webnovel

My Devil Sweetheart

Do you believe when the person you hate the most is the person you'll end up with?

wackymervin · Teen
Not enough ratings
11 Chs

#MDSH 1

MyDevilSweetHeart

#MDSH 1

Mira's POV

Ako nga pala si Marikit "Mira" Santos. Ang panganay na anak nila Mercedez Ligaya Santos at Lando Jose Santos. May 6 akong mga kapatid, Sina Maligaya, Maganda, Makisig, Maliksi, Malusog at ang bunso si Makata.

At nasa byahe ako ngayon ng isang bus papuntang maynila upang magtrabaho at tulungan ang aking pamilya sa mga gastusin, at sa pag-aaral ng aking mga nakakabatang mga kapatid. Hindi na rin kasi bumabata sila inay at itay kaya bilang isang panganay responsibilidad kong tumulong kahit na labag sa damdamin pa nila ang pag-alis ko.

Huminto ang bus sa may bus station sa may isang bayan. Mag-aalas 3am na ng umaga at kailangan ng ibang pasahero na bumaba upang hindi abutan ng pag-dumi at pag-ihi sa loob ng bus, baka raw kasi pumutok na ang mga pantog ng ibang pasahero sa loob ng bus habang nasa byahe.

Idinilat ko ang aking mga mata at nakita kong muli yung lalakeng nambastos sa akin, paano ko ba naman hindi ito makikita eh. Konting agwat lang ang aming upuan, kahit na gusto kong iwasan syang tignan ay hindi ko magawa hindi ko rin alam kung bakit?.

"Mahal ang pag-titig sa akin" reklamo pa nya sabay irap sa akin ng kanyang kilay.

Hindi lang sya ubod ng yabang kundi, makapal din ang pagmumukha nya, akalain nyo ba namang pag-bintangan akong tumitingin sa kanya? Huh? As if naman na gusto ko syang tignan. Kahit na maganda yung mukha nya. May bilugan at itim ang kanyang mga mata. Mapula din ang kanyang labi, parang kulay cherry sa pula?. Makinis din ang kanyang mukha, parang hindi uso ang Blackheads o Pimples na hindi pwedeng tumambay sa kanyang mukha.

Ang puti din ng kulay ng kanyang balat. Halatang alagang alaga ito, may katangkaran din sya at higit sa lahat mukha syang model ng head n shoulders sa ganda ng bagsak ng kanyang buhok. Hindi rin tumatambay ang scalp o kuto sa kanyang buhok.

Perfect nga sya kung tignan pero sumasama lang dahil sa kanyang ugali.

"Magkano?" kunwari ko pa syang pinatulan ang pang-asar nya sa akin.

"Isang Million" ngumiti ito ng konti sabay lumabas yung maliit na dimple sa kanyang kaliwang pisngi.

"huh? Isang million?. Pagtitig lang? paano pa kapag hinalikan kita?" oppps bakit ko nasabi yung mga salitang iyon. Hays ok lang hindi naman nya ako kilala eh. At alam ko hindi narin kami magki-kita, sabi nila napaka-laki ng maynila kaya nakakasiguro ako na hindi kami magkakasalubong sa daan o sa mall kung aalis man kami ng amo ko.

"So gusto mo pala akong halikan?, kapag hinalikan mo ako, hmmmm you'll be my slave forever"

Slave? Yun ba yung part ng damit? Slave? Weeeh??? Joke ba yun?. Pero ano bang tumatakbo sa utak ng demonyong ito?. Bakit gagawin nya akong slave nya kapag nahalikan ko sya? At wala akong balak syang halikan ah. Kahit sobrang kissable yung lips nya.

Hindi ko na sya pinansin, at hindi narin sya nagsalita. Inilagay nya ulit yung headseat nya sa kanyang tenga at ipinikit muli yung kanyang mga mata.

nagsi-balikan ng muli yung ibang pasahero sa kanilang upuan at muling umandar yung bus at nagpatuloy na kami sa aming destinasyon.

..................…..

"hahalikan mo na ba ako?" tanong ko sa kanya, palapit na ng palapit ang kanyang mukha sa akin, unting unti nalang eh malalapatan na ng kanyang malambot at kulay cherry na labi ang aking labi.

ipinikit ko ang aking mga mata.

sabay…..

Miss….Gising na…miss Gising. yugyog pa ng katawan sa akin ng isang lalake, iminulat ko ang aking mga mata, at nagulat ako sa itsura ni koya. napaurong pa ako sa aking kinauupuan, pero pagkatingin ko ay wala na ang mga tao sa loob ng bus.

"Kanina pa kita ginigising, nasa maynila na tayo" napakamot pa ito sa kanyang ulo at tila medyo naiinis sa akin, timingin pa ako sa paligid dahil parang may nawawala sa akin. hinanap ko sa baba ng aking upuan, pero wala. ganun din sa compartment sa taas pero wala din, hala….nasan ang mga gamit ko?.

Nataranta na ako, tinawag kong muli yung konduktor ng bus at tinanong kung may nakita ba syang isang malaking bag na kulay Pink na syang pinaglagyan ko ng aking gamit.

"Wala, wala akong napansin. kanina ka pa kasi kita ginigising pero hindi ka magising." reklamo pa nya sa akin, hanggang sa may narinig akong lalakeng nagkumento sa aming pag-uusap sa ibaba ng bus.

"Baka nasalisi ng mga batang hamog dito sa Pasay." sabi pa ng isang lalake, napatingin ako sa kanyang masama, saka lumapit at nagtanong.

"Batan g hamog? sino po sila?" pagtataka ko.

"Iha, nasa pasay ka. at maraming mga masasamang tao naglapana dito, baka yung mga taong iyon ang mga kumuha ng mga gamit mo"

"Saan ko po sila mahahagilap?"

bigla na silang nagsitawanan.

"Ano po bang nakakatawa sa tanong ko?" inirapan ko pa sila ng aking mga mata.

"Hindi mo na makikita yung gamit mo. kung ako sa iyo pumunta ka na sa police station at doon ka nagmagreklamo, kahit ngumuwa ka pa ng dugo dito hindi mailalabas ng mga tao dito ang nawawalang gamit mo"

natulala ako sa sinabe ni kuya sa akin. sinamahan ako ng isang ale na pumunta sa pinaka-malapit na police station doon, hanggang sa oras na ito ay lutang parin ang isip ko. nandoon kasi ang mga importanteng mga gamit ko.

ang cellphone na syang pangkontak ko sa aking pamilya sa probinsya. ganun din ang mga papels na nagpapatotoo na 6 na buwan nalang ay magdedese-otso na ako. ang mga Diploma ko simula noong Kinder hanggang highschool. at ang mga pictures ng aking mga kapatid.

halos maingay iyak na ako sa lungkot. at kasabay pa nito ang pag-arangkada ng kabog ng aking nag-aaway na lamang loob dahil sa gutom na gutom na ako ng oras na iyon.

mag-aalas dyes na pero hindi parin ako kumakain. interview ako ng isang pulis tungkol sa pagkawala ng aking gamit pero hindi ito nakafocus sa akin, kundi sa pagtetext nito. busy sya sa pagtetext pero kapag may minuto sya ay tinatype nya ang mga sinasabe ko. pinapaulit-ulit nya ako sa insidenteng nangyari.

kasalanan ko rin daw. oo alam kong kasalanan ko, pero kung sana ay nagbabantay kayo sa lugar tulad ng ganun lugar edi sana maiiwasan ang isang tangang katulad ko na mabiktima ng mga masasamang taong katulad nila.

hindi ko rin masisisi yung mga taong gumawa nun, lalo na sinabe kanina ni kuya na mga batang hamog sila. siguro sila yung mga batang kalye na walang makain, pero hindi parin kasi maalis sa isip ko na gumawa sila ng masama sa kapwa nila para lang mabuhay. ang saklap.

tapos ang sa-sama pa ng tingin at para bang may masamang balak yung mga pulis habang tinititigan ako. paano ko makokontak yung among syang dapat susundo sa akin. nakakainis, nakakabadtrip. gusto ko ng umiyak pero walang tubig luha na syang lumalabas sa aking mga mata.

..................…

Dwayne's POV

mahimbing parin natutulog yung maingay na babae na nakasagutan ko sa bus. haha bahala sya kung may masamang nangyari sa kanya, wala akong pakialam sa kanya.

nagdesisyon akong magbus nalang at magbyaheng mag-isa na hindi na sumabay pa kanila Trevor at Dustin dahil sa pagkabadtrip ko ng oras na iyon. nalaman ko kasi na aalis na at papunta ng Australia si Ginger, ang babaeng sobrang gustong gusto ko. pero hindi ko parin masabi sa kanya na gusto ko sya. alam ng buong barkada na may pagtingin ako sa kanya at alam din siguro o may ideya narin siguro si Ginger na may gusto na nga ako sa kanya.

kababata ko sya at sya lang ang nag-iisang babaeng close ko, aside from my mom. at the rest puro lalake na.

kabababa ko palang sa bus station sa may Pasay. ng magvibrate ang phone ko, kinuha ko ito sa aking bulsa sa tinignan kung sino ang tumatawag sa akin. at kaagad ko itong sinagot noong makita kong si mommy ang tumatawag sa akin.

"Where exactly you are right now?" medyo galit nyang boses sa likod ng telephono. siguro ngayong mga oras na ito ay nabalitaan na nyang hindi ako sumabay kanila Trevor at Dustin ganun din kay Florence napakamot ako ng ulo habang naghahanap ng idadahilan ko kay mommy.

"Don't worry mom, malapit na ako"

"hindi mo sinagot yung tanong ko, nasa pasay din kasi ako, nasan ka na ba?"

saka sinabe ko na sa kanya kung nasaan ako. inaantay din kasi ni mommy yung bago raw naming kasambahay na dinala ni Aling Juliana galing sa kanilang Probinsya. pero mag-dadalawang oras na raw ay wala parin yung babae, sinabe raw kasi ni aling juliana kay mommy na naiwan ito sa probinsya dahil i-lbm raw ito kaya inaiwan ng bus. at yung babaeng nag-ngangalang marikit na syang pinadala nya bilang bagong kasambahay nga namin ang kanyang kapalit.

nakita ko na si mommy na nag-aantay sa may starbucks sa sm mall of asia. nilapitan ko sya na parang walang nangyari at kaagad ko itong hinalikan sa kanyang noo.

"May kasalanan ka sa akin, you didn't inform me na hindi ka sasabay sa mga kaibigan mo? what's the problem?, nag-away-away na naman ba kayo?"

hays ang mommy ko talaga. umandar na naman ang pagiging tsismosa nya. hays her name is Aryesa Liezel Pascual. ang nag-iisang may-ari ng Pascual Airlines.  oo nag-iisa kasi ipinamana na sa kanya ng lolo ang buong kumpanya bago pa man ito malagutan ng hininga, pero imbis na tumira si mommy sa malaking bahay na ibinigay sa kanya ni lolo, mas gusto parin nito ang simpleng buhay. na kasama ako at ilang mga kasambahay. nga pala baka isipin nyo kaya ganito ang ugali ko kasi nag-iisang anak lang ako.

no. I have a big brother, but unfortunately his working as model sa ibang bansa. at wala akong pakialam sa buhay nya. matanda na sya bahala sya sa buhay nya. haha pero close kami nun. siguro magtataka rin kayo kung bakit hindi ko nabanggit yung pangalan ng daddy ko?. kasi 5 years old palang ako noong namatay ito sa kanyang sakit. at ayaw ko na munang balikan yung mga ala-alang iyon dahil nagiging malungkot na naman ako sa twing naalala ko yung mga oras na iyon.

pero kahit na kaming tatlo nalang ang magkakasama, este dalawa nalang  pala ay masaya parin kami at maligaya. kasi andyan naman ang barkada.

"Ano hindi parin ba dumating yung bagong katulong?" tanong ko kay mommy sabay umupo sa tabi nya at ininum yung kapeng inorder nya. hinampas pa nya ako sa ginawa kong pag-inom sa kape nya. at inutusang bumili ako ng sa sarili ko. pagkatapos kong makuha yung order kong frappocinno.

ay umupo ulit ako at saka nakita ko sa mukha ni mommy yung pag-aalala dahil wala parin at hindi parin nito makontak yung number na ibinigay ni aling julian doon sa babaeng magiging bago naming kasambahay.

medyo pasaway sya ah?. kakaibang amo itong si mommy kasi sya pa ang sumusundo sa mga alila nya. pero ayaw na ayaw ni mommy na tinatawag kong mga alila yung mga katulong sa bahay. dahil raw nag-tatrabaho sila para sa pamilya nila at hindi para lang kawawain ko raw.

pero para sa akin. sinuswelduhan ko sila kaya kung anong gusto kong iutos sa kanila ay dapat nilang gawin at walang kasamang pagrereklamo't pagdabog.

nagpasya na si mommy bumalik sa bahay at tinawagan nito ang Katulong Agency. oo may agency ng mga katulong. hehe at sinabe nila nag bukas na bukas din ay may ipapadala na silang bagong katulong sa bahay. haha may bago akong laruan. sana medyo bata kasi kapag matanda…boring!.

...................

Mira's POV

pagkalipas ng ilang oras dahil sa parang wala parin namang feedback at ibinibigay sa aking sagot itong mga walang kwentang opisyal ng kapulisan ay umalis na ako. dahil baka kapag inabutan pa ako ng gabi dito ay baka, ano pang mangyari sa akin.

ang init dito sa pasay. oo naglalakad ako papunta doon sa isang mall. ang laki ng mall ng iyon. tinanong ko pa yung isang babaeng nakasalubong ko at sabi nito na sm mall of asia ang tawag sa malaking mall na iyon.

sa probinsya namin Gaisano ang pinaka-malaking mall pero tila 10 beses na mas malaki itong mall na ito kesa sa mall namin sa probinsya.

tuyot na yung laway ko. uhaw na uhaw na ako. konting lakad pa at malapit na ako sa mall. ay mali pala ako. feeling ko ay naglalakad ako sa disyerto sa sobrang initi dito. wala man lang mga kapuno-puno sa lugar na ito, kundi mga malalaking mga establisyamento lang. wala rin gaanong magandang at masarap na hangin dito, kundi ang mababaho at kulay itim na usok na nang-gagaling sa mga tambutso ng mga kotseng nagliliparan sa kalsadang ito.

ilang hakbang pa ay natumba na ako. booooooooooogsh.

nasa ulirat pa ako, pero wala ng lakas ang katawan ko. may bumuhat sa akin, malabo na ang paningin ko pero nakita ko na lalake ang bumuhat sa akin at may tumulong pa sa kanya na ilagay ako sa loob ng kotse nito. doon ay nakaramdam ako ng malamig na hangin.

at may kung anon itong inilagay sa akin ulunan dahilan para gumanda yung pakiramdam ko. nang lumipas ng ilang minuto ay naging ok na ako. pinilit kong itayo ang katawan ko pero nangangawit parin ito sa paglalakad ng malayo.

"Miss ok ka na ba?" tanong pa sa akin ng lalake.

nanlaki ang mga mata ko, nang masilayan ko ang kanyang mukha. shete ang gwapo nya. bilugan din ang mga mata nya. at ang cute ng buhok nya parang buhok ni justine bieber, maputi din sya at halatang mayaman. ang ganda pa ng porma nya ng oras na iyon. nag-aalala yung mukha nito noong tinanong nya ako.

huminga ako ng kaunti. humugot ng lakas ng loob para sagutin sya. oo nahihiya akong kausapin ang katulad nya.

"Ok na ako…salamat" sabi ko pa na nakayuko.

"Bakit ka naka-yuko?, mukhang naliligaw ka ata. taga saan ka ba?"

"Taga-Samar Leyte" sagot ko.

tumawa sya at hindi ko maintindihan ang mga taga maynila sa twing may sinasabe akong sagot sa kanilang mga tanong ay nagsisitawanan sila.

"Sorry ah, ang gusto kong itanong eh, kung saan ka nakatira dito sa maynila"

"wala, Taga Samar nga ako at nandito ako para maghanap ng trabaho."

"ah?. ok. so may nahanap ka na ba?"

"meron na sana pero…." sabay tumunog yung tyan ko. as in ang lakas lakas ng reklamo ng tyan ko ng oras na iyon. sabay pa kaming nagka-tinginan ng gwapong lalakeng ito. at sobrang akong nahiya sa nangyari.

ngumiti pa sya at sinabe nito sa kanyang driver na kelangan na naming dumeretso sa mall.

sa mall ay sinama ako ni mr. pogi oo mr. pogi ang tawag ko sa kanya kasi hindi ko pa sya kilala, haha hindi parin kasi ako nagpapakilala sa kanya. shete tama ang hinala ko. ang daming mga gwapong nilalang dito sa maynila. ooppps pero hindi ito yung habol ko sa pagpunta ko rito. pumunta ako rito upang magtrabaho at para hindi maglandi. pero hindi ako malandi ah. maganda lang talaga ako.

habang naglalakad kaming dalawa, sunod lang ako ng sunod sa kanya. nakikita ko na busy ito sa kaka-text. at nakarating na kami sa isang sosyal na restaurant. pinaupo ako ni mr. pogi at saka tinawag nito yung waiter para kunin ang mga order namin.

"Alam kong gutom ka na, kaya umorder ka na" nakalatag ang mga listahan ng mga pagkain na syang aming pag-pipilian. ang sasarap ng mga pagkain dito, picture palang ang sarap na paano pa kaya kapag nakain ko na?. hays.

nakatitig lang sya buong minuto habang pumipili ako ng aking kakainin. pinili ko yung pamilyar na pagkain, pasta sya pero hindi ko maintindihan yung pangalan nya. fetocinni hays kahit iespell ko sa utak ko ay ang hirap parin.

"that's was my favorite also" sabi pa nya.

"Give me Two Fetocinni pasta, at samahan nyo na ng bestseller Drinks at Dessert nyo ah" sabi pa nya. bestseller? huh? ibibg sabihin yung pinaka-masarap at pinaka-mahal na pagkain dito ang oorderin nya.

"uy" kinuha ko pa yung attensyon nya pagkatapos umalis ng waiter.

"ano?" nakangiti sagot nya sa akin.

"Wala akong pambayad" pabulong ko pang sagot sa kanya.

sa pangalawang pagkakataon ay tumawa ito ng malakas, oo sa oras na ito mas malakas yung tawa nya kumpara sa loob ng kotse kanina.

"?????"

"Sorry ah?. alam ko naman nawala kang pera, kaya nga kita nililibre eh. kung may pera ka edi sana hindi ka na nagutom at nahilo sa daan. at isa pa kanina pa tayo nag-uusap eh hindi ko man lang alam ang pangalan mo"

oo nga tama sya. hays ang bobo ko talaga.

"Ako nga po pala si Marikit Santos, pero tinatawag po ako ng mga kaibigan ko na Mira"

nakipag-shake hands sya sa akin noong sya naman ang nagpakilala.

"Ako naman si Trevor Dimasalang, you can call me Baby"

huh? baby? ano raw?

"Joke" kaagad na habol nya. saka dumating na yung order namin.

..................…

pagkatapos naming kumain ay nagpasalamat na ako sa kanya. at nakarating narin kasi ako sa mall na kung saan ay hahanapin ko yung amo ko na nag-aantay sa may isang sosyal na café raw? sabi ni aling juliana.

"ok na po ako, salamat"

"may uuwian ka ba?"

sobra sobra naman kung uuwi pa ako sa kanila, at hindi rin dapat ako kaagad magtiwala sa kahit sino dito?. pero mabait naman sya at ramdam ko iyon. idagdag mo pa ang mala-anghel na pagmumukha nya.

"meron po, kapag nakita ko na po yung amo ko dito eh doon na po ako titira sa kanila"

tumawa pa sya ng marahan. saka tumalikod.

"sige, mauna na ako sa iyo. Bye Mira" pasakay na sya ng kotse ng bigla itong napahinto at bumalik sa kinatatayuan ako.

"may nakalimutan ako" sabi nya palapit ito sa akin.

"ano yun?" pagtataka ko pa.

sabay hinalikan nya ako sa pisngi.

nanlaki ang mga mata ko sa ginawa nyang iyon. hinalikan ako ng taong kakakilala ko palang. at sa harap pa ng mga maraming tao.

"Mag-ingat ka ah?, at sana magkita pa ulit tayo" nakasakay na saya muli sa loob ng kotse nito kumakaway habang umaandar ang kotse palayo sa aking kinatatayuan.

hays saan ko naman kaya hahanapin yung amo ko dito? at saan ko mahahanap yung sosyal na kapihan dito? ang laki ng mall ng ito. tulungan nyo ako please.