webnovel

Mission: Playing with Fate

Jessica Strauss works for a secret organization created to play with other people's fate--either she attaches them, breaks them up, or maybe something deeper than that. She's busy making the world a little more exciting, but what she doesn't know is that her own fate is being played by someone else--someone *very* close to her heart.

xJaeger · Teen
Not enough ratings
21 Chs

7: Warmth

Chapter 7

I woke up in a very comfty yet unfamiliar bed. The walls were different from my house's kaya sure akong hindi ko bahay ito. Until I saw a beautiful expensive painting hanging on the wall, this is definitely Adam's house. Umupo ako mula sa pagkakahiga at mas naaninag kong nasa guest room ako. After awhile, may dalawang maid na pumasok dito at sinalubong ako ng napakalapad na ngiti na parehong pareho sa amo nila.

"Good morning, ma'am! Sabi po ni sir Ace, isuot niyo raw po ito," masiglang bati niya sa 'kin.

May inabot silang mga paper bag ng Eddie Bauer at... Victoria's Secret. I felt my cheeks flushed when I saw that one. Siya ba mismo ang bumili ng underwear ko? Waaah! Nakakahiya! Pwede na akong ipakain sa crocodile!

"Ma'am, wag ho kayong mag-alala. Hindi ho si sir Ace ang pumili ng bra't panty niyo. Hihihihi," aniya bago sila humagikhik na dalawa. Natawa na lang din ako dahil sa pagiging assumera of the year ko.

"Mabuti naman. Salamat at pasensya na sa istorbo," natatawang sagot ko.

Napansin naman nilang kailangan ko muna mapag-isa kaya nagbow sila at nginitian ulit ako bago lumabas ng guest room.

Nag-shower ako sandali at saka ako nagbihis. In fairness, kung sino mang bumili ng undergarments na ito ay maganda siyang pumuli at saktong sakto pa sa katawan ko. Sinuot ko na rin ang V-neck shirt at shorts na binili niya para sa 'kin. I'll just pay him later. Medyo nagugutom na rin ako kaya pinuntahan ko muna si Adam sa kwarto niya para sabay na kaming kumain. Nakakahiya naman kasi kung ako pa mauuna eh hindi ko naman bahay 'to.

Nasa corner ang kwarto ni Adam kaya dun ako dumiretso paglabas ko ng guest room. Bakit alam ko? Kasi pumupunta kami dito paminsan-minsan para hindi naman palaging bahay ko ang pinagtatambayan namin. Minsan pumupunta rin kami sa mansyon ni Nick pero pinakamadalas talaga sa bahay ko.

Kumatok ako nang ilang beses sa kwarto niya pero walang sumasagot kaya pinihit ko na lang ang doorknob. Dumiretso ako sa loob at umupo sa kama niya habang tinatawag siya.

"Adam! Kain na tayoooo," sigaw ko habang naririnig kong kumukulo ang tiyan ko. Nooooo, nagiging dragon pa naman ako kapag nagugutom.

"Teka," tipid niyang sagot.

May narinig akong mga yabag papunta sa kama bago ko makita ang mga hindi ko inaasahang makita. Napatulala na lang ako kasi naka-topless siya habang nagpupunas ng basa niyang buhok. Uhm, nakalimutan ko atang huminga.

"Hoy!" Tawag niya bago tusukin ang pisngi ko gamit ang daliri niya.

"O-oh!" Gulat na sagot ko bago siya tignan sa mukha.

Ang hirap hindi tignan ng abs niya. Nung huli kong nakita 'yan nung college pa. Mukha pa lang silang mga baby pandesal noon pero ngayon sobrang manly at developed na. Tapos 'yung V niya... hmm. Kung naglalabanan tayo sa contest ng self-control, malamang matagal na akong panalo. Narinig ko ang tawa niya bago siya magsalita.

"Akala ko ba kakain tayo? Busog ka na ata eh," pang-aasar niya kaya tinignan ko siya nang masama bago ngumuso.

Unti-unti siyang lumapit sa inuupuan kong parte ng kama niya bago ako ikulong sa gitna ng mga braso niya. Waaah! Ito na ba 'yun? Ibibigay ko na ba ang first kiss ko? Palapit nang palapit ang mukha niya sa mukha ko kaya mas lalong kong naramdaman ang pag-init ng pisngi ko.

"A-Adam," malalim na bulong ko.

Napapikit naman ako nang maramdaman kong hinalikan niya ang noo ko bago higitin ang t-shirt niyang nasa likod ko. Waaaah! Sobrang bilis ng puso ko. Tumalikod siya sa 'kin habang nagbibihis pero nakita kong namumula ang mga tenga niya. Kinakabahan din kaya siya gaya ko? Baka naman pinagtitripan niya lang ako ahh. Mabilis na hinigit ni Adam ang kamay ko bago ako hilahin palabas ng kwarto niya papunta sa dining room.

Maraming nakahaing pinggan at pagkain sa mesa. Umupo na rin sa harap at tabi niya ang ilan pang kasambahay, hardinero, at driver. After magdasal ay kumain na rin kami. Ito ang masarap na pakiramdam kapag nandito kami sa bahay ni Adam. Sobrang bait kasi niya dahil tinuturing niyang pamilya ang mga katulong niya sa bahay.

Gaya ng sabi ko, lahat ng magulang naming tatlo nina Adam at Nicholas ay nasa ibang bansa. Kaya ako, wala akong kasama sa bahay. Ayoko rin na doon natutulog ang maids at driver kasi alam kong may sarili rin silang pamilya na kailangan nilang uwian. Alam kong mamimiss sila ng mga anak at kapatid nila kaya after nilang gawin ang trabaho nila pwede na silang umuwi agad. Ganito rin sa mansyon ni Adam pero mas homely at mas close siya sa mga tauhan niya.

"Ma'am, kain pa ho kayo," sabi ng isa sa mga maid na pumunta kanina sa guest room.

"Sige po. Salamat po," nakangiting sagot ko bago kumuha ng pagkain.

Pagkatapos naming kumain, dumiretso kami ni Adam sa living room para manood ng Arrow. Nagpupumilit pa sana akong tumulong maghugas ng pinggan pero sa dami ng maid niya ay ayaw din nila akong patulungin.

"Uy, diba pupunta ka somewhere ngayon? Baka malate ka na," paalala ko kay Adam na diretso lang ang tingin sa TV.

"Wow, seryoso si kuya," asar ko bago tusukin ang tagiliran niya.

"Wag ka nga. Jessica Strauss, you have failed this city," gaya niya kay Oliver Queen habang natatawa. Kiniliti naman niya ako hanggang sa halos hindi na ako makahinga.

"Hahahahahaha-Adam! Ta-tama na! Hahahahahaha," tili ko pero patuloy pa rin siya sa ginagawa niya. Hindi ko naman napansing nakaibabaw na pala siya sa 'kin sa sofa habang kinikiliti ako.

"Ano, laban pa?" Tanong niya habang abot langit ang ngiti. Narinig ko namang may mga taong bumubulong mula sa may garden.

"Uy, tignan mo sina sir oh. Hihihihi. Ang kyot talaga nila. Bagay na bagay sila ni ma'am noon pa lang," sabi ng isa sa mga kasambahay. Of course, that made me smile. At least, may ilang taong iniisip na bagay kami ni Adam, diba?

"Ayoko na po," pagmamakaawa ko habang naghahabol ng hininga.

Nginitian ko naman siya bago baliktarin ang posisyon namin. Mabuti na lang malaki ang sofa dahil kanina pa kami nalaglag dito kung nagkataon. Humiga ako sa dibdib niya bago manood ulit ng TV at naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin. I tell you, this is the best feeling I've ever felt in my entire existence. Sino ba namang hindi sasaya kapag niyakap siya ng taong mahal niya, diba?

"Ang hot ni Oli!" Tili ko habang kinikilig kunyari sa pinapanood ko pero ang totoo ay kay Adam ako kinikilig.

Hot naman talaga si Stephen Amell pero mas hot pa rin ang lalaking dinadaganan ko ngayon. Omg sorry, ang bastos pala pakinggan.

"jdshffhksdjfhedsa, Jessica."

"Huh? Anong lengwahe 'yan?" Natatawang tanong ko bago ko siya tignan nang ilang segundo. Siyempre, hindi ko tinatagalan kasi baka mahalata niya noh!

"Sabi ko, mas hot ako kay Oliver," dikta niya na parang hari.

"Bakit, kaya mo ba 'yung ginagawa niyang pull ups sa barbell and rack?" Pang-aasar ko bago siya belatan.

"Ako pa! Hindi ka kasi pumupunta sa gym malapit sa swimming pool kaya hindi mo nakikitang may ganun din ako," nakangising sagot niya bago ako belatan pabalik.

"Weh! Gaya gaya," asar ko sa kanya.

"Siya kaya gumaya sa 'kin."

Naloka ako sa fall ender ng season 3! I know it's impossible pero ano ba? Si Jon Snow ata siya ehh. Anyway, inaya ako ni Adam pumunta sa arcade room kaya mas nawala lalo sa isip ko ang nangyari kagabi. Oo, I felt uneasy and dirty at some point pero pinipilit ko na lang burahin ang ala-alang 'yun dahil kasama ko ang taong gusto kong makasama habangbuhay.

Wala kaming ginawa kung hindi maglaro ng billiards, basketball (pero siyempre talo ako kasi nga varsity siya nung high school), at DOTA. Pagod man ako pero sobrang worth it dahil siya ang kasama ko. Dito niya ulit ako pinapatulog para naman daw masulit ko ang pagstay sa bahay niya. Siyempre, pumayag naman ako.

After magdinner, inaya niya akong maglublob sa swimming pool kahit sandali lang. Hindi rin ako makatanggi dahil bahay niya ito and he's just doing his best to make me feel okay again. Paglabas ko ng patio, napansin niya agad na naka-two piece lang ako kaya nag-iwas siya ng tingin. Napanguso naman ako dahil sa ginawa niya.

"Hala, sorry. Pangit ba? Ito na lang kasi ang natitirang for swimming sa emergency drawer ko sa kwarto mo ehh," malungkot na bulong ko. Alam ko namang hindi maganda ang katawan ko pero mas nakakalungkot kasi na si Adam pa mismo ang nakapansin nun.

"Baliw hindi," tipid niyang sagot bago hubarin ang shirt niya kaya kitang kita ko na naman ang abs niya.

"Suotin mo 'to kasi baka lamigin ka agad," utos niya bago isuot sa akin ang shirt niya kaya naka-shirt and bikini na ako habang naka-shorts na lang siya. Waaah, abs talaga nagdala eh!

Nag-dive siya sa pool habang nakaupo lang ako sa hagdanan dahil tinatamad pa akong lumangoy. Unlike other swimming pools, may lightings mismo sa loob ng pool kaya kitang kita mo kung saan ka lumalangoy. Wait, medyo warm naman ang tubig kaya bakit ako lalamigin? At naalala ko, diba pwedeng baguhin ang temperature ng water sa pool niya? Baliw talaga ang loko lokong 'yun, inuto lang ako at nagpauto naman ako.

"Alam mo ba, tama pa rin talaga ang theory ko," seryosong sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko. I can feel my chest heave up and down because of extreme signs of kilig.

"Paano mo naman nasabi 'yun?"

"Eh kasi kahit somehow nagbago ang ugali ko at ugali mo, parehas pa rin tayo ng bubble. We still understand each other no matter what happens," pagpapaliwanag niya. Maybe that's because I love you as a lover even if you only love me as a friend.

"Ahh. That's because we love the same things," sagot ko na lang sa kanya.

Nanghina nang konti ang tuhod ko dahil sa sampal ng katotohanan sa akin. Oo, alam ko namang imposibleng magustuhan niya ako pero hindi ko pa rin talaga mapigilan ang nararamdaman ko para sa kanya.

"Kahit na ba. There are instances na hindi laging parehas ang mga bagay na gusto natin so promise me one thing. Kahit magkaroon tayo ng problema, we still are in the same kind of bubble para madali tayong magkaayos. Please help me prove na tama ang theory ko," pagpapatuloy niya bago ako yakapin nang parang mawawala ako sa kanya balang araw. Imposible 'yun, Adam.

"I promise," sagot ko bago yumakap din sa kanya. Bakit ba? Chansing ito noh! Pagkatapos ng ilang minuto, bumitiw na rin siya bago pisilin ang pisngi ko.

"Let's go, magshower na tayo," aniya bago umahon sa pool.

Tayo? I can't imagine us showering together. Ugh, ano bang iniisip ko? Umahon na kami ng pool at binalot niya ako ng towel bago kinuha ang kanya. May iba pang natitirang maids dito pero ako na lang ang pinaalalay ni Adam sa kanila. Sila rin ang dalawang maids na maligalig kaninang umaga. Tinulungan nila akong maghanap ng pamalit na damit habang naliligo ako at kinukulit nila ako habang nabibihis ako.

"Ma'am, nasaan po 'yung sobrang gwapong laging bumibisita dito kasama niyo?" Tanong ng isang maid na blonde ang buhok habang kinikilig.

"Si Nicholas ba? Nasa opisina pa siguro. Kami lang ni Adam ang hindi pumasok eh. Jess na lang pala ang itawag niyo sa 'kin," sagot ko habang nakangiti. Pero wow, may fans club ata si Nicholas dito ahh.

"Ma'am Jess na lang po itatawag namin sayo. Ako po si Rachel at siya po si Monica," pagpapakilala ni ateng blondie bago sila magbow.

"Sayang naman po, ma'am. Ang daming may crush na kasambahay dun kay sir Nick eh. Pero alam mo, ma'am, bagay kayo nun ni sir Nick," sabi ng maid na Monica raw ang pangalan.

"Si Nick? Hahahahaha. Ang sungit kaya ng lalaking 'yun. Oo, gwapo siya, mabait, gentleman, matalino, at marami pang ibang magandang traits pero iba kasi ang gusto ko eh," tahimik na sagot ko habang iniisip si Adam.

"Ma'am, huwag ho kayong magalit sa tanong ko pero si sir Ace po iyon noh?" Tanong ni Rachel kaya naramdaman kong uminit ang pisngi ko.

"H-hala! Halata ba?" Nahihiyang tanong ko bago takpan ang mukha ko. Oh no! Baka naman napapansin na rin ni Adam ha.

"Hindi naman ho pero iba niyo ho kasing tignan si sir ehh," sagot ni Monica habang kinikilig.

"Hala, wag niyong sabihin sa kanya ahh," pagpupumilit ko sa kanila. Hiyang hiya pa rin ako kasi sila nga nahahalata paano pa kaya ang ibang tao, diba?

"Ang alin?" Hindi naman namin napansin na pumasok pala sa guest room si Adam.

"Wala ho sir Ace, kinekwento lang ni ma'am Jess kung paano kayo nagkakilala," sagot ni Rachel bago ako kindatan nang palihim. Abot tenga naman ang ngiti ni Monica.

"Ahh. Akala ko kung ano ehh. Sige po, ako na bahala sa kanya. Thank you," sabi ni Adam at nagbow naman sina Rachel at Monica bago lumabas ng kwarto. Pagkalabas na pagkalabas nila ng guest room ay ngumuso agad siya sa harapan ko.

"Bakit mo kinwento sa kanila? Baka isipin nila bully ang amo nila," ani Adam na parang nagtatantrums.

Hayy, sobrang cute mo talaga. Ano bang gagawin ko sayo?

"I know," tipid niyang sagot bago magdrama ulit. What? Did I say that out loud?

"Sabi nila, ang cute daw at normal naman sa bata 'yun. Hanggang ngayon daw ay ganun ka pa rin naman," pagpapalusot ko na lang habang nakangiti sa kanya nang malapad. Bakit ba araw-araw mas lalo ko siyang nagugustuhan kahit wala naman akong pag-asa sa kanya?

"Sure ka, ha?" Tanong niya bago siya mag-puppy eyes habang nakanguso pa rin. Mother of all ultimate combos! Ayan na naman siya ehh! Kaya mas lalo akong nahuhulog sayo niyan ehh.

"Oo," nakangiting sinabi ko bago niya ako pahigain sa kama ko.

"Matulog ka na," sabi niya habang inaayos ang kumot ko.

Nilapit niya ang mukha niya sa 'kin kaya akala ko pagtitripan na naman niya ako.I suddenly felt a soft pair of lips on my cheek! Ano ba? Big deal na sa 'kin 'yun noh!

"U-uhm. Dapat sa temple yun. Sor—"

"Okay lang. Good night, Adam."

I don't know what's gotten into me but I kissed him back on his right cheek. Kahit ang ilaw lang mula sa table lamp ang bukas ay kitang kita ko kung gaano kabilis namula ang mukha niya.

Maybe, just maybe, may chance na magkagusto rin siya sa akin. Kapag nandiyan siya, iba ang ngiti mula sa mga labi naming dalawa. Kapag nandiyan siya, iba ang init na nararamdaman ng puso ko. Kapag nandiyan siya, pakiramdam ko gustong gusto niya akong alagaan. Kapag nandiyan siya, pakiramdam ko may nagmamahal sa akin. Sana tama ang lahat ng nararamdaman ko.