webnovel

Tell the Sheep

Hindi ko kailanman naisip na makakalapit ako ng ganito kalapit kay Zeik. Pero mas hindi ko lubos inakalang magiging ganito ang relasyon namin. Sa tagal ng panahon ng pagkakagusto ko sa kanya ay nakuntento akong panuorin siya mula sa gilid lang. Maging ang pagtitig sa maliliit na kuha sa kanya sa mga litrato ay ayos lang.

"D-Dianne, anong-"

Hindi niya ako pinansin at kinuha ang buong atensyon ni Zeik. Her long jet black hair danced along her graceful movements.

"Zeik. Abegail is your wife. You've been married for six months now," malungkot na pahayag ni Dianne.

Napanganga ako. Firstly because I wasn't informed and second, bakit ako?

"Ah oo. Hindi mo man siya matandaan pero patunay ang singsing na suot ni Abe," ani Louie.

Napatingin silang lahat sa daliri ko na wala namang ni anino ng kahit isang alahas.

"Abe! Why didn't you w-wear your ring? A-Alam kong masakit para sa'yo ang naging aksidente ni Zeik pero think positive! Maaalala ka rin niya," kabadong palusot ni Nica.

Inakbayan siya ni Ash at Rick para matigil sa panginginig ang mga balikat.

"Oo nga naman Abegail! Magtiwala ka naman sa kaibigan namin! He'll remember you sooner or later!" bibong saad ni Min kahit pa halata ang awkward na ngiti.

I gave all of them a weird look. I don't exactly know what they are up too but all I know is that they want me to pretend.

Tumayo si Jay at inakbayan ako. Dama ko sa bigat ng braso niya ang pagnanais na makisakay ako sa usapan nila. "Please say something," bulong niya bago tinapik tapik ang likuran ko.

"Maaayos din ang lahat," dagdag pa niya bago ako layuan.

Lahat na ngayon ay sa'kin nakatingin. Sa huli ay bumagsak ang tingin ko sa lalaking tahimik na nanonood sa'kin at nakaupo sa hospital bed.

"Ah..." Lumunok ako, hindi alam ang sasabihin. "H-Hindi ko pa kaya..." Binukas ko ang bibig para maghanap pa ng sasabihin ngunit nabigo rin.

Pansin ko ang bahagyang pagnguso ni Zeik at ang pagtalim ng kanyang mga mata. Sa sobrang kaba ay hindi ko na kinaya at tinalikuran ko na silang lahat para makalabas.

The air outside the room made me feel alive again. Pakiramdam ko ay nasuffocate ako sa loob. Sumandal ako sa kabilang pader at pinaypayan ang sarili.

Bigla ay bumukas ang pinto at lumabas si Ash na seryosong nakatingin sa'kin. Tulad ng dati ay mahilig pa rin siyang magpamulsa.

Hindi siya nagsalita pero sumenyas siyang sundan ko siya. Just like Zeik's other friends, hindi rin kami close. We never even talked in high school.

Tumigil siya sa paglalakad nang malayo na kami sa room ni Zeik.

"Didiretsuhin na kita. Kakapalan ko na ang mukha ko. Alam kong hindi pa tayo nakakapag-usap nung high school. Ito ang unang pagkakataon. May hihingin lang sana akong pabor dahil alam kong ikaw lang ang may kayang gumawa nito," seryosong aniya.

Sa kanilang magkakaibigan ay siya ang pinakaseryoso. Seryoso si Zeik at mahilig mapag-isa upang magbasa o gumuhit pero hindi siya tulad ni Ash. Ash never really interacted with anyone outside his circle of friends. He's a known bully. He beat up guys.

"Sandali nga, ipaliwanag mo muna kung ano 'yung nangyari kanina. Why did you tell him that I'm his...wife?" naguguluhan kong tanong.

"Dahil sa kailangan."

I waited for him to elaborate more but to no avail. Umirap ako sa kawalan at hinilot ang sentido.

"Bakit nga kailangan? Bakit niyo ako pinagmukhang asawa?"

To be honest, I like the feeling of being introduced as his wife. Iyon nga lang ay hindi ko maintindihan kung bakit nila ginawa iyon.

"What? Why? Ano 'yun? May sakit ba si Zeik? Ano?"

"Oo."

Natigilan ako sa pagsasalita. Did he just...

"Anong sabi mo?" tanong ko.

"Nakalimot si Zeik. Ni hindi niya maalala maging kami o ang mga magulang niya. Lahat ng ito ay kasalanan ng ex niya. Si Sabrina. Nagloko siya kaya naaksidente si Zeik. Ngayon gusto niyang magbalikan sila dahil nalaman niyang mayaman pala si Zeik."

Zeik is sick. Sa dami ng sinabi niya ay iyon lang ang malinaw sa'kin. "Wala na ba siyang ibang sakit?" pag-aalala ko.

"Sa ngayon, wala nang mas malala sa pagkawala ng memorya niya. May mga bali siya pero naagapan na," sagot niya.

Pakiramdam ko ay nanlambot ako. "When did this happened?" I tried to sound like a normal worried classmate.

"Nakaraang linggo. Biyernes ng gabi."

Kinunot ko ang noo. Bakit parang wala man lang siyang pakiramdam? He does not look sad at all!

"Hindi ka ba nalulungkot sa kaibigan mo? Naaksidente siya..." sarkastiko kong saad.

"Ikaw ba?" balik tanong niyang nakangisi.

Nabalik ako sa wisyo. Right! Dapat ay hindi nila malaman ang matagal ko nang pagkagusto sa kaibigan nila.That'll be too embarrassing! Umatras ako nang bahagya at umiwas ng tingin.

I pursed my lips together. "Information overload," nasabi ko bigla. Ni hindi man lang natawa si Ash. He just looked at me with dismay.

"Ok chill. Eh so? Ano namang kinalaman ko? Walang maalala si Zeik. Imposible namang nandito ako para gumaling siya. We never really spent time together before," sabi ko.

Umiling siya. "Walang maalala si Zeik kaso minahal niya si Sabrina. Ang punto namin dito, baka mahalin niya ulit si Sabrina kahit pa hindi niya maalala ang mga nangyari. Nakakalimot ang utak pero hindi ang puso."

Natigilan ako.

Minahal niya si Sabrina...

"Mahirap kunin ang tiwala niya. Maging ang mga magulang niya ay hindi niya mapagkatiwalaan. Parang bumalik siya sa pagiging sanggol kaya kailangan ka namin. Ikaw ang haharang sa mga balak ni Sabrina. Kung palarin ay baka matulungan mo pa siyang mabalik ang mga alaala niya," simpleng aniya.

Kinunot ko ang noo. "Ako?"

"Oo, ikaw nga."

~*~