webnovel

Mission: Playing with Fate

Jessica Strauss works for a secret organization created to play with other people's fate--either she attaches them, breaks them up, or maybe something deeper than that. She's busy making the world a little more exciting, but what she doesn't know is that her own fate is being played by someone else--someone *very* close to her heart.

xJaeger · Teen
Not enough ratings
21 Chs

18: Left

Chapter 18

Hindi ako makahinga. Ilang beses na akong nagbuntong hininga pero pakiramdam ko ay kulang na kulang pa rin ang hangin sa baga ko. Gusto ko siyang sabunutan at sapakin ngayon na mismo pero hindi ko magawa. Alam kong wala akong karapatan kay Adam kaya pinigilan ko ang sarili kong mag-eskandalo. Buti na lang pala ay hindi ako nakatingin sa mukha ni Adam habang ginagawa 'yun ni Elizabeth. Nagustuhan kaya niya? Naikuyom ko lalo ang kamay ko sa loob ng hoodie ko dahil sa tanong na iyon. Breathe, Jess. Breathe. Pagkatayo ni Elizabeth ay natumba siya sa buhangin kaya agad siyang sinalo ni Thomas na pinakamalapit sa kanya.

"Shit! Huy Elizabeth, gising!" Sigaw ni Thomas habang sinasampal ito nang mahina para magising. Gusto mo bang ako na lang sumampal sa kanya, Tom? Game na game ako diyan.

"Hindi na ata niya kaya. Alalayan na natin siya pauwi," nag-aalalang sabi ni Hera na tinanguan naman ni Thomas. Binuhat niya ito nang parang prinsesa kasama sina Ezekiel at Hera.

Dahil sa nangyari ay napagdesisyunan ng buong barkada na umuwi na lang sa rest house para makapagpahinga kaya nagkanya kanya na kami ng buhat ng mga iuuwi naming gamit. Habang naglalakad kami ay tsaka ko lang naramdaman ang pagkahilo dahil sa sobrang kalasingan at panghihina dahil sa kagagahan ng babaeng iyon. Napaupo tuloy ako sa sandali dahil sobrang gumagalaw na talaga ang paningin ko.

"Are you okay? Do you want me to carry you?" Nag-aalalang tanong ni Nicholas na naka-squat sa harapan ko. Lumingon ako sa paligid at napansing nakatingin din sila sa akin. Shit, iba na talaga ang hilo ko.

"Nick..." Bulong ko sa kanya bago niya hawiin ang buhok ko pero wala ring nangyari dahil nakayuko ako ngayon. Nakarinig ako ng mga yabag na papalapit sa amin na parang boses ni Emma.

"Hmm?" Kalmadong tanong ni Nicholas na hindi ko alam ang ginagawa dahil sa buhangin ako nakatingin.

"Buhat," sabi ko sa kanya habang nakanguso ako. Hilong hilo na kasi talaga ako at alam kong hindi na ako makakalakad nang diretso kahit anong gawin ko. Naramdaman ko naman na may nagtatali ng buhok ko para hindi humarang sa mukha ko. Si Emma siguro 'yun. Ang daldal ehh, parang nagsesermon sa misa.

"Jess, maraming dala si Nick ehh. Gusto mo ba ako na lang bumuhat sayo?" Tanong ni Adam na naka-squat na rin sa tabi ni Nicholas. Umiling naman ako bago ngumuso ulit.

"Nick," bulong ko kaya inabot ni Nicholas ang mga dala niya kina Adam at Lancelot. Naramdaman ko naman ang pagbuhat ni Nick sa akin sa likod niya. Weee! Piggyback!

"Nick, shh ka lang ahh. Meron pa bang s'moooooores? Gusto ko pa ng s'moooooores," bulong ko sa tenga niya na parang nagsasabi ako ng isang sikreto. Narinig ko naman ang gwapo niyang tawa dahil dun.

"Emma, hand her s'mores para hindi na makulit," natatawang sigaw ni Nicholas. Hindi ko naman makita kung nasaan na kami dahil hindi ko na madilat ang mga mata ko. Ilang segundo ang nakalipas ay may naramdaman akong may naglagay ng pagkain sa kamay ko.

"Hoy bakla. Ayan na 'yung s'mores mo," sigaw ni Emma habang tumatawa. Hinawakan ko naman iyon at kakagatin ko na sana nang mas lalong dumilim ang buong paligid kahit nakapikit na ako.

Pagkamulat ng mga mata ko ay naramdaman ko agad ang sakit ng ulo ko. Shit! Ibig sabihin sobrang dami kong nainom kagabi. Madalang akong magkahangover kaya kapag nagkakaroon ako nito ay sobrang sakit at sama ng pakiramdam ko. Ano bang ginawa mo sa sarili mo, Jessica Strauss? Sasapakin kita diyan ehh. Halos sabunutan ko na ang buhok ko dahil sa sakit ng ulo ko. Ipinikit ko ang mata ko nang ilang beses pero wala pa rin talaga.

"UGHHHHHHHH!"

"H-hey, you're awake." Nagulat ako nang nagsalita si Nicholas na nakahiga sa sofa ng kwartong tinutulugan ko. Nagkusot kusot ito ng mata bago umupo mula sa pagkakahiga niya.

"Bakit diyan ka natulog?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Pagsilip ko naman sa lapag ay may nakalatag doon na foam ng kama at doon natutulog sina Emma, Lance, at Adam. Huh?

"Because you told us you'll drive back to Manila last night if we don't sleep in your room," antok na antok na sagot niya sa akin habang nagsi-stretch ng braso niya. Huh? Ano na namang ginawa ko kagabi?

"Sorry Nick," malungkot na bulong ko bago ngumuso. Hinawakan ko naman ulit ang ulo ko dahil sumakit pa ito lalo. Tinry kong tumayo para sana maghilamos ng mukha pero hindi ata kaya ng katawan ko.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Nicholas at umiling naman ako kaya siya lumapit sa kama ko. Bigla namang pumasok sa isip ko na alalahanin lahat ng nangyari kagabi pero may mga parteng hindi ko talaga maalala. Hayyy, sana naman hindi ako gumawa ng ibang kalokohan bukod sa pagpapatulog sa kanila dito.

"I'll help you," mahinahong niyang sinabi sa 'kin bago ako alalayan papunta ng bathroom. Pinaupo niya ako sa nakasaradong toilet bowl habang hinihintay naming mapuno ang tubig ng bathtub. Lumabas siya sandali at pagbalik niya ay may dala siyang towel, shirt, shorts, at saka lagayan ng undies ko. Napangisi naman ako nang mapansin kong hindi siya makatingin sa akin habang inaabot ang lagayan ng undies ko. Hala, ang cute!

"Thank you, Nick," sabi ko sa kanya habang nakangiti ako nang malapad.

"Uhm, I brought your clothes here in case those idiots still won't wake up after I asked them to. Basta we'll call you when breakfast is ready," nagmamadaling niyang sinabi bago i-lock at isara ang pinto ng bathroom. Narinig ko namang sinisigawan niya sina Emma gamit ang nakakatakot niyang tono para gumising at lumabas na ng kwarto ko. Kahit nakarinig ako ng mga daing mula sa labas ay mukha namang successful si Nicholas sa pagpapaalis sa kanila.

Sobrang tagal kong nagbabad sa bathtub para kahit papaano ay mawala ang hangover ko. Ayun, nawala nga pero sobrang konti lang. Ang sakit pa rin talaga ng ulo ko. Hay nako, last day na nga pala namin ngayon dito sa Batangas kaya uuwi na rin kami agad after lunch. Meron pa kasing pasok bukas kaya kailangan na talagang umuwi. Lumabas ako ng bathroom at inilabas ang laptop ko para mag-check kung na-approve na ba ang mission ko pero nalimutan ko atang kasama naming magbakasyon ang Ace ng kompanya namin.

Ace. Parang nag-flashback sa akin ang paghalik ni Eli sa leeg niya pero kahit ganun ay bawal akong magalit at mailang sa kanya. Hindi naman kasi niya ginusto ang nangyari at hindi rin naman niya ginusto na magkagusto kami ni Elizabeth sa kanya. Hindi rin kasalanan ni Emma 'yun kasi hindi naman niya napansin kung kanino nakaturo ang bote nung nagbigay siya ng dare. At saka, maayos naman ang ibinigay niya dahil buong barkada ang pagpipilian niya at kahit saang parte ng katawan bukod sa lips. Hindi naman niya kasalanan na maharot talaga ang babaeng 'yun. Hayy, nagcheck na lang ako ng mga notification sa laptop ko para hindi ko na maisip ang nangyari.

Jessica Strauss (via Twitter)

Jess, your tweet got favorited by xJaeger (@123456789)

Anonymous (via Tumblr)

Anonymous, your post was reblogged by 3.141593lover.

Facebook

New message from Alaska Evaporada, Papa ni Papa John, Shakey's Max's Pancakehouse, Grahambell's graham balls, and many more.

Wattpad

xJaeger updated a new chapter.

Mangafoxx

There's a new update of One Piece, Naruto, Kimetsu no Yaiba, Boku no Hero Academia, Kaichou wa Maid-Sama, Kimi ni Todoke, Fairy Tail, Shigatsu wa Kimi no Uso, and Nanatsu no Taizai only here on Mangafoxx.

Cryptic

Alpha Mission 323 to Aqua

(Emilia Clarke and Jason Momoa)

Dahil marami akong iniisip ngayon ay hindi ko agad napansin na Alpha Mission ang binigay sa akin at hindi Beta. Huh? Baka naman nalito lang si Hale sa pag-eemail. Tatanungin ko na lang mamaya kay Adam kung bakit ganun ang binigay sa akin. Nagpatuloy naman ako sa pagbabasa ng manga ng Nanatsu no Taizai na sobrang intense na nang tumunog ang phone ko.

From: Elizabeth

I told you I'm gonna get him. I mean it, he'll be mine soon.

The nerve of that bi—ugh! Kahit masakit ang ulo ko, agad agad akong tumayo sa kama at saka lumabas ng kwarto. Kung nag-walkout ako sa kanya nung isang araw at hindi ko siya pinatulan kahapon, hinding hindi ko na siya aatrasan ngayon. Leche siya! Galit kong binuksan ang pinto pero may nakita akong napakagwapong lalaking mukhang kakatok pa lang sa pinto ko. Bawal mailang, Jess. Bawal mailang. Hindi niya 'yun kasalanan. Relax ka lang.

"Breakfast is ready. Wait, bakit ganyan itsura mo? Anything wrong?" 1, 2, 3... 10 words. Kaya niya akong pakalmahin gamit lang ang sampung salita. Baka nga sa unang buka pa lang ng bibig niya ay okay na agad ako eh.

"W-wala. Gutom lang siguro," pagdadahilan ko na lang sa kanya.

"Liar. May hangover ka pa ba?" Tanong ni Adam sabay angat ng mukha ko para tumingin ako sa mga mata niya.

"Hehehehe, meron pa. Sobrang sakit pa nga ng ulo ko ehh," mahinahong sagot ko dito bago hawakan ang ulo ko. Nagsimula naman akong maglakad pababa ng hagdan at sumunod naman siya sa akin.

"By the way, may mga naghihintay sayo sa baba kanina pa. Halika na," aniya pero hindi pa man ako nakakapagtanong kung sino ang tinutukoy niya ay hinila niya na ako papunta sa garden. Pagbaba ko ay nakita ko si Nicholas kasama ang apat na lalaki na nakaupo rin sa outdoor couch habang nagkakape at buhok pa lang nila ay alam ko na kung sino sila.

"Hahahahaha, yeah. Let's have a race when we get back to Manila," aya ni Nicholas sa mga nasa harap niya. Wow, hindi niya sila sinusungitan ahh at saka hindi rin siya nagalit sa akin kaninang pagkagising ko kahit uminom ako nang sobrang dami kagabi. Woah! May himala!

"There she is," sigaw ni Jaime bago tumayo at niyakap ako nang mahigpit. Tinapik ko naman siya bago ko hawakan ang ulo ko na medyo masakit pa rin. Pakiramdam ko kasi ngayon ay lumulutang pa ang utak ko sa ilog Pasig.

"Ehem!" Nick and Adam cleared their throats in chorus. Nagkatinginan pa sila dahil na-jinx sila. Tawang tawa lang ako sa kalokohan nila.

"Hey! Why are you guys here?" Nakangiting tanong ko sa kanilang apat.

"We want to bid you good bye. We're going back to Manila right now," sagot ni Race tapos niyakap niya ako sandali.

"Yeah. Just to say bye, sweety. Too bad I haven't seen you ride my jet ski," sabi ni Jake habang nakangisi.

"Bro! That sounded way too dirty," bulong naman ni Benette kay Jake at saka sila tumawa nang mahina. Narinig ko rin na tumawa sina Nicholas at Adam kasabay nila.

"Bye, Jessica. I'm going to marry you once you beat me on the tracks," sabi ni Jaime habang tumatawa tawa pa rin.

"I'm going to beat you if you don't stop flsdlkmqshquhjksxnklsxm," sagot ni Nick dito. Huh? Anong sinabi niya?

"Get over it, Nicholas! And you too, silent killer!" Tawa tawang sagot pa rin ni Jaime habang tinitignan ang dalawa.

"See you in Manila. Don't forget our bets," nakangiting sabi ni Benette sa aming tatlo bago tumango dun sa dalawa.

"We know," sagot ni Nicholas habang nakangisi. Ano kayang pinagpustahan ng mga ito?

"Tell Thomas I stopped by. By the way, these two guys don't want to give your number so they gave their numbers instead. So freaking protective," sabi ni Race habang umiiling iling at tumatawa tawa.

"Pati ba naman ikaw, Adam?" Nagtataka kong tanong pero nagkibit-balikat lang siya habang nakangiti nang malapad. Given na kasing gagawin iyon ni Nicholas pero ni Adam? Ibang klase.

Pagkatapos nilang mag-asaran, umalis na rin 'yung apat dahil hindi pa daw sila nakakapag-empake. Aalis na sila mamaya pero hindi pa nila ginawa 'yun bago pumunta dito. Mga loko-loko talaga. Sana magkaroon kami agad ng time to race on tracks kasi mamimiss ko agad 'yung fun and adrenaline kapag kasama ko sila kahit sandali ko pa lang silang kilala. Sabi sa inyo eh, kaya masarap maging kaibigan ang mga lalaki. Chill lang. Para lang kayong naglalaro talaga at para kayong magkakapatid lahat.

Pabalik na kami sa loob ng mansyon nang magsalita si Nicholas habang nakatingin sa sasakyan nina Race na kakalabas lang ng gate. "Are you okay? Is your head still hurting?" Nag-aalalang tanong niya bago hawakan ang ulo ko.

"Medyo okay na naman, Nick. Halika na, kumain na tayo," aya ko sa kanya bago ako humakbang papasok ng bahay.

"They already left," bulong niya sa akin bago ako sabayan sa paglalakad.

"Huh? Malamang, Nick. Ayan nga hinatid natin oh. Sino bang may hangover sa ating dalawa?" Natatawang asar ko sa kanya bago siya tignan sa mukha. Baka naman may hangover din siya na hindi niya lang pinapakita, ha?

"No, that's not what I meant. Elizabeth and Hera left before you wake up," walang ganang sagot nito. Shit! Hindi ko alam kung mautak ba siya o duwag lang talaga kasi alam niyang kaya ko siyang kalbuhin kapag nakita ko siya ngayon ehh. Wag na wag lang talaga siyang magpapakita sa akin.