webnovel

CHAPTER 2

~•●•~

T W O

~•●•~

ZOWE's POINT OF VIEW

Tumatakbo ako ngayon sa hallway nga kasi late na ako, wala na kasing ibang tao dito sa may gate ng school. Pero sa kasagsagan ng pagtatakbo ko, may naririnig ang nga sigawan at hiyawan na parang may kung anong nangyayari. Kaya naman napahinto ako sa pagtakbo.

Napatingin ako sa may faculty office dahil doon nanggagaling ang ingay na mukhang nag kakagulo. Ano naman kaya ang nangyari doon? Tumakbo ako papalapit doon sa kanilang lahat.

"Waaah!!! Papalabas na siya!" Sigaw ng isang babae, sa hindi inaasahan may lumabas ng pinto ng faculty room. Nauna si Mr. Labrador, pero. . . I was in the moment of an action which the character slowly walking towards in me. In short slow motion. Hindi ko alam kung bakit?

Pero parang unti-unting tumitigil ang paggalaw ng mundo ko. Ang mukha niya, ang mata niya, ang ilong niya, and even his hair style ay bagay sa kaniya. wait? Anong nangyayari sa puso ko? Bakit ganito ang tibok ng puso ko? Bakit ako kinakabahan ng ganito?

Habang papalapit na papalapit na siya, naalala ko bigla na siya pala si Blust as in si Bryan Lupez San Teruso my Crush. O M G!!!

A-anong gagawin ko? Anong gagawin ko? Papalapit na siya sa akin.

I can't stop what I felt right now, parang sasabog na ako anymoment na makalapit siya sa akin.

"Oh! No, that nerd is getting to my nerve." Naiinis na boses ni Shekena. Oo! Siya ang Mis. Popular dito sa school namin.

Even the basketball team namin dito sa school, kinuha siya bilang Muse nila. And guess what? lahat sila nakatingin na sa akin habang may naiinis na tingin sa akin.

Anyway highway! Nakatingin lang ako sa mukha ni Blust. Kinikilig ako, parang kinukuryente ang katawan ko sa titig niya sa mukha ko. Sh*t! Nakatingin siya sa akin. Until we are in one meter destance to each other, nakatulala lang ako sa kaniyang mukha. {♥///_ ///♥} --->> ako.

"Excuse me!" Sabi niya na parang nasira kaagad ang moment na iyon.

Akala ko kasi kakausapin na niya ako, yun pala mag e-excuse lang pala siya.

"Hahahah!" Tawanan ng nga nakatingin sa akin.

Hmpft! Inggit lang sila dahil narinig ko mismo sa harapan ko ang boses niyang kay sarap sa tenga.

Huwaaaaa!!! Ready na akong magpalibing ng buhay. Ay! Just kidding! Gusto ko pa siyang makasama no, makasama habambuhay. Ayiiieee!!!

"Tara na nga! Wag mo na nga iyang pansinin, as if naman kakausapin pa siya ni Blust. Sa susunod," Aya pa ni Curiss kay Shekena na best friend niya, sabay tingin sa akin.

Pero nakatingin parin ito sa akin, she exchange her look into a darkmode... ano iyon Fblite lang? Hindi! Kasi tinitignan niya na ako ng may masamang binabalak sa akin. Nakakapangilakbot tuloy.

Nagsialisan naman silang lahat iyong iba sinundan pa talaga si Blust, kung saan uto papunta. Pero bakit kaya siya nandito? Ano naman kaya ginagawa niya dito?

"Hoy! Sis, dinig namin dito na raw mag-aaral si Blust. Yung ultimate crush mo." Tumatakbong sabi ni Cristine, papalapit sa akin.

"Alam ko," sagot ko kaagad habang nakangiti.

"Nakita ko nga--- huh? Ano?!" Nang mag sync-in sa utak ko ang sinabi niyang dito na raw mag-aaral ang crush ko. Weh? 'Di nga?

"Oo! Dito na raw siya papasok simula ngayon." Hingal na hingal na sabi niya sa akin.

"Sinabi mo pa." Sagot naman ni Frida, na hingal na hingal din. Teka saan ba sila nanggaling?

"Teka? Saan ba kayo nanggaling?" Pagtatakang tanong ko sa kanilang dalawa. Habang hinahabol pa nila ang kanilang nga hininga, nang huminto ng sandali si Cristine.

"Doon sa third year, section one," Sambit pa nito sa akin.

"Kay Mr. Labrador." Dagdag pa ni Frida.

"Girls! Anong ginagawa niyo dito? Wala ba kayong mga pasok?" Biglang salita ni Mis. Greta. Na siyang ikina tingin namin sa kaniya.

"U-uhm... papsok na ho kami, sige po. Mis. Greta alis na ho kami." Pagpapalam ko sa kaniya.

Saka ko kinuha ang kanan at kaliwang kamay nila tyaka hinila sila papunta sa classroom namin. Sa Second year section three.

Nangmakapasok na kami sa classroom namin, habang nagsisimula na ang lessons namin sa Math. And thats my weaknesses. Terror pa naman si Gng. Makaalpas ang teacher namin sa Math.

"Pass all your assignment." Sambit pa nito na siyang ikina gulat naming tatlo.

Teka nakagawa nga ba ako ng assignment kagabi?

Napatingin naman ako sa mga katabi ko, si Kyla na nasa kaliwa ko. She was holding her math notebook, pero binigyan niya ako ng pang-aasar na ngiti.

Haist! Nakakainis! I just need to do my plan.

"Excuse me, Gng. Makaalpas. I just need to go to the restroom, sumasama kasi ang tiyan ko." Excuse ko.

Thats my oldest plan in this world, yan na kasi ang iniexcuse ko kapag may project or assignment akong hindi nagagawa.

"Oh, you may also go to the clinic to have a check up there. Okay?"

See? Sabi ko na sainyo eh, pagbibigyan ako ng kapalaran ko.

"Opo!" Sabay tayo ko at hinawakan ang tiyan ko, sabay pagkukunwaring sumasakit ang tiyan ko.

"Liar!" Dinig kong bulong ni Kyla, sa kaniyang sarili habang naiinis na boses.

Naglakad na ako papalabas ng pinto, and laking tuwa ko ng makalabas na ako.

"Haaaay!" Hinga ko ng malalim.

Naisip ko namang puntahan si Crush sa classroom nila, kasi ang alam ko sira gripo ng cr dito sa first floor. Dahil nasa second floor ang room ni Mr. L at nasa dulo naman nito ang cr nila. Perfect! Kaya nagmadali na akong umakyat ng hagdan papunta sa second floor.

Habang binabaybay ko ang hallway ng second floor, kunyari hindi ako tumitingin sa first classroom habang dumadaan. Ito ang classroom nila ni Shekena, section one ng second year. Oo! The same year level kaming dalawa. Kung kinaiinisan niya ako, mas lalo na ako sa kaniya. Nakita ko siyang busy sa pagsusulat sa note book niya. Napansin ko namang kakausapin na siya ni Curiss, kaya nag pa as if akong hindi ako napatingin sa kanila at dumeretso sa paglalakad.

Nang nasa unang pinto na ako ng third year section one, kung saan si Mr. L ang adviser nila. Naexcite ako bigla, nag pa as if na naman akong dadaan lang sa classroom nila. Dahil may wall part naman ang gitna ng dalawang bintana ng classroom nilam0, doon ako huminto at mula doon sinilip ko doon si Blust.

Nang makita ko siya habang ito ay masinsinang nakikinig sa lecture nila sa kanilang teacher. Ako naman itong kinikilig habang tinitignan siya, pero nang may nakapansin naman sa akin napasandal ako bigla sa pader. Tyaka nag pa as if na hindi ako sumisilip bagkos dumadaan lang ako. Hanggang sa nilagpasan ko na ang kanilang classroom. Mabilis na pumunta ako ng cr.

"Waaaaahhh!!! Heheheh! Ang gwapo niya talaga. Hindi nakakasawang tignan." Kinikilig na sabi ko sa sarili ko habang kaharap ang reflection ko sa salamin.

{♥///_ ///♥} ---- Ako.

Inayos ko naman ang eyeglasses ko. Bago ako pumasok sa isang subicle at inihi ko ang kilig ko sa kaniya.

Pagkatapos ay naghugas muna ako ng kamay ko, din napatingin sa salamin.

"Bryan Lupez San Teruso, magiging akin ka rin. Hahahah! *cough! cough!*" Nasamid ako sa sariling laway ko. Bwes*t! Di kaya may nakaalala sa akin? Huwaaa!!! Blust! Ano kaba ako lang 'to ha, Ako lang ito. :-D

BLUST's POINT OF VIEW

Pagkapasok ko kanina, ang subrang tahimik ng atmosphere dito. I can sleep because of the silent, subrang nakakabingi sa tenga. Lahat sila dito halos di makabasag pinggan kung gumalaw.

"Okay! Class, this is your new class mate. Please introduce your self." Sambit pa ni Mr. L sa kanila at para makapagpakilala din ako sa kanilang lahat.

"Hello! Everyone, I'm Bryan Lupez San Teruso. Kilala bilalang Blust. And I hope we will gonna be friends, thank you." Simpleng pagpapakilala ko sa kanila, sabay ngiti ko sa kanilang lahat.

"Yeah! His charming and cute." Rinig ko na naman sa mga babae.

Haist! Hanggang kailan ba sila titigil sa pagpupuri sa akin? Tsk!

"Okay! You may now be seated." Sambit nito, sa akin.

Tyaka naman ako naghanap ng mauupoan. Nang may makita ako doon sa may likorang bahagi, hindi naman siya as in nasa pinaka hulihan na upoan. Nasa second to the last line siya, agad naman akong naglakad papunta roon.

"Excuse me! is this seat, is taken?" Tanong ko sa isang lalakeng katabi nito. By pare kasi ang arangement nila dito. Napailing naman siya. Tayaka naman ako naupo dito.

"Okay! Please, be friends with him okay? Mis. Chadlier will be here in a minute, please excuse me." Pagpapaalam nito saamin.

Mayamaya pa dumating na si Mis. Chadlier, she's kinda old na rin pero medyo lang naman.

"Okay classs, Magandang umaga sa inyong lahat?" Pagbati mula sa kaniya, na siyang ikina tayo nang lahat except sa akin. Syemprr naninibago pa ako dito, huli akong tumayo.

"Magandang umaga din sayo Mis. Chadlier!" Bati rin naming lahat sa kaniya.

"Maari na kayong umupong lahat." Pagpapaupo niya sa aming lahat. Nang makaupo na kami, agad na siyang nag simula sa pag sasalaysay ng kaniyang asignatura. Ang Filipino.

Nasa kalagitnaan na kami ng klase ni Mis. Chadlier, habang may kung sino ang nagbabato sa akin nang maliliit na binilog na papel. I got annoyed with it, kaya napapatingin ako kung sino ang bumabato nito. Pero hindi ko naman ito mahuli, hanggang sa napuno na lang ako sa pagkainis at napatayo ako.

"Mr. San Teruso, bakit ka napatayo?" Pagtatakang tanong ni Mis. Chadlier sa akin.

I can't spell out the reason's why I suddenly stood up? Napailing na lang ako. Tyaka ako umupo pabalik sa upoan ko at nagpatuloy na rin siya sa pagtuturo sa amin. Mayamaya pa may bumabato na naman sa akin, I couldn't stop my self. Kaya, I hit the arm of the chair very hard. Gumawa ito ng ingay sa buong kwarto at nagulat si Mis. Chadlier sa nagawa ko.

"Mr. San Teruso! Get OUT! and stand there until the end of my descussion!" Sungit ni Mis. Chadlier sa akin, na siyang ikina pipigil ng tawa naman isang lalake sa likoran ko.

Kaya napatingin ako sa kaniya.

I knew it, siya ang bumabato sa akin. Kanina pa, hindi ko lang siya ma point out kanina. Cause I know if I did it, he will gonna denied it.

"What?!" Asik nito sa akin. Sabay ngiting pangluko ang ibinigay sa akin.

I stand up like disgusted and I went out of the room.

Pero imbis na mainis ako, okay na rin ito, kisa dumugo ang ilong ko sa malalalim na tagalog ni Mis. Chadlier. Tsk! Nakatayo ako ngayon sa may gilid ng hallway.

ZOWE's POINT OF VIEW

Naglakad na ako papalabas ng cr at nag lakad na muli pabalik habang hindi parin tinatanggal ang ngiti sa aking mga labi. Nakatingin lang ako sa paahan ko habang naglalakad na pabalik, pero nang mapansin ko na may taong nakatayo sa gilid at mukhang sumasayaw ito ng kaunti.

Napatingin ako sa kaniya at nagulat ako sa nakikita ko. Si Blust, naka earphones. Habang nakikinig ng music at sumsayaw ng kaunti. Siya ba talaga ito? I was looking at him and it makes me smile. He was enjoying dancing himself, pero nang mapansin niya akong nakatingin sa kaniya. He signed silent on me. Yung tipong pacute na paglalagay ng hintuturo niya sa kaniyang bibig, tyaka siya sumayaw pagkatapos.

Kakaiba talaga siya, huwaaaa!!! I can't take off my eyes of him. Sh*t! Ang cute niya. Heart heart.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at gusto nang ilabas ang kilig na nararamdaman ko. Kyaaaaa!!! {^_^} --->>> ako.

Feeling ko nangangamatis na ang mukha ko sa pula nito. Subrang init na kasi nito. Kaya naman nagmadali akong bumaba mula secondfloor.

Mababaliw na yata ako nito, pero okay lang rin kung siya lang naman din ang dahilan ng pagkabaliw ko. Huwaaa!!! Hehehe!

Napahinga naman ako ng maluwag nang makababa na ako sa firstfloor, habang nakangiting nakatingin sa kawalan. Nagulat naman ako nang biglang may kamay ng kung sino ang dumampi sa noo ko.

"Di naman siya nilalagnat eh, ano kaya nangyayari sa kaniya?" Ani pa ni Cristine, isa pa itong baliw.

"Hoy! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Naiinis na tanong ko sa kaniya.

Dahil sa ginawa niya, bigla namang hinawakan ni Frida ang pisngi ko.

"Hindi rin naman siya nag lalagay ng blush on, pero bakit namumula ito?" Sambit niya pa. Pinaka baliw sa ming tatlo.

"Nababaliw na ba kayo? Ha?" Naiinis kong sabi sa kanilang dalawa. Tyaka naman sila tumabi sa akin.

"May nangyari bang hindi namin alam?" Biglang tanong ni Cristine, na nag paalala sa akin sa nangyari sa akin kanina. Huwaaa!!! Ang cute niya. d^_^b

*pak!* binatokan ba naman ako, pero katamtaman lang naman.

"Aray! Ano ba?" Naiinis kong tanong kay Frida na siyang bumatok sa akin.

"Tinatanong ka namin, kung anong nangyayari sa iyo?" Cristine.

"Wala!" Pataymalisyang sagot ko.

"Weh? Ganiyang mukha walang nangyari?" Pangungulit pa ni Frida.

"Oo! Na Oo! Na. Aamin na ako!" Sigaw ko sa inis. Pero napatingin naman sila sa akin na parang mga batang uhaw sa isang kento.

Tsk! Ang sasarap batokan.

"Kasi ganito iyon, nakita ko kasi si Blust." Kasabay nito ang pag kwento ko sa nangyari kanina.

At ayon kinilig ang mga putcha!

~•●•~