webnovel

Mission: Playing with Fate

Jessica Strauss works for a secret organization created to play with other people's fate--either she attaches them, breaks them up, or maybe something deeper than that. She's busy making the world a little more exciting, but what she doesn't know is that her own fate is being played by someone else--someone *very* close to her heart.

xJaeger · Teen
Not enough ratings
21 Chs

16: Kindergarten

Chapter 16

Ribs, liempo, barbeque, chicken, tilapia, hotdog, gulay, bigas, chichirya, yelo, water, at softdrinks.

Ribs, liempo, barbeque, chicken, tilapia, hotdog, gulay, bigas, chichirya, yelo, water, at softdrinks.

Ribs, liempo, barbeque, chicken, tilapia, hotdog, gulay, bigas, chichirya, yelo, water, at softdrinks.

Kanina ko pa 'yan inuulit ulit sa isip ko para wala na akong ibang maisip na bagay. Sa totoo lang, hindi pa rin ako naniniwala sa sinabi ni Thomas sa akin kagabi dahil kaibigan lang naman talaga ang turing sa 'kin ng dalawang nakaupo sa backseat. Diba mararamdaman ko naman 'yun kung gusto ako ng isa sa kanila? Pero wala ehh, wala akong nararamdamang ganun. Ang gusto ko lang naman talagang gawin ngayon ay maging mabuting kaibigan kay Thomas.

"Marami, pre, mga iihawin natin mamaya sa bonfire at saka 'yung ulam natin hanggang bukas nang tanghali. Siguro magkanya-kanya na tayo ng bili para makauwi agad tayo," seryosong sagot ni Thomas habang ngumunguya ng mint na kinuha niya sa gitna ng driver at passenger's seat. Inalok naman ako nito pero umiling na lang ako. Hindi kasi ako mahilig sa chewing gum. Nasanay na rin siguro ako dahil bawal iyon sa mga may braces eh ilang taon akong may braces nung bata pa ako.

"Ako na bibili ng pwedeng mabili sa grocery store ahh," sagot ko sa kanya habang nakatingin pa rin sa listahan ng mga bibilhin namin. Bale ang bibilhin ko ay chichirya, ice cubes, mineral water, at softdrinks tapos magdadagdag na lang ako kapag may nakita akong mukhang masarap kainin.

"May alak pa ba tayo? Bili rin tayo sa bayan ahh," paalala ni Adam sa likod. Lumingon naman ako sandali sa kanilang dalawa at nginitian naman nila ako bago guluhin ni Nick ang buhok ko. Nakita ko sa peripheral vision ko ang pagtingin ni Thomas sa akin dahil sa ginawa ni Nicholas.

"Sige pre, teka. Palista naman dito para hindi natin makalimutan, Jess," pakiusap ni Thomas bago iabot sa akin ang ballpen na galing sa gilid niya.

"Hmm, sige."

"This is the money Knight lost when we played pusoy dos a while ago. Use this to buy everything we need," natatawang pang-aasar ni Nicholas habang naglalabas ng ilang libo mula sa bulsa niya. Natawa naman ako lalo nang makita ko ang pagnguso ni Adam habang nakatingin nang masama sa best friend niya. Bumubulong bulong pa nga ito na para bang nag-oorasyon.

Pagdating namin sa bayan ay nagtitinginan ang mga taong nakakakita sa amin. Sinilip ko naman ang mukha ko sa phone ko pero wala namang dumi. Tinignan ko rin ang damit ko pero mukhang maayos naman. Nang may nadaanan kaming babaeng kinikilig ay alam ko na kung bakit sila nakatingin sa amin. Nakalimutan ko nga palang gwapo ang mga kasama ko. Understatement pa nga iyon ehh. Mukha ba kaming F4 habang naglalakad? Eh sino si Shan Cai? Si ateng kinikilig? Eh paano naman ako? Si Vanness Wu ba ako? Di bale, favorite ko naman si Vanness eh.

"Hija, ang gagwapo naman ng mga kasama mong binata. Alin ba diyan ang kasintahan mo?" Tanong ni lolang tindera habang nakangiti nang sobrang tamis. Lola naman eh! Huhuhuhu. Gulong gulo na nga isip ko, nagtatanong ka pa po ng ganyan.

"Wala po, lola. Hehehe. Bibili po pala kami ng tatlong kilong liempo, tatlong kilong barbeque, at dalawang kilong baby back ribs," pag-iiba ko ng usapan bago ako pilit na ngumiti. Kasi naman eh! Inhale, exhale. Bawal ko nang isipin ang sinabi ni Thomas. Hindi ako gusto ng kahit sino man dahil imposible 'yun masyado. Period, no erase. Padlock, tapon susi.

"Aba'y sayang naman kung ganoon. Mga hijo, ligawan niyo nga ang dilag na ire. Kung ayaw niyo nama'y papaligawan ko iyan sa apo ko," natatawang sagot ni lola sa amin. Lola naman ehh! Huhuhu. Stop na po.

"Lola, tomboy po 'yan!" Komento ni Nicholas kaya nilingon ko siya para tignan nang masama. Tumawa naman silang tatlo nang malakas kaya siniringan ko rin pati 'yung dalawa.

"Kung ganoo'y wala namang masama doon. Ito na nga pala ang mga pinamili niyo," sabi ni lola habang nakangiti bago ibigay sa amin ang mga binili naming pagkain.

"Biro lang po 'yun, lola. Ito po ang bayad. Salamat po."

Dahil sa sinabi ni Thomas kanina, naghiwa-hiwalay na muna kami ng bibilhin para makabalik agad kami sa mansyon. Siyempre, lulutuin pa ang mga pagkaing bibilhin namin kaya kailangan talaga naming bilisan. Habang naglalakad ako papasok ng isang grocery ay patuloy pa rin sa isip ko ang mga bibilhin ko. Binili ko naman ang mga kailangan tulad ng marshmallow, chocolates at graham cracker para sa pinapabili ni Nicholas na ingredients ng smores, chichirya, ice cubes, water, at softdrinks. Hinintay ko na lang sila sa labas dahil sobrang bigat ng mga pinamili ko.

"Jessica, you're here! I missed you!" Hiyaw ni Jaime na tumatakbo papalapit sa akin habang nakataas ang mga kamay niya para yakapin ako. Natawa naman ako dahil ang cute talaga niya kahit kailan. Napansin ko naman si Race na nasa likod lang pala ni Jaime habang nakangiti nang malapad.

"Hi guys! What brings you here?" Tanong ko sa kanila nang makalapit na silang dalawa sa 'kin. Ibinaba naman nina Jaime at Race ang mga dala dala nilang plastic na hindi ko alam kung anong laman.

"We bought pasalubong for our family and friends. How about you? Are you alone again?" Nakangiting usisa ni Race habang nakatingin nang diretso sa mga mata ko.

"I'm actually with my friends. I bought groceries," sagot ko sa kanila bago tumingin sa napakarami kong binili. Hayy, nasaan na ba ang mga 'yun? Hindi ko kayang buhatin lahat ng ito papunta ng sasakyan ahh.

"Jessica, please notice me. I missed you! I wanna marry you right now," bulong ni Jaime bago kumapit sa braso ko. Natawa naman ako sa sinabi niya kasi para talaga siyang bata. Tinapik tapik ko naman ang ulo niya dahil hindi ko alam ang isasagot ko.

"Shut up, Jaime! We've talked about this. I'm going to court her and you're gonna shut it!" Nakangusong sigaw ni Race bago ako akbayan habang tinutulak si Jaime na pinipilit pa ring lumapit sa akin.

"Race," bati ng isang lalaki mula gilid namin. Paglingon ko ay may tatlong lalaking parang nagfafashion show habang bitbit ang mga pinamili nila. Si Thomas ay maraming bitbit na sack bag na mukhang doon nakalagay ang mga gulay, chicken, tilapia, at hotdogs at sa kabilang kamay naman niya ang pinamili namin kaninang ilang kilo ng ribs, liempo, at barbeque. Si Adam naman ay may buhat buhat na dalawang case ng beer. Si Nicholas naman, may buhat na isang sako ng bigas na nasa ibabaw ng balikat niya. Grabe, kitang kita ko kung paano mag-flex ang mga biceps nila! Jusko, nasa langit na ba ako?

"Thomas! Nice to see you, man. I didn't know you're here," bati ni Race kay Tom. Huh? Paano sila nagkakilala? Magkaibigan ba silang dalawa? Napansin ko namang nakatingin sila nang masama sa braso ni Race na nakaakbay sa akin. Mukhang napansin din iyon ni Race kaya tumanggal siya agad sa pagkakaakbay.

"Yeah, kasama ko mga kaibigan ko. You two know each other?" Nagtatakang tanong ni Thomas bago kami tignan nang salitan ni Race. Wait... nakakaintindi ng Tagalog ang lalaking 'yun? Bakit hindi niya sinabi? Napagod kaya ako kaka-English kahapon.

"U-uhm, sila yung kasama ko kahapon. Race and Jaime, this is Thomas but I think you knew him already, Adam, and Nicholas," pagpapakilala ko sa kanila habang isa isa silang tinuturo.

"Shit! Are you for real, Jessica? You're friends with the other two top racers? Can I take a picture with you, guys?" Pagtitili ni Jaime na para siyang isang fangirl (yes, fangirl) pero hindi naman siya pinansin nung dalawa. Nagseselfie pa nga si Jaime kahit wala namang tumitingin sa camera niya eh. Ang cute talaga nito! Ang sarap gawing baby brother.

"In case you're wondering, Race and I are business partners. By the way, gusto niyo bang sumabay sa 'min pabalik?" Tanong ni Thomas habang nakatingin kina Jaime at Race.

"Sure! Tsk, the tricycle we paid earlier is more expensive than our pasalubong. Thanks bro!"

Meron kaming dilemma na hindi namin naisip bago kami maglakad papunta sa pickup truck ni Thomas. Masikip daw kasi kapag apat na lalaki ang umupo sa backseat pero ayaw naman nila akong paupuin doon para magkasya kaming lahat. Sa passenger's seat na lang daw ako. Sinabi rin ni Thomas na kailangan daw may magbabantay ng mga pinamili namin dahil marami raw nananakawan ngayon dito. Ang tanong, sino ang papayag na umupo sa likod kasama ang mga pinamili namin? Ako na lang kaya?

"So guys, sino ang uupo sa likod?" Natatawang tanong ko habang nakatingin sa kanilang lima.

"Ako may-ari, ako sa loob!" Sigaw ni Thomas bago maglakad papunta sa driver's seat pero hindi pa man siya nakakapasok ay may umangal na agad.

"Dumbass, you're the one who's carrying the lightest one a while ago. Sa likod ka, I'll drive!" Iritableng sagot ni Nicholas bago isara ang pinto ng driver's seat para walang makapasok doon.

"No! I'll drive! Doon ka sa likod, Nick. Kanina ka pa iritang irita diyan kaya kailangan mo magpahangin baka sakaling hanginin din 'yang kasungitan mo. Sa likod ka na rin Thomas kasi ang bagal mo bumili eh ang bigat na nga ng dala namin ni Nick!" Angal naman ni Adam habang nakanguso at nakakunot ang noo.

"Ayoko nga! Sasakyan mo ba 'yan?" Nakakunot noong pakikipagtalo ni Thomas habang tawang tawa lang ako sa gilid. Simpleng bagay lang, hindi pa sila magkasundo.

"Ako na lang sa likod," sagot ko para tumigil na sila diyan.

"No!" Sigaw nilang lahat. Ano ba 'yan, para nga umalis na kami ehh! Akala ko ba kailangan naming umuwi agad kasi magluluto pa? Eh bakit sila nag-aaway away diyan?

"Jessica, you drive so I can watch you from the passenger's seat then I'm gonna marry you soon. Hihihihihi!" Kinikilig na sinabi ni Jaime kaya miski si Race ay sumali na rin sa away nung tatlo.

"Shut up, Jaime! Let me drive, bro. I want to talk to Jessica!" Hiyaw ni Race kay Jaime bago tumingin kay Thomas. Jusko po, ang gulo naman ng mga kasama ko. Maglakad na lang kaya ako pauwi nang wala silang problema diyan?

"No way, dumbass!"

"I'll drive!"

"Para walang away, ako na magdadrive!"

"And I've got all that I need right here in the passenger's seaaaaaaat."

"Shut up!"

"No, I'll drive!"

"And I can't keep my eyes on the rooooooad knowing that she's inches from meeeee."

"Fuck off!"

"Ugh! Dahil ayaw niyo akong umupo sa backseat o magbantay ng mga pinamili natin sa likod at dahil ayaw niyong magkasundo diyan, sa loob na lang ng sasakyan ang mga pinamili natin at ako na lang magdadrive. Lintek 'yan, sa likod kayong lima!" Utos ko sa kanila habang tinitignan silang lahat nang masama. Kailangan na kasi talaga naming umuwi dahil baka hindi maluto ang mga pinamili namin on time. Gusto ko sanang tumawa dahil sa itsura nilang lima ngayon dahil mukha silang mga kindergarten na pinagalitan ni teacher kaso kapag tumawa naman ako baka hindi nila ako seryosohin.

"Ikaw kasi ang ingay ingay mo eh," sisi ni Thomas kay Adam habang tinitignan siya nang masama. Inabot naman nito ang susi ng sasakyan niya habang nakanguso rin. Hindi ba siya natatakot na ibangga ko ang sasakyan niya? Bakit hindi siya kumokontra diyan?

"Ikaw kaya 'yun at saka si Nick," sagot naman ni Adam habang nakanguso na naman.

"Tse! Umpisahan na ang pagbubuhat ng mga pinamili nang makauwi tayo agad!"

Sumakay naman ako sa sasakyan para i-start na ang makina at para buksan ang lahat ng bintana para hindi amoy pagkain ang Ford Super Duty ni Thomas. Kahit nagdadrive na nga ako, rinig na rinig ko pa rin ang mga lalaki sa likod ng pickup na nagsisisihan at nagmumurahan. Hayy, nako talaga. Pag-umpugin ko kaya mga ulo nilang lima diyan.

"Asshole!"

"You're the asshole, dumbass!"

"Shut up, this is all your fault!"

"Uhh, I hate you all! I wanna see her drive up-close!"

"Putangina, manahimik nga kayong mga inglishero kayo!"