webnovel

My Devil Sweetheart

Do you believe when the person you hate the most is the person you'll end up with?

wackymervin · Teen
Not enough ratings
11 Chs

#MDSH 2

MyDevilSweetHeart

#MDSH 2

Trevor's POV

Kakatapos ko lang maka-kilala ng isang babaeng napaka-cute. Oo sobrang attractive sya kahit na gusot-gusot na ang damit nito, kanina ko pa napapansin na parang kakaiba na yung galaw ng babaeng naglalakad sa kahabaan ng Pasay. I was planning to go to Sm Mall of Asia, to meet my Friend Harvey. He was texting me kasi na kasama nya si tita Aryesa. Kadarating lang kasi ni Harvey galing sa Samar Trip namin. Kasama pa namin si Ginger that time ang MU friend ni Harvey. Ayaw ko ng magkwento ng sa storya ng pag-lolokohan nila bahala sila dyan.

Balik tayo sa babaeng nakita ko. Nahilo sya sa daan, kaya bilang isang gentleman. Kaagad akong lumabas sa loob ng kotse at pinuntahan sya. Asking her if she's ok. Pero hindi ito nagsasalita, hindi naman sya matutumba kung hindi sya ok diba?. Tanga talaga!.

Then ipinasok ko sya sa loob ng kotse, at mukhang walang kasama, pinalaksan ko yung temperature ng aircon dahil sobrang init ng oras na iyon kaya siguro na hilo at natumba itong babaeng ito dahil sa temperatura ng araw na iyon. Kinuha ko pa yung tubig ko at pinainom sa kanya. Pagkalipas ng ilang minuto ay nagising ito. Parang isang batang bagong gising, ang cute nya. Napangiti ako noong nagising na sya. Dahil sa wakas ok lang sya.

Hindi ko lang maintindihan kung bakit medyo parang umiwas sya sa akin noong nagising na ito. Nakakatakot ba yung mukha ko?. Gwapo naman ako, at iki-claim kong gwapo ako kasi sarili ko ito. At sa totoo lang gwapo talaga ako. Promise walang halong panloloko, Gwapo ako. Paulit ulit?.

Nakayuko ito noong muling nagsalita. At nagpasalamat sa magandang ipinakita kong pagtulong sa kanya. May inaantay raw itong isang kakilala sa moa. At nawalan raw ito ng gamit. Actually hindi sya kapani-paniwala, pero hindi ko maiwasang matawasa pagkwekwento nya.

She came from samar, kung saan nga galing kami kahapon, at nawawala nga raw ang gamit nito noong sumakay ito sa bus. Kahit na cute sya ay hindi ako gaanong naniwala sa kanya kaya tinatawanan ko nalang ito. Pero mas naniniwala ako na hindi pa sya kumakain, kaya nagdesisyon akong dalhin ito sa isang restaurant at doon kumain.

Pagkatapos naming kumain at nagyaya na itong umalis at sya nalang ang maghahanap mag-isa doon sa ka-meet up nya. Pero bago ko pa sya iniwang mag-isa ay iniwan at binigyan ko sya ng isang signature move ko.

I kiss her left cheek, which makes her blush ng oras na iyon. Saka umalis.

Then I received a text message galing sa bestfriend kong si Harvey.

Wala na ako sa moa, nandito ako kanila Dustin. Daanan mo nalang si Tristan kasi we have an Urgent practice ok?.

Sabi pa nya. I deeply sigh, wala naman akong magagawa kundi ang sundin sya. Sya kasi ang leader ng Banda naming ChalkHeads. Oo meron kaming banda at mga rockers kami. Yeh let's rock the world. Haha pero hindi kami yung medyo punkista o durugista. Chill lang kami. Medyo sikat kami noong highschool at ngayon ay tumutugtog kami sa iba't ibang mga bar para mas makilala.

Nagreply ako kay Harvey.

Yes Boss, i'll be there in a few minutes.

..................….

Pagkatapos kong daanan si Tristan sa bahay nila ay dumeretso na kami kanila Dustin para sa isang Urgent na practice according to our leader. Pagka-diretso namin sa loob ay naabutan naming nag-sstraming na itong si Dustin samantala, may kinakabisadong kanta si Harvey.

"Oohhh, mukhang busy ata kayo ah?" bungad ko pa sa kanila saka ko ibinaba ang gitarang dala ko.

"Magiging busy tayo this Week kasi may surpresa ako sa inyo" bungad din sa akin ni Harvey, binitawan pa nito ang hawak nyang lyrics ng kanyang kinakabisado, saka pumunta doon sa kanyang laptop at binuksan ito.

"Ano yung surpresa Bro? may Girlfriend ka na ba?" biro pa ni Tristan kay Harvey.

"Gago, wala akong balak magka-girlfriend kasi meron na ako" sagot pa ni Harvey.

"Sino? Si Ginger?. Hahahah alam ba nya?" pang-asar pa ni Dustin.

"Mga kaibigan ko ba talaga kayo?, mga leche kayo" mabilis talagang uminit ang ulo ni Harvey kapag si ginger na ang pinag-uusapan.

Binuksan ni Harvey ang kanyang email at may ipinakita ito sa amin.

"Here" sabi nya saka binuksan ang isang email. Nan-laki ang mga mata ko, at ganun din sila Dustin at Tristan.

"What? We are the Front act ng benefit concert ng parokya ni Edgar sa Cebu?" napanganga pang sabi ni Dustin kay Harvey.

"Yes pre, nakamit din natin yung dinadalangin natin. Actually pinilit ko yung manager ng PNE na tayo yung magfront act. Dahil sa pinakita nating video sa kanila na kung saan ay umabot ng 900k view at ilang views nalang eh mag-iisang million na sa version natin ng Your Song. At nagka-usap nga kami kanina, at yun they decide na isama tayo sa kanilang Benefit concert. Wala raw tayong bayad pero ok na iyun, hindi rin naman natin kelangan ng pera o kita, ang kelangan natin eh yung spotlight na maibibigay sa atin ng PNE. Oppurtunity narin natin ito na maka-jamming sila diba guys? Isn't it exciting?"

Oo kitang kita sa mukha ni Harvey na sobra syang exciting sa concert na ito. Oo naman pangarap naming maka-jamming ang PNE it was a dream come true sa mga pausbong palang na bandang katulad namin. At hindi lang sila yung gusto naming makasama, ang the Great E-HEADS ang syang gusto naming makasama. Sila ang mga inspirasyon namin, sa pangalan ng banda namin.

Chalkheads. Oo kahit na walang ulo yung chalk kasi lahat ng point nya ay pwede mong ipang-sulat. It was harvey's idea sa pangalan ng Banda namin. Pero wala narin akong nagawa kundi ang sundin sya dahil sa sya naman ang leader namin at lagi naman sya ang nasusunod. Hays!

Pero sa isang ito, sobrang naging proud ako sa kanya dahil sa effort na ginagawa nya sa banda namin. At nagbibigay ito ng lakas ng loob sa amin na galing ang pag-practice. Kaagad ko ng kinuha yung gitara ako at nagsimula na kaming magpractice.

Napili naming practisin yung kantang YOUR SONG. Na syang napili ng PNE na aming kantahin  sa kanilang Benefit concert.

Kitang kita sa mukha ni Harvey na pursigido itong galingan ang pagkanta. At bigyan ng sarili nyang flavor yung kantang aming ipeperform.

.....................

Mira's POV

Mag-gagabi na pero hindi ko parin makita yung babae/amo ko na syang magsusundo sa akin dito sa malaking mall na ito.

At dumidilim narin, hindi ko rin alam kung saan ako pwedeng matulog. Hays ano ba namang buhay ito?. Kaya nagpalipas muna ako ng gabi sa isang bench sa mall na ito.

Kinaumagahan.

Ginising ako ng isang Security Guard. Sinabe nito na bawal matulog sa bench at baka may masamang mangyari pa sa akin. Kaya kaagad akong tumayo at umalis doon sa kinauupuan ko.

At napatuloy ako sa paglalakad ng umagang iyon.

Hanggang sa dinala ako ng aking paa sa isang establisyamento na ang pangalan ay.

Yaya Agency. Nakakatuwa yung pangalan ng Agency na ito, hindi makawari na ahensya ito ng mga kasambahay haha. Pumasok ako sa loob, medyo ok pa naman yung suot ko. At hindi naman ako mukhang maruningis. Naglakas loob nga akong pumasok sa building na ito at mag-apply bilang isang kasambahay.

Maraming mga babaeng nakapili sa isang kwarto. Parang may pila ng pamimigay ng bigas na galing kay Mayor ng oras na iyon. Umupo ako sa may dulo. Wala akong maka-usap dahil sa nahihiya akong makipag-usap sa kanila. At pinagtitinginan din ako ng ibang babae, kasi yung iba sa kanila o sabihin na natin yung halos karamihan sa kanila ay halos may edad na, samantala ako yung mukhang bata. Oo bata pa naman talaga kasi ako.

At kelangan kong mag-sinungaling sa edad ko at sa tunay na estado ng buhay ko ngayon para lang maka-paghanap ng matinong trabaho.

May inabot yung isang babae ng isang papel. Saka nya sinabe yung dapat naming gawin. Kelangan raw naming sagutan yung mga tinatanong sa papel na iyon. Noong tiningnan ko yung papel tungkol lang naman sa personal na impormasyon at yung iba ay kung nakapag-aral ka pa at nakapag-trabaho na at kung anong ibang naging trabaho noon.

Mabilis kong sinagutan at saka isa-isa kaming tinawag at pinapunta doon sa susunod na kwarto, bawat labas ng mga babae sa kwartong iyon ay nag-iiyakan yung iba. Ano bang meron doon at kapag lumabas sila ay umiiyak sila?. Kinabahan na ako dahil, tatlong tao nalang ay ako na ang susunod.

Pagka-lipas pa ng ilang minuto ay tinawag na ang pangalan ko. Masigla akong tumayo at sumunod doon sa babae saka ako dinala sa kabilang kwarto na kung saan naglalabasan yung mga babaeng nag-iiyakan.

Iniwan ako kaagad ng babaeng nagdala sa akin sa kwarto pinasukan ko.

"Have a seat Miss…Santos" sabi pa nya sa akin. At sinunod ko naman sya. Nakangiti lang ako sa kanya habang binabasa nito ang isang papel na pagkaka-alam ko ay yung papel ko na yung binabasa nya.

"18 years old ka na tama ba?"

"Opo" sagot ko.

"wala ka pang Experience na magtrabaho tama ba?" tanong nya ulit.

"opo first time ko lang po"

"Bakit hindi ka nag-aral ng kolehiyo?" pagsisiyasat pa nya sa akin. Napalunok ako at huminga ng palihim.

Itiningala ko yung ulo ko at tumingin ng diretso sa kanyang mga mata saka ako ibinuka yung bibig ko at nagsalita.

"hindi po kasi kaya ng aking pamilya na ipagpatuloy yung pag-aaral ko sa kolehiyo, kaya nandito po ako at naghahanap ng trabaho, at naisip ko po na ang pagiging kasambahay ang magbibigay sa akin ng kahit konting ipon na syang aking magagamit sa pagtulong sa aking pamilya at para narin makapag-ipon ng aking pag-aaral para sa susunod na pasukan ay maka-pag-aral na ako ng kolehiyo"

"Impressive. Hmmm sa tingin mo masusustain ng pagiging Kasambahay mo ang pag-aaral mo sa kolehiyo?"

"Hindi po" kaagad kong sagot.

…hindi po kasi, alam naman po natin na hindi gaanong mataas ang sweldo ng isang kasambahay pero yung opportunidad na maka-pagtrabaho ka at maipakita mo sa magiging amo mo na pursigido kang magtrabaho hindi dahil sa pera kundi dahil gusto mong makapag-aral, may mga malalambot naman pong mga amo dyan, at naniniwala po ako na meron at meron po akogn makikitang among ganun. Na magbibigay ng konting biyayang kanyang natatamo at baka maipag-paaral pa nya ako, at kapag nangyari po iyon eh sobrang tuwa't at galak ang aking mararamdaman. At isa pa po mag-aaral po talaga ako ng mabuti"

Medyo mahaba na ata yung sinabe ko. Pero hindi ko naka-kitaan ng pagkaburyo yung aking kausap. Nakatutuk ito sa akin habang nagsasalita ako ng buong oras na iyon. Para bang ang sarap nyang kausap kahit na wala atang ginawa ang kilay nya kundi ang manatili sa itaas ng kanyang noo.

"Pasok ka na" nakangiti pang sabi nya. Maganda pala sya nakapag nakangit. Pero anong ibig sabihin nya na pasok na ako? Pasok saan? Sa banga?. Hindi ko maintindihan.

Pero unti-unting pumapasok sa aking isipan yung sinabi ng nag-iinterview sa akin. Pasok na ako? Pasok na ako sa trabaho. Ibig sabihin ay tanggap na ako bilang isang Kasambahay.

Halos mangiyak-ngiyak ako noong naintindihan ko na ang sinabe nya.

"Masaya ka ba?" tanong nya sa akin.

"opo, gusto nga po tumalon ng mga paa ko, pwede po ba?" tanong ko pa sa kanya.

"Go ahead" utos pa nya sa akin.

Saka ako tumayo sa kinauupuan ko at nagtatalon sa saya. At lumapit ulit ako sa kanya, saka kinamayan ito't nagpasalamat ng ilan pang beses.

Paglipas ay may ibinigay sya sa akin isang sobre, at gaya ng sabi nito  ay ihahatid ako ng ahensya sa magiging amo ko. O diba sosyal sila?. Maalaga sila sa mga trabahador nila.

"Ikaw talaga yung hinahanap namin para sa pamilyang ito. Hindi sila basta-bastang pamilya ah, halos 15 kasambahay na ang umaayaw sa kanila, hindi ko malaman kung bakit nag-aalisan ang mga kasambahay nila sa kanila pero sana ikaw na yung huli ok?. At sana matupad mo yung pangarap mo huh? Galingan mo Marikit" bigay na word of encouragement pa sa akin ni ms. Interviewer.

Saka na ako nagmadaling sumakay sa van na syang magdadala sa akin doon sa magiging amo ko. Wala akong ibang dalang gamit at sinabe ko na wala akong ibang gamit kaya kaagad na akong sumama. Sa tingin ko naman ay may mga gamit yung mayamang amo ko kaya sigurado akong may ibibigay sa akin yung masusuot.

Pagkalipas ng isang oras ay nakarating narin kami sa Ayala Alabang Village. Ang daming mga magagandang bahay sa village na ito. Hays saan kaya sa mga bahay na ito ang bahay na pagisislbihan ko.

"Dito na tayo" sabi pa ni manong driver. Bumaba narin ako bitbit yung konting mga damit na ibinigay sa akin sa agency. At saka nakaharap sa isang malaking bahay. Kulay puti ang kulay ng bahay, na may kahalong kulay ng brown. Ang ganda sa mata yung kulay ng bahay, pero ang pagtataka ko lang ay bakit parang puro salamin ang bahay na ito?.

Nag-doorbell na ako, saka may isang babae ang lumabas. Nakasuot ito ng kasambahay na uniform. Ang cute ng magiging uniform ko hihi.

Ipinakilala ko ang pangalan  ko sa babaeng iyun, kausapa ko sya sa maliit na pintuan, konti lang yung uwang ng pintuan. Habang nag-uusap kaming dalawa. Pagkatapos ay kaagad nya itong sinarado at pagkalipas ng ilang minuto ay bumalik ulit ito sa kanyang pagbalik ay may kasama na itong magandang babae. Siguro ito yung magiging amo ko. Ang ganda nya. Una kong nasabi sa sarili ko.

"Are you Miss Marikit?" tanong nya sa akin. Umuoo ako, niyuko ko yung ulo ko ng bahagya. At saka sya lumapit at saka ako kinamayan.

"By the way I'm Aryesa Pascual, ako ang magiging amo mo. Welcome to Pascual Residence" sabi pa nya sa akin. Welcome? Ibig sabihin ay welcome na welcome ako sa bahay nila?. Haha assuming! Magiging katulong ka sa bahay na yan hindi ka bisita.

Pumasok na ako sa bahay na syang magiging pangalang bahay ko. Ano kaya nag magiging buhay ko sa bahay na ito?