webnovel

Chapter 6

Chapter 6

______

TATLONG araw na ang lumipas pero hindi pa rin ako pumapasok. Hindi nagtatanong sina Mama na ikinapanatag ng loob ko. Sasarilihin ko nalang ba ito o bubuksan sa iba? Ayokong mag-alala si Mama. Wala rin namang paki-alam si Johann. Sino ba naman kasi ako hindi ba.

Nagsuot ako ng hoodie at lumabas para magjogging. Natatakot ako oo pero kailangan na ng katawan kong mag ehersisyo. Kailangan ko ring mag-isip. Paano ko siya mapoprotektahan?

"Haha nasisiraan ka na yata Christine Lei. Ikaw nga ang mas nagpahamak sakaniya. Makalaya kapalit niya." Wala sa sariling wika ko habang tumatakbo. Napaisip ako. Kailangan ko pala siyang madala kina Solomon. Pero gagawin ko ba? Wala na akong pakialam basta hindi ko gagawin. Manigas siya kakahintay katulad ng pagpapahirap niya sa akin.

"Lei?"

"Pucha!!!" Napaupo ako sa gulat. "Kenji!" Sigaw ko.

"Woah! Woah! HAHAHAHA ang aga nagmumura ha! Teka tulungan na kita." Hinila niya ang kamay ko para tumayo. Iginaya niya ako sa upuan sa may park at saka kami umupo.

" Kamusta ka? Balita ko ilang araw ka nang umaabsent ah... Ano bang nangyari sa 'yo? " Napalunok ako. Si Kenji. Kapatid na ang turing ko sakaniya at sigurado akong mapagkakatiwalaan ko siya. Ayan na naman ang mga luha ko. Nagsisimula na namang lumabas.

" O-ohh teka teka bakit ka umi----. "

" J-ji... " Tawag ko sakaniya at doon bumuhos ang luha ko. Lumapit siya sa akin at hinimas ang buhok ko.

" Shhh ano ba iyon. Nag-aalala aa 'yo ang mga kaibigan mo sa school. " Lumayo ako sakaniya at kinunutan siya ng noo.

" Wala akong kaibigan doon noh! " Natahimik kaming pareho. Tapos ay tumawa siya.

" H-hahahahaha. "

" Si Khadi. " Panimula ko. Siya naman ay tahimik na nakikinig lang. "Kamusta siya?"  Pinalobo niya ang pisngi niya.

"Pffffttt."

Pinalo ko siya sa braso. Bakit ba siya nagpipilit ng tawa?

"May mga kumuha saking mga lalaki. Noong nakaraang huli akong pumasok." Natahimik siya sa sinabi ko. Tumawa ako habang umiiyak hahaha baliw na yata siguro ako. "Tapos...HAHAHAHAHA T-tapos... Alam mo ba ang dahilan? Ha Kenji? Kailangan nilang makuha si Khadiliman. Pero bakit? Bakit saakin pa? T-takot na takot ako nun eh huhuhuhu" napakalakas na ng iyak ko. Nakakahiya man pero hindi ko na talaga mapigilan."S-sorry ah huhuhuhu i-ilang araw ko rin kasing pinigilan itong luha ko. " Pinunasan ko ito pero hindi ko na mapigilan ang pagpatak. Hinawakan niya ang likod ko para patahanin at niyakap.

" Huhuhuhu Si Khadi. Siya na naman ang dahilan kung bakit nangyari ang bangungot na iyon!" Humagulgol ako sa balikat niya hindi na namalayan ang luhang pumapatak dahilan ng pagkabasa ng damit niya sa balikat. Lumayo ako ng yakap sakaniya tsaka sinubukang patahanin ang sarili. Napangiti ako sakaniya at tumango. "Salamat."

"K-kilala mo ba kung sino ang mga gumawa 'non sa iyo? " Galit na turan niya. Umiling ako.

" Solomon. Pero hindi na mahalaga iyon. Alam mo namang galit ako sa buwisit na Khadi na iyon diba? Pinahamak ko siya Kenji. " Tumulo na naman. Hindi na mapigilan. " Pinalaya nila ako kapalit na dadalhin ko sakanila si Khadi. Pero wala naman akong kuwenta para sa lalaking iyon kaya paano? Tapos... Tapos puro pagkamuhi na ang mayroon ako roon! Anong gagawin ko?"

" Pero hindi ba 't gusto mo siya? " Natigilan ako sa sinabi niya.

Gusto? G-gusto? Gusto ko ang lalaking iyon?

" Akala ko matapang ka. Akala ko ipaglalaban mo iyon hanggang dulo. Kasi nakita ko kung paano mo siya mahalin. Kahit noong panahon na nawala ka sa DSLU. Palaging siya ang mukhang bibig mo. Pero ngayong... Ganito... " Hinampas ko siya sa balikat. Tumawa siya ng malakas.

" Hindi ka ba nag-aalala sa akin ha Kenji. Wala man lang nagligtas sa akin doon. Alam mo ba kung gaano akong ka takot! Takot na takot ako. Para akong unti-unting pinapatay. "

" Alam ko. Nakikita ko sa 'yo. " Bumalik ang pag-aalalang tono niya. " Pero mas nag-aalala ako sa nararamdaman mo para kay Mill. " Lumingon ako sakaniya. Natahimik na talaga ako.

" Alam mo... Noong mga panahon na iyon nagising ako sa katotohanang... Wala naman kasi siyang pakialam sa akin. Wala siyang nararamdaman para sa akin. May magagawa pa ba ako? At saka may girlfriend na siya noh! " Kumunot ang noo niya."Pinaramdam niya sa aking wala akong kakwenta-kwenta  Hindi ba masakit iyon? Pero... " Naiwan sa ere ang sasabihin ko. "Hinayaan ko na makuha nila si Khadi hindi para maligtas ako. Kahit makatakas ako roon ay nandito pa rin iyon sa loob ko noh!"

"E-ehh... Ano?"

"Ginawa ko iyon kasi may tiwala ako kay Khadi. May tiwala ako na kaya niyang labanan ang gang ni Solomon. Iyon naman ang gusto ni Khadi hindi ba? Naniniwala kasi akong wala siyang hindi kayang gawin. Lahat kaya niya, isa siyang pinakamatapang at... Higit sa lahat... Mahal ko." Nanlaki ang mga mata ko at napatakip sa bibig. Ano bang sinabi ko???

Napalingon ako sa damuhan bago napatingin sakaniya na ngayon ay nakangiti na.

"W-wala kang narinig JIIII!!!"

"Oo naman... Mahal ko?" Hinampas ko siya sa braso na ikinatawa niya. May gana pa talaga akong lokohin nito pagkatapos ng pagd-drama ko. "HAHAHAHAHAHA Tama na! Tama na!" Hindi ko siya tinigilan sa panghahampas. Hanggang sa ako rin ang mapagod at sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Mali iyong narinig mo ha Kenji!"

"Oo na nga! Sabi mo kasi mahal----" tinakpan ko ang bibig niya gamit ang mga kamay ko.

"Shhhh iyang bastos mong bibig ha! "

"Alam mo Lei, mabuti iyang ginawa mo. Hanga ako sa iyo. Pero mas maganda siguro kung sasabihin mo kay Mill kasi masyadong delikado kung hindi mo sasabihin. "

"Sa tingin mo ba papakinggan ako ng mga iyon?"

" Hmm... Oo naman!" Hindi ako kumibo.

"Pumasok ka na bukas. Huwag kang mag-alala dudurugin ko iyong p*tang*inang Solomon na iyon-----" hinampas ko siya sa braso.

"Huwag ka ngang nagmumura!"

"Ay wow ah, sino kaya rito yung unang nagmura----HAHAHAHA Oo na sister!" Patuloy pa rin ang pagtingin ko ng masama sakaniya kaya todo ang tawa niya. Natutuwa ang loko.

"Hoy Kenji. Nakapagdesisyon na ako."

"Ha? Ano yun? Nakapag-isip ka kaagad, kasama mo naman ako mula kanina ah edi dapat alam ko iyan.." Minake-face ko siya na ikinatawa niya. Iniinis na naman ako.

"Sasabihin ko sakaniya. Tulad ng sinabi mo, kasi... Ano tama ka eh! Dapat sabihin ko na talaga sakaniya. " Ngumiti lang siya bilang sagot.

12 na ng tanghali. May oras pa ako para makapasok mamayang hapon. Pagkatapos naming maghiwalay ni Kenji kanina ay napag isip-isip kong pumasok at kitain si Khadi.

"Oh, papasok ka?" Tanong ni Mama nang makita akong nakabihis pang eskwela.

"Opo Mama... Nalelate na po kasi ako sa mga lessons." Aalis na sana ako pero tumakbo ako at niyakap siya.

"I'm sorry po sa mga nagawa ko these past few days Ma! Huwag kang mag-alala. Babawi po ako sa inyo!" Tuwang sabi ko. Humalakhak si mama ng maliit na ikinatawa ko rin.

"Ito talaga oh-oh. Oh siya sige na, baka malate ka, ingat! " Humalik ako sakaniya sa pisngi at tsaka na umalis.

Pagkatapos ng lahat nananaig pa rin ang puso. Tsk kikitain ko iyon? Seryoso ba ako? Arghhh! Oo nga pala si kuya pa! Naku!! Mukhang nagtatampo sa akin iyon kaya maski magkasalubungan kami ay wala.

"Oh, Christine. Bakit ngayon ka lang?" Ngumiti ako kay Tessi at umiling.

"Ahh wala naman. Nagkaroon lang ng emergency hehehe."

Pumunta ako sa canteen at naabutan ko ang ilan sa grupo kasama si Johann. Wala si Mill. Saan naman nagsusuot ang isang iyon? Ahh baka kasama ang girlfriend. Edi sila na!

"H-hoy! " Binato ko sakaniya ang dala kong popcorn na galing sa kuwarto ko. Peace offering. Umupo ako sa harap niya, sa tabi ni Yorf. Hindi ko pa pala nadedescribe ang mga itsura ng mga ito. Well lahat naman sila guwapo porket lang kay Khadi at sa kapatid kong panget. Isama mo na si Jeno na feeling hot at guwapo---wala siya rito. Buti nalang.

"Ano 'to?" Ang sungit naman ng kuya ko.

"Uhmmm... Popcorn?" Bumungisngis ang miyembro.

"Pffffttt"

"Bhwahahahahaha."

Tinignan isa-isa ni kuya ang mga lalaking nandito sa puwesto namin ng masama kaya naman tumigil sila sa pagtawa.

"So, are you now my sister?" Natameme ako. Anong drama ng isang 'to. "As I can heard before------."

"Ahh ahhh ahh!! Kuya naman ihhh huwag mo na ako pahirapan ng ganito tsk. Sorry na okay? Nasabi ko lang naman iyon kasi anoooo--" natigilan ako. Muntik na ako malaglag sheemss. Napalingon siya sa 'kin kaya ibinaba ko ang tingin ko. Hindi ko na kaya ngayong tumingin sa mga mata niya.

"Ehem..." Kunwaring umubo ako.

"Ano????"

"Huh?" Bumalik ang tingin ko sakaniya.

"Ano 't bakit mo sinabi iyon? Alam mo bang nasaktan akong kapatid mo? wala na ba akong paki sa 'yo sa tingin mo?. "

"Sorry." Nasabi ko nalang. Kainis! Sabi ko na eh.

"Tsk. So what now?"

"Nakita mo ba si... K-khadiliman?" Pagtatanong ko. Nanlaki ang mga mata ko ng bumulwak ang tawa ng kaibigan ni kuya. Sina Yorf, Espino, Vince at Xymon.

Anong tinatawa-tawa nila huhhhh!! Napanganga ako.

"Kadiliman? Kadiliman who?"

Mas lalo silang tumawa.

Si Yorf ang pinaka cute sa lahat. Lalo na kapag tumatawa---nawawala ang kaniyang mga mata. Tahimik lang. Mayaman, magaling sa codes and mala detective.

Si Vince naman ay medyo maingay at matindi sa girls pagkakarinig ko. May malaking salamin sa mata, magaling sa suntukan at talaga namang hinahangaan dahil sa ka guwapuhan. Actually lahat naman sila mayaman.

Si Espino. Simpleng lalaki lang siya pero hindi siya masyadong tumatawa. Nakikita pa rin ang mga mata niya kapag tumatawa. Hindi siya tulad ni Yorf. Pero guwapo. Malakas ang dating, moreno at pinagkakaguluhan din.

Si Xymon Nicsa naman ay ang pinakamaingay sa kanila---opsss si Jeno pala iyon. Ahh basta maingay din ang isang ito. Mahilig sa chicks at palaging may girlfriend. Guwapo rin naman.

Halos lahat sila matatangkad.

Yung wala naman dito na si Aaron, Isaac na palaging kasama ata ni Mill sa lahat ng lakad. O haka nangchicks din hays ewan.

"Hoy, Christine Lei!" Sigaw ni kuya. Natahimik kaming lahat pero pigil pa rin ang tawa ni Xymon. Tinignan siya ng masama ni kuya kaya tumahimik at nagzipper pa kunwari ng bibig.

"Si Khadi... Mill." Tumango siya.

"I see..."

"Mabilis nga siyang umalis kanina nang may tumawag sa cellphone niya. Hindi niya sinabi kung bakita eh! Mukhang emergency pa ata." Sagot naman ni Espino. Tumango ako.

"Kanina pang 11 iyon at 12:54 na. Hindi pa rin ba siya bumabalik?" Tanong naman ni Yorf.

"Putcha! Makikita mo iyon dre kung nandito na." At ang isa ko pang hindi nasasasabi... Si Vince ay madaling mainitan ng ulo. Umirap ako.

"Gah! Minumura mo ba ako!" Sigaw pabalik ni Yorf.

"Hayop, hindi!" Sigaw din ni Vince. Nagtawanan sila. Napangiti ako. Ang babaw ng kasiyahan.

"Kuya, kailan siya babalik?" Umiling siya at binaba ang laptop.

"... Or did I heard something wrong?" Tanong niya. Hindi sa 'min. Sakaniyang sarili ata.

"Ha?"

"Huh?"

"Ah? Ano raw?"

"I think I heard it right. Hindi ba kayo magkasama?"

"Ha? What?" Naguguluhang tanong ko.

"Ahh tama!" Napaturo sa hangin si Yorf at sumigaw. "Hahanapin ka raw niya, sabi niya pero hindi niya sinabi kung saan. Basta sinabi lang niya na hahanapin ka niya tapos mabilis na siyang umalis kaagad----." Napatayo ako.

"S-seryoso ba kayo?" Kinakabahang tanong ko.

"Oo... May tumawag kasi sakaniya tapos ayun umalis na.."

"K-kuya... Nasa panganib si Khadi!" Sigaw ko na sakaniya nakatingin. Tinitigan ako ni kuya bago niya iniligpit ang gamit. Ganoon din ang mga kaibigan nila.

___________________________

Next

A/N

     Hello sa readers! Hindi pa po ito naka edit so I assume na matanggap-maiintindihan ninyo ang mga errors, grammars and typos. Thankyou!

Malapit na ang Valentines day ♡