webnovel

Chapter 3

"What do you need?" agad na bungad ko nung makalabas kami. Nanatili lang itong nakatalikod sa akin kaya pumunta na ako sa harapan niya. Ako ang kaylangan mag adjust gurl >°<

"Nothing" walang ka buhay buhay na aniya

"Tsk" kung hindi lang talaga ako na hihilo ay kinina ko pa siya kinutungan pero mataas siya at kaylangan ko pang tumalon. Pero naalala ko na hindi na pala kami tulad noon kaya mabuti nalang.

Pumasok na ako sa sasakyan at kunyaring may hinahanap pero wala naman. Ilang oras akong nag tagal doon bago lumabas. Akala ko nauna na siya pero hinintay niya pala ako

"Tara na"

"Tsk hindi kita hinintay, may hinihintay lang ako kaya sumama na ako palabas sayo" napapahiya naman akong tumungo at tumalikod nalang sa kanya "tsk assuming" rinig ko pang bulong niya

'wahhhhhh kasi naman akala ko hinihintay niya akoooo huhu punyeta naman ajuju'

Isa lang ang sasabihin ko NAKAKA HIYA

Eeee siya ang may kasalanan non e bakit kasi hindi niya nilinaw. Hayst bakit niya ba kasi lilinawin e wala na nga kayo clight

Hanggang sa maupo ako sa tabi ni clint ay nasa isip ko pa rin yun. Napa buntong hininga nalang ako at kinumbinsi ang sarili na hindi nalang iyon isipin

"Are you okay ija? Wait wheres kael?" tanong ni Mr. Del Fuente sakin

Ang totoo ay hindi ko pa ito naka meet dahil bago palang kmai nun ni kael kaya hindi pa namin napag planohan na i official na namin. Ang nakaka alam lang ay ang kapatid ko.

"ah may hinihintay pa daw po, pinauna nalang niya po ako mr. Del Fuente" pormal kong saad sa kanya. Naka suit ito kagaya ni papa at pormal naman ang suot ng asawa niya gaya ni mama. Simple lang din ang isinuot namin nila kael at clint.

"Oh just call me tito ija" masayang sambit nito

"ughm ok po mr-errr tito"

Napa baling ang paningin ko sa glass door at nakita doon si kael na may kasamang babae. Sino naman ito?

"Dad" bumaling ang paningin ni tito kay kael nung tawagin siya nito

"This is Chloe Chavez" pakilala niya rito. O sino naman tong si chloe? Aber?

"Its nice to meet you chloe" pormal na saad nung daddy niya na naka ngiti

"My girlfriend" muling patuloy ni kael

Nagulat naman ang papa at mama pati narin sina tito. Mayat maya ay sumama ang tingin ni tito sa anak

"We need to talk" maka pangyarihang saad nito sa anak

"Were talking already" walang kagalang galang na saad ni kael

"In private, outside" wala nang nagawa si kael kundi sumunod sa kanyang amang nauuna pero bago yun ay pinaupo muna niya ang kanyang nobya

"stay here" sabi nito at inalalayang umupo atsaka sumunod sa ama

Nakaka ilang na katahimikan sa lamesa. Ang tanging maririnig mo lang ay ang music na pinapatugtog ng restau.

"Kumain ka na ba?" tanong ko dito para mabasag ang katahimikan. Syempre wala si kael para mag asikaso sa kanya. At ang mommy naman ni kael ay naka tulala pa sa girlfriend ni kael

"A oo iha kumain ka na ba?" mukhang na tauhan namna ang mom ni kael kaya siya na ang nag asikaso dito.

Maya maya pa'y nag ring ang phone nito. Inexcuse naman nito ang sarili samin para sagutin ang tumatawag.

Maya maya pa ay bumalik na sina kael. Mukhang seryoso talaga ang pinag usapan nila dahil sa ssobrang seryoso ng mga mukha nila

Bumalik na sila sa sariling pwesto tulad nung kanina.

Pero hindi pa man nakaka upo si kael ay bumalik na si chloe. Mukhang nag mamadali ito kaya muntik nang matisod mabuti nalang nasalo ito ni kael

"San ka galing?" tanong nito habang inaalalayang tumayo nang maayos. Napa iwas nalang ako nang tingin sa kanila at pasikretong bumuntong hininga. Nilingon namna ako ni clint pero binigyan ko lang ito nang tipid na ngiti

"I just answer my call, ughm kael im going to go na my mom called and we have a family dinner tonight" bumaling naman ito sa papa at mama ni kael "Its nice to meet you po Mr. And Mrs. Del Fuente but i really need to go see you next time nalang po. And you too zoe nice to meet you and your family" nabigla naman ako dahil kilala niya ako. Mag tatanong pa sana ako kung bakit niya ako kilala pero dumiretso na ito palabas. Susundan pa sana ito ni kael pero hinawakan ni Mr. Del fuen-tito ang kamay nito at tiningnan ito ng masama. Bununtong hininga muna ito bago maupo sa tabi ni tito.

"Sorry, ughm cmon lets continue our dinner and conversation as well" tumikhim muna ito bago mag salita

"Sorry for that kumpare" sinserong paumanhin nito kay papa

"Its ok so i guess i announce na natin sa kanila?" hindi siguradong tanong nito kay tito. Naguguluhan namna akong tumingin sa kanila

Tumikhim muna si tito bago ito mag salita at palipat lipat ang tingin samin ni kael

"YOUR GONNA MARRY THE HEIR OF CINCO, KAEL"

wait what!?????