webnovel

Mission: Playing with Fate

Jessica Strauss works for a secret organization created to play with other people's fate--either she attaches them, breaks them up, or maybe something deeper than that. She's busy making the world a little more exciting, but what she doesn't know is that her own fate is being played by someone else--someone *very* close to her heart.

xJaeger · Teen
Not enough ratings
21 Chs

6: Fast or Furious

Chapter 6

Bukas nang umaga na ang first mission ni Krypton kung saan ko siya tutulungan pero wala pa akong nababasang kahit isang dokumento tungkol dun. Ugh, late na rin ako nagising kanina dahil sa hangover ko pagkatapos ginulo pa ako sa bahay ng dalawang baliw na 'yun. At ito ako ngayon, nasa Artic plaza para makipag-racing sa kanila. 10 minutes na akong nakasandal sa labas ng sasakyan ko habang kumakain ng fries pero wala pa rin silang dalawa. Ang tagaaaaaal!

"Jess," sigaw ni Adam habang pinapark malapit sa sasakyan ko ang black and yellow Chevrolet Corvette ZR1 niya.

"Kanina ka pa? Sorry ang tagal kasing dalhin ni Manong eh," dugtong niya.

"Okay lang," sagot ko sa kanya habang nginunguya ang fries ko. Ako na walang manners, okay.

"Penge," nakangusong sabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin kasi miski kanina sa bahay inubos niya lahat ng supply kong pagkain.

"Huhuhuhu. Sabi ko nga hindi na. Ako na lang magbabayad ng grocery mo next time," pagdadrama niya habang umiiyak kunyari.

Ngumuso pa siya lalo eh bibigyan ko naman siya diyan. Parang baliw. Inabot ko sa kanya ang kalahati ng fries ko na agad naman niyang tinanggap habang nakangiti nang malapad.

"Ngiti-ngiti ka pa diyan, mukha kang eng-eng! Ubusin mo na nga 'yan," pang-aasar ko sa kanya.

Pinanood ko na lang siya habang inuubos niya ang pagkain ko. Para siyang batang binigyan ng happy meal. Jusko. After a few minutes, may pumarada namang white Porsche Boxster Spyder sa tabi ng sasakyan ko. Masyadong competitive ang dalawang ito. Bago rin kasi ang sasakyang gagamitin nila para sa racing. Hayy nako, gusto ko pa naman sanang manalo.

"Nick! Wait lang, kumakain pa ako," ani Adam habang ngumunguya kaya tumabi si Nicholas sa kanya at saka kinuha ang natitirang fries para maubos na.

"Nick naman eh! Gutom na gutom na nga ako tapos inubos mo pa."

"The fuck? You already ate everything in her house, you dumbass," iritableng sabi ni Nicholas habang iniirapan si Adam. Woah, hindi na ata niya time of the month ngayon ahh.

"Wow, nagsalita ang hindi," pang-aasar ko pero tinignan niya lang ako nang masama.

Ang sungit! Eh silang dalawa naman talaga ang kumain kanina ahh. Nagpunas naman sila ng kamay gamit ang wet wipes na kinuha sa sasakyan ko kahit hindi nagpaalam ang kumuha nun. Ehem, tamaan ka Nicholas!

"Let's go, they're waiting for us."

Nakahilera na ang sasakyan naming tatlo. As usual, maraming nanonood kasi alam nilang madalang na kaming magkaroon ng time magracing ngayon. Marami rin kasing naaaliw sa pagddrive namin. Minsan kaming tatlo lang ang naglalaban pero ngayon merong mga racers na dumayo pa kaya hinayaan na lang namin silang sumali sa pustahan.

Napag-usapan namin na sasakyan ng mga natalong racers ang mapapanaluhan ng 1st, 2nd, at 3rd place. Pero siyempre mauunang pumili ang 1st para masaya pa rin ang laban. After signing the contract (dahil legal racing ito), pumunta na ang Starter sa harapan habang hawak hawak ang dalawang checkered flag. Sobrang sarap pakinggan ang mga makina ng sasakyan.

"Ready, get set, go!"

Agad agad gumamit ng Nitro si number 19 kaya napailing ako dahil dun. Since bago lang ang mga sasakyan naming tatlo, hindi pa tinted ang mga bintana kaya kitang natatawa rin silang dalawa. Nauuna kanina 'yung nag-Nitro pero ngayon nasa gitna na lang siya at ako na ang nauuna.

To be honest, kung pagbabasehan sa mga specs ng sasakyan, panalo na agad ako kahit man ipa-upgrade nila ang engines nila. Pero hindi ako pwedeng makampante dahil magaling masyado sa strategy sina Adam at Nicholas. Napansin ko naman sa side mirror ko na gigitgitin sana ako ni number 5 kaya nag-drift agad ako at dahil hindi niya 'yun inaasahan ay nabangga siya sa mga gulong sa gilid. Halos magkasabayan naman 'yung dalawa at pinagtitripan nila ang mga kalabang ginigitgit sila kanina kaya marami na ring nawawala sa race track.

May nag-Nitro na naman kaya meron na akong kasabayan ulit. Last lap na naman kaya nag-booster na rin sina Adam at Nick kaya nasa 4th place na ako. Tsk, hindi ako pwedeng matalo kasi ayokong ibigay sa iba ang bagong sasakyan ko. ¼ na lang ng lap ang natitira. Ubos na rin ang Nitro ng mga gumamit na kaya ginamit ko na ang akin. Ito na, kasabayan ko na si number 5 habang humahabol sa likod ko si number 8 at 13. Nalagpasan ko na si number 5 kaya kasabayan ko na ngayon sina Adam at Nicholas. Ito naaaaaa!

Winagayway ng Starter ang flags na hawak niya pero hindi ko nakita kung sino ang nanalo sa 'min. Ugh, feeling ko si Nick eh. Pinarada ko ang sasakyan ko sa tabi bago ako bumaba mula dito.

"Sino nanalo?" Seryosong tanong ko kay Nicholas na naglalakad papunta sa 'kin.

"Ikaw, baliw," natatawang sagot niya habang ginugulo ang buhok ko.

"Weh?!" Sigaw ko kasi hindi ako makapaniwala dahil sobrang close ng laban naming tatlo. Lumambitin ako sa leeg ni Nicholas dahil sobrang saya ko. Nginitian naman niya ako habang nakaalalay lang sa likod ko.

"Badtrip. 21-21-22 na tuloy. Ikaw na tuloy lamang, Jess," pagdadrama niya bago ngumuso. Ano ba? Wag ganyan, ang gwapo mo lalo eh!

"Let's go, I'm excited to get that obviously brand new yellow Rolls Royce. Dibs!" Nakangising sabi ni Nick bago niya ako ibaba.

Naglakad naman kaming tatlo papunta sa officials dahil nandun na rin ang ibang racers. Merong mga nalungkot kasi natalo pero meron din namang mga masaya dahil masaya ang laban. Sa dinami naman ng racers na sumali ay dalawa lang kaming babae dito. Kitang kita ko nga ang ka-sexyhan ni ate girl dahil sa suot niyang tube at mini skirt eh.

"1st place, Jessica Strauss," anunsyo ng official kaya lumapit ako sa tabi nila habang may naririnig akong sumisigaw ng pangalan ko o sumipol nang tinawag ako. Ang iba mula sa audience at ang iba naman mula sa racers.

"We have a tie in 2nd place, Nicholas Hawker..." Nagtitili naman ang mga racing fans ni Nick pero kahit ganun ay hindi pa rin natinag ang poker face niya.

"and Adam Knight." Nakita ko ang babaeng racer na lumapit at bumulong kay Adam habang nakakapit sa braso niya. Namula naman ito pero umakyat na rin siya agad papunta sa tabi ni Nicholas. Eh kung sabunutan ko kaya ang maharot na babaeng 'yun?

"Sa mga hindi nanalo, i-park niyo na ang sasakyan niyo para alam ng winners kung alin mga pipiliin nilang sasakyan. Kayo na bahala mag-usap. Gawin niyo na lang pagkatapos paalisin ang audience," anunsyo ng official.

Legal nga ang racing na ito pero hindi pa rin dapat nalalaman ng audience na may ganito kalaking pustahan ang nagaganap because of confidentiality reasons.

Nakaupo lang ako sa bench habang hinihintay ang mga sasakyang napanalunan namin habang nag-restroom naman sandali 'yung dalawa. Wait, may naalala ako..."I love you, Jessica Strauss." "I love you too, Adam." Panaginip lang siguro 'yun. Ang alam ko lang, uminom kami ni Nick tapos tinawagan ko si Adam at saka ako nakatulog. Hmm, imposibleng magkatotoo 'yun.

Napansin kong may isang papalapit na sasakyan sa akin. Maganda ang kotse niya pero hindi ko alam kung anong model. Bago lang siguro or masyadong customized. Bumaba naman ang driver mula sa sasakyan niya at saka naglakad papunta sa bench na kinauupuan ko.

"Hi Miss," tawag ng lalaki habang nakangiti sa akin.

"Thomas? Wow, mukha ka nang ma-ma," biro ko bago siya yakapin. Ang tagal ko nang hindi nakikita ang lalaking 'to noh. I missed him!

"Hahahahaha, grabe ka naman. Akala mo naman hindi tayo magka-edad. Congrats! Ang galing mo kanina sa race ahh," bati niya nang may malapad na ngiti sa labi.

"Thank you. Kamusta ka na? Ang tagal na nating hindi nagkita ahh," nakangusong sabi ko habang may napansin akong racer na papalapit sa aming dalawa.

"Gwapo pa rin," biro ni Tom at saka siya tumawa nang malakas. Don't get me wrong. Niligawan ako dati ni Thomas pero friends pa rin kami after nun. Mabait naman siya at masarap kausap pero si Adam kasi talaga eh.

"Pre, kakausapin ko lang sandali. Makikipag-deal lang ako," sabi nung isang lalaking racer na naka-suit and tie pa na mukhang kakagaling lang sa opisina.

"Uy sige, Thomas. Sandali lang 'to," pagpapaalam ko bago kumaway sa kanya.

"Sige, tatawagan ko lang mga katropa kong sumali rin," nakangiting sagot niya bago maglakad palayo. Ano kayang gustong deal nito? Siguro pera na lang kapalit ng pagkapanalo ko. Pwede naman 'yun kung pangit ang sasakyan niya. Hahahahaha! Ang sama ko.

"Miss, ganito na lang..." lumapit siya sa tenga ko bago itinuloy ang sasabihin niya. "...bibigyan kita ng kaligayahan nang isang buwan. I'll pleasure you with all I have." Kinilabutan ako at agad-agad ko siyang tinulak papalayo.

"Excuse me," halos sigaw ko. Nakita ko namang nakangisi siya bago lumapit ulit sa akin.

"You heard me right, Miss Strauss. I can make love to you anytime and anywhere you want. I can make you forget who you are," nakakadiring bulong niya. Hindi ko alam kung kailan niya nahawakan ang bewang ko at hindi ko agad napigilan ang paghalik niya sa tenga ko.

"Stop!" Sigaw ko habang pinipilit kong kumawala sa hawak niya pero walang nangyari. I tried kicking and punching him pero masyado siyang malakas.

"Don't want to, my dea—" I wiped my tears away before I saw Adam punch the guy for the second time. Hawak hawak na ngayon ng bastos na lalaki ang pisngi niya.

"Tangina ka," galit na sigaw ni Adam. Susuntukin pa dapat niya ang lalaki pero pinigilan siya ni Nicholas at siya naman ang sumuntok dito nang ilang beses.

"Fuck you! Know who the fuck you're dealing with," banta ni Nicholas na punong puno ng galit ang mga mata. Nakakatakot kasi para siyang papatay ng tao. Lumapit naman si Adam sa akin na halatang nag-aalala at saka ako niyakap.

"Are you okay?" Malungkot niyang tanong pero naiyak na lang ako habang nakayakap sa kanya.

"Take her home, Knight. You're the one she needs. I'll take care of this asshole," bulong ni Nick bago mag-igting ng panga.

Tumango naman si Adam sa kanya na parang alam na niya ang lahat ng kailangan niyang gawin. Binuhat ako ni Adam para isakay sa sasakyan niya. Hinubad niya ang jacket niya at saka ipinatong sa akin. Halatang halata pa rin ang pag-alala niya kaya pilit akong ngumiti sa kanya. Tipid din siyang ngumiti bago paandarin ang sasakyan niya. Habang nasa byahe kami ay pansin kong kanina pa niya ako sinisilip.

"Adam, I'm fine," mahinahong sabi ko na lang sa kanya.

"Hello Hale," sagot niya pagkatapos pindutin ang bluetooth earphone na nakasuot sa isang tenga niya. Siguro tungkol sa clients kaya sumandal na lang ako sa pinto para matulog.

"Yeah, I'm not coming to office later. May importante akong aasikasuhin," pagpapaliwanag niya sa sekretarya niya. Dahil sa kakaisip sa maraming bagay ay hindi ko namalayang madaling araw na pala. Saan kaya siya pupunta mamaya? May date kaya siya?

"Ikaw na lang muna humarap kung urgent ang pinapagawa ng VIP. If not, tell them that I'll meet them the following day. Yes, thank you. Bye." Nilingon ko siya at saka tinanong kung saan siya pupunta.

"You'll know," tipid na sagot ni Adam bago ngumiti. May dinial siyang isa pang numero habang tinatry kong itulog na lang lahat ng nangyari. Sadly, I feel dirty and weary at the same time.

"Ton." Ton as in Krypton? Si Flame! Patay! Tutulungan ko nga pala siya sa mission niya.

"Hindi makakapunta si Jess sa mission later," aniya habang tinitignan ako sandali.

"K-Kaya ko! Nakakahiya naman, naka-oo na ako sa kanya eh," nahihiyang sagot ko.

"Wait pre. No, you can't. Ako na bahala dito." Ngumiti si Adam at bumalik ulit sa pakikipag-usap sa phone.

"Hello. Yes, I am. The mission I gave both of you is from a friend so hindi naman urgent. Do it the day after tomorrow na lang," pagpapatuloy niya habang sinisilip ko ang kalsada. Wala na rin naman akong magagawa kung nasabi na niya eh.

"No, gago ka. Wag mo akong igaya sayo. Hahahahaha. Sira ulo. Bye," sabi niya sa kausap bago ako lingunin ulit.

"Ayan, wala ka nang kailangan pang alalahanin. All you need to do is rest."