ko habang nakangiti.

"Hindi ka ba kinagat ni Saturn?" tanong ulit ni mam ara sa akin, habang kinitignan nito kung may sugat ba akong natamo sa ginawa sa akin ng asong nag-ngangalang saturn. Kahit yung pangalan nya ang cute.

"Wala po, mabait po yung aso nyo. Nirape nya lang po ako gamit ang mabango nyang dila hahaha" natatawa pa ako habang kinikwento ko kung paano ko hinalikan, at pinag-dila-dilaan ng asong ito.

"isa syang Siberian husky, regalo sya ng aking yumaong asawa sa aking bunsong anak na si Dwayne" napahinto si mam ara pagkatapos nitong sabihin yung pangalan ng kanyang anak na si dwayne.

….Ah, Aling sita. Tumawag na ba si Dwayne?" pag-aalala pang tanong ni mam ara kay aling sita.

"hindi pa po, pero ang sabi nga ay uuwi sya ngayon pagkatapos po ng practice nila sa bahay ng kaibigan nyang si Dustin" Sagot naman ni aling sita. Saka kinuha ni mam ara yung phone nya sa kanyang bulsa at kinontak ang kanyang anak.

At sinagot na ng kanyang anak ang tawag nito.

"Anak, pauwi ka na ba, diba promise mo na dito ka mag-didinner?"

"uhmmm mukhang matatagalan pa kami sa practice mom, dito na po ako mag-didinner sorry po" narinig ko pang pag-uusap nila .

Saka ibinaba na ni mam ara yung phone at sinabihan na magpalit na ako ng aking damit dahil sabay na kaming kakain sa hapag kainan.

Oo dito lang ako naka-kita na kasabay ng amo ang kasambahay kumain. Oo napaka-bait ni mam ara. At sobrang ganda pa nya. Para syang hindi tumatanda, mukha parin syang teenager. Hays sana maging katulad ko sya.

Nagkwentuhan pa kami habang kumakain. Kiniwento ko na ang buhay ko, pagkatapos naman ay ang buhay naman ni mam ara. Limang taon palang pala si Dwayne noong mamatay yung daddy nito sa isang malubhang sakit. At hanggang ngayon ay hindi parin nito makalimutan ang kanyang mahal na asawa, kaya magpa-hanggang ngayon ay hindi parin ito nag-hahanap ng papalit sa puso ng kanyang mahal na asawa. Kahit na marami raw umaaligid sa kanyang ganda.

Pagkatapos naming kumain ay pumunta na ako sa aking kwarto oo may sarili akong kwarto, katabi ko lang naman yung kwarto ni aling sita. At may telephono rin sa kwarto ko. Tinuruan din ako ni aling sita kung paano ito gamitin. Dito rin daw kasi tatawag si dwayne kung may kelangan itong bagay o ipag-uutos kasi tamad raw itong bumaba. Hays ngayon palang nagkaka-ideya na ako sa kung anong magiging buhay ko dito.

Haysssssssssss. Ang sarap humiga sa malambot na kama, pangarap ko ito. Oo napaka-simple lang ng mga pangarap ko. Ang magkaroon ng sariling kwarto na may sariling higaan/kama at may lamp shade. Na syang papatayin ko kapag matutulog na ako. Tapos may sarili din Electricfan. Wow kumpleto lahat dito, napaka-swerte ko talaga.

Habang nakahiga ay hindi ko maiwasang mag-alala sa kalagayaan ng aking naiwang pamilya sa samar. Ni hindi ko sila makontak dahil wala naman akong cellphone. Kaya bigla kong naalala na baka may cellphone itong si aling Sita at agaran akong tumaya at inayos ang suot kong damit na na lukot dahil sa aking pagkakahiga ng tihaya.

At lumabas sa aking kwarto. Oha aking kwarto haha Feelingera?.

Tok tok tok. Katok ko sa kwarto ni aling sita.

"Mira ikaw ba yan?" tanong pa ni Aling sita. Sumagot ako.

"Opo, pwede ho bang pumasok?" tanong ko.

"sus, oo naman" saka ko binuksan yung pintuan, nakita ko syang nag-cocomputer. Oo naglalaro ito ng computer. May computer sa kwarto ni aling sita. Sosyal, sya ah?. At buti pa sya marunong magcomputer ako? Ahha hindi man lang umabot yung mga computer sa paaralan namin noong highschool.

"pwede ko ho ba kayong maistorbo?"

"oo naman, ano bang kelangan mo?"

"uhmm, pwede ko ho bang mahiram yung telephono nyo?" tanong ko.

Kaagad nyang kinuha sa kanyang bulsa yung kanyang cellphone at inabot ito sa akin.

"salamat po, makikitext lang po ako, sa pamilya ko sa samar ah"

"Wag mo na silang itext, tawagan mo na sila, unli yan. Kakaload lang sa akin ni Badong"

Huh? Sino si badong?. Well hindi ko na inusisa kung sino man yung nagpapasaya kay aling sita, atleast masaya sya sa twing binabanggit nito ang pangalan ng kanyang iniibig. Yihey. Kaagad kong kinuha yung telephono ni aling sita saka lumabas sa kanyang kwarto.

At doon sa malapit sa may pool ako pumunta para walang gaanong makarinig sa pag-iyak ko.

Dinail ko na yung number ni Celia. Hays sana tama yung numero na aking pinipindot. Pagkatapos ng ilang minuto. Nag ring….

Kringggg…kringggg.. rinig ko sa kabilang linya. Alas otso na ng gabi at kung sa probinsya ay tulog na ang mga tao ng ganitong oras. Pero nagbabaka-sakali ako na gising pa ang bestfriend ko at maibigay nito ang kanyang telephono sa aking pamilya.

Sa wakas may sumagot. Pero bakit parang pamilyar yung boses ng sumagot.

"Jose?" nabosesan ko pa yung boses ni jose.

"sino to?" tanong pa nya sa akin.

"Si Mira to, anong ginagawa mo sa bahay nila Celia?" tanong ko sa kanya.

"ah???. Ehhhh," hindi natapos sabihin ni Jose yung kanyang sasabihin, dahil may ibang taong kumuha ng cellphone at  syang kumausap sa akin.

"Best, si Celia to. Oh ano? Kamusta?"

"Ok lang ako, nandito na ako sa bahay ng amo ko. Mahaba yung kwento kung paano ako napunta dito, pero best may ipapasuyo lang sana ako sa iyo"

Sabay sinabe ko na sa kanya na, ibinigay nito ang cellphone sa aking pamilya at gusto ko na silang makausap. Magtetext lang si Celia kung nandun na sya sa bahay, hindi naman kasi kalayuan yung bahay nila celia sa amin.

Pagka-lipas ng ilang minuto ay nakatanggap na ako ng text, saka ko ulit tinawagan ang number ni celia at una kong narinig ang boses ni Makata.

"ikaw ba yan bunsoy?" tanong ko kaagad.

"opo ate, kamusta?" sagot nya. Naririnig ko pang nag-aagawan sila na maka-usap ako. Pero sa huli si inay ang nasunod sa kanilang lahat.

"kumusta ka na dyan anak?" halata, at dinig na dinig ko yung pag-singhot ni inay ng kanyang sipon. Oo umiiyak si inay.

"umiiyak po ba kayo?"

"hindi, may sipon lang ako" sagot pa nya pero halata namang nagsisinungaling ito.

Pero katulad nya ay unti-unti narin akong tinatamaan ng iyak sa aking mga mata. Naiipon na yung luha s aking mga mata noong marinig ko ang boses ng aking pamilya.

Ang hirap mawalay sa katulad nilang halos buong buhay mo ay kasama mo sila. Pero kelangan ko itong gawin para sa kanila at para sa kinabukasan ko.

"ok naman po ako inay, at wag po kayong mag-aalala sa akin dahil mabait po yung amo ko dito. Tatawagan ko nalang po kayo. Dahil naki-tawag lang po ako, sige po" hindi ko naitapos yung sinabe ko kasi umiiyak na ako. Pinipilit kong hindi iparinig sa kanila na umiiyak ako, lalong lalo na sa inay ko dahil iiyak at malulungkot yun ng husto.

….mahal na mahal ko po kayong lahat at lagi kayong mag-iingat dyan" pagtatapos ko pang pakikipag-usap sa kanila.

"mag-iingat ka dyan anak. At mahal na mahal ka rin namin" sabi pa ni inay saka nito ibinaba yung tawag ko sa kanya.

Umiiyak parin ako ng oras na iyon, ng makarinig ako ng kaluskos ng taong naglalakad.

Kumunot ang noo ko't sinundan ang tunog ng taong naglalakad doon sa may likod, sa may Garden.

At habang naglalakad ako sa dilim ay….

"AAAAaaaaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyyyyy" sabay naming sigaw dalawa. Pero bigla nitong hinawakan ang bibig ko. Kinagat ko yung kamay nya't saka tinulak palayo sa akin.

"magnanakaw ka no?" sabi ko pa sa kanya, habang nanginginig at hindi alam ang gagawin.

Natatawa pa sya habang inaayos nito ang kanyang damit.

"Sa gwapo kong ito? Napagkamalan mo akong Mag-nanakaw?, baka ikaw ang magnanakaw"

Sabi pa nya sa akin.

"Hoy nasa pamamahay kita, kaya wag mong sabihin ako ang mag-nanakaw" mas lalong lumakas yung tawa nya, na para bang wala ng bukas. Ano kayang problema ng mag-nanakaw na ito? Naka-droga kaya ito?.

Bwahhahhahahahaha

"bahay mo ito?" tanong nya. Tumahimik ako dahil, parang mali yung sinabe ko. Pero wala na akong magagawa kundi ang sabihin ang totoo.

"Hindi, pero ikaw? Sino ka ba?"

"Hindi mo ako kilala?"

"magtatanong ba ako kung kilala kita"

"You have a point" sabi nya.

"ilan?" tanong ko.

"Geezz" lumapit pa ito sa akin ng bahagya. At unti-unti kong nasisilayan ang kanyang mukha. At mukha syang pamilyar sa akin.

Hanggang sa….

"ikaw?" sabay naming sabi sa aming sarili.

Oh Em Gee.

.................

"Magka-kilala kayo?" tanong ni mam ara sa aming dalawa ni Dwayne. Hindi ko makapaniwala, sa dami-rami ng pwedeng maging amo ko ito pang gwapong demonyong ugali ang magiging amo ko?.

Parang gusto ko ng umalis ng oras na iyon. Dahil sa sobrang hiya at sa sobrang kaba na nararamdaman ko, na para akong iniiterrogate sa isang kasong hindi ko alam at wala akong kasalanan.

"Hindi" sagot ni Dwayne habang naka-irap ang mga mata sa akin.

"opo" sagot ko naman.

"Ano ba ang totoo dwayne?" medyo tumaas na yung boses ni mam ara at kinabahan na ako ng husto.

"I don't like her, hindi ko sya gusto at ayaw kong makikita pa ang pag-mumukha ng babaeng yang dito" galit pang sabi ni Dwayne sa mommy nya, habang dinuduro-duro ako nito.

Ano bang ginawa kong kasalanan sa kanya?. Yung nadumihan ko yung damit nya? O yung nakagat ko yung kamay nya?. O yung pinaratangan ko syang mag-nanakaw? Pakiexplain please.! Hindi ko talaga maintindihan.

"Stop" sigaw pa ni mam ara.

"pagod na akong mag-hanap ng taong makaka-intindi sa ugali mo Dwayne. Hindi lang nila sinasabe sa akin pero, alam ko na sumasama ang ugali mo ngayon ano bang problema mo ah?"

"nothing" nakasimangot pang sagot nito.

"Then, she will stay here, sa ayaw mo't gusto alright?"

"yah I'm tired, matutulog na ako" saka ito padabog na umakyat sa taas.

Samantalang iniwan  na kami ni mam ara na parang sumasakit ang ulo sa nangyari ng oras na iyon.

At pumasok na muli ako sa aking kwarto. Iniisip ko na ngayon kung anong pwedeng gagawin sa akin ni Dwayne ngayon alam nyang ako yung magiging kasambahay nito? Hays sinabe ni aling sita na baka papahirapan ako nito. Hmmmp basta kapag sinaktan ako nito, magsusumbong ako kay mam ara. Pero parang ayaw ko namang gawin yun. Kasi sa nakikita ko, hindi sya natutuwa sa inaasal ng kanyang anak.

Haysssssssssss.. wala akong magagawa kundi ang magtiis. Kaya mo yan Mira. Ikaw pa! the best ka kaya.