webnovel

Chapter 2

Nag sisismula ng mag turo ang aming guro. At ito namang katabi ko ay wala paring kibo kanina pa. Pero mas ok na yan kaysa ang may gawin siyang masama sakin like bullyyyy.

Kanina pa ako giniginaw dito,at ang dungis ko parin, amoy itlog rin ako dahil di pa ako nakaka pag bihis. Air-conditioned kami dito at worst pa e parang sinadyang lakasan ang aircon. Naka tingin lang ako sa harapan habang naka yakap sa sarili, last na tong subject to kaya makaka uwi na ako. Nakaramdam ako ng vibrate sa bulsa ng aking bag. Simple ko itong kinuha at tiningnan kung sino ang nag text

Just now・4:36 pm

MY QUEEN: Anak, umuwi ka nang maaga a? May family dinner tayo with our business partner. Mga 5pm wag ka ma lelate a? Atsaka si clint nandito na. Natagalan kasi dahil sa inutos ko. Bye bye love u take care darling

Ayan yung message ni mama. Binalik ko ang phone ko tapos bumaling na sa harap,mahirap na at baka ma detention ako ng wala sa oras.

"Yan ang mahirap sa pokpok na kagaya mo, kahit may klase e nakikipag textan pa tsk." napa baling ako sa king tabi which is Kael. Tiningnan ko lamg ito at muling bumaling sa harap

"Iba ka talaga" muli akong lumingon dito. Nanliliit ang matang tiningnan ako nito, at maya mayay naging masama ang mga tingin.

"Wala kang alam kaya wag kang umastang alam mo ang sinasabi mo atsaka hindi ka sure kung lalaki nga ba talaga ang kausap ko" mariin kong sambit dito pero sa kami lang ang nakaka rinig.

"Oo nga hindi ako sure, pero isa lang alam ko" pa biting anya "na ikaw ay isang PLAY GIRL" mariin na saad niya sa huling salitang binangit

"Akala ko ay hindi ka pareho ng ibang babae pero nag kamali ako, hiniling ko na sana ay hindi nalang kita nakilala at minahal" mariin pang dadag niya. Paranag natusok naman ng mga milyong milyong kutsilyo itong puso ko sa mga sinabi niya, nangilid ang aking luha na parang kunting masama pang salita niya ay tutulo na ito.

Hindi ako naka sagot, at tumungo nalang para hindi niya makita ang mga luhang nag babadyang tumulo

'kunti, kunting tiis pa matatapos na ang klase'

Pangungumbinsi ko sa sarili ko, dahil kanina pa ako uwing uwi. Giniginaw na ako ng sobra dito at amoy itlog pa, awkward din dahil sa topic namin. Hindi naman ako na aawkwardan dahil sa totoo ito kahit hindi naman. Na aawkwardan ako at nasasaktan din dahil sa mga salita niyang binabato sakin. Sobra na siya pero hindi ko to kayang sumbatan dahil hindi ko kaya. Gustuhin ko mang sabihin sa kanya pero maliit lang ang syansa na paniwalaan niya ako.

Hindi ko namalayang tapos na ang klase. Basta nagising nalang ako sa pag kakatulala at sa pag iisip dahil bell. Nag ayos na ako ng mga gamit at pumunta sa locker room para iwanan ang mga kaylangan iwan. Nang matapos ay dumiretso na agad ako sa bahay

Na abutan ko si mama sa sala, naka bihis na ito. Tiningnan ko naman ang relo kung anong oras na. 4:24 pm na pala.

"Hi mama" bati ko at humalik sa pisnge. Agad naman itong nag reak at lumayo sakin

"Bakit ganyan ang amoy mo at bakit basa ka at may mga itlog?!" tanong nito

"a wala mama nag katuwaan lang kanina dahil birthday nung kaklase ko at nag batohan ng mga itlod at nag sabuyan ng tubig" pag sisinungaling ko. Ang totoo e wala namn talagang birthday at bukas pa yon.

"sige ma pupunta nako sa taas" paalam ko dito

Dumiretso na ako sa banyo pag ka pasok ko sa kwrato at mabilis na naligo. Nang matapos ay nag suot lang ako ng White Letter graphic roll hem hoodie na may naka sulat na big letter C sa gitna at sa pang ibaba naman ay high waister flap pockets jogger pants at white converse. Hindi na ako mag dredress dahil hindi ko feel yun ngayon.

Tiningnan ko ang time ko anong oras na. 4:42 pm na i guess pwede pa akong matulog.

Binagsak ko ang sarili ko sa malaki at malambot na kama,at pumikit na.

Na alimpungatan ako dahil sa mahinang katok na nag mumula sa labas. Mahirap mang makatayo sa hilo ay tumayo parin ako at binuksan ang pinto.

"Ate aalis na tayo tara na" bungad sakin ni clint. Pero tinanguan ko lang ito.

"susunod ako" malamyang saad ko dito. Kinuha ko na ang aking transparent zipper iridescent fanny pack. Pinasok ko ang aking phone, airpods,wallet amd tint. Nag liptint muna ako at lumabas na bagaman nahihilo ay naimanage ko pang bumaba nang hagdan pero hinay hinay lang para hindi ako mahulog. Wala akong naabutan sa sala kaya baka dun sila sa labas nag hihintay sakin. Lumabas na ako at tama nga ako nalang ang hinihintay.

"tara na anak at late na tayo"

"sige pa"

Pumasok na kami sa kotse. Isa iyong Volvo S60. Maraming kotse si dad pero pag kami ang mag kakasama sa byahe ay ito ang palagi naming ginagamit. Ito rin ang kanyang paboritong sasakyan dahil marami kaming memories sa sasakyang ito.

"Honey are you okay?" nag aalalang tanong sakin ni mama na nakatingin sa kin sa rear-view mirror.

"im ok ma" at nguniti pa ako para mabawasan man lang ang pag aalala niya. Pero hindi yun tumalab

"you look pale oh no i mean you're pale" pekeng ngiting saad nito sakin

"really mom im ok" at ngumiti paako at ngayon naman ay mas ginalingan ko ang aking pag pepeke dahil pinaabot ko ito hnaggang saking mata. Bumuntong hininga naman ito ng malalim

"okok if you say so"

Tumingin na lang ako sa labas ng bintana habang binabagtas ang restau na pupuntahan namin.

"ate-ate gising na" napamulat ako dahil sa pangingising ni clint. Tumingin ako sa labas ng bintana at nandito na pala kami

"ate ang init mo"

"tss wag mong sabihin kayla mama" mabuti nalang at naunang lumabas sila mama

"tss oo na oo na basta uminom ka ng gamit mamaya"

Tumango nalang ako rito at sabay kaming lumabas

Pumasok na kami at nag taas naman ng kamay si papa kaya pumunta na kami sa table na yon. Hindi ko makita nag mga kaharap nila dahil naka talikod ito sa gawi namin. Pero parang familiar ang likod nung naka blue na tshirt

Umupo na ako sa tabi ni clint ng hindi tinitingnan kung sino ang nasa harapan

"So you are Clight right?" napaangat ako sa nag salita. Ang gwapo niya parang si papa naka business suit ito at pormal ang suot

"a opo ako po yun" naka ngiti kong sagot

"you are a beautiful girl ija at bagay kayo" nag taka naman ako sa sinabi nito

"a sino po?"

"tss"

Napalingon ako sa sumabat at nagugulat na tumingin dito

"Bakit ka nandito?" takang tanong ko

"Slow as always"

"A sila kasi ang ka dinner natin ngayon anak" sumabat na si papa. Tumango nalang ako dito

"By the way im Kayden River Del Fuente, and this is my wife Angel Faith Del fuente. And this is our son Kael Zyan Del Fuente but i guess mag kakilala na kayo?"

"its nice to meet you po Mr. And Mrs. Del Fuente" formal kong bati rin at iniiwasang sagutin ang tinanong nito

"O this is my son Clint Izrael and this is my daughter Zoe Clight" pag papakilala din samin ni papa

"Its nice to meet you" nakangiting sabi samin ng mommy ni kael

"So shall we eat? The food is ready" masayang saad nung daddy ni kael

Kumain na ako at hindi ko namang maiwasan ang ma ilang dahil nararamdaman kong lumilingon lingon sa gawi ko si kael. Mag kaharap si clint at kael, si papa naman at ang daddy ni kael ay mag kaharap at gayun din sina mama at mama ni kael

"Ughm excuse me po, ughm may kukunin lang po ako sa kotse" paalam ko dahil hindi ko na ma tagalan ang mga matang naka masid sakin

"samahan na kita" alok ni kael. Hindi na ako naka tanggi dahil na una na itong lumabas sakin

Napabuntong hininga nalang ako at sumnod sa kanya. Hayst ano nanaman ba to