webnovel

LEGEND OF VOID SUMMONER [TUA 2] Tagalog/Filipino

Sa pagpadpad ng ating bida sa ibang lugar, ano kaya ang magiging bagong suliranin na kanyang haharapin, magagawa niya pa rin kayang magtagumpay sa buwis-buhay na paglalakbay na ito? Sundan ang ating bida sa pagtuklas ng kanyang sarili maging ng kanyang kapangyarihang tinataglay.

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
28 Chs

Chapter 9: Fight Back

Mabilis na lumundag paitaas ang sampong Brown Wolves habang sinundan nito ng iba pang mga kagrupo nito at mabilis na pinagkakalmot si Evor ngunit mabilis na naiwasan ito ni Evor sa pamamagitan ng paglundag ng mataas.

Wooshhh! Woosh! Woosh!

Palipat-lipat si Evor ng lugar ngunit mabilis pa rin siyang pinagkakalmot ng halimaw dahil likas na maliliksi ang mga lobo ngunit nagagawa nitong iwasan ang atake ng mga mababangis na halimaw.

Halos napapalibutan na si Evor ng mga ito kung saan ay puro depensa na lamang ang ginagawa nito.

"Ssssssssss!!!!!!!" Matinis na tunog ngunit malakas na paghuni ng mahabang dila ng Black Viper. Sa ipinapakita nito ay talagang gusto nitong makain ang murang katawan ng batang si Evor. Mabilis nitong pinaghahampas ng buntot ang mga brown wolves na humaharang sa dinaraanan nito at mabilis na sumugod papunta sa kinaroroonan ni Evor.

"Sssss....ssss....sssss!!!!!" Tunog ng Black Viper habang mukha itong naiinis at nagpupumiglas sapagkat pinagtulungan naman ito ng mga Brown Wolves na pinaghahampas nito kani-kanina lamang.

Maya-maya pa ay nagulat na lamang si Ginoong Sirno sa ipinakitang abilidad ni Evor.

Mabilis na dinampot ng isang kamay ni Evor ang Brown Wolves sa leeg. Nagpupumiglas pa ito na animo'y nahihirapang huminga.

"Krrrriiicckkkkk!"

Isang malutong na tunog ang biglang naririnig sa leeg ng brown wolves na hawak-hawak ni Evor at mabilis nitong itinapon sa malayo. Agad namang hinarap ni Evor ang iba at pinagkakalmot siya ngunit pinagsusuntok niya ang mga ito na nagresulta ng pagtilapon ng mga ito sa malayo.

Dahil likas na tuso ang Black Viper ay mabilis nitong kinuha ang pagkakataon kung saan abala ang batang si Evor sa mga lobo.

Maingat nitong tinawid ang distansya niya papunta sa batang gusto nitong kainin. Nakanganga itong susunggaban si Evor.

"Psskkk!"

Agad na tinuklaw ng Black Viper si Evor na siyang ikinabigla ni Ginoong Sirno. Agad niyang inilabas ang antidote na alam niyang makakagamot sa batang si Evor ngunit sa pangalawang pagkakataon ay nagulat naman siya.

"CRACKKKK! CRACCCKKKK!"

Mabilis na naputol ang dalawang pares ng mahahaba at nagtatalimang ngipin ng Black Viper.

"Ssssssssssss! Ssssssssss! Sssssssssssss!...!"

Naglulupasay sa lupa ang Black Viper habang makikita ang labis na pagdurugo ng bunganga nito. Makikita rin sa sahig ang apat na mahahabang ngipin nito na mayroong mga visible na mga cracks.

Mabilis na nilagutan ni Evor ng buhay ang mga brown wolves na gusto siyang atakehin at kumakalmot sa kaniya.

"Kailangan kong umalis rito, bahala na!" Sambit ni Evor habang mabilis na kumaripas ng takbo sa direksyong pupuntahan niya. Nang dahil sa simpleng pagkakamali niya ay nalagay siya sitwasyon kung saan ay iniipit o naiipit siya.

Hindi alam ni Evor na kanina pa siya  tinitingnan at pinaanood ang mga galaw niya lalo na ng pakikipaglaban nito sa mga mababangis na mga hayop kagaya na lamang ng mga gutom na gutom na mga pack ng mga lobo, Black Viper at maging ng Higanteng Oso.

"Hindi ko lubos maisip na nalinlang at naisahan ako ng apat na nilalang na iyon. Hindi ko aakalaing binigyan nila ng gift ang batang si Evor. Kung hindi ako nagkakamali ay lahat sila ay binigyan nila ito ng kakayahang hindi naman dapat." Sambit ni Ginoong Sirno habang makikita ang inis nito habang naiisip ang mga taksil na mga Guardian Beast ni Evor. Sa palagay niya kasi ay aasa naman ang batang ito sa abilidad na binigay sa kaniya na siyang di niya papayagang mangyari.

"Humanda ka bata dahil bukas na bukas din ay sisiguraduhin kong pahihirapan kita. Bawal sa akin ang umaasa lamang sa kakayahang hindi naman nararapat sa iyo. Dapat matutunan mo ang leksyong daranasin mo sa susunod kong ipapagawa sa'yo. Walang personalan, trabaho lang hahahahaha!" Sambit ni Ginoong Sirno sinabayan pa ng malademonyong tawa niya.

...

Maagang nagising si Evor habang nakikita ang masayang ekspresyon nito sa kaniyang mukha habang makikita na ligtas siyang nakatakas sa mga halimaw na sumugod sa kaniya kahapon. Naalala niya kung paano kaagresibo at kabangis ang mga halimaw na iyon. Hindi niya aakalaing hindi pa siya matagal rito ay ganon na agad ang masasagupa niya at basic training pa lamang iyon. Aaminin niyang napakahina niya pang talaga lalo pa't ang sariling kakayahan niya o pisikal na kakayahan ay hindi pa gaano ka-profound.

Maliban dito sa kaniyang suliranin sa training ay may problema din siya sa kaniyang tinutuluyan dahil natutulog lamang siya sa purong dayami lamang dahil wala namang bahay o anumang gamit rito na maaari niyang gawing higaan liban na lamang sa dayaming ito.

"Gising ka na pala bata, nakatulog ka ba ng mahimbing kagabi?!" Sambit ni Ginoong Sirno habang nakangiti.

"Oo naman po Ginoong Sirno, h----------!" Sambit ni Evor habang nagsasalita ito ngunit mabilis siyang pinutol sa pagsasalita ni Ginoong Sirno.

"Kung gayon ay mukhang handa ka na... Ngayon ay maaari na tayong magsimula sa panibagong training hehehe..." Sambit ni Ginoong Sirno habang palihim itong nakangisi sa batang si Evor.

"Wala pong problema Ginoong Sirno... Alam kong sa ikakaunlad ko rin ito." Sambit ni Evor habang nakatingin kay Ginoong Sirno.

"Simula sa araw mo ay tawagin mo akong Master Sirno dahil kung Hindi ay ibayong parusa ay iyong malalasap." Sambit ni Ginoong Sirno kay Evor habang tinitingnan ng matalas nito ang batang si Evor.

Tila ba pakiramdam ng batang si Evor na tila ba malakutsilyo ang talas ng pagkatingin sa kaniya ni Ginoong Sirno sa kaniya na animo'y sinusuro nito ang kaniyang sariling kaluluwa.

"Opo Ginoo--- este Master Sirno!" Pautal-utal na sambit ng batang si Evor ng seryoso habang matiim na tinitingnan si Ginoong Sirno.

Agad namang binawi ang tingin ni Ginoong Sirno sa batang si Evor at mabilis na nagwika.

"Kung gayon ay simulan na natin ang training mo ngayon. Siguradong madali lamang ito para sa'yo hehe..." Sambit ni Master Sirno habang makikita ngayon ang kakaibang ngisi nito sa kaniyang mga labi.

Napayuko na lamang ang batang si Evor. Tila ba hindi niya alam ang sinasabing ito ng kaniyang Master Sirno. Sa ngayon ay wala siyang pagpipilian kundi ang sumunod na lamang sa agos ng buhay sa kasalukuyan. Imbes na magmukmok o magpakalungkot ay dapat tibayan niya na ang kaniyang sariling loob at pag-iisip. Ilang taon na lamang ang lilipas ay magiging ganap na rin siyang binata. Sayang ang panahong gugugulin niya sa walang kwentang bagay na iisipin niya at magpukos o bigyang atensyon niya ang mga tinuturo sa kaniya ng kaniyang sariling Master, si Master Sirno.