webnovel

Chapter 1 This story is available in wattpad pero hindi mag kapareho ang mga salita nila dito.

Clight pov

Nandito ako sa clinic kasama si clint. Dahil nga akoy tinamaan ng bola ni kael. Si kael ay ex boyfriend ko. Nag hiwalay kami dahil na misunderstood niya kaming dalawa ng boy childhood bestfriend ko na mag kayakapan. Monthsary kasi namin nun at nauna ako sa kanyang pumunta sa meeting place namin pero nakita ko si dexter yung childhood bestfriend ko kaya nag usap muna kami, nag kamustahan kmai at hindi pa man matagal e kaylangan niya ng umalis dahil hinihintay na siya ng girlfriend niya at nang papaalis na siya e nag yakapan kami, tulad ng nakasanayan. Pero hindi ko alam na naruon na si kael kaya na kita niya kami. Sinubukan kong mag paliwanag pero hindi niya ako pinayagan sa halip ay naki pag hiwalay ito. At simula rin nung araw na yun inanounce niya na wala na kami dahil isa daw akong manluluko. Si kael ay sikat, hindi lang sa gwapo siya e siya kasi ang anak ng may ari ng Del Fuente International School. At siya ang soon na hahawak nito dahil only child at siya rin ang hahawak ng ibang bussiness nila. Hindi spoiled si kael, dahil hindi hinayaang maging ganun si kael nila tita angel at tito kayden. Kung sa tutuusin parang si kael ang ideal ng mga babae,dahil nasakanya na ang lahat. Marunong sa gawaing pambahay si kael, bagamat may pag ka seryoso o cold siya, siguradong pag naging kayo e aalagaan ka niya ng mabuti ni lamok nga ayaw niyang dumapo sa balat ko,at maski dumi ayaw niyang nadadapuan ako nun sa balat o maski sa damit.

Mayron saking umaasa na mahal pa ako neto nung malaman kong siya ang nag dala sakin dito. Pero ayaw kong umasa nang buong buo,baka sa huli e ako lang pala ang masaktan. Siya ang dahilan kung bakit ako nasa clinic ngayon, baka na guilty lang siya kaya siya na ang nag dala sakin sa clinic

Napa buntong hininga ako sa sariling iniisip

Patungo na ako ngayon sa cafeteria, hindi ko na kasama si clint kasi umuwi ito dahil tinawagan siya ni mama na umuwi muna dahil may iuutos daw ito sa kanya. Pag bukas ko nang pinto sa cafeteria, isa palang hakbang ko e may bumuhos ng harina sa buong katawan ko. Nag sipag tawanan na man ang mga naruruon, ang iba ay kumuha ng mga selpon at kinuhanan ako ng video at mga litrato. Na tinag pa ako nang ang karamihan sakanila e may hawak hawak na itlog. Pinag babato nila ako at ako naman e ipanag takip nalang sa mukha ang dalawang kamay na kaya ito akong protektahan sa mga itlog na pinag babato ng mga estudyanteng naroroon. Ang mga guro e parang gusto akong ipag tanggol pero alam ko namang si kael ang may kagagawan nito kaya ang mga guro e walang magawa kundi ang tignan ako ng may nakaka awang mukha.

Nang matapos sila sa pag bato e binuksan ko ang pintuan para maka takbo palabas. Oo nga nakalabas ako pero pag labas ko e sktong sakto sa mukha ko ang pag kaka itsa ng timbang may lamang tubig. Naubo pa ako dahil sa may nainom akong tubig kaya umubo ako ng umubo. Ng ok na e tsaka ako tumakbong papunta sa aking silid. Sa kada estudyanteng madadaraanan ko ay tinatawanan ako at ang iba naman e binibidyohan ako. Hindi na matigil ang luhang kanina ko pa kinikimkim. Nang marating ko ang silid, may nadatnan akong mga aking kaklase. Pero pinagtawanan lang din naman ako sa huli. Tumngo naako sa aking upuan upang sanay kunin ang aking bagpack pero sa kamalas malasan ay nag bell hudyat na mag sisimula naang klase. Sunod sunoran na nag sipag datingan ang aking kaklase. Bawal ako mag excuse dahil terror ang aming titser sa ikaunang paksa sa hapon. At sumunod naman ang aming titser sa english,kasunod nito si kael. Hindi kami mag kaklase ni kael dahil section B ito at ako namay Section A. Wala na akong nagawa kundi ang umupo at makinig nalang sa guro.

"ok section A we have a transfery from section B, please be nice to him."

"Kael Zyan Del Fuente" pag papakilala niya

Nag sitilian ang aking mga kaklaseng babae pati narin ang mga bakla.

"Quite!" sigaw ng aming guro. At nag hanap ng bakanteng upuan,huminto ito saakin at tumingin sa aking tabi which is ang bakanteng upuan na kanina pa niya hinahanap. Nasa likod kasi ako kaya hindi niya ito makikitaan kung hindi siya tumingkayad.

"Dun ka sa tabi ni Ms. Cinco" baling niya kay kael. Bumaling naman ang paningin ni kael sakin at ngumisi ng nakaka loko. Napa buntong hininga nalang ako.