webnovel

Mission: Playing with Fate

Jessica Strauss works for a secret organization created to play with other people's fate--either she attaches them, breaks them up, or maybe something deeper than that. She's busy making the world a little more exciting, but what she doesn't know is that her own fate is being played by someone else--someone *very* close to her heart.

xJaeger · Teen
Not enough ratings
21 Chs

5: Wonderwall*

Chapter 5

Our "date" turned out to be libre-kita-ng-bff-bundle-hati-tayo date. Walangya talaga itong si Nicholas. Anong tingin niya sa 'kin, kakatayin na bukas? Sasapakin ko na 'to eh!

"Nicholas Hawker, hindi naman ako patay gutom ahh. Gusto mong mamatay?" Tanong ko bago kumagat ng Big Mac na hawak ko at saka isinunod ng subo ang fries na nasa kabilang kamay ko.

Tinignan niya lang ako habang ngumunguya siya at saka ako ngitian nang sobrang lapad. Punong-puno pa naman ng pagkain ang bibig niya. Sobrang cutie ni Nick kaso monthly period pa rin niya kaya para tuloy akong may kasamang bata. Mas malala pa kay Adam 'to eh! Dahil iniwan namin sa headquarters ang sasakyan ko (kasi nga basta basta akong hinila ng lalaking ito), kailangan niya akong ihatid sa bahay ko.

"Stop sulking, I already told the driver to bring your car here. Nandito na 'yun nang 9:30 max," pagpapaliwanag niya. Napansin kong bumalik na naman siya sa pagiging seryoso niya pagkatapos siyang may kausapin sa phone. Let's see Nicholas' checklist. Poker face? Check! Cold aura? Check! Magkasalubong na kilay? Check na check!

"Uwaaaaaa. Wala ka nang sapi, Nick? Thank heavens!" Sigaw ko na para akong nakakita ng milagro sa harapan ko mismo kaya napangiti na lang ako nang sobrang lapad. Mas sanay kasi akong sinusungitan at iniirapan niya ako kesa sa sobrang kulit niya na mas malala pa kesa kay Adam.

"Tss. Let's get inside, babe. Ang tagal ko nang hindi nakakatambay sa mansyon mo ahh," sinabi ni Nicholas 'yun nang may diin sa endearment kuno niya bago siya umakbay sa 'kin. Sinalubong naman agad siya ng aso kong si Ban pagpasok na pagpasok pa lang namin ng gate. Okay lang 'yun kasi alam ko namang favorite playmate nito si Nicholas bukod sa akin.

"Wow ahh! Alam ko ako ang amo mo, baby Ban," pagdadrama ko habang pinapanood si Nicholas na tinatapik ang likod ng Golden Retriever ko. Natawa naman siya sa sinabi ko habang patuloy pa ring nilalaro si Ban.

"New car?" Tanong niya habang pinagmamasdan ang bagong bili kong white and red Audi R8 Spyder. Katabi nito ang black Audi A8 na kaharap ang red Ferrari F12, red Dodge Challenger, at silver Porsche 918 Spyder ko. As what I've said before, *in Krissy's voice* I love love love cars talaga.

"Kakarating lang niyan kahapon. I ordered it from States para fresh na fresh," natatawang paliwanag ko habang tinititigan ko rin ang tinitignan niya. Napangiti na lang ako dahil isa ito sa mga simpleng bagay na nakakapagpasaya sa 'kin lalo na kapag mag-isa na lang ako.

"Let's race hangga't wala pang new mission. I'll contact the owner of Artic plaza to reserve it for us tomorrow," aniya habang patuloy na tinitignan ang sasakyan ko na parang isang sexy na babae.

"Sure, magkano pusta?" Tanong ko bago gumuhit ang ngisi sa labi ko.

Nakita ko rin ang ngisi niya na ibig sabihin ay malaki na naman ang premyong makukuha kapag nanalo ka bukas. Wala eh, mahilig kaming tatlo nina Adam at Nicholas sa racing kahit sobrang delikado kasi dun kami sumasaya. Parang pag-ibig. Kahit alam natin na masasaktan tayo, nagmamahal at nagmamahal pa rin tayo ng taong hindi tayo mahal.

Nang makapasok na kami sa loob ng bahay ay dumiretso ako sa may wine cellar para kumuha ng isang bote ng alak. Ano bang kukunin ko? Red wine? White wine? Vodka? Jack Daniels? Johnnie Walker? Jameson? Hennessy? Bacardi? Tinamad na akong pumili kaya kinuha ko na lang ang pinakamalapit sa 'king bote ng Bacardi. Kumuha naman si Nicholas ng dalawang baso mula sa drawer at ice cubes mula sa fridge. Kita niyo 'yan! Kita niya 'yan! Bahay niya talaga ito ehh.

"Hoy Nicholas, may naalala ako. Siguro sinilipan mo si Jella, noh? Diba nilagyan mo ng microcams ang kwarto niya?" Pang-aasar na tanong ko habang umiinom siya ng alak. Magkatapat lang kami ng inuupuang sofa ni Nick kaya kitang kita kong bigla siyang nasamid. Tumatawa naman ako nang malakas habang tumatakbo para tapikin ang likod niya.

"Joke lang! Ito naman, hindi na mabiro. I know you're not that kind of guy," taos-pusong sabi ko bago uminom ng Bacardi. Oo, kilalang kilala ko na siya noh. Kahit naman gago at masungit ang lalaking ito, he has a freaking heart of gold.

"Sira ulo! She's not even my type," sagot niya habang diretso lang ang titig niya sa mga mata ko. Siguro dahil kanina pa kami umiinom kaya medyo lumalim lalo ang boses niya.

"I know, biro nga lang eh. Alam ko namang kayo na ni Adam. Ayiee! Okay lang 'yan kasi hindi ko ikakalat, mga teh," biro ko bago tumawa nang malakas pero hindi niya ako pinansin. Gustong gusto ko kasi ang reaksyon nilang dalawa kapag inaasar ko sila sa isa't isa. Hindi mo kasi alam kung sasakay pa sila sa joke mo o sasapakin ka na nila next time na magsalita ka.

"By the way, what did Knight tell you to do when he asked you to go in his office?" Pagpapalit niya ng topic bago uminom pa ng alak. Sunud-sunod ang bawat lagok naming dalawa kaya sigurado akong basag kami nito bukas. Nararamdaman ko naman ang epekto ng alak sa katawan ko sa bawat minutong lumilipas.

"Ano kasi, nagresign na si Midnight," kwento ko habang iniikot ang daliri ko sa taas ng baso ko. Nagtanggal na rin ako ng coat at nagtali ng buhok dahil pinagpapawisan na ako dahil sa alak.

"I heard and then?" Bulong niya habang tinitignan lang ako nang diretso.

"May bagong Alpha mission head. Inutusan ako ni Ace na i-tour siya sa headquarters at saka ituro ko sa kanya ang mga kailangang gawin. Parang tanga 'yung best friend mo. Kabago bago, ginawa niya agad head ng Alpha. Minsan talaga may pagka-eng-eng 'yun," pagpapatuloy ko bago uminom pa ulit at ganun din ang ginawa ni Nicholas.

"That idiot! Kaming dalawa ang mapapahamak sa katangahan niya eh. Tss, I'll kick that dumbass when I see him," bulong niya bago umiling iling dahil sa nalaman niya. Hindi ko sigurado kung tama ba ang narinig ko dahil iba na talaga ang epekto ng alak sa sistema ko at nahihilo na rin ako.

"Anong sabi mo?"

"Never mind. I remembered, we have a barkada reunion but I don't want to go so let's not talk about it," pagbabago na naman ulit niya ng topic pero hindi ko 'yun pinansin. Nahihilo na rin kasi ako kaya kahit anong sabihin niya sa 'kin ay tatanggapin ko lang basta basta.

"Binanggit banggit mo pa pero ayaw mo naman palang pumunta tayo. Bakit? Nakakamiss kaya ang barkada natin. Hindi mo ba namimiss sina Lancelot, Emma, Ezekiel, Spade, Thomas, Hera, at Elizabeth? Ako kasi namimiss ko na sila ehh," pagdadrama ko bago ngumuso. I noticed how he lightly tightened his jaw before unconsciously biting his lower lip.

Hmm, ngayon ko lang natitigan nang matagal ang mga labi ni Nicholas. Sobrang pula at mukhang sobrang lambot nito. Parang ang sarap halik—what! Get back to your senses, Jessica Strauss!

"No, I don't miss them," bara barang sagot niya habang nakakunot lang ang noo niya.

"Ehhh, please Nick? Pumayag ka na please. Nicholas, pretty pleaaaaaaase!" Pagmamakaawa ko habang mas lalo akong lumalapit sa kanya at saka ko siya tinignan sa mata. Niyugyog ko pa nga ang biceps niya para mas pumayag pa siya na sumama kami sa reunion eh. Lumagok muna siya ng alak bago ako sagutin ulit.

"Okay. Basta babantayan kita, ha?" Bulong niya pero rinig na rinig ko 'yun. Oo nga pala, nalimutan kong sinubukan akong ligawan noon ni Thomas. Hehehehehe.

"Yehey! Wohooo! Thank you, pogi!" Masayang sigaw ko bago ko siya yakapin nang mahigpit.

"Tangina, I'll kill anyone who tries to flir—" sabi niya sana pero tumigil siya nang tumunog ang phone ko. Mas lalo namang kumunot ang noo niya habang nakatingin sa maingay kong cellphone sa center table.

"Anong sinasabi mo kanina, Nick?" Tanong ko habang tinitignan ang screen ng phone ko. Unknown number ang tumatawag at wala akong ideya kung sino ang tatawag sa 'kin nang ganitong oras.

"Wala! Just answer whover the fuck that is," mura niya bago lumagok na naman ng alak. Huhuhuhu. Lasing na talaga si Nicholas... at lasing na rin ako!

[Unknown calling...]

I should be over all the butterflies but I'm into you.

Jessica: Hmm, hello! Who's this?

???: Krypton! Hahahahaha. Nakatanggap na ako ng mission. Wait, okay ka lang ba? Bakit ganyan ka magsalita?

Jessica: I'm kinda drunk. But wow, congrats!

Krypton: Hinay hinay lang sa pag-inom! Hahahaha. Anyway, thanks! Diba sabi mo tutulungan mo ako? Valid pa ba 'yun hanggang ngayon?

Jessica: Oo naman, sasabihin ko na lang kina Ace at Frost para hindi na muna ako mabigyan ng bagong mission. May sweldo rin kaya ako kapag tinulungan kita.

Krypton: Mabuti naman pala kung ganun. Thank you, Aqua! Good night!

Jessica: Good night. Bye!

"Who's that?" Mausisang tanong ni Nicholas bago maghikab.

"Si Flame. The one I told you about. Nagpapatulong kasi siya sa first mission niya. Halika na, dadalhin na kita sa guest room," aya ko bago ilagay ang braso niya sa balikat ko. Kaya ko pa rin naman siyang alalayan kahit lasing na ako.

"Tss, I don't need help," tamad na tamad niyang sagot kaya hinayaan ko lang siya maglakad mag-isa.

Pagewang gewang na ang lakad niya kaya halos matawa ako sa nakikita ko. Nako, bahala siya diyan. Kung hindi lang sana ako lasing, baka vinideohan ko na siya ngayon. Mabuti na lang talaga may guest room ako sa first floor kaya doon ko sila pinapatulog ni Adam kapag lasing na lasing na talaga sila at hindi na makauwi.

Bumalik naman ako sa living room para ayusin ang mga pinag-inuman namin ni Nick pero na-tempt pa akong uminom ulit... hanggang sa magkaroon ako ng lakas ng loob na tawagan si Adam.

"Mr. Knight, sorry sa abalaaaaa. Baka may inaasikaso ka pa palang trabaho," bati ko bago ubusin ang alak na nasa baso ko. I tried to sound as normal as possible pero mukhang hindi ko pala kaya.

"I know that voice. Are you drunk?" Kalmado pero halatang nag-aalalang tanong ni Adam sa kabilang linya.

"Nope! Si Nicholas kaya 'yung lasing. Pagewang gewang na nga siyang maglakad kanina papuntang guest room ehh. Hahahahahahaha," sagot ko habang nagsasalin ng alak sa baso ko.

"Yes, you are. Kayong dalawa talaga. Wait for me, I'll go there after this." The call ended and I immediately drifted off to sleep.

***For better reading, play Wonderwall by Oasis (Boyce Avenue cover) in Youtube link above***

Naalipungatan na lang ako nang may narinig akong lalaking kumakanta habang hinahaplos ang buhok ko pero dahil sa sobrang kalasingan ay hindi ko na talaga magawang idilat ang mga mata ko. Wow, napakaganda ng boses niya. Hindi ko pa naririnig ang boses na 'to sa tanang buhay ko pero gusto kong marinig ito araw-araw. Hmm, baka naman nananaginip lang ako na kinakantahan ako ng isang anghel.

"Ang gwapo naman ng boses mo. Nakakainlove naman," bulong ko habang nakapikit pa rin.

Tumawa naman siya bago ipagpatuloy ang kinakanta niya habang hinahaplos pa rin ang buhok ko. Seryoso, nakakarelax talaga ang boses niya. Hindi ko alam kung bakit pero si Adam ang naiisip ko habang kumakanta siya. Siya lang ang gusto ko. Kahit ang dami-dami ko namang pwedeng magustuhang iba, siya pa rin ang gusto ko. Alam kong si Adam lang ang lalaking mamahalin ko.

"And all the roads we have to walk are winding. And all the lights that lead us there are blinding. There are many things that I would like to say to you but I don't know how. Because maybe, you're gonna be the one that saves me. And after all, Jess, you're my wonderwall. I love you, Jessica Strauss," kanta ng lalaki habang ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya para sa akin bago niya hinalikan ang tuktok ng ulo ko.

"I love you too, Adam."