webnovel

My Devil Sweetheart

Do you believe when the person you hate the most is the person you'll end up with?

wackymervin · Teen
Not enough ratings
11 Chs

My Devil Sweetheart

|MyDevilSweetHeart|

|Written By: Mervin Canta|

 

#Introduction

Tumingin ako sa labas ng aming bahay. Ang lugar na kung saan ay kailangan kong lisanin para sa aming kinabukasan. Hindi man gusto ng aking mga magulang ang aking gagawin pero kelangan ko itong gawin bilang panganay sa aming magkakapatid.

Marami na akong sinakripisyo pati na rin ang pag-aaral ko sa kolehiyo ay pinaubaya ko sa matalino kong mga kapatid. Sa totoo lang mahina talaga akong mag-aral pero maabilidad naman ako sa ibang bagay.

Sa aking pakiwari eh, mas kelangan nila ang mag-aral kasi kung ipagpapatuloy ko yung pag-aaral ko sa kolehiyo mahihinto sila sa pag-aaral?. Kaya mas pinili ko nalang na maghanap ng trabaho para mas makatulong ako sa aking pamilya.

Hindi narin kasi bumabata sila inay at itay. Kaya bilang isang panganay responsibilidad ko na tulungan sila kahit na hindi pa nila sinasabe.

Nag-lalaro sa labas ang mga kapatid ko, habang pasimple kong inililigpit yung mga gamit na syang gagamitin ko sa aking pag-lisan at pag-punta sa maynila.

"Ok ka lang Ate?" biglang pumasok si Maligaya ang pangalawa kong kapatid, nakatitig ito sa aking habang niyuyupi ko yung mga gamit ko. Lumapit pa ng konti si ligaya at tumabi ito sa aming hinihigaan.

Ang ganda ng kapatid ko, kasing ganda ko :P

"Mag-aral ka ng mabuti, kung may kailangan ka, tawagan mo lang si ate ok?"

"Ate wala naman kaming cellphone?" reklamo pa nya.

Oo nga pala, ako lang ang may cellphone tapos dadalhin ko pa ito sa maynila. Napakamot ako ng ulo saka niyakap ko si Maligaya.

"Maki-text ka nalang kay Celia, wag mo lang damihan yung text mo kasi magagalit yun eh" nakangiti ko pang sabi sa kapatid ko.

Pagkalipas ng ilang minuto ay pumasok din sa kwarto si inay, nakaduster ito gaya parin ng dati, gulo-gulo ang buhok, kagagaling lang nito sa labada sa bahay ni aling sita na tamad maglaba.

Basa pa yung damit nya nang lumapit ito sa akin.

"Anak….sigurado ka na ba talaga dyan sa desisyon mo?, hindi ka na ba namin pwedeng  mapigilan pa?" tanong pa sa akin ni inay habang hawak hawak nito ang aking kamay. Ngumiti ako ng kaunti, ayaw kong magpakita na mahina ako, gusto ko na malakas ako sa harapan nila. Pero yung totoo, ayaw ko na nakikita si inay na ganito, malungkot sa aking paglisan.

Unang beses ko palang itong gagawin at sadyang nahihirapan ako sa pagdedesisyon, sa sobrang hirap ko magdesisyon inabot ako ng isang araw sa pag-dedesisyon ko. Ganun ako nahirapan.

"Wag na inay, wag na nating ipag-pilitan. Sa pagbalik ko mayaman na tayo. Ipinapangako ko"

Sabi ko pa kay inay pero binitawan nito yung kamay ko saka ngumisi.

"Palabiro talaga itong anak ko, magkakatulong ka lang sa Maynila hindi ka mag-aasawa ng mayaman" sabay ngumiti pa ito ng kaunti.

Sumagot ako sa kanya at ito ang sinabe ko habang nakataas ang kilay.

"Nay, sa ganda kong ito maraming mga lalakeng taga maynila ang mahuhumaling sa akin."

Pero hinampas ako ni inay. Kaagad akong humingi ng paumanhin sa sinabe ko,

"Joke lang po yun kayo naman" at niyakap sya ng kay higpit.

..................…

Huling hapunan na kasama ko ang aking pamilya. Dahil mamayang alas 6 ay aalis na ako papuntang maynila kasama si Aling Juliana. Na syang magdadalasa akin doon sa amo nya sa maynila.

"Ate yung sinabe ko sa iyo ah" sigaw pa ni Makisig.

"Ate yung pangako mong BrickGame ah" sabi naman ni Maliksi.

"Basta sa akin yung pagkain ah?" nakakatawang sabi naman ni Malusog.

"Ate, ok na sa akin yung bagong damit" mahinang sabi pa ni Maganda.

"Ate yung librong sinabe ko sa iyo yun ang gusto ko" hila pa ng kamay ko sabi ni Maligaya.

"Basta ate, babalik ka ah." Mahina at walang kalungtay luntay na sabi ni Makata. Si makata ang bunsong kapatid namin. Sa edad nyang tatlong taong gulang ay tuwid na ito magsalita, at likas na matalino itong kapatid ko.

Napahinto ang lahat sa sinabe ni Makata. Napatingin sila sa akin lahat. Na para bang inaantay nila ang sasabihin ko at ang isasagot ko sa mga hinihiling nila.

Pero imbis na ako ang masalita ay si itay ang syang nagbigay ng paliwanag sa akin para sa aking mga nakakabatang mga kapatid.

"Ang Ate Marikit nyo ay magtatrabaho sa maynila, ang maynila ay parte parin ng pilipinas at hindi sa ibang bansa, kaya yung mga hiniling nyo ay…" napatingin pa sa akin si itay at nakangiti ito.

….Kayang-kaya ng ate nyo, basta lagi lang nating syang ipagdarasal na maging maganda yung kanyang buhay doon at hindi sya magkakasakit, tama ba anak?" tanong pa sa akin ni itay.

Tumangon ako at sumagot ng oo. Si Makata ang nag-simula ng pagdarasal ,pagkatapos niyang magdasal.Saka na kami nagsimulang kumain. Ang huling hapunan ng pamilya Santos.

Nasa labas na ako ng bahay, muli kong sinilayan ang buong bahay na syang aking naging pundasyon ng katatagan, katalinuhan, kaligayan at pagkamaka-dyos. Ang bahay na syang nabigya sa akin ng saya at mga magagandang ala-ala.

Pero siguro ganito talaga ang buhay, kelangan nating umalis at magpaka-layo-layo para naman maranasan natin ang iba't ibang bagay sa mundo na syang magbibigay sa atin ng ala-ala habang narito pa tayo sa mundo.

Kumaway na ako sa kanilang lahat, mahirap man sa akin ang mag-paalam sa aking pamilya't mga kaibigan pero kelangan ko itong gawin para din sa kanila at sa aming kinabukasan.

Sumakay na ako ng tricycle na syang maghahatid sa aming dalawa ni Aling Juliana sa Bayan, si Jose ang syang maghahatid sa amin sa bayan.

Ang pinaka-makisig at gwapo kong kasintahan na tinitilian ng maraming kababaihan dito sa amin lugar.

"Umayos ka Jose ah, napak-gwapo mo pa naman, sumulat ka sa akin ah?. Ibinigay ko sa iyo yung address na syang pag-tatrabahuan ko. Hmmm kapag wala akong nakuhang sulat lagot ka sa akin sa pagbalik ko." Babala ko pa sa kasintahan ko. Ngumiti ito sa akin, saka ngumisi. Sabay nagsabing…

"ikaw ang umayos, napaka-ganda mo pa naman. Baka maagaw ka sa akin ng mga taga-maynila"

"Hindi mang-yayari yun. Ikaw lang ang mahal ko at ang lalaking pakakasalan ko. Kaya kung ako sayo ayusin mo rin yang buhay mo ah?"

"Opo Mahal"

"I love you" sabi ko.

"I love you too" sagot naman nya.

Pagkalipas ng 45 minuto ay nakarating narin kami sa bayan. Mahigpit yung yakap sa akin ni Jose, alam kong sobra nya akong ma-mimiss, pero ibinilin ko naman sya sa bestfriend kong si Tessa at alam ko na babantayan nya ang boyfriend ko sa mga babaeng aaligid sa kanya.

"Tandaan mo, mahal na mahal kita ah" sabi ko pa kay Jose. Saka ako hinalikan nito sa pisngi.

"Mahal din kita Marikit".

At umakyat na kami ni aling Juliana sa bus na syang byahe papuntang maynila.

Pero biglang naihi itong si aling Juliana, saka nag-paalam sa akin na bababa muna sya para pumunta sa palikuran ng Station ng bus.

Inantay ko sya ng ilang minuto. Kelangan din kasing mapuno ang bus para maka-alis kami kaagad at makarating kami ng maaga o di kaya umaga sa maynila.

Pero halos mag5 minuto na ay hindi parin nakakabalik si aling Juliana, kinabahan na ako. Dahilan para bumaba ako upang hanapin sya sa buong palibot ng station ng bus. Pero noong pababa ako ay may nabangga akong isang lalake sa hagdanan. Nahulog sya at ang mga gamit na dala nya.

Boooogsssssssssh.

"Arayyyyyyyyy" reklamo pa ng kanyang likuran sa pagkakahulog nito sa hagdanan ng bus. Kaagad akong bumaba upang tulungan sya pero imbis na magpatulong ito ay tinulak ako nito dahilan para ma-out of balance ako at kamuntikan ng matumba rin katulad nya.

"Ano bang problema mo?" sigaw kong patanong sa kanya.

"Ikaw anong problema mo at binangga mo ako?" mataas ang boses nya at para bang sumisigaw ito. Galit na galit ang mukha nya ng minutong iyon. Pinagtitinginan na kami ng mga tao sa loob ng bus pati ang mga taong naglalakad ng oras na iyon.

"Patawad, hindi ko nakita na may kasalubong ako sa pintuan" humingi pa ako ng tawad sa kanya, kahit na sa tingin ko naman ay wala akong nagawang mali sa kanya. Yun kasi yung turo nila inay at itay na kahit hindi ikaw yung may kasalanan ay humingi ka ng patawad para hindi na lumaki pa yung issue at mahantong sa awayan.

"Sorry?, kung lahat ng mga tao ay magso-sorry. Edi sana wala ng nakakulong sa police station?. Walang kriminal, walang mga mamamatay tao. Hindi sila pwedeng makulong dahil sa paghingi nila ng patawad. You know miss, maganda ka sana kaso tanga ka lang"

"Ano?" singhal kong sabi sa kanya. Lumapit pa ako ng marahan sa kanya upang komprontahin sya sa sinabe nya sa akin. At sa pagbabastos nya sa akin.

"Ang sabi ko maganda ka sa na pero ang tanga ka lang, uulitin ko pa?"

"Ang sama ng ugali mo" sabi ko.

"Wala kang pakialam" bastos na sagot nya.

"Paano mo nasasabi yan sa akin?. Hindi mo ako kilala"

"At wala akong balak kilalanin ka" Sagot nya.

Kumukulo na yung dugo ko sa lalakeng ito, nakapabastos. Walang modo , mukha pa naman syang disenteng tao pero ganito naman kagaspang yung pag-uugali nya?. Hays iba talaga kapag mayaman ka. Walang magandang ugali.

"Humihingi ng tawad ang isang tao dahi sa may nagawa syang mali, hindi ba pwedeng patawarin mo nalang ako at maging ok na ang lahat?"

"What is the use of your sorry if the damages has already done?" paenglish english pa nyang sabi sa akin, akala naman nya hindi ko naintindihan yung sinabe nya.

Maligaya tulong….malalim yung english nya.

"Alam mo kung patawarin mo nalang kaya ako"

"Ayoko ko"

"Ano bang gusto mong gawin ko?"

"lumuhod ka"

Huh? Lumuhod?. Ang sama naman talaga ng ugali nito. Pinagsisigawan na syang ibang pasahero na pabayaan nalang ako nito at tanggapin ko na yung paghingi ko ng patawad sa kanya pero matigas talaga ang puso ng demonyong ito. Patawad sa pag-gamit ng ganitong salita ah? Hindi ko na kasi mapigilan yung sakit sa dibdib ko eh.

Kapag hindi ako nakapagsabi o masabi sa kanya yung mga ganitong salita eh magkakaroon ako ng sakit sa puso.

Kaya….

Lumuhod ako.

Lumuhod ako sa kanyang harapan.

"Sorry na po sir" nakayuko ko pang sabi sa kanya. Pero huli na umakyat na pala sya at pinabayaan akong mag-mukhang tanga sa harapan ng maraming tao. Umakyat narin ako. Ni hindi ko na nahanap pa si aling Juliana. Dahil sabi ng konduktor ay kelangan na naming umakyat at bumalik sa aming kinauupuan dahil aalis na ang bus.

Sa kasamaang palad pabalik ko sa akin kinauupuan ay nasa gilid ko lang ang bastos na mayabang na walang modong lalakeng aking nakasagutan kanina. Nakapikit ito at para bang relax na akala mo ay walang nangyaring eskandalo, o ano mang eskandalong ginawa itong lokong ito.

Nang-gagagalaiti ako habang pinagmamasdan sya. Buti nalang ay marami akong tinatagong kabaitan at pagtitimpi sa aking sarili, kundi nasaktan ko na sya. Huh! Laking bukid kaya ito, kaya kayang –kaya ko syang saktan. Sorry!.

Sorry ulit kasi naging masama yung ugali ko, hindi ko lang talaga maalis sa aking isipan na may isang lalakeng bumastos sa akin. Sana nandito si jose para nailigtas nya ako sa lalakeng ito hays….namimiss ko na kaagad sya.

Huminga nalang ako ng malalim saka idinikit ko ang aking ulo sa ulunan ng upuan at ipinikit ang aking mga mata. Saka nag-daydreaming ng mga magagandang bagay para mawala ang inis at galit sa nangyari kanina.

Nga pala, ako si Marikit "Mira" Santos.