webnovel

Mission: Playing with Fate

Jessica Strauss works for a secret organization created to play with other people's fate--either she attaches them, breaks them up, or maybe something deeper than that. She's busy making the world a little more exciting, but what she doesn't know is that her own fate is being played by someone else--someone *very* close to her heart.

xJaeger · Teen
Not enough ratings
21 Chs

17: Eli's Dare

Chapter 17

Bago kami tuluyang umuwi, hinatid muna namin sina Race at Jaime sa villa kung saan sila nagsistay. Mukha nga kaming tanga kasi sigaw sila nang sigaw ng direksyon mula sa likod ng pickup truck ehh. Nang makarating kami sa mansyon, sinalubong agad kami nina Emma at Lancelot nang may nagtataka pero natatawang itsura. Tinawag naman agad ni Lance sina Spade at Ezekiel para tumulong na rin sa pagbubuhat. Pagbaba ko mula driver's seat, siniringan ko ang tatlong kakababa lang din mula sa likod ng pickup na nagmumurahan pa rin hanggang ngayon.

"Hoy bakla, anong ginawa mo sa tatlong 'yan? Bakit pala pagkain ang nasa loob ng sasakyan at hindi tao? O baka naman pinagkamalan mong pagkain 'yung tatlong boys?" Pang-aasar na tanong ni Emma na halatang pinipigilan ang pagtawa niya pero hindi niya ito kaya. Inirapan ko naman siya dahil sa sinabi niya.

"Ask them why. Oh, anong ginawa niyo buong araw? Gumawa na naman ba kayo ng scandal?" Mataray kong sagot sa kanya bago tumawa nang malakas. Namula naman ito bago ako sagutin.

"Jessica Strauss, isusumbong kita sa Daddy mo ahh! Nakalimutan mo atang sa States ako nakatira," sigaw ni Emma habang namumula pa rin.

"Subukan mo, Ems. Hindi naman maniniwala sayo sina Daddy. Bleh!" Pang-aasar ko sa kanya bago ako bumelat. Kumuha na rin naman ako mula sa backseat ng pinamili namin bago sana ako pumasok sa loob ng rest house.

"Ako na diyan, Jess. Hehehehe," sabi ni Adam na aambang hahawakan ang bitbit kong plastic. Tinignan ko naman siya nang masama bago ako pumasok sa loob.

"Hoy! Ano na namang ginawa niyo kay Jess?" Sigaw ni Ezekiel pero walang sumagot ni isa sa kanila.

Nang makapasok ako ng mansyon, nakita ko ang mga naka-two piece na sina Elizabeth at Hera na basang basa ang katawan habang nag-eenjoy naman sa pagtingin si Spade sa kanila. Inirapan ako ni Eli at tinignan ako mula ulo hanggang paa pero nag-iwas na lang ako ng tingin para hindi ko siya masabunutan right this very moment. Binaba ko ang dala dala ko sa kitchen bago ako kumuha ng juice mula sa ref. Relax, Jess. Relax lang.

"Mukha kayong tanga. Bakit sa likod kayo ng pickup umupo?" Natatawang mungkahi ni Lance habang papasok sila ng bahay nang may buhat buhat na mga pagkain. Umupo naman ako sandali ng sofa dahil sa pagod sa pamimili at sa pagsaway sa mga batang nag-aaway.

"Si Hawker talaga may kasalanan nun eh!" Sagot ni Thomas habang nakanguso pero mukhang nagbibiruan na lang sila ngayon dahil hindi na sila nagmumurahan.

"Dumbass, it's Knight's fault!" Sigaw naman ni Nicholas bago sandaling sinilip ang kinauupuan ko. Nanahimik naman siya agad nang makita akong nakatingin sa kanilang apat.

"Mukha mo, si To—hehehehehe. Wala wala, lahat kami may kasalanan. Diba Jess?" Ani Adam habang nakatingin sa 'kin na may pilit na ngiti.

Nang matapos akong umidlip, mag-shower, at magpalit ng damit, lumabas na ako ng kwarto para tumulong sa pagluluto ng mga kakainin namin mamaya. Kinuha ko na rin ang hoodie ko para hindi na ako babalik sa taas bago kami umalis. Pagbaba ko ay nagkekwentuhan sina Elizabeth, Hera, Emma, at Lance sa may sala. Hindi naman ako tumingin sa kanila kasi maiirita lang ako sa pagmumukha ni Eli. Dumiretso ako sa kitchen at nakita kong nandun sina Ezekiel at Spade na inaayos ang luto nang kanin, fried chicken, at baby back ribs.

"Patikim, hihihihi," malambing na sabi ko habang kumukuha ng baby back.

"Ito, Jesh. Gushto moh tikmahn?" Alok ni Spade habang punong puno ng pagkain ang bibig niya. Umiling naman ako dahil mamaya na ako kakain ng chicken na inaalok niya. Siguro kanina pa pumapapak ang dalawang ito kaya nandito.

"Hmm, okay na ba kayo ni Eli?" Seryosong tanong ni Ezekiel na inaayos ang mga lagayang dadalhin namin sa beach mamaya. Luminga naman siya sa akin sandali habang nag-aayos.

"Hindi pa. Hayaan mo na siya, Kiel. Hindi ko na lang siya papansinin. Hindi naman niya magagawa 'yung sinabi niya ehh," mahinahong sagot ko. Jusko, paano naman kami mag-aayos eh siya pa nga may ganang mang-irap diyan?

"Hayaan mo na nga lang. Alam mo namang baliw na baliw kay Ace 'yun. Hoy Spade! Kanina ka pa pumapapak diyan baka maubos 'yung manok! Halika na nga. Sama ka ba sa 'min, Jess?" Kalmadong tanong ni Ezekiel bago paluin ang kamay ni Spade na kukuha na naman ng fried chicken.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko pagkatapos tumawa dahil sa ginawa niyang iyon.

"Sa beach. Mauuna na kasi kami dun ni Spade para ayusin 'yung bonfire at tents. Hoy ungas, kunin mo na nga pala 'yung tents baka maiwan pa," aniya bago buhatin ang isang lagayan ng ulam at isang maliit na kaldero ng kanin.

"Sige, tulungan ko na kayo," nakangiting sinabi ko bago isabit ang hoodie ko sa balikat ko at saka binuhat ang natitira pang lagayan ng ulam.

Binilisan naming tatlo ang lakad dahil sa bigat ng mga dala namin. Para tuloy kaming mga tanga habang nagmamadali para lang maibaba agad ang mga bitbit namin. Nang makarating kami sa beach, inayos naman namin ang mga kailangang ayusin. Si Spade ang taga-gawa ng bonfire at kami naman ni Ezekiel ang taga-ayos ng pepwestuhan mamaya ng barkada.

"Jess, nahulaan mo na ba kung sino ang gusto ko?" Tanong ni Kiel habang hawak hawak ang kabilang dulo ng tent na hawak ko. Napatingin ako dahil sa tanong niya habang malakas na tawa lang ni Spade ang nanaig bago ako sumagot. Minura naman niya si Spade pero hindi pa rin ito natinag.

"Hindi pa ehh. Sino ba kasi? Ayaw mo namang sabihin ehh," sagot ko sa kanya habang nag-iisip. Sino nga ba ang gusto nito? Kakilala ba namin? Wait, ang sabi niya kasi in love siya sa isang babaeng in love sa isang lalaking in love din sa ibang babae. Eh sino naman 'yun, diba? Kapag nalaman ko talaga kung sino yun, tutulungan ko si Ezekiel na makuha siya dahil gusto kong sumaya ang lalaking ito. Attachment Mission 143 to Jessica Strauss, wait for me!

"Ako Jess, kilala mo ba kung sino gusto kong babae?" Natatawang tanong ni Spade habang nagtataas-baba ng kilay niya. Mukha talaga siyang manyak sa kanto minsan. Sana naman sa future makakilala si Spade ng isang babaeng makakapagpatino sa kanya.

"Lahat ng babae!" Natatawang sigaw ko bago lumapit sa kanya at makipag-apir. Tawang tawa naman siya dahil alam naman niyang tama ang sagot ko.

"Hahahahahaha, mukha kayong mga sira diyan pero ang galing kasi saktong sakto ang hula mo!" Komento ni Kiel habang natatawa rin. Obvious naman kasi noh. Babaero nga ang Spade na ito, diba?

"Ikaw ba, Jess, sinong gusto mo?" Nakangising usisa ni Spade bago ko ibaon sa lupa ang foundation ng tent habang naglalagay naman si Kiel ng mga bato para hindi ito liparin ng hangin. Natawa ako nang konti dahil sa tanong na iyon. Bakit, hindi pa ba nila nahahalatang may gusto ako kay Adam? Diba malakas silang makaramdam?

"Si T.O.P., si Jon Snow, at saka IV of Spades!" Tili ko habang kinikilig. Hinawakan ko pa ang baba ko habang iniimagine ko silang lahat. Ang gagwapo, cute, at talented kaya nila.

"Kawawa talagang mga ano..."

"Oo nga, pre. Lalo naman si lover boy!" Pang-aasar ni Spade na tapos na rin sa paggawa ng bonfire. Tinawanan ko na lang sila dahil hindi ko alam ang reaksyong dapat kong ipakita. Oo, gusto ako ni Thomas pero hindi ko kayang nasasaktan siya dahil sa akin.

Habang inaayos namin ang tents ay nakita ko namang naglalakad na ang barkada namin sa hindi kalayuan. Sina Emma at Lance ang nauuna na lumulukso lukso pa na parang mga bata habang magkahawak ang kamay. Sina Elizabeth at Hera naman ay kausap sina Adam, Nicholas, at Thomas na may buhat buhat na alak at mga inihaw na pagkain. After nilang magsettle down, kumain agad kami para hindi kami masuka mamaya habang umiinom. Marami pa ngang natirang ulam para gawing pulutan ehh. Weee!

Nakapalibot kaming lahat ngayon sa bonfire at kulang na lang ata sumayaw kami nang paikot ikot para mukha kaming nasa kulto. Katabi ko sa kanan si Emma at sa kaliwa naman si Nicholas. Pinilit ko talagang hilahin si Nick sa tabi ko para marami akong makain na s'mores dahil nagpabili siya kanina ng ingredients nun sa grocery. Nag-umpisa naman kaming mag-inuman habang patuloy pa rin ang paggawa at pagkain namin ni Nick ng s'mores.

"Don't eat too much sweets. You'll get dizzy," bulong ni Nicholas pero binelatan ko siya at kumuha pa ulit ako ng marshmallow na susunugin ko.

"Hoy Hawker, tama na kakakain ng s'mores. Toma na! Paikot 'yang baso, ungas!" Sigaw ni Spade sa tapat namin kaya napainom tuloy si Nick ng isang shot ng Bacardi. Para talagang eng-eng ang mga kaibigan ko. Bacardi 'yung shot tapos chaser namin beer. Kapag hindi ba naman kami bangenge niyan bukas, hindi ko na talaga alam.

"Yeah yeah, shut up. Here," sagot ni Nicholas bago lagyan ang shot glass ng Bacardi at ipainom sa akin. Umikot nang umikot ang baso hanggang sa may nag-aya sa amin na maglaro ng Truth or Dare. Pagkaikot na pagkaikot ng bote ay sa akin agad ito tumama. Kapag minamalas ka nga naman talaga.

"Jess, truth or dare?" Tanong ni Spade na halatang may tama na nang onti.

"Truth na lang," tipid kong sagot bago ako uminom ng beer. Wag naman sana niyang tanungin kung sino ang crush ko. Please please please.

"Are you still a virgin?" Nakangising tanong ni Spade kaya binatukan siya ng katabi niyang si Thomas dahil dun.

"Pwede kang mag-dare, Jess. Lasing na si gago ehh," natatawang sagot ni Lancelot na katabi ni Emma. Bakit hindi ko naman sasagutin ang tanong na 'yun eh ang dali dali naman ng sagot?

"Nagpapatawa ka ba, Spade? Hindi pa nga ako nagkakaboyfriend ehh. Malamang oo!" Nakangiting sagot ko dito. Ang dali lang naman pala ng mga tanong niyo ehh. Inikot ko naman ang bote na tumigil kay Ezekiel at Truth ang pinili niya.

"Kiel, nasa bilog bang ito ang sinasabi mo sa 'kin kanina?" Dire-diretsong tanong ko sa kanya bago ko tignan ang reaksyon niya. Nagpipigil siya ng ngiti kaya alam ko na agad ang sagot sa tanong ko. Huli ka!

"Pwede bang mag-dare? Hahahahaha, joke lang. Oo, Jessica Strauss. Ewan ko na lang kung hindi mo pa mahulaan. Ang dami ko nang clue sayo ahh," natatawa niyang sinabi sa akin bago uminom mula sa shot glass. Inikot naman niya ang bote at tumigil ito kay Nicholas na Truth naman ang pinili.

"Hawker, nahalikan mo na ba ang gusto mo?" Tanong ni Kiel kay Nicholas habang natatawa. Huh? Meron si Nick na ganun at alam ni Kiel kung sino 'yun?

"May gusto ka, Nick? Sino? Dali, bulong mo sa 'kin. Hindi ko ikakalat. Dali naaaaa," nakangusong sabi ko sa kanya bago ko siya hampasin sa braso. Tumawa naman ito bago sumagot sa tanong ni Ezekiel.

"Bawal pa, wala pa ngang first kiss 'yun ehh," nakangiting sagot ni Nicholas habang nagniningning ang mata niya. Halaaaa, sino ba 'yang tinutukoy niya? Baka naman si Alexandra Daddario kasi alam ko crush 'yun ni Nick o baka naman si...

"Oh my gosh! Aamin na ba kayo ni Adam? Ayiee. Kiss! Kiss! Kiss! Kiss!" Hiyaw ko habang kinikilig. Hindi ko alam kung ang alak na ba ang nag-iisip at nagsasalita para sa 'kin pero tawang tawa talaga ako. Pinisil naman ni Nick ang pisngi ko bago ako subuan ng s'mores para manahimik ako. Pinaikot naman niya ang bote at tumigil ito kay Emma na Dare ang pinili.

"Sayang! Dapat Truth para malaman natin kung may scandal na nga sila! Hahahahahahaha," pang-aasar ni Thomas na halatang may tama na rin. Siniko ko naman si Emma bago ko itaas baba ang mga kilay ko para asarin silang dalawa.

"Manahimik ka diyan, Thomas! Ikaw din, Strauss. Isusumbong talaga kita sa Daddy mo. Hahahahahha. Oh, ano nang gagawin ko?" Natatawang tanong ni Emma na aambang babatuhin kami ni Tom ng tsinelas niya kaya nanahimik naman kami.

"I dare you to stand up," seryosong sabi ni Nicholas na nagpakunot ng noo ko. Ang daya! Ang dali naman masyado ng Dare ni Emma. Kahit naguguluhan si bakla ay tumayo naman siya bago magsalita.

"Huh? Parang tanga 'to—Oh my gosh!" Gulat na gulat na hiyaw ni Emma nang nakita niyang nakaluhod si Lancelot sa harapan niya na may hawak na singsing. Wait, oo nga noh? Walang singsing na pinakita sa 'kin si Emma kahit sinabi niyang engaged na silang dalawa. Hala wait, naiiyak din ako.

"Love, pumayag ka pa ring pakasalan ako kahit wala akong nakahandang singsing last time. Ngayon, uulitin ko ang tanong ko. Emma Santos, will you be my wife?" Naluluhang tanong ni Lancelot na nakaluhod pa rin ang isang paa sa buhanginan. Kinikilig ako nang sobra kaya nahampas ko tuloy si Nick sa tabi ko na nakangiti lang nang malapad bago ako akbayan.

"Yes! Kahit ilang beses mo pa akong tanungin, yes!"

"Cheers!" Tumagay kaming lahat para sa kanilang dalawa. Ipinagpatuloy namin ang paglalaro ng Truth or Dare kahit halos hindi na mapaghiwalay ang magkasintahan na dalawang beses pang engaged. Inikot ni Emma ang bote at tumigil ito kay Elizabeth na pumili naman ng Dare.

"I dare you to kiss anyone in our barkada for 5 seconds pero hindi pwede sa lips," utos ni Emma nang hindi tinitignan kung sino ang natapatan ng boteng pinaikot niya.

Lumapit si Elizabeth malapit sa amin. Shit! Sinasabi ko na nga ba eh. Umupo siya sa harap ni Adam na ilang beses ko nang narinig na huminga nang malalim. Halos hindi ako makahinga at makagalaw sa bawat pagkilos ni Eli at hindi ko alam kung pipikit ba ako o papanoorin kung anong gagawin niya. Unti unti niyang itinagilid ang leeg ni Adam bago ito halikan at dilaan na parang wala nang bukas. Limang segundo. Limang segundo lang iyon pero pakiramdam ko ilang taon ang nakita kong nawala sa harapan ko. Ramdam na ramdam ko ang panunuyo ng lalamunan ko kaya nilagok ko ang Bacardi at isinunod ang chaser na beer. Bago bumalik si Elizabeth sa upuan niya, ngumisi pa ito sa akin bago ako kindatan. Bruha ka talaga!