webnovel

CHAPTER 1

~•●•~

O N E

~•●•~

October 4, 2005 Monday. 4:35 Pm, ng hapon.

"Bilisan niyo kasi Frida, ano ba kayo?" Boses kong pasigaw sa kanilang dalawa, habang pinapabilis ang paglalakad nila. Binabaybay kasi namin ngayon ang daan papunta sa shop nila ni Cristine, naging tambayan kasi namin ito. Every after class namin, syempre magkakalase kasi kaming tatlo. Agad naman akong pumasok sa loob at pumwesto sa kadalasang pinupwestuhan ko. Cleared crystal glass kasi ang wall nila sa kanilang coffee shop, kaya makikita mo kung sino ang dumadaam dito. Kaharap rin nito ang kalsada.

"Ah??? Kaya pala," sambit ni Frida. As if naman na papansinin ko sila 'no? Busy kaya ako sa tinititigan ko, haist! Ang gwapo niya talaga!

"Hoy!" Sabay batok sa akin ni Cristine.

"Aray!" Napahawak ako sa parte ng ulo kong binatokan ni Cristine. Kinuha ko naman ang eye glasses kong nahulog dahil sa pagkakabatok niya sa akin.

Napatingin naman kaagad ako sa kaniya ng masama, tinignan niya lang ako ng nakangiting pang-aasar.

Tsk! Maibalik na nga lang ang tingin ko sa tinitignan ko, nang ibalik ko ang tingin ko wala na yung lalakeng tinitignan ko. I know him, his the son of the owner of the shop. Sa kabilang pwesto, tindahan kasi yung sa kanila. Tindahan nang kung ano-ano, like mga kaldero, tapalan any kitchen utensils. Hindi lang iyon may mga kumot at mga unan din silang tinitinda, may mga spareparts. Like screws and any parts of vehicle.

Pero hindi ko naman kasi alam ang pangalan niya, hello! I'm not a stalker kaya.

"Sus! Tama na nga iyang kakatitig sa crush mong hindi rin naman alam na may patagong nagka-crush sa kaniya. And Sis, reminder lang itigil mo na habang maaga pa." Frida said as she gives me an advice.

"Kung makapag bigay kayo ng advice, bakit nagkaroon na ba kayo ng crush at kin-rush back din ba kayo?" Sabi ko sa kanilang dalawa. Napaigking na lang si Frida, as an answer.

"Anong cake sayo?" Pagiiwas pa ni Cristine sa tanong ko.

"Kahit ano basta nakakain." Frida said as usaul.

Basta talaga pagkain, malakas kumain. Kahit na ano pa 'yan, kakainin niya. Tsk! Mataba kasi si Frida, ako naman itong payat sa aming tatlo. Magkakasunod kaya body figure naming tatlo, una ako sunod si Cristine panghuli naman si Frida.

"Sige, diyan na muna kayo." Tyaka naman siya umalis at inasikaso ang pagkain namin.

"Sa tingin niyo, may pag-asa pa kaya ako sa crush ko." Firda ask. Habang ako naman busy sa pagtingintingin sa mga dumadaan sa kalsada.

"Well, kung umulan ng bulalakaw at bumaha ng orange juice. Siguro? Oo!" Pangaasar ko sa kaniya.

"Haist! Mga kasabihan mo parang ewan, ewan ko nga sayo." Nainis niyang sabi.

"Oh! Hito na ang miryenda niyo," sabay lapag niya pa sa mesa.

"Dinagdagan ko na iyan ha, oh! Baka sabihin niyong nag titipid na naman kami." Salita pa ni Cristine.

"Haist! Ano kaba? The best ka talagang bestfriend!" Sabay takbo ko papunta sa kaniya at inakbayan siya. {^_^} --->>> Ako.

"Sige na, kumain na nga lang tayo." Sambit naman ni Frida. Nagktinginan naman kaming dalawa ni Cristine sabay.

"Hahahaha!" Tawa naming dalawa.

"Mga baliw!" Naiinis na banat niya sa amin. Kaya naman nilapitan namin siya at niyakap.

"Ito naman, selos agad. Bestfriend kaya tayong tatlo." Sabay kawala sa pagkakayakap sa kaniya at bumalik sa kinauupoan ko kanina.

"Problema talaga si Mrs.Ve, kung maka bigay ng assignment sa math akala niya mga calculator na tayo para pahirapan sa assignment na iyon." Sabay kuha ni Frida ng tinapay at kinagat ito.

"Di ba kayo nakikinig sa lecture niya kanina?" Pagtatakang tanong sa kanilang dalawa. Nagkatinginan naman silang dalawa.

"Haist! Paano kayo makakasabay sa akin niyan, tsk! Ano ba kasi pinaggagagawa niyong dalawa, during lectures niya?" Pagtatakang tanong ko naman sa kanila.

Nagkatinginan naman silang dalawa.

"Hoy! Tsk! Haaaay! Wag na nga muna natin iyang pagusapan."

Napapashake ako ng ulo dahil sa stress ako sa kanilang dalawa.

Sarap nilang pagbabatokan. Kung di ko lang sila best friend na dalawa, for sure matagal na silang nakahiwalay sa landas ko.

"Mabuti kapa, top 30 ka over 30 students sa classroom natin." Sambit pa ni Cristine. Na parang nawawalan ng gana.

Haist! Basta school ang pag uusapan nakakawalang gana talaga.

"Baliw! Sa susunod na examination kailangan maka usad pa ako," Sabay tayo ko sa kinauupoan ko. Iniatras ko ng bahagya ang upoan at kinuha ang bagpack ko.

"Mauna na ako, may gagawin pa kasi ako sa amin eh." Sabay lakad ko papunta sa pinto.

Natahimik naman silang dalawa kaya napa hinto ako ng sandali, at humarap sa kanila.

"Wag kayong mag-aalala, makakapasa rin kayo! Heheheh!" Cheer up ko sa kanila, habang naka ngiti.

Sabay takbo ko na palabas.

"Hoy! Zowe!" Sigaw na narinig ko mula kay Frida, bago ako tuloyang makalayo sa shop nila Cristine.

Nagpunta naman ako ng airport, para sunduin ang isang guest namin. Isa kasing old hotel yung bahay namin, di naman siya gaano ka laki. Eksakto lang naman siya for onehudred person.

Ang sabi ni Mama, naka blue daw na jacket. Tapos may suot na shades, tapos ang pangalan niya ay Mr. Tsui isang korean foreigner.

Kumuha naman ako ng cardboard para isulat ang pangalan ng hotel namin. THE ZOWE SLEIN HOTEL. di naman sikat ang hotel namin, pero may online booking rin kami no.

See? Sosiyal kami.

Nang makita ko na ang guest na tinutukoy sa sinabi ni Mama sa akin, itinaas ko kaagad ang cardboard.

"Mr. Tsui, Zowe po. From The Zowe Slein Hotel." Pagpapakilala ko sa kaniya.

Di naman daw kasi ito mayaman, pang travel badget lang naman kasi ang dala niya. Kaya carrybels na iyon no, kisa wala kaming kleyente. Isa kasi siyang photographer.

Nang makarating na kami sa bahay namin, nasa upper part kasi ang maupahan namin. Di rin namn sila mag sisisi, dahil tubig, kuryente. Pati pagkain nila will, UTH kami dito.

Umagahan, Tanghalia, Haponan. See?

"Zowe, siya na ba iyan?" Pagtatakang tanong naman ng Mama ko, habang ito ay nasa may front desc area.

Oh? Diba? Ang sosiyal namin dito.

Pasado alas otso na pala ng gabi, biglang tumunog ang tiyan ko. "Zowe, yung dinner mo nasa kwarto mo na." Sambit pa ni Mama.

Busy talaga si Mama pagdating sa nga costumers namin dito.

"Okay! Mr. Tsui, our loundry day schedule is saturday. So within friday we will collect your dirty clothes. And for your BLD,"

Pagbibigay information ni Mama doon sa koreanong guest namin.

Kahit hindi masiyadong magaling si Mama sa englis, kini-carry niya parin.

"What's BLD?" pagtatakang tanong nito sa kaniya.

"Siya, akyat na ako sa kwarto ko." Paalam ko sa kaniya.

"Breakfast, Lunch and Dinner. Don't worry we will cook it for you," Sabi pa niya doon.

Paakyat na ako sa hagdan papunta sa second floor kung saan ang kwarto ko.

"Hep-hep-hep! Zowe, ihatid mo muna siya sa kaniyang kwarto. Here's you key." Sabay abot nito nang susi ng kwarto nito kay Mr. Tsui at ako naman itong napahinto dahil sa kaniya.

"Okay!" Simpleng sagot lang nito sa kaniya.

Napataas naman ang kilay ko kasabay ang dalawa kong kamay nang tumingin si Mama sa akin, as I said na "Ganoon talaga."

"Mr. Tsui! Okay, Follow me. To the left!" Sambit ko sabay hakbang ng kanang paa ko, sabay ang pag kimbot ko ng dalawang beses pakaliwa.

"To the right!" Sabay hakbang ko ng kaliwa kong paa, sabay kimbot pa kanan ng dalawang beses.

Masaya ako eh, nakita ko na naman kasi ang crush ko.

"You must be happy?" Biglang tanong niya na ikina hinto at ikina lingon ko sa kaniya, sabay ngiti.

"Happy? Hehehe! Yeah! I'M SUPER HAPPY! Kasi nakita ko si Crush!!! Ehhhh!!!" Kinikilig na sambit ko sa kaniya. {♥///__///♥} --->>> Ako.

Saka ko ibinalik ang tingin ko sa hagdan papuntang second floor namin.

"Oh? . . . Okay!" Sabi niyang tipid na salita.

Siguro hindi niya naintindihan ang part nang tagalog ko. Ngayon ko lang din kasi iyon napansin na nag tagalog pala ako sa harapan niya.

Napatigil naman ako, para tanongin siya. "What's your room number?" Pagtatakang tanong ko sa kaniya.

"Room 08."

"Your room is in the third floor, okay?" Sabay sign ko ng okay ng kamay sa kaniya, napakunot naman ang noo niya.

"Geunyeo neun neomu jaemi issda." Salita pa niya.

Paktay na! Nag korean na siya.

"Annyeonghaseyo!" (Hello!) Sabay bow ko sa kaniya.

Wala kasi akong ibang alam na korean words or sa pagsasalita kagaya nila.

"Annyeonghaseyo! Kamsahamnida!" (Hello! Thank you!) Sagot niya sa akin at napa bow rin siya.

Haist! Ewan, napakamot nalang ako sa batok ko.

"U-uhm . . . Here's my room. If you need anything? You can go here and ask me, okay?" Sabi ko sa kaniya.

Flg

Nang makarating na kami sa may pinto ng kwarto ko.

Napaharap na ako sa harapan ng kwarto ko. Hinawakan ko na ang doorknob ng pinto ng kwarto ko, pipihitin ko na sana ito.

"Jamsiman!" (Wait!)

Salita niya na ikina tingin ko sa kaniya.

"Huh?" Nganga ko sa kaniya. Ikaw ba naman hindi nakakaintindi sa sinasabi niya. Diba?

Hindi ko nga kasi siya maintindihan.

"I'm just happy, that I came here to your hotel." Salita niya pang pilit sa englis.

Napangiti naman ako sa kaniya. Saka inignore ko na siya pagkatapos at pumasok na ako sa kwarto ko.

Kinabukasan nagising ako ng maaga, dahil tutulongan ko pa si Mama sa paghahanda ng almosal ng mga guest. Kailangan naming mag luto ng tatlong putahe ngayon. Pagkatapos kung magluto ng itlog, puro sunny side-up kasi ang break fast ngayon. With a little bit of vegetables.

Umakyat na ako sa kwarto ko para maghanda na sa pag pasok ko sa paaralan namin.

Hindi kasi nakatali ang buhok ko, palagi kasi itong nakabunghay. Hindi rin naman kasi ako pala tali ng buhok ko, kaya nag mumukha na akong white lady dahil sa haba nitong abot pwetan ko.

BLUST's POINT OF VIEW

Tsk!

Hindi ko rin naman gustong mag transfer ng school, kaso dahil sa trahidyang nangyari kinailangan kong magtransfer. Weird naman ng HEARTSTONE INTERNATIONAL UNIVERSITY, nag kukumpulan ang mga estudyante dito sa may faculty office nila. Nandito kasi ako para ipasa ang papers para sa pag lipat ko dito sa weird na school na ito. Tsk!

"You are sporty though?" Sabay flip ni Mis. Greta sa papeles na hawak niya.

Oo! Ayon sa kaniyang suot na Identity Desplay na suot niya. Ang pangalan niya Naomi Greta. Isa siyang math and science teacher.

"Yes! I play football soccer since I was young, I'm a varsity player. Sa dati kong paaralan," sabi ko habang isinasandal ang likod ko sa sandalan ng upoan.

"Hindi naman sana ako lilipat ng paaralan, kung hindi dahil sa naging problema sa school." Sabi ko naman sa kaniya.

"Yeah! I understand, naman. Okay! Well, third year highschool?" Napatingin siya sa kakapasok lang na lalakeng teacher. Na sinundan ko rin ito ng tingin. Mr. Ruel Labrador, iyon ang pangalan niya.

"Okay! Mr. L, I would like to introduce your new student." Sabay tayo ni Mis. Greta na sinundan ko rin ng pagtayo. "Oh! Siya na ba ang sinasabi ni Mr. Dy?" Pagtatanong ni Mr. L as in Mr. Labrador sa kaniya.

Sino naman kaya si Mr. Dy?

Iginala ko naman ang tingin ko sa buong paligid ng faculty office nila. Mr. Raffael Anderson Dy, the Chairman and Owner. Ah?? Kaya pala.

Siya pala ang may ari nitong school.

Ibinalik ko ang tingin sa kaniya. "Bryan Lupez San Teruso, Blust po." Pagpapakilala ko kay Mr. L, sabay abot ng kamay ko para makipag shake hands sa kaniya.

"Nice meeting you, Mr. Blust." Sambit niya pa kasabay ang pagtanggap niya ng kamay ko.

I gave him a smile. Then the girls outside of the windows, nagsigawan naman sila.

"Ang cute niya talaga!"-Girl 1 then she giggled.

"Ang hot niyang tignan!"- Girl 2 Amaze na tuno ng boses niya.

"Artista kaya siya?"-Girl 1 Tanong nito sa kaniya.

"Ang gwapo niya!"-Girl 3 kilig na sabi nito.

"Ano kaba? Hindi niyo ba siya namumukhaan?"-Girl 4, mukhang kilala niya ako, base sa kaniyang school Identity Desplay. Siya si Shekena Monteruyo.

She's quiet cute, kahit medyo madaldal siya.

"Siya kaya si Blust ng Britony Tiger football soccer team sa kabilang school. And his a varsity player kaya doon," Dagdag pa niyang sabi.

Pinag uusapan na naman nila ako. Haist! Ang hirap talaga pag may gwapong mukha kang ihaharap sa kanila. Tsk!

"Okay, Mr. Blust. Follow me, and I'll introduce you to your classmates." Sambit ni Mr. L, saka ito naglakad papalabas ng faculty office na sinundan ko naman.

"Waaah!!! Papalabas na siya!" Sigaw ng isang babae. Haist! Di naman ganito sa dating school namin ah. Wala namang ganitong trouble ang nagagawa ko sa school.

Napahinto naman ako, nang may napahintong babae sa harapan ko. Familiar ang kaniyang mukha, pero saan ko nga ba siya nakita? Tsk! 'Di bale na nga lang.

"Excuse me!" Sabay daan ko sa gilid niya habang sinundan ng tingin si Mr. L na naglalakad pa rin ito. Mukhang hindi yata niya napansin na hindi na ako nakakasunod sa kaniya. Haist!

~•●•~

Oh? Kumusta ang chapter one? Heheheh! Sanay nagustohan niyo.

Ako na naman ay nagagalak at nasisiyahan dahil sa pag pili ninyong basahin ito. Naway magtuloy-tuloy na kayo sa pag babas nito. It's worth it ro read. Heheh but I can't say promise, but I'll deffinitely do my best para mapaganda ang kwentong ito.