webnovel

Dreams Do Come True

Tumingala ako at agad ding umiwas ng tingin nang masilaw sa sinag ng araw. Tanghaling tapat at heto ako, palaboy laboy sa kalsada para maghanap ng trabaho.

Napatalon ako nang tumunog ang cellphone ko. In high hopes that it's from a company I applied for earlier, I quickly took the call.

"Yes, hello?" bungad ko.

Tahimik ang nasa kabilang linya. Kinunot ko ang noo. Sinilip ko ang pangalan ngunit numero lang ang nakalagay. It's an unknown number.

"Hello?" ulit ko.

"Abegail..."

Nanlaki ang mga mata ko. I think I know this voice, though sa huling pagkakaalala ko ay hindi naman kami close.

"Dianne?" hula ko.

"Oo. Si Dianne nga 'to. Your classmate from high school," walang buhay niyang sagot.

Kinagat ko ang labi ko. The last time I checked, she's Zeik's girl bestfriend. She's one of the popular and loud people at school.

"Abegail? Hello?" tawag pansin niya at agad akong nakabawi.

"Oh! Yes! Hey! Ahmm...napatawag ka? And saan mo pala nakuha 'yung number ko?" Naliit ang mga mata ko. Pinagkakalat ba ng mga kaibigan ko ang number ko? The fudge.

Ilang segundong katahimikan ang naganap bago siya nagsalita.

"Listen, hindi ko alam kung tama ba 'tong hihingin kong favor sa'yo pero wala na akong choice. You're the only person I know who can do the job well."

Nagtaas ako ng kilay kahit pa hindi naman niya nakikita. There's something strange in the way that she speaks. Para bang may nangyaring hindi maganda.

"Anong ibig mong sabihin? What job? What favor?" usisa ko.

Nagulat ako nang may bumusina sa likuran ko. Sa sobrang pagbigay ko ng atensyon kay Dianne ay ni hindi ko na namalayang lumagpas na ako sa sidewalk.

"Kung gusto mong mamatay, 'wag mo 'kong idamay!" sigaw ng jeepney driver.

Umirap ako at sinaludohan na lang siya sabay sabi ng, "Sorry po!"

Binalik ko ang cellphone sa tenga.

"...Zeik got in an accident."

Natigilan ako sa paglalakad.

"What?"

Dinig ko ang buntong hininga niya sa kabilang linya. My mind went blank at sa oras na iyon ay pakiramdam ko, wala akong marinig na iba kundi ang malinaw na pagsasalita lamang ni Dianne.

"Naaksidente si Zeik. It's serious and I need your help. He needs your help," aniya.

---

Itinuko ko ang siko sa lamesa ng guro at palihim na sinulyapan ang lalaking tahimik na nagbabasa ng libro sa isang sulok. His bangs made him look snob. Ang estilo pa ng pagkakaupo niya ay pinagmumukha siyang arogante kahit na hindi naman siya ganoon.

Hinampas ako ni Thea bigla, dahilan ng pagkakabalik ko sa wisyo.

"Ano?!" inis kong tanong.

"Ikaw na ang titira po," walang gana niyang sabi.

"Oh."

Inilapag ko ang isang green na number four card bago muling ibinalik ang atensyon kay Zeik.

He never fails to make me drown in my thoughts. Tuwing titignan ko siya ay para bang wala na 'kong ibang pinapangarap pa kundi siya lang.

They say liking someone is a good thing but at my young age, the thought of just liking him cannot even describe what I feel. Kulang iyon.

---

Napahawak ako sa dibdib ko, saktong pagbukas ng elevator. Napalunok ako at minabuting bagalan na ang paglalakad. I don't want to look stupid.

When Dianne dropped the bomb earlier, napasakay na ako sa taxi. Ni hindi ko na naisip ang paga-apply ko sa mga kumpanya.

I never realized na ganito na pala ako kabuang. Nung natapos ako ng high school ay sinabi ko sa sarili kong titigilan ko na ang pagkagusto sa kanya. The thought of him liking someone else made me feel hopeless that I decided to leave my feelings behind.

Pero years later, I'm still stuck. Hindi ko lang pinapansin pero gusto ko pa rin siya. Gustong gusto. I even stalk him on social media every damn day.

Wala naman akong inaasahan sa kanya. I'm contented with being friends with him on social media. That's better than having nothing.

Ilang taon akong nangarap na makita siya ulit at tamo nga naman, makikita ko na siya ulit.

"Abegail!" tawag sa'kin ni Dianne nang makita ako.

Tipid akong ngumiti at tinanggap ang pagyakap niya. I don't want her to see how worried I am. Me liking Zeik is a secret I dared not to speak.

Nahihiya ako dahil sino ba naman ako para magustuhan ang isang Zeik Bautista. I am just the ordinary Abegail Rallyn Taceño.

"Hey ayos ka lang ba?" awkward kong tanong.

Lumayo siya at ngumiti rin ng bahagya. Her dimples became visible.

"Halika," aniya at pinapasok na ako sa loob ng isang kwarto. It's a VIP room.

As I was expecting, nandoon ang mga kaibigan ni Zeik. Louie, Jay, Kyle, Ash, Rick, Nica, Victoria, and Min.

Ignoring everyone, napunta ang tingin ko sa lalaking nakaupo sa kama. Ang kalahati ng katawan niya ay may kumot at nakatingin siya sa labas ng bintana. The bandage on his head made him look weak and fragile.

Kinagat ko ang labi at pinisil ang mga daliri isa isa. He never changed. Tahimik at walang pakielam sa mundo.

Halos mapaatras ako nang lingunin niya ako. His eyes made me waver. Pakiramdam ko ay mapapaupo ako sa sahig dahil sa panghihina ng mga binti.

As if on cue, Dianne pushed me forward.

"Oo. Siya nga," aniya.

Gulat na nilingon ko siya. "Huh?"

Tinanguan niya lang ako at mas inilapit pa.

"She's your wife, Zeik."

~*~