webnovel

Chapter 7

Chapter 7

_____

KINUHA ni Johann ang mga gamit niya sa locker at ako naman ay kanina pa nakasunod.

"Sigena kasi Johann sasama ako!" Sigaw ko.

"No!"

"Ihh naman ehh!" Pabagsak niyang sinara ang locker niya at yung bag na may lamang gamit ay nakasukbit na sa balikat niya.

"Can you tell me what's going on, Lei? Paano mo nalaman na nasa panganib si Mill?" Natutup ang bibig ko at lumingon sa floor. Napapikit ako. "See? You can't tell me either."  Ginulo niya ang buhok niya at naiiritang tumingin sa akin.

"Remember the last time... Ugh! May kumuha sa aking mga lalaki rito sa school and do you wanna know what happ-----."

"What?"  Sigaw niya. Napaatras ako. Hinawakan niya ang balikat ko. "W-who did that? Anong ginawa nila sa 'yo?" Niyugyog niya ang balikat ko na akala mo 'y masasabi ko habang ginagawa niya iyon. Nakakainis 'to hindi muna kasi makinig. Hinawakan ko ang kamay niya tsaka inalis iyon sa balikat ko.

"Kinidnap nila ako. For Khadi, kuya gusto nilang makuha si Khadi." Lumukot ang mukha ko at hindi na mapakali ngayon. Umatras si kuya at napasandal sa locker. Nag-iisip ata ng gagawin. "Si Solomon." Napalingon siya sa akin. "Siya ang may pakana nito. Pero naiintindihan ko siya sa sitwasyon niya------."

"Anong ginawa niya sa 'yo?" Seryosong tanong niya. Napanguso ako.

" Importante pa ba iyon---nasa panganib na si Khadi bilis naaa----."

"Then why are you doing this? Bakit mo pa sinabing napapahamak na si Mill kung naiintindihan mo ang ungas na iyon! Kung ganoon pala kakampi ka nila!-----."

"Kuya hindi! Hindi ganon 'yon!!-"

" Then what? " Tumulo ang luha ko.

" Galit ako! Galit na galit ako. Sa 'yo.! Sa grupo niyo! At kay.... Kay Khadi! Pero hindi naman ibig sabihin non eh gagawa na ako ng hindi maganda! At dahil diyan sa mga ginawa niyong kabalbalan at pambubully... M-may taong napahamak. " Hindi siya sumagot. Hinihintay ang sunod kong sasabihin.

"N-namatay iyong kapatid niya. S-si Xyrone." Nanlaki ang mata niya at parang nagulantang sa narinig.

"A-ano...?" Umiling-iling siya.

"Kailangan na natin puntahan si Mill." Biglang dumating sina Isaac.

"S-sasama ako kuya----"

"Hindi. Ako nalang ang pupunta at baka mapahamak pa kayo. Kaya na namin ito ni Mill." Sabi ni kuya pero nagmatigas pa rin ako.

" KUYA! " Madiin na wika ko. "Tutal dahil sakin naman kaya kung bakit nandoon ngayon si Khadi. Kaya isama mo ako kuya."

"Lei."

"Kuya..." Tinignan niya ako ng masama at tumalikod.

"Kuya gusto kong may gawin para sakaniya." Napahinto siya. Wala akong pakialam kung nakatingin ang mga kaibigan niya sa akin ngayon. "Gusto ko siyang iligtas."

Tahimik lang ako habang nakasakay sa kotse. Iniisip kung kamusta na kaya siya? Si kuya naman aligaga na sa pagmamaneho. Halatang kinakabahan din.

" F*ck this!" Mura niya nang may nag overtake sa dinaraanan namin. Kahit ako ay naistress.

Mabilis naming nasunod ang gps na naka konekta sa cellphone ni Khadi. Hindi ito pamilyar na lugar. Iba yung lugar kung saan nila ako dinala noon. Bumaba si kuya sa sasakyan na sinundan ko naman.

"ARGHHH!"

"AHHHH!"

Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na sinundan ang ingay kasunod ni kuya. Mukhang narinig din niya ang maliit na ingay sa loob ng isang abandunadong building na ito. Mabukid ang lugar at mag-isa lang itong building.

"Shhh Lei!" Lumingon ako kay kuya at kinunutan siya ng noo nang mapagtanto ang kamay niya na nagsisimbolong hindi na ako dapat pang sumunod.

"Pero kuya..."

"Lei Just please follow me this time. I didn't protect you last time. Hayaan mong makabawi ako. Just f*cking stay here Christine Lei!"

Galit na nga siya.

Napanguso ako. Wala akong nagawa nang makapasok siya sa loob. Ayoko namang tumunganga lang dito----nagsquat ako at umaambang baka may sumugot. Nanlalaki ang mga mata ko. Sinisiguro kong walang makakalusot. Hindi dapat nila masaktan si Kuya at si Khadi.

Ilang minuto pa 't wala na akong marinig na ingay kaya naman napag-isipan ko nalang na pumasok. Ayoko nang maghintay lang dito sa labas at walang gawin.

"Ahhh!!!" Napasigaw ako at napatakip sa bibig dahil humampas sa pader si Kuya. Si Khadi naman ay nakaluhod at hinahawakan ang tiyan na hindi ko alam kung masakit ba o ano.

Napalingon ako kay Solomon at tinignan siya ng masama. Binilang ko ang mga lalaking kasama niya at nakita ko ang sumampal sa akin, yung isa. Tinignan ko rin siya ng masama. Mga siyam sila-sampu na kasama si Solomon. Haaa! Tapos mag-isa lang si Khadi na pumunta rito? Naiiyak na naman ako. Wala akong kuwenta!

"Haha tignan mo nga naman." Ngumingising wika ni Solomon. Lumapit sa akin si Solomon at napaatras naman ako. Alam kong nakikita niya ang takot ko ngayon kaya naman nakangisi siya.

"TIGILAN MO NA ITO SOL-ARGHHH!" Napalingon ako sa likod ni Solomon. Si Khadi iyong sumigaw. Lalapitan ko sana pero kinwelyuhan ako ni Solomon at pilit na inangat gamit lang ang isa niyang kamay.

"A-ano ba!!"

"Akala ko naman matalino ka!"

Narinig kong napunit ang ilang bahagi ng uniform ko kaya kinilabutan ako.

"A-ano ba, hindi mo ako mabubuhat. Mataba ako noh!" Kahit galit ay sinikap kong maging kalmado. Hinawakan ko ang kamay niya at pilit na inaalis ito. Nagulat ako ng biglang nakahiga nalang siya. Ang bilis ng pangyayari. Sinapak siya ni Khadi.

Punong-puno ng dugo si Khadi sa mukha, braso at... T-tiyan... Anong nangyari sakaniya bakit ang dami niyang sugat. Naramdaman ata niyang nakatitig ako sakaniya kaya tumingin din siya sa akin pabalik.

"HAYOP KA----!" Mabilis na tumayo si Solomon at pinagsusuntok si Khadi. Napasigaw ako at napatakip muli sa bibig. Nanggigilid ang mga luha.

Si kuya ay hawak naman ng ilang mga tauhan ni Solomon. Tumakbo ako para tignan si Khadi na nakahiga na. Ang dami niyang sugat paano niya nakakaya lahat ng ito. Pero bago pa man ako makalapit ay may dumukot ng braso ko at inilayo ako.

"AHHHH TAMA NA! ITIGIL NIYO NA IYAN!!!!" Sigaw ko nang makitang pinagsusuntok nila si Khadi kahit pa nakahiga na ito. Mga duwag. Walanangang laban yung tao ginulpi pa. Ang sarap niyong hambalusin lahat!

Nakawala si Kuya sa mga lalaki at mabilis na sinuntok ang ilan pang lalaki. Tapos ay nasuntok niya si Solomon. Ako naman ay patuloy na nagpupumiglas.

"Bitiwan niyo sabi ako eh!!!"

"Walanghiya ka-----!"

Nahuli ng mga lalaki si Kuya at pareho na kami ng sitwasyon ngayon. Nakakulong sa mga bwisit na bubuwit na lalaking ito.

"Si Xymon!" Panimula ni Khadi.

Puwede bang huwag ka nalang magsalita. Mahihirapan ka lang.

Patuloy na tumutulo ang luha ko. Walang katapusang luha na ata ito.

Tumayo si Khadi at makikita ang pagod sa kaniyang mga mata. May sugat din siya sa ilabas ng mata. Nagwala ako sa mga nakahawak sakin pero malakas sila.

"Ang kapatid mo. Buhay siya." Madiin na wika ni Khadi. Dumura siya sa gilid.

Tila natameme naman si Solomon sa isang tabi tsaka siya dahan-dahang lumapit kay Khadi. Kinwelyuhan niya ito.

"A-anong sinabi mo! Ulitin mo ang----."

"Ang pinatay mo! Buhay siya----"

"Anong sabi mo----. " Susuntukin sana ni Solomon si Khadi pero may nagsalita sa harap ng pintuan.

" Itigil mo na iyan... Kuya. "

_________________________

Next