webnovel

The Desperate

---

"Ms. Taceño, sit beside Mr. Baustista."

"P-po?!" gulantang kong tanong.

Tinaasan ako ng kilay ni Ma'am Avella. "Why? Is there a problem?"

Napanganga ako at nilibot ng tingin ang buong klase. Lahat ay kuryoso sa naging reaksyon ko. Maging ang nga kaibigan ko ay nagtataka sa inasta ko.

"Ah...wala po. N-nagulat lang po sa pagtawag niyo sa pangalan ko."

Ni hindi na ako makatingin sa mga tao. I just admitted being zoned out at Ms. Avella's class!

Dinig ko ang malakas na paghampas niya sa lamesa. "Pasaway ka pala Ms. Taceño. Unang araw mo bilang second year at ganyan ka na umasta. Well, I'll take note of your name. Siguraduhin mo lang na next time ay hindi kita mahuhuli! Now, attention..."

Bumuga ako nang marahas at ngumuso. Lyan pat my back to comfort me.

"Ayos lang 'yan Abe," aniya.

As if on cue, Thea emerged from the crowd in the cafeteria. May dala siyang tray na may tatlong bowl ng mami.

"Oo. Ayos lang mahuling hindi nakikinig ng pinakaterror na teacher sa school." Umupo siya at inilapag ang mga bowl sa lamesa. "I actually heard na may napatalsik na siyang estudyante dati dahil sa hindi nito pagseseryoso sa klase niya."

Hihigop pa lang ako ng sabaw ngunit nawala bigla ang gutom ko sa sinabi niya.

"Hindi lang nagseryoso, pinatalsik na?! What?" gulat na tanong ni Lyan.

Malungkot kong hinintay ang sasabihin ni Thea. Ngumuso siya at humigop muna ng sabaw bago nagsalita.

"Hindi ko sure kung paano nangyari eh. 'Wag kang mag-alala. Just behave and you'll never be on her radar again. Si Zeik naman ang katabi mo. That guy will never get you in trouble," aniya.

Palihim akong ngumiti sa sinabi niya. Sabagay, at least may chance akong makalapit sa kanya.

"Right. That guy never really initiate a conversation with someone unless needed o 'di kaya'y kaibigan niya," Lyan shrugs

That is fine.

Inayos ko ang pag-upo ko habang naghihintay sa klase ni Ma'am Avella sa sumunod na araw. Hindi pa lumilipat ng upuan ang iba dahil break pa.

I tried to sit with my legs crossed just to look more girly. Palihim kong sinusubukan kung ano ang magandang upo. Sa huli ay pinili ko na lang ang nakasanayan kong upo. Ang pagdekwatro.

Ipinahinga ko ang baba sa palad habang nakatuko ang siko sa lamesa. I know I am thrilled to sit beside the guy I like but trying hard will never do good. Ano bang point ng pagpapapansin ko, eh may gusto naman siyang iba.

Saktong bumukas ang pinto at dumating siya kasama ng mga tropa niya. Hindi ko napigilang matulala sa kanya. Unlike his usual silent demeanor, bahagya siyang nakangiti at nakikipagtawanan sa mga kaibigan niya.

Bahagyang tumaas ang isang kilay ko nang malipat ang tingin ko kay Dianne na katabi niyang maglakad. Pinagdikit ko ang mga labi at naging tipid na lang ang ngiti nang makabalik ako sa realidad.

Dianne Cosmos Pamploma. One of the popular students. Obviously, a friend of Zeik. A promising singer, passionate volleyball player, friendly, and everyone's choice for Zeik.

Right. Sa kanilang magkakaibigan ay sila ang pinakamalapit ni Zeik. They were even once asked about their relationship in a truth or dare game. Dianne denied at sabi niya ay best buddies lang daw sila but Zeik remained silent.

---

Inabot ni Jay ang isang papel sa sa'kin. Takang tinignan ko iyon. The title caught my attention. Victoria hastily takes the paper away.

"What the hell is this, Jay?! Kontrata?! Seryoso ka? We did not talked about this!" angal niya.

"It's for safety purposes. Alam nating lahat kung anong klase ng tao si Zeik. Maraming pwedeng maapektuhan sa maaaring mangyari sa kanya habang nagpapanggap si Taceño bilang asawa niya," paliwanag ni Jay habang inaayos ang salamin niya.

"Law student ka pa lang. What do you know?" inis na tanong ni Victoria.

Umayos si Jay ng pagkakatayo at nilapitan si Victoria. "Law student ako. I know things you do not know in the real world. Now, stop being a pussy and just earn money in your modeling career," he mocked.

"Tama na. Victoria is right. This is just for the meantime. Bakit kailangan pa ng kontrata?" sabat ni Min na nakakrus ang mga braso.

"So Taceño doesn't say something that can ruin anyone. Zeik's condition is sensitive and since this is a preventive measure para hindi na bumalik si Sabrina, we need to make everything perfect," pagsagot ni Nica.

Tumango si Louie.

"Wait, do you work?" biglang tanong ni Kyle na kanina pa nananahimik

Lahat ay nilingon ako.

"Oo nga pala. You're a fresh graduate, tama?" pagkumpirma ni Louie. "Nakita ko 'yung post mo online. Where do you work?"

"Still looking," tanging nasagot ko lang.

Pumalakpak si Kyle at inilabas ang wallet. From it, he took a cheque. Nanlaki ang mga mata ko. Bahagya siyang itinulak ni Ash palayo sa'kin.

"What? Money is better than a contract, guys!" Hinarap niya ako. "What do you say? Babayaran ko ang pagpapanggap mo. How much is good for you?"

Humarang si Dianne sa pagitan namin. Mabuti na lamang at nasa rooftop kami ng hospital kaya walang nakakarinig sa usapan namin.

"That is enough, Kyle. Nakakabastos ka na. We are asking for a favor. Hindi tayo naghahanap ng bayaran," aniya.

Napalunok ako at yumuko. Although hindi ako ipinahiya ay pakiramdam ko, inapakan ang pagkatao ko. I did not finished my college degree for four years just to be treated this way.

"Mahiya ka nga Kyle. You've always been a bad speaker!" ani Victoria.

"That was too much. A contract will always be better, pare," dagdag pa ni Jay.

"You think a paper will shut a mouth? No. Kailangan pa rin ng pera, mga tanga! She doesn't have a job at paniguradong kakainin ng pag-aalaga kay Zeik ang oras niya para sa trabaho. She won't get a good job with a good pay with a setting like that!"

Umiwas ako ng tingin. He's right. Sa industriyang pinasok ko pa ay nangangailngan ang mga kumpanya ng mga dedikadong tauhan. Mga empleyadong willing ibigay ang lahat ng oras niya.

Natahimik ang lahat.

"Walang babae ang papayag sa kondisyong ibinibigay natin kung walang makukuhang kapalit. Well, of course, unless she likes Zeik so much she'd be willing to offer her whole life without gaining something..." pagpapatuloy pa ni Kyle.

I breathed heavily. I am willing.

"Siyempre tanga lang ang gagawa non. A desperate," dagdag pa niya.

Nanlaki ang mga mata ko at kahit masakit ay pinilit kong ipakita na wala lang sa'kin iyon. Ipinahinga ko ang kamay sa likuran upang mapisil ko nang hindi nila nalalaman. I wanted so bad to say something pero hindi ko magawa. I don't want to look pathetic in front if his friends.

"Min, Louie, pakibaba naman si Kyle. Please lang," pakiusap ni Dianne.

"Ano bang ginawa kong massma? I was just-"

"Oh shut up Kyle!" awat ni Victoria.

"What?! What the fuck did I do?!"

I gritted my teeth before heading to Victoria. Inagaw ko ang papel at ballpen. Nanginginig ang kamay ko pero nagawa ko pa ring pumirma. Nang matapos ay pabalag ko iyong ibinigay kay Jay bago dumiretso kay Kyle. The jerk had the guts to smirk at me. Kinuha ko ang hawak niyang cheque .

"I'll do it. I need the money."

~*~