webnovel

Chapter 9

CHAPTER 9

_____

NAKAKAINIS! Makakabawi rin ako sa 'yo Johann. Grrrrr.

Nakapag-isip ako. Eto ang rules ko para sa sarili ko ngayong gabi na nandito ako sa bahay ni Khadi. Hays umiinit ang ulo ko sa ginawa ni Johann. Ayaw ko nito!!! Napapadyak ako sa inis.

Hindi makikipag-usap ng mahaba.

Babalewalain siya.

Aalagaan lang siya, sige tutal siya naman yung may sakit.

Yun lang!

"What's with that long face?"

"Wala." Pabalang na sagot ko. Umupo ako sa tabi niya sa kama at mabilis naman siyang umusog.

"Ano ba!?" Sigaw niya. Mukhang nagalit sa ginawa ko.

"Hindi ka naman magagalit 'diba?"

"Why?"

"Eh kasi... Si Kuya! Aishhhh" napasabunot ako sa sarili ko. Bakit ko ba ito kinakausap! "Bukas niya pa ako susunduin. Dito muna raw ako. May pasok pa kaya bukas!"

" So? "

Whaaaaaat? Sooo?? So??? SOOOOO?

" Tsh bahala ka nga riyan! Maghahanap ako ng kuwarto ko rito! " Sigaw ko bago inis na umalis. Sinarado ko ang pintuan at sinikap na hindi iyon lakasan pero nilakasan ko. Nakakainis!

"Makakabawi rin ako sa 'yo Johann arghhh nakakainis ka talaga!!! "

Pumunta muna ako sa kusina at naghanap ng puwedeng iluto. Gusto ko kasi ng kanin na may ulam. Puro prutas ang nasa kuwarto ni Khadi eh.

Buti nalang may binili pala si kuya 'ng bulalo. Mainit-init pa.

Kumain ako mag-isa at hindi inaya si Khadi. Ano naman! May pagkain siya sa kuwarto niya at kailangan niya ng maraming prutas sa katawan para mas maaga siyang gumaling. At akala ba niya ako lang ang payat? Tsh siya rin kaya... Well hindi ko pa naman nakita at hindi ko na kailangang makita pa. Pakialam ko ba sa katawan niya. May katawan ako. At saka bakit ba iyon ang iniisip ko? Haysss.

Humanap ako ng kuwarto at apat na ang nasisilip ko. Pare-parehong maganda pero wala akong mapili. Yung pang-anim ang napili ko. Maganda! Halatang hindi nagagamit dahil maaamoy mo rito na bago palang. Hindi naman ako magtatagal dito at sasaglit lang ako, isang gabi lang kaya hindi na ako nangjudge. Humiga ako sa kama at pumikit sana para makatulog pero hindi! Hindi ako makatulog, nagpagulong-gulong ako at napaupo. Bigla ko kasing naisip na hindi pa siya kumakain ng kanin.

Pumunta ako sa kusina at kumuha ng kanin sa plato. Nagscoup ako ng sabaw ng bulalo sa bowl at nilagyan ng baka at gulay. Inilagay ko ito sa may tray at pumunta sa kuwarto ni Khadi. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at sinilip kung naroon siya, wala siya. Saan naman nagsuot ang isang iyon? Gabi na ah!

Inilapag ko iyon sa bedside table at dumiretso sa Cr. Iyon kasi ang alam kong baka puntahan niya. Hindi ko na naisip ang posibleng mangyari at natigilan nalang ako nang may magbukas ng pintuan at iniluwal niyon si Khadi. Nagkatinginan kami. Habang pinupunasan niya ang kaniyang buhok gamit ang kamay at ang tubig na galing sa buhok ay tumutulo sa shirt niyang pantulog... Nagmukha siyang sexy. Parang hindi nabugbog. Well, may mga pasa pa siya sa mukha niya. His eyes met mine. Nagtatanong. Hindi ko alam kung bakit ganito nalang kabilis ang pintig ng puso ko. Hoyyy puso! Awat naa!!!

Hindi ko kinakaya kaya umalis nalang ako ng walang pasabi pero wala pang dalawang hakbang ay hinigot niya ang kamay ko at pinaharap ako sa kaniya.

"Anong ginagawa mo rito?" Hindi ako makasagot. Bakit ba palaging iyon ang tanong niya? Nagmumukha tuloy na ayaw niya akong nandito. Hindi ko naman kasalanan--oh well kasalanan ko nga. Natatawa ako sa loob ko pero nasasaktan. Hindi ko alam kung bakit may ganito akong nararamdaman.

"D-dinalhan ka ng pagkain. Baka kasi nagugutom ka na." Sabi ko at pilit na inalis ang kamay na hawak niya na nasa ere at saka aalis na sana pero kinuha niya ulit iyon at hinigpitan ang kapit. Napadaing ako. Masakit kasi ang hawak niya.

"Bakit hindi mo sinabi sa' kin?" Ang random naman nito. Anong tanong iyan?

"Huh?"

"Solomon." Ngayon naman ay natauhan ako pagkasabi niya ng pangalan ni Solomon. Natahimik ako. Dahan-dahan na rin niyang ibinababa ang kamay ko. Nakatayo lang kami rito sa harapan ng pintuan ng cr.

"H-hindi ko alam. Mabilis kasi ang pangyayari. Basta ang alam ko may nanghampas sa ulo ko at... At," lumiliko pakanan at pakaliwa ang mata ko. Iniiwasang maiyak ulit. Kapag iniisip ko iyon ay naiiyak ako at natatakot. Yung takot nandito pa rin.

"... T-takot na takot ako. W-walang tumulong sa akin. Maski ikaw." Tumingin ako sakaniya. Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. "B-babae mo raw ako k-kaya k-kinuha nila ako." Tumulo ang luha ko habang iniisip ang mga nangyari. Pinunasan ko ito. "H-hindi na ako nakapag-isip na posible palang mangyari iyon. A-akala ko kasi...Tulad ng dati. Andyan kayo para tulungan ako. Pero wala! Hindi dapat ako umasa hindi ba? Kaya hindi ko sinabi. Sorry! N-natakot kasi ako."

"Kaya ba kay Kenji ka lumapit?" Napaos siya ng banggitin niya ang pangalan ni 'Ji'

"Ha?"

"Kaya ba sakaniya ka pumunta at hindi sa akin?"

"Ha?" Nagp-process palang sa utak ko ang sinasabi niya nang bigla niya akong yakapin. Nagulat ako. Naririnig ko ang tibok ng puso ko na sa sobrang lakas ay sasabog na.

"Sa akin ka lang. Huwag kang lalapit sa iba."

*******************

Nakaupo lang ako rito sa tabi ng kama ni Khadi na ngiting-ngiti sa kinakain. Walang kibo, basta maubos lang ang kinakaing bulalo.

"Sarap nito ah!"

"Binili ni Johann bago ata siya umalis kanina." Walang gana kong sabi.

Hindi pa rin kasi ako maka move on sa ginawa niya. Bigla-bigla nalang nangyayakap. Hindi ba niya alam na nakakawalan ng hininga ang presensya niya? Dagdag mo pa ang bango niya kasi bagong ligo, kahit naman hindi siya maligo mabango pa rin. Napa-iling ako sa naisip ko.

"P-paano palang buhay si Xyrone at kapatid siya ni Solomon?" Ngumisi siya sa tanong ko tapos ay uminom siya ng tubig.

"I have my ways." Umirap ako sa sinabi niya.

"Eh, sagutin mo ang tanong ko!Bakit ako kinuha ni Solomon kung para sa kapatid niya iyon? Sabi niya ipaghihiganti niya ang kapatid niya dahil kayo raw ang pumatay sa kapatid niya." Tumawa siya ng payak.

"Bitag lang iyon para malaman ba kung buhay o patay na nga si Xyrone G*go iyong Solomon na iyon eh! Huwag kang mag-alala. No one can touch what is mine." Kumunot ang noo ko.

"Huh?" Tanong ko nang hindi maintindihan ang huli niyang sinabi. Umiling lang siya at ngumiti. Hinampas ko siya sa braso.

"Aww!!?"

"Ang hina-hina kasi ng boses mo,  nagsasalita ka dyan di ko narinig."

"HAHAHAHAHA" Tumawa siya at naging dahilan iyon para mawala ang kaniyang mga mata. Naningkit.

_____________________________

Next