webnovel

CHAPTER 3

~•●•~

T H R E E

~•●•~

STILL ZOWE's POINT OF VIEW

Nasa may quadrangle naman kaming tatlo nina Frida at Cristine, habang sila ay kumakain at ako naman itong tinatry ang pag sosolve sa math na ibinigay na test kanina. Tapos na kasi silang dalawa at ako naman ay hindi excempted sa test nila, kaya hito nagta-try na makuha ang sagot.

"Ano kaya sa tingin niyo ang magiging future ng magiging boyfriend ko." Biglang dalaw ng pagka baliw ni Cristine.

Gusto na kasi niyang magka boyfriend.

"Hmpf! Flames candle kaya natin mga names ng boys na makikita natin dito." Sambit pa ni Frida.

Sabay nguya ng boybawang na kinakain niya.

"Ikaw Zowe?" Tanong pa ni Cristine sa akin.

"Sus! ano ba kayong dalawa? Elementary pa tayo nung nagaganyan tayo 'no? ano ba kayo? Ha?" Naiinis kong sabi.

Nadadala ako sa pagsosolve ng math problem ko. Dahil hindi ko kasi makuha ang tamang sagot.

"Pero naniniwala ka pa rin diba?" Pagtatanong niya pa sa akin.

"Oo! Nama--- haist! Hindi na no." Sabi ko sa kanilang dalawa.

Mukhang madudulas pa yata ako dun kanina ah. Pero ang totoo, I am secretly believe on that parin. Kaya ayon pasekreto akong ginawa ang flames candle sa notebook na sinusulatan ko.

d^_^b --->> ako habang isinusulat ang full name ni Blust at full name ko.

FLAMES CANDLE

BRYAN LUPEZ SAN TERUSO

ZOWE SLEIN MARTIN

B- wala

cancel -Z

R- cancel

cancel -O

Y- wala

wala -W

A- cancel

cancel -E

N- cancel

L- cancel

cancel -S

U- wala

cancel -L

P- wala

cancel -E

E- cancel

wala -I

Z- wala

cancel -N

wala -M

S- cancel

cancel -A

A- cancel

cancel -R

N- cancel

cancel -T

wala -I

cancel -N

_

__________

11 = LOVE

T- cancel

E- cancel

R- cancel

U- wala

S- cancel

O- cancel

_____________

13 = FRIENDS

________________________________

Total: 24 = ENEMIES

Kanina habang nag sisimula pa ako subrang saya ko, kasi subrang daming letters na na-cancel tapos napasimangut nalang ako nang ENIMIES ang naging ending.

"Anong nangyari? Bakit naka busangot ang mukha mo?" Pagtatakang tanong ni Cristine sa akin. Habang naiinis parin ako sa lumabas na resulta nang ginawa ko.

"Hoy! Ano? hindi mo parin ba makuha ang sagot sa number one? Patingin nga," Frida, aagawin na sana niya ang notebook ko, pero hindi ko ito ibinigay sa kaniya.

"Ako rin, patingin!" Aagawin rin sana ni Cristine ito, kaso tumayo ako sa itaas ng bench para hindi nila ito maabot mula sa akin.

"Ang damot mo naman! Hmpf!" Naiinis na sambit ni Frida at napa-pout ito ng lips niya at sumuko ito. Maging si Cristine ay sumuko na rin.

*ringgggg!!!* Biglang tunog ng bell, kaya nagsiayos na kaminng mga gamit namin saka kami nag madaling pumasok sa classrroom namin.

Wala ako sa mood buong klase namin sa English subject namin, hanggang sa matapos na ang ikalawang subject namin. Maymaya pa lunchbreak na.

Dumiretso naman kami kaagad sa canteen, sa subrang gutom at inis ko ikinain ko na lang ito hanggang sa nabusog ako. Biglang may nagkakagulo sa kabilang table na siyang kumuha ng atensiyon ko naming nasa kabilang table.

Napangiti at nabuhayan naman ako nang makita ko ang mukha ni Blust, pero not until...

"Blust, for you." d^_^b Sambit pa ng isang babae.

Sabay abot ng isang slice of cake kay Blust. Napasimangot naman kaagad ako.

"Tara na nga!" Ayang naiinis na sambit ko kina Cristines at Frida.

Tumayo kaagad ako at nag madaling naglakad.

BLUST's POINT OF VIEW

Naglaro lang naman kami ng football soccer sa may field kaninang recess, I didn't usually take recess. Pinipili ko pang maglaro na lang ako ng soccer kisa kumain, kakain rin naman kasi ako sa lunch.

Pero nang lunch time na. Nasa canteen na ako at tapos na rin ako umorder ng pagkain ko. Nakita ko naman yung babaeng nakasalubong ko kanina at yung nakakita sa akin kanina habang sumasayaw ako sa tugtog na Can't Take My Eyes Off You By: Frankie Vallie and The 4 Seasons . Ewan ko ba sa kaniya. It's the girl with an eyeglasses, and her look's so awsome.

But she's not my type, anyway.

Nang makaupo na ako sa isang mesa, biglang nagkakagulo naman ang mga babae papunta sa akin. Hindi naman kasi ako sanay na pinagkakagulohan ako ng mga babae.

Mayamaya pa... bumungad ang isang babae na may dalang, one peace sliced cake.

"Blust, for you." d^_^b sabay sweet smile niya sa akin.

"Sorry! I don't eat sweet food." Salita ko pa sa kaniya, saka ako tumayo at iniwan ko na lang ang pagkain ko sa mesa na hindi ko man lang nagawang galawin.

Domiretso naman agad ako sa classroom na walang laman ang tiyan. Ang ending natapos ang buong klase na subrang gutom na gutom ako. Kaya naman nagmadali akong umuwi sa amin sakay nang motorsiklo ko.

"Oh, napakaaga mo namang umuwi?" Gulat ni Mama sa akin.

Ngiti lang ang isinagot ko sa kaniya, tyaka ako dumerestso sa kusina at doon binusog ko nang luto ni Mama ang tiyan kong kanina pa nagrarambulan ang mga bituka ko sa gutom.

Kinabukasana, subrang aga ko para sa unang subject namin. Nang makapasok si Mrs. Chadlier ang filipino teacher namin. Siya parin kasi ang teacher namin sa first subject namin sa umaga.

"Okay, class may iaanonsyo akong mahalagang-mahalaga." Salitang panimula niya sa amin.

Kaya nakuha naman nito ang atensyon naming lahat. Hinawakan ko naman ng maagi ang camerang ibinigay ni Mama sa akin, nuong birthday ko. Gusto ko kasi kapag grumaduate na ako sa junior high school, gusto ko maging photographer artist or 'di kaya film maker.

"Alam niyo naman siguro ang organizations na bubuksan ulit ng school, para sa paparating na opening for welcoming the freshmens ng school." Dugtong niya pa.

"Pssst! Saang organization ka papasok?" Pagtatanong sa akin ni Paopao. Iniisip ko kung saan nga ba ako nababagay, pero hindi ko pa kasi alam kung anong mga organization ang papasokan ko.

"Ikaw ba anong organization ka papasok?" Pagtatakang tanong ko sa kaniya. Para naman malaman ko kung anong mga organization na pwede sa akin.

"Hindi ko rin alam Tol eh." Sambit niya pa na ikina akala ko may makukuha akong information tungkol sa mga organization. Kasi for sure sa sports team ako sasali, sa soccer football team ng school.

"Hermaya, anong alam mong organization ng school niyo?" Pagtatanong ko pa sa kaniya.

Sila kasi nila Paopao, John, Ricci, Daffney, Crage and Dust. Sila ang mga nabuong barkada ko since sila rin naman ang kaguropo ko sa group project namin sa P.E, about sa warm and exercises.

"Mamamayang hapon, pagkatapos ng tanghalian. Pupunta kayo sa coverd court para mag palista sa kung saang organization kayo sasali. Maliwanag?" Pagsasalita pa ni Mis. Chadlier sa amin.

Diniscuss naman sa akin ni Hermaya ang tungkol sa mga organization na meron sa school nila, and BINGO! Sa sports team ako sasali.

"What do you think?" Tanong ni Hermaya, pagkatapos ng klase namin kay Mis. Chadlier. Makatabi labg kasi kami ng upoan.

"What do you think in what?" Pagtataka ko, saka ko iniharap sa kaniya ang lens ng camera, tyaka naman siya nag posing ng peace sign sa may mata habang nakalabas ang dila.

"Sali ako!" Biglang salita ni Ricci, sabay tabi kay Hermaya.

"Matagal mo na ba iyang ginagamit?" Pagtatakang tanong ni Hermaya, sabay tingin ko sa nakuha kong pitures nila ni Ricci.

"Hoy! Idelete mo, ang pangit ng kuha ko diyan eh." Biglang reklamo ni Ricci.

"Haist! Ano kaba hindi naman pangit ang kuha mo no? Oh, tignan mo pa." Sabay pakita ko sa kaniya.

"Uy! Magaling ka pala sa ganito?" Pagkakaamaze na tuno ni Hermaya.

Parang t-bo kasi si Hermaya, pero she's a girl. Boyish lang kasi siyang gumalaw. Hermaya has a four older brothers, kaya natatakot ang mga kalalakehan na manligaw sa kaniya. Dahil makakaharap nila ang four big brothers niya, na ang alam kong hindi pa siya pinapayagang paligawan.

Maganda naman siya, sexy, she has a talent in make up and painting. Base sa kwento niya kahapon sa amin.

ZOWE's POINT OF VIEW

"Ano sa tingin mo? Makukuha ba tayo sa Dance Guild sa pagkakataon na ito? Last year kasi hindi tayo nakaabot sa pagpalista." Sabi ko sa kanilang dalawa ni Frida at Cristine.

"Ano ka ba? Ghorl, ikaw pa kaya mahusay ka kaya sa pagsayaw." Frida said as she amze from my dancing skills.

"Tahimik!" Bigkang sigaw ni Mis. Chadlier.

Siya kasi ang nag anonsiyo, about sa opening ng organization ng school. Para sa darating na opening ng school year sa taon na ito, bilang pag we-welcome na rin ito sa mga first year level sa school na ito.

"Inaasahan ko ang pagdalo ninyo." Sambit naman nito sa aming lahat. Habang taas nuong naglalakad na kinakaslubong si Mis Greta.

Science na kasi namin ngayon, math and science kasi ang hinahawakan ni Mis Greta.

First period namin kanina, ang english. Monday and Tuesday will be our first period sa math, tapos ang science naman after lunch. Pero dahil myerkules ngayon Science ang susunod sa english namin.

Si Mis. Chadlier kasi, isa siyang mapagkumpetinsiyang teacher. Feeling niya lahat ng against sa kaniya, kalaban niya like sa pagtuturo.

Eh, filipino teacher naman siya tapos ang palaging kalaban niya ang math and science teacher namin na si Mis. Greta. She's a single and not married yet teacher ng school, well ang balitang nakalap namin. Mr. L has a crush on her.

Chix-mosa no. 1 heheheh! {^_^}

Sino ba kasi ang hindi? Bukod sa maganda at sexy, nako matalino pa. Diba?

After lunch naman, domiratso na kaagad kami sa coverd court. Akala namin mauuna kami, iyon pala mahuhuli din pala kami sa dami kasi ng pumipila for dance guild. Nasa harapan naman namin si Shekena kasama ang kaibigan niyang linta, nadikit nang dikit sa kaniya. Kulang na lang magkapalit na sila ng mukha.

Pero, they are not worth it for my time to spend 'no? kaya iwas na kung iwas. Para wala nang gulo.

"Hay nako! Talagang sasali pa ang isang, manang diyan. Eh uugod na nga kung sumayaw eh." Sambit pa ni Curiss sa amin.

Aba, Sarap tsenilasin ang bibig.

"Hoy! Sinong matanda?" Angal pa ni Frida.

"Hoy! Anong matanda? Ang sabi ko manang hindi matanda!" Sagot pa ni Curiss.

"Tama na kasi, wag mo na lang patulan." Awat ko kay Frida na susugorin talaga ng away si Curiss.

"Curiss tama na, ayaw namin ng gulo." Sabi ko sa kaniya.

"Bakit lalaban kaba?" Taas kilay niyang pangaamok sa akin ng away.

"Hoy! Babaeng may bibig na parang pwet ng manok! Alam mo, tumigil kana!" Sasali pa talaga itong si Cristine.

"Aba! Ang kapal ng mukha mo! Para laitin ang bibig ko!" Bukyaw niya.

Ang iingay na nila, talo pa ang megaphone sa kanilang mga boses.

"Ano ba tama na!" Saway ko sa kanilang lahat. "Ikaw! Ikaw ang may kasalanan nito eh. Nangdahil sayo kaya sila nag aaway!" Sabay tulak sa akin ni Shekena.

"Aaaay!!!" Sigaw ng mga nanonood sa amin.

Dahil montikan lang naman akong matumba kung hindi ako sinalo ni Blust. I was mismarize at his eyes, ang ganda pala ng mga mata niya. Pati na rin ang mga kelay niya. Sh*t! Yung lips niya ang sarap halikan.

"Ayos ka lang?" Pagtatanong niya sa akin, na ikina balik ko sa huwisyo ko.

"Oo! Naman!" Sabay bitaw ko kaagad sa kaniya tyaka ko ibinaling ang tingin ko sa iba, dahil nararamdaman ko ang pag init ng mukha ko.

Sh*t! Bakit ba?

"Blust, inaaway niya kasi kami eh." Pagsusumbong ng maling-mali na Shekena, kay Blust at sa tingin ko papanigan din naman siya nito.

Bukod sa binigyan siya nito ng slice of cake kahapon, malamang sa malamang ipaglalaban niya talaga.

"Hoy! Talandi kang babae ka! anong pinag sasabi mo ha?!" Pagsisisigaw ni Frida, sabay tulak sa akin kay Blust. Enebe? Wala ito sa script, pero meserep sige pe!

Bigla namang hinablot ni Shekena ang buhok ko, nang hindi man lang ako nakabantay.

"Argh!" Sabi ko sa sakit.

"Hali ka ditong babae ka, kakalbohin talaga kita!" Nanggigigil na sabi ni Shekena, habang hinihila ang buhok ko.

"Argh!" Sabi ko. Bwesit na babaeng to ah, may balak ba siyang totohanin ang sinabi niya sa akin. Nakakalbuhin niya ako? Oh! No! May prescious hair.

"Hoy! Bitawan mo siya! Babaeng impakta!" Sigaw ni Cristine saka niya ito itinulak ng pagkalakas-lakas. Kaya ayon parang domino ang mga nakalinya at naitolak ang nasa pinaka unahan nito.

"Hoy! Ano ba?!" Biglang sigaw ni Mis. Greta, binitawan naman ako kaagad ni Shekena.

"Ayan! Sila kasi Mis. Greta, nanunulak sila." Turo sa amin ni Curiss. Aba! Ako na nga itong nasambunot, kami pa ang sinisi.

"Kayo! Umalis kayo sa linya, alis!" Pagpapaalis sa amin ni Mis. Greta sa amin. Siya kasi ang pumalit sa P.E teacher dahil sumama raw kasi ang pakiramdam nito.

Tsk! Umalis na lang kami sa linya. Wala naman kaming ibang masasalihan na organization kaya tumambay na lang kami sa may quadrangle.

~•●•~

Yung music po,,, hito po siya.. hehehe! I Love this music.. it's old type music But I like it.. Can't Take My Eyes Off You by: Frankie Vallie and The 4 Seasons