webnovel

My Devil Sweetheart

Do you believe when the person you hate the most is the person you'll end up with?

wackymervin · Teen
Not enough ratings
11 Chs

#MDSH 4

MyDevilSweetHeart

#MDSH 4

Mira's POV

Halika na, pumikit limutin ang problema.

Hihintayin…ang umaga.

Basta't tayo'y magkasama, laging mayroon umagang kay ganda

Pagsikat ng araw, may dalang liwanag. Sa ating pangarap.

Haharapin natin.

Nakuha ko pa talagang kumanta sa umagang ito. Ala singko na ng umaga pero kakatayo ko palang sa aking higaan.Oo ang aga ko gumising, kasi yun ang bilin ni aling sita sa akin, na dapat maaga akong gumising. Nakakalimutan ata nila na laking probinsya ako, ibig sabihin maaga talaga ako gumising pero ngayon lang ako nalate ng ganito. Oo late na ito para sa akin. Kadalasan ang gising ko ay alas kwatro ng umaga.

Kasi naman iniisip ko kasi yung nangyari kagabi. At haysssssssss at kung paano ko haharapin yung lalake kong amo.

Bakit ba kasi sa dinarami-rami ng taong magiging amo ko eh yung ugaling demonyong pang iyon. Patawad sa masamang salita ah?. Pero kasi nakakainis lang talaga yung kasamaan ng ugali nya. Mas lalo na tuloy akong kinakabahan sa mga susunod na araw. Oh kung may araw pa nga ba akong aabangan bukas?.

Inayos ko na yung sarili ko. Maaga akong naligo, tamang-tama. Maaga ring naghanda ng umagahan si aling sita, pero hindi para sa amin. Bilang isang kasambahay dapat mauna munang maka-kain ang aming amo bago kami makakain. Kinakailangan na nagawa na raw ang mga dapat gawin. Tulad ng mga damit na syang susuitin ni Dwayne.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabe nya.

"Ano po?, ako po ang maghahanda ng susuutin ng…" hindi ko na naituloy yung sasabihin ko. Na Demonyo. Kumakabog na yung dibdib ko sa kaba. Parang gusto na nitong lumabas sa aking dibdib. Ng makarinig ako ng bell. Sinyales na may kailangan itong si Dwayne sa akin.

Lumapit pa ako kay aling sita, saka hinawakan ko yung kamay nya. Nanginginig yung buo kong katawan sabay sabing.

"Manang..kinakabahan po ako" garalgal na boses ko. Patuloy parin sa pag-kalembang itong si Dwayne na para bang nagtitinda ng Ice cream sa kalsada. Ang ingay hays.

"Kaya mo yan. Mabait namang bata yang si Dwayne eh" sabay tulak nya sa akin. Huh? San banda yung kabaitan nya?. Siguro nakatago, tapos nakalock. Tapos may password pa siguro yung password na hindi maintindihan. Haysssssssssss tulonggggggggggggg. Gusto ko pang mabuhay. Ilayo nyo ako sa demonyong ito.

Dahan dahan akong umakyat sa second floor, at noong nakarating na ako sa harapan ng kwarto ni Dwayne, ng demonyo kong amo. Bigla itong bumukas. Nanlaki ang mga mata ko dahil nasa harapan ko na ang demonyo kong amo, este si Dwayne pala.

"Bakit ang tagal mo?. Saan ka ba galing ah?, Busy?....nagbubusihan ka?" hindi ako nakasagot. Nanginginig yung buo kong katawan. Pati yung kalamnan ko, nagbavibrate.

"Ano? Tatanga ka nalang dyan?. Ihanda mo na yung damit ko dahil maliligo na ako, at baka ikaw pa ang maging dahilank kung bakit ako malelate. Tsk." Sabi pa nya.

Umalis na sya sa harapan ko. Pero parang may rugby na nakadikit sa paa ko ng oras na iyon at hindi ako makagalaw. Na stock yung katawan ko sa kinatatayuan ko.

Narinig ko ulit syang nagsalita.

"Ano? Hindi ka ba papasok?"

"Papasok na po ba ako?"

"Alam mo, hayssssss….bakit ba kasi nag-hire si mommy ng bobong katulong na katulad mo?. Bobo ka na nga, wala pang kwenta?. At higit sa lahat walang common sense. Syempre papasok ka. Sa loob mo ihahanda ang gamit ko hindi syan sa harapan ng pintuan ko adik ka ba?" para syang babae kung makipag-usap sa akin.

Kung hindi lang sya gwapo. Matangkad at dagdag mo pa yung maganda nyang katawan. Ooooppps ano bang sinasabe ko? Bakit ko sinasabe itong mga bagay na ito?. Haysss..basta demonyo talaga sya sa naiwan ni satanas dito sa lupa. Leche.

Dahan dahan akong pumasok sa loob ng kwarto nya. Sinilip ko pa yung kabuohan ng kwarto nya at nagulat ako dahil sa sobrang kalat ng kanyang kwarto. Sabi ni aling sita, maalaga raw ito sa kanyang mga gamit at hindi raw ito nagpapasok sa kanyang kwarto kapag hindi raw nito kelangan.

Pero ano to? Para akong naka-kita ng dumpsite sa loob ng kwarto ng gwapong demonyong ito.

Itinuro ni Sir Dwayne kung saan ko makikita yun damit na gusto nya. Gusto raw nyang soutin yung Stripe na Polo at yung Brown na pantalon saka, Yung Vans na Shoes nito. At naka lagay raw sa ibaba ng drawer yung kanyang Bench na Underwear. Huh??? Pati yung underwear nya ako ang kelangang kumuha?. Hindi ba sya nahiya sa akin. Isa akong dalagang pilipina?.

Pagbalik ko. Bitbit ko na yung mga damit nya. At hindi parin sya nakakalabas sa shower room nya. Pero hindi ko maiwasan. At kahit na pigilan ko yung sarili ko na hindi tumingin sa direksyong iyon ay hindi ko nga napigilan.

Kahit na hindi nakabukas yung pintuan ng kanyang shower room ay maaninag ng berhen kong mga mata yung hubog at tindig ng kanyang pangangatawan. Napalunok ako, sa aking nakikita. Nakatalikod naman sya ng oras na iyon pero. Kahit na medyo malabo syempre first time kong makakita ng ganun. Ng lalakeng naliligo. May mga kapatid akong mga lalake pero mga bata pa sila at lahat ng kanila ay nakita ko na. pero...

Napatigil ako sa pagpaplantsa ko noong lumabas ng bigla si Sir Dwayne galing sa Shorwer Room. Na kalati lang ang tapis sa kanyang basang katawan. Yung Towel nito sa kanyang baba. At basa pa ang kanyang buhok. Ohhh…may Abs. lunok ulit Mira. Tapos titig. Abs nga. Bakit si Jose maliit lang yung mga Abs. baby Abs ba ang tawag doon?. Pero itong kay Dwayne. Naghuhumindig.

Lumapit pa si Dwayne para pumasok sa loob ng kanyang kwarto. Oo malaki kasi yung kwarto ni Dwayne parang isang unit ng Hotel. May kwarto at may shorwer room, tapos may mini Library. Rin oo yun palang ang nakikita ko sa loob ng kwarto nyang ito. At wala akong balak na tumambay sa kwarto nya. Tsk!.

"Hoy, wag kang tumayo dyan. Iabot mo sa akin yung Brief ko" utos pa nya. Ano? Kelangan ba talagang sabihin na brief?. Nakakaasiwa, pwede namang sabihin na.  hoy wag kang tumunganga dyan. Iabot mo sa akin yung puso mo. Ano bang iniisip mo Mira. Inis ka sa kanya diba?. At hindi kayo bagay. Mayaman sya, ikaw! Katulong ka lang! Self Pity Alert!.

Kahit na nandidiri ako ay hawak hawak ko yung underwear nya at naglakad papunta sa kanyang kwarto. Nakatalikod ako habang inaabot ko sa kanya yung brief nya.

"Oh, ito na po" sabi ko.

"Bakit ka naka-talikod?"

"kasi po hindi ako nakaharap" ay lagot. Bakit ba yun ang sinagot ko? Hays lagot ka Mira. Patay ka ngayon. Dead on Arrival ka talaga. Hays! Tulong!....

"Ah ganun ah?" sabay humarap sya sa akin.

Hindi ko sya tinignan. Nakatingala lang ako ng minutong iyon at kinakabahan. Hays ano bang gustong gawin nito ni Dwayne sa akin. Wag naman sana!. Ang perlas na aking pinag-kakaingatan. Wag naman sana sya ang makabukas!.

Narinig kong may nahulog. Ayaw kong tumingin sa baba, dahil alam kong inihulog nya yung kanyang tuwalya. Haysssssssss…..nakahubad na sya sa harapan ko.

Ayaw ko paring tumingin sa kanya. O sa baba kasi baka madungisan ang berhen kong mata na kanina pa nagkakasala. Lord Patawad po!.

"Ngayon, subukan mong humarap sa akin" babala pa nya sa akin.

"Isuot mo yung brief ko ngayon din" huh? Ako ang magsusuot?. Bakit wala ba syang kamay?. At bakit ako?.....huh? babae ako. At baka makita ko pa yun…..hindi…hindi na tama to. Tumalikod ako.

"Rape na po ang tawag dito sa ginagawa nyo, binabalaan ko kayo sir, sisigaw ako kapag may ginawa kayong masama sa akin" mangiyak-ngiyak ko pang sabi sa kanya.

Narinig kong lumapit sya kaunti sa akin. At bumulong sa aking tenga. Ang lamig at ang init ng boses nya.

"Sige, sumigaw ka. Mag-sumbong ka. Samahan pa kita, sa tingin mo paniniwalaan ka nila? Pulubi?" ang sama talaga ng ugali. Hoy hindi ako pulubi. Nandito nga ako sa bahay nyo eh. Tapos pulubi?. Ang pulubi yung nasa kalsada. Tsk.

"Isa pa, idikit nyo lang yang….ano…..basta….pag may ginawa talaga kayo..sir…." sabay pinaharap nya sa ko sa kanya. Oo hinawakan nya yung braso ko't pinaharap sa kanya.

Kaya ayun…..nakita ko….nakita ko….na...naka-boxer shorts sya.

"Ano?, Dismayado ka?. Dahil hindi mo nakita?" pang-asar pa nya sa akin. Kaagad kong iniwas yung tingin ko sa kanya. Huh? Sa tingin ba nya ganun akong babae?.

"May ipag-uutos ka pa ba sa akin?, kung wala na po aalis na ako"

"Nagrereklamo ka ba?. Aayaw ka na ba?, kung oo. Bukas ang pintuan, pwede ka ng umalis. Chooo" sabi pa nya sa akin. Na para bang nag-papa-alis lang ng isang asong ulol sa kanyang harapan.

"Ito ang tatandaan nyo sir. Hinding hindi ako susuko…."

…..hinding hindi ako susuko hanggang sa mapatino ko kayo"

Pangako ko pa sa kanya. Narinig ko pa syang tumawa ng malakas at humahawak pa ito sa kanyang tiyan.

"in your dreams, hindi ikaw yung taong magpapatino sa akin, umalis ka na nga sa harapan ko. Baka ano pang magawa ko sa iyo chu".

...................

Dwayne's POV

Maaga ako ng 30 minutes sa usual na oras na dapat pumapasok ako sa first subject ko ng araw na iyon kaya ang ending. Ako ang unang nakarating sa Classroom namin. 1st year College taking up Bachelor of Science in Business Administration.

"Hey Guys nasaan kayo?" Group Message ko pa sa mga kaibigan kong sina Dustin, Tristan, Trevor at Terrence. Gamit ang Wechat.

Nagreply kaagad itong si Tristan.

Tristan : "Nasa Library, nagrereview may exam kasi kami mamaya sa Accountancy"

Dustin: "Ah, nasa bahay pa, Andito kasi si Andrea" itong lokong talaga ito, sino na naman si Andrea?. At saan na naman nya nakilala yun?.

Trevor: "OTW to St. Francis University, in 2 minutes nandyan na ako".

Si terrence lang ang di nagreply.

Pagkalipas ng ilang minuto ay nasipasukan narin yung mga classmates ko. Meron pa kaming 10 minutes bago pumasok yung una naming prof. sa araw na iyon.

Tumabi sa akin si Ginger. Oo katabi ko yung babaeng pinapangarap kong maging Kasintahan, pero naattached na sya sa pagiging magkaibigan naming dalawa. #FRIENDZONE.

Hindi ko sya pinansin habang umupo sya sa tabi ko. Ibinaba pa nito yung gamit nya sa Desk ko dahil ganun sya eh, bago nya ayusin yung gamit nya imbis na sa harapang ng desk nya ayusin yung gamit nya ay nag-uubos sya ng oras para guluhin yung desk ko.

Oo galit parin ako sa kanya. Sa sinabe nya, noong nakaraang araw.

"Are you still mad at me huh?" salita pa nya habang may kinakalkal sa gamit nya. Tatayo na sana ako para iwasan sya pero, bigla syang sumigaw.

"Dwayyyyyyyyne, kung galit ka sa akin. Kausapin mo ako. Kung may problem ka sa akin. Harapin mo ako. Hindi yung tinatalikuran at hindi mo ako pinapansin. Dwayne nahihirapan na ako sa sitwasyon nating ito ano ba?. Hanggang kelan mo ba ako hindi papansinin?."  Nakita kong pumasok na sa loob sina Terrence at ganun din si Wisdom. Na hindi na namin gaanon nakakasama dahil sa isang issueng nangyari sa amin noon ng mag-babarkada.

"Wala" sabi ko habang nakatalikod. Ang dalawa kong kamay ay nakatago sa aking bulsa. At tinatapik ang sahig gamit ang aking kanang paa.

"Wala? Pero bakit parang may nagawa akong napakalaking kasalanan sa'yo, Dwayne hindi ako sanay na ganito tayo, hindi ako sanay na hindi mo ako pinapansin, hindi ako sanay na iniiwasan mo ako"

Giit pa nya.

"hindi lahat ng bagay Ginger kailangan mong malaman"

"Give me a reason, para malaman ko. Hindi yung nagmumuka akong tanga na kinakausap ka gayong may niraramdam ka sa akin"

Oo may nararamdaman ako sa yo. Gustong gusto ko itong sabihin kay Ginger ng oras na iyon. Pero ewan ko pagdating sa kanya natatame-me ako. Ang lakas ng mga yabang at tapang sa katawan ko nawawala.

"But not all reason at worth knowing" sabay kinuha ko yung gamit ko't umalis sa kwartong iyon. Haysssss ako nga itong maaga sa una naming subject pero ako naman pala itong mag-cucut ng class. Wala rin kwenta.

After our first class, tinext ko ang barkada at sinabe ko na nasa Cafeteria ako, at wag nilang sabihin kay Ginger na nandito ako. I don't want to see her, or see me like this so Distress.

Umupo sa tabi ko si Tristan, ganun din si Dustin. At sa likod naman nya ay si Terrence. Saka nahuli itong si Trevor na walang alam sa nangyari kasi late.

"2minutes ah? O 2 hours?, hindi ka na naman nakapasok sa first subject mo" reklamo ko pa sa kanya na parang nakakatandang kapatid.

"si koya talaga oh" sabay tapik pa sa balikat ko.

"anong problema? Bakit tayo kumpleto?" dagdag pa ni Trevor saka isiniksik nito ang kanyang sarili sa upuan ni Dustin.

"Ang sikip, umalis ka nga dyan. O di kaya tumayo ka nalang" reklamo pa ni dustin.

"ayaw ko nga. Tsk…ano nga?" tanong pa ni Trevor.

"hindi tayo kumpleto kasi wala si Wisdom" sabi pa ni Terrence sabay nag-iba yung kanyang mukha.

"Don't you ever, say his name again. Ayaw na ayaw kong maririnig yung pangalan ng gagong iyon sa barkada natin. He's deserve what he is right now" galit pang sabi ko kay Terrence.

"Chill, pare-pareho na naman tayong maiinit ang ulo eh. O ano ngang meron" awat pa sa akin ni Dustin.

Hindi ako sumagot pero….itong si Tristan ay biglang nagsalita tungkol kay Ginger.

"Nga pala Guys, si Ginger. Last week nalang nya dito sa pilipinas, at alam naman natin yun diba?. Pero paano natin magagawng maging memorable yung huling araw nya dito sa pinas na kasama tayo?"

Oo nga pala. I almost forgot, dahil sa sobrang inis at galit ko sa mga pangyayari, nakalimutan ko na bilang nalang pala ang araw ni Ginger dito. Tapos ganun pa yung pinakita kong ugali sa kanya.

"So what's the plan?" tanong ko pa sa mga kaibigan ko.

Trevor raise his hand.

"I have an idea, what if haranahin natin sya. Oo tapos yung huling kakatanta ay si Dwayne, then dwayne". Hinarap pa ako ni Trevor, saka sinabe nito yung kanyang walang kwentang ideya.

"Doon mo na sabihin yung nararamdaman mo sa kanya. Sabihin mo na…."

"it's nonsense. Everything is nonsense, ano bang pinag-iisip nyo ah?, kung aalis sya edi umalis sya bahala na sya sa buhay nya. Since hindi na nya tayo kelangan bakit pa tayo mag-aaksaya ng oras at pagod para gawin yun sa kanya kung hindi na sya babalik". Ewan ko rin kung bakit ko nasabi ito sa harap ng mga kaibigan kong alam na alam nila na hindi ko masasabi ito kelan man o magalit kelan man kay Ginger.

nagkakatinginan pa silang lahat at tumahimik kami saglit ng makita ni Tristan na palapit sa aming direksyon si Ginger. Kaagad na akong tumayo para iwasan sya. Oo ayaw ko muna syang maka-usap.

"bahala na kayo sa kanya." Iniwan ko pang sabi sa mga kaibigan ko saka ko binitbit yung bag ko at dumeretso ako sa Gymnasuim dahil may practice ng ang team namin mamaya at bilang myembro ng sikat na Basketball team sa buong unibersida sa pilipinas, mapa Private man o Public. Ang Blue hawks ng St. Francis University ang isa sa undesputed Basketball team sa Uaap.

Pero…..

"Bakit wala yung jersey ko?" kinakabahan na ako dahil ilang minuto nalang ay magsisimula na yung practice namin. Mahigpit pa naman si coach/manager kapag dating sa practice. Hays lagot ako nito ngayon. Mukhang mapapalinis na naman ako ng buong Gymnasium. Ayaw ko na ulit mangyari yun!.

Tinawagan ko kaagad si Tristan pero sabi nito mabaho na raw yung jersey nya at ilang linggo na raw nya itong hindi nalabahan. Puta ang tamad talaga nitong isang ito walang kwenta. Sumunod kong tinawagan si Trevor pero sabi nama nito ay nasa bahay raw nito yung locker key nya. Ay medyo tanga!...paano na?. so ano? Dwayne?. Yung mabahon damit ba ni Tristan yung gagamitin mo?. O ano???? Oo nga bakit wala sila sa practice game at bakit ako lang ang nandito at yung ibang members namin?. Puta talaga sila….

Kaagad kong tinawagan si Aling sita.

Sinagot naman nya ito ng mabilis.

"I need my Jersey right now, kelangan mong ipadala ito ngayon na. please"

"Dwayne, masakit yung tuhod ko. Nirarayuma ako"

"Wala akong pakialam, kahit na maputol pa yang paa nyo. Ang kelangan ko yung jersey ko, dali ipadala nyo na, ipa-LBC, money gram, o pa shipping nyo. Lumipad kayo bahala kayooooo basta ipadala nyo"

Pero imbis na si aling sita yung sumagot ay isang babae ang sumagot at sumabat sa usapan naming ng matandang kasambahay namin at alam kong si Pulubi ito.

"Hoy makapag-utos ka para kang boss dyan ah"

"oo boss nyo ako, kaya wag nyong antayin na uminit ang ulo ko't malintikan kayong dalawa pagdating koooooooooooooo" sigaw ko pa sa kanilang dalawa.

"oo pupunta na ako dyan, wag mo nang utusan si aling sita kasi masakit talaga ang katawan nya. Ako nalang ok?...pero…saan ko ba ibibigay yung damit mo?"

"sa dswd, kelangan nila yung para sa mga mahihirap na katulad mo. Ang bobo mo syempre kelangan mong pumunta dito sa school para ibigay sa akin yan. At isa pa…wala na akong oras kaya wag kang kukupad-kupad dyan pagong"

"opo. Sir, demonyo talaga" rinig ko pang bulong nya.

"What?, don't murmuring me Bitch. I need my jersey, pumunta ka na ditooooooooooooooooooooo" saka ko pinatay yung tawag ko sa kanya.

Hays papatayin ko talaga sya kapag hindi sya dumating dito. 15 minutes nalang, ang natitirang oras bago mag-simula yung practice haysssssssss.

Babalatan ko talaga sya ng buhay kapag nahuli sya gamit ang nail cutter.. Grrrrrr!

Pero….alam ba nya kung saan ako nag-aaral?. Hays sana wag syang maging tanga ngayon. Kundi hindi ko talaga alam ang gagawin ko sa kanya.

.....................