webnovel

Chapter 8

Chapter 8

———

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi lang ako pati si kuya at lalo na si... Solomon. Napangiti ako nang makita ang member sa grupo. Si Yorf, Isaac, Vince, Espino, Xymon, at Aaron. At bakit nila kasama si Xyrone? At buhay nga siya... Tulad ng sabi ni Khadi. Napatingin ako sakaniya, nakatingin din siya sa mga kaibigan niya. Nakangiti siya. Kumibot ang labi ko. Nagagawa pa niyang ngumiti sa lagay niyang iyan?

"Miss me?"

"A-anong... Bakit... Panong----."

"Sabi ko naman sa 'yo... Hindi ako mamamatay gaya ng gusto mo. Eto oh! BU.HAY A.KO!" Tumango siya sa mga kasama niya at isa-isa nilang sinugod ang mga tauhan ni Solomon. Pinakawalan ako ng may hawak sa akin dahil don. Pinuntahan ko si Khadi na tuluyan nang nawalan ng malay. Nasalo ko siya gamit ang braso ko. Napakagat ako sa labi. Umiiyak na naman ako. Dahil na naman sa iyo.

"Anong ginagawa mo Xyrone!!!" Sigaw ni sa kapatid at saka ito sinuntok. Naguguluhan ako, bakit nagkaganon bigla ang magkapatid, samantalang kinuha pa ako ni Solomon at galit na galit dahil sila Khadi ang dahilan ng pagkamatay ni Xyrone---na buhay pala...?

"Tara na." Tinulungan ako ni kuya na buhatin si Khadi para idala sa kotse. Sa likuran kaming dalawa pumwesto ni Khadi. Wala pa ring malay. Nakatulala lang ako sa mukha niya.

"Ayan... Nasira tuloy ang guwapo mong mukha." Mahinang bulong ko. "Ay!" Napalingon ako. Hindi pa pala sumasakay ng kotse si kuya akala ko narinig niya ang sinabi ko.

"H-hoy! Babaeng payatot." Bumalik ang tingin ko kay Khadi. Nakamulat ng kaonti ang mata niya. Sinubukan niyang i-angat ang kamay niya at...

At...

Hinimas iyon sa ulo ko.

"Huwag ka na ulit papakuha sa iba, naiintindihan mo?" Wika niya tapos ay bumagsak ang kamay niya at nawalan ng malay. Nanlaki ang mata ko at tsaka hinanap ng mata ko si kuya.

"K-khadi." Umiiyak na tawag ko sakaniya.

Sakto naman na pumasok si Kuya sa sasakyan at tsaka nagsimulang magmaneho.

"K-kuya si Khadi..." Sinamaan niya ako ng tingin at tumango.

Tignan mo ito si Kuya. Wala man lang pag-aalala sa kaibigan niya.

Nakahiga lang sa lap ko si Khadi na walang malay habang mabilis na pinaharurot ni Kuya ang sasakyan.

Bumubulong na ako ng dasal dito at binubulungan si Khadi ng kung ano-ano basta magising lang siya. Natatakot ako. Paano kung may mangyaring hindi maganda sakaniya.

Dahan-dahang inihinto ni Kuya ang sasakyan sa hindi ko kilalang lugar.

Huminto si kuya sa hindi ko pamilyar na lugar. Hindi naman ito hospital ah? Bakit kami nandito, naliligaw ba kami?

Binuksan ni kuya ang pintuan ng sasakyan.

"Kuya, hindi naman ito hospital ah? Hindi kaya tayo naliligaw?"

"No, mas magandang dito tayo sa bahay ni Mill."

Ha?

"Ehh pero hindi naman ito yung bahay nila Khadi ah?"

" It's his house. Not their house." Natahimik nalang ako. Galit na naman si Kuya. Ikaw kasi Christine Lei eh.

"Teka, dahan-dahan." Sabi ko nang bubuhatin namin si Khadi.

Ipinasok namin siya sa bahay na ito na sobrang laki hanggang loob. Ang linis pang tignan. Paano kaya nakabili ng ganito si Khadi?

Dinala namin siya sa isang kuwarto na puros kulay itim ang design. Napakalinis. Nakaorganize lahat ng gamit, parang bago nga---bago lang ba itong bahay niya? Napabusangot ako, samantalang ako nga eh ang kalat-kalat ng kuwarto ko.

Wala pa ring malay si Khadi at nag-aalala ako. Dapat sa hospital na eh. Pero siguro may dahilan si Johann kaya dito niya dinala si Khadi. Kumuha kami ng first aid kit at ginamot ng maagang panlunas si Khadi.

Nagasgasan tuloy ang guwapo mong mukha. Hays

Pero kahit ganoon ay hindi pa rin kumukupas ang kagwapuhan. Napangiti ako sa naisip ko.

"You liked him so much uh?" Nanlaki ang mga mata ko at natigil sa ginagawa. Mabilis akong umiling at tumingin sakaniya.

"Hindi! Hindi hindi ah!! Hindi ko siya gusto Johann." Habang sinasabi ko iyon ay tumango-tango siya at umiling.

"Yeah whatever!"sabi niya na parang hindi pa rin naniniwala. Itinuloy ko nalang ang pagpupunas kay Khadi.

"Mamaya ay may pupuntang Nurse rito para tignan si Mill o kung may natamaan ba sa organs niya." Sinabi iyon ni Kuya tapos ay lumabas siya at hindi ko alam kung saan siya pupunta.

Dapat ngang tignan itong si Khadi dahil masyado siyang nabugbog. Ang himbing naman ng tulog ng isang ito. Ewan ko ba pero...Kinikilig ba ako? Ahh hindi! Aishhh hindi talaga!

Pero nang maalala ko ang dahilan kung bakit nangyari ito sakaniya ay nanlumo ako. Kasalanan ko. Na naman.

"Patawarin mo ako kung hindi ko sinabi kaagad,  Khadiliman."

May namuong luha sa gilid ng mata ko pero hinayaan ko lang. Paano kasi ay kung ano-ano nang ginawa niya sa 'kin noon pero eto ako ngayon. Patuloy na nahuhulog.

*Tok* *Tok* *Tok*

Biglang bumukas ang pintuan at iniluwal niyon ang isang Nurse na may mga dalang gamit.

"Uhmm...Pinadala ako rito ni Sir Cromwell puwede ko na bang tignan ang pasyente?" Tanong nito sa akin. Tumango ako at bahagyang umusog para makalapit ang Nurse kay Khadi. Hindi naman ako puwede na magstay lang dito at panoorin ang ginagawa niya kaya nag excuse ako at lumabas para mag ikot-ikot muna.

Paglabas ko ay bigla akong nalito.

Nakakalito. Ang dami ring kuwarto. Hindi ko nga rin alam kung kuwarto ba ang mga iyon o ano. Ngayon lang ba ito? Hindi ko kasi alam, bakit kaya hindi nila sinabi sa akin? Napa-iling ako. Sabagay,  sino ba ako para sabihan tsaka umalis ako at nawalan na ng connection sakanila kaya wala dapat akong karapatan na magreklamo hays.

"Ang ganda nito." May nakita akong Vase na naka dispalay tapos kulay green pa. Naiinlove na naman ako rito sa vase kasi green ang kulay.

Natigilan ako sa paglalakas nang mahagip ng mata ko ang isang kuwarto. Bahagyang nakabukas ito. Pagtulak ko ng pintuan ay bumungad sa akin ang mga pictures. Naagaw ng pansin ko ang picture ni Khadi...Oo siya nga ito. Nakamaang ang batang si Khadi na aksidente lang na napatingin sa camera. May hawak pang lollipop. Napangiti ako,  ang cute-cute!

Hinaplos ko ito at nadako ang kamay ko sa likod ng larawan ni Khadi. Inilapit ko ang mukha ko rito at nanlaki ang mata ko.

"A-ako! Ako nga ito!" Sigaw ko. Napatakip pa ako sa bibig. Nabibigla.

Hindi naman halatang hindi ako masaya sa litratong ito sa sobrang lapad ng ngiti. Yellow shirt at short ang suot ko. Naglalakad ako rito papunta sa...Kay Khadi? Natigilan ako at natulala sa lirato ko. Ganito ba talaga ang itsura ko noon? Ganito ba ang mukha ko kapag nakikita siya?

Hindi ko na maalala kung saan o anong ginagawa ko rito. Itinabi ko nalang ang litrato at naglakad-lakad. Paano siya nagkaroon ng ganoong picture? Napabusangot ako dahil natatawa ako sa picture ko na kasama sa picture ni Khadi.

Sakto naman na nasa tapat ako ng pintuan ay ang paglabas ng Nurse. Her smile is really...

"Ahh hehehe okay naman si Mr. Tczhillman. Wala ring natamaan sa organs niya. Mas mabuti na alagaan siya at huwag munang gumalaw-galaw kapag nagising dahil may mga bugbog pa sa katawan niya." Did she put a blush on her cheeks? Halatang kinikilig pa siya habang pinapaliwanag iyon. Nakangiti siyang umalis at iniwan ako. Iginilid ko ang ulo ko at.

.

What if...Halaaa! Anong ginawa niya sa katawan ni Khadi? H-hinubaran niya ba para check-upin? Pumasok ako sa kuwarto at nanlaki ang mga mata ko. Iba na nga ang suot ni Khadi!!!

Nakakainis hindi puwede ito!! Siya nakita na ang abs ni Khadi at ako hindi paaa! Ni hindi ko nga pinagsasamantalahan 'yan pero ang Nurse na iyon!!!

_______________________

Sinugod ko siya at pumaitaas sakaniya sabay sakal sa leeg niya.

"IKAWWWWBAKITKAPUMAYAGGGG ARGHHHHH HINDI ITO PUWEDEEEE!!!!!"

________________________

Napailing-iling ako sa naisip ko. Ang bad mo naman Christine Lei! Pumasok nalang ako at may sama pa ng loob. Joke lang! Pakialam ko ba kung pinagsamantalahan siya ng Nurse na iyon? Paki-alam ko!

Wala akong paki!

Tumingin lang ako sa natutulog niyang mukha. Ang payapa naman ng mukha niya tapos hindi niya namamalayang hinubaran----nakakainis!

"Huk!" Bumilis ang tibok ng puso ko nang bigla niyang dahan-dahan na idilat ang kaniyang mata. Gising na siya!

Dahan-dahan siyang umupo at hindi pa ako napapansin. Tinignan ko lang siya. Para na tuloy akong robot dito.

"Huwag ka muna ngang gumalaw dyan!" Sabi ko. Hindi naman tunog galit iyon,  promise! Wala akong karapatang magalit. Ano namang ikagagalit ko?

"Hmmm." Inda niya sa sakit na nararamdaman niya bago tumingin sa akin.

"A-anong ginagawa mo rito?" Gusto kong umirap sa tanong niya.

"Kumain ka muna, may pagkain dito oh." Sa gilid ng kama niya ay mayroong mga prutas.

"Anong oras na?" Tanong niya bigla sa akin. Kinuha ko ang Cellphone ko sa bulsa at tinignan ang oras---ANAK NG PATING!

"T-ten...10pm." Tumango lang siya at umayos ng upo sa kama. Umatras ako ng kaonti at tinawagan ang numero ni Kuya. Anak ng 10pm na ng gabi at wala pa rin siya, baka nag-aalala na rin si Mama.

Hindi siya sumagot sa dalawang tawag ko. Pang-apat na tawag ko ay sumagot na siya sa pangatlong ring. Umiinit ang dugo ko. Nakakainis ' to ah!

"Hoy! Anong oras na. Nasaan ka?"

"I have something to do."

"Baka nag-aalala na si Mama. Uy Johann hindi mo ba ako susunduin dito?" Pagalit na wika ko. Napalingon si Khadi nang mabanggit ko ang pangalan ni Johann. Tshh tsismoso!

"No! Just wait there until tomorrow. Bantayan mo iyan si Mill! Susunduin kita bukas." Nakanganga ako habang pinakikinggan ang mga sinabi niya. Binabaan ako ng buwisit!

Nakatingin lang ako sa Cellphone ko at hindi makapaniwala sa narinig.

"What?" Tanong ni Khadi na ngayo 'y nagtataka sa reaksyon ko.

Iniwan ako rito sa bahay ni Khadi? For real?

___________________________

Next