webnovel

LEGEND OF VOID SUMMONER [TUA 2] Tagalog/Filipino

Sa pagpadpad ng ating bida sa ibang lugar, ano kaya ang magiging bagong suliranin na kanyang haharapin, magagawa niya pa rin kayang magtagumpay sa buwis-buhay na paglalakbay na ito? Sundan ang ating bida sa pagtuklas ng kanyang sarili maging ng kanyang kapangyarihang tinataglay.

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
28 Chs

Chapter 8: Heated

Mula sa malayo ay nasaksihan ni Ginoong Sirno ang kalunos-lunos na sinapit ni Evor habang nakalubog pa sa katawan nito ang mahahabang kuko ng Giant Tiger Bear.

"Hahaha... As expected sa mayabang na anak ng aking pamilyang pinagsilbihan. Napakatigas ng ulo at padalos-dalos ang desisyon nito yun nga lang ay hindi nito namana ang lakas at abilidad na meron ang kaniyang ama. Kung sana ay ... Dibale na nga---" makahulugang sambit ni Ginoong Sirno. Nakabalabal ito habang suot ang kaniyang itim na maskara. Hindi niya alam kung maaawa o matatawa sa sinapit ng batang si Evor. Siguro ay kasalanan niya rin ito lalo na ng mga Guardian Beasts nito dahil medyo umaasa lamang ito sa kaniyang mga alaga at makapangyarihang abilid ng mga Fire Phoenix, Gorgon, Gray Dragon at Kraken. Kung hindi lang sana ito naging dependent at sumabak sa mas grabeng mga pagsasanay o pag-eensayo ng kaniyang magulang ngunit malas nga nito dahil nasa mahirap na pamilya ito napunta na kasalanan rin niya.

"Hay naku, kung hindi ko lang talaga piniling sa dukhang pamilya ka napadpad at mahina o maliit lamang ang kaalaman ng mga ito ay siguradong hindi ka mahihirapan ng lubusan ngayon." Sambit ni Ginoong Sirno sa kaniyang isipan. Sobrang na-guilty rin siya. Siguradong mapapagalitan siya ni Madam ****** lalo ng mga lolo't-lola nito.

Ngunit labis na lamang ang pagtataka niya nang biglang nagkaroon ng kakaibang pangyayari sa lugar na kaniyang tinitingnan partikular na rito ang kinaroroonan ni Evor at ng malaking Giant Tiger Bear.

GRRRRROOOOOAAARRRRR!!!!!

Sigaw ng dambuhalang halimaw na walang iba kundi ang Giant Tiger Bear. Makikita sa tindig nito at dambuhalang laki nito ang kakaibang lakas nito. Kilala kasi ito sa pagiging arogante at hindi nagpapadaig na halimaw ng kagubatan.

HiiiiiSssssss.. HiiiiiiSssss...Hiisssssssssss....!

Mula sa hindi kalayuan partikular na rito sa kabilang direksyon ng tirahan ng Giant Tiger Bear ay mayroong mahahabang mga talahiban ay gumalaw ang mga nagluluntiang dahon sa agresibong paraan kung saan ay mabilis na nilisan ito ng mga malilit na daga at mga squirrels. Maya-maya pa ay lumitaw ang isang dambuhalang kulay itim na ahas habang mistulang nakanganga ang bibig nito at litaw na litaw ang dalawang naghahabaang pangil nito maging ang nakakakilabot na anyo ng dila nito.

"Hmmm... Isang dambuhalang Black Viper?! Ano naman ang ginagawa ng isang ito?! Bakit ito nagpakita sa lugar na ito. Normally ay nasa malapit ito sa mga sapa o kaya ay natutulog ito kung umaga at sa gabi na lamang ito lumalabas." Nagtatakang smabit ni Ginoong Sirno habang makikita ang kaniyang pagtataka sa mukha.

"Ano naman ang nararamdaman kong paparating na nilalang na ito?! Hindi maaari ito... Base sa enerhiyang inilalabas ng katawan nito sa hindi kalayuan ay isa itong White Carnivorous Crane. Ano ba ang nangyayaring ito?!" Nagtatakang sambit ni Ginoong Sirno habang hindi nga siya nagkakamali at doon ay lumitaw sa himpapawid ang napakagandang balahibo ng isang dambuhalang puting ibon ngunit ang anyo ng hitsura ng ibon ay napakapangit habang may bakas ng dugo ang puting balahibo nito. Masasabi mo talagang ang dambuhalang ibon na ito ay hindi talaga gagawa ng mabuti.

"Teka, parang naalala ko na ata, diba ngayon ang hunting season ng mga halimaw na ito at isang paligsahan ang mangyayari. Wag nilang sabihing pag-aagawan nila ang naghihingalong katawan ni Evor?! Nalintikan na talaga oh!" Sambit ni Ginoong Sirno habang mabilis nitong ginulo-gulo ang kaniyang buhok. Sino ba namang hindi magiging ulyanin eh ngayon lamang ulit siya pumunta sa lugar na ito sa loob ng kaniyang katawan malay niya ba diba?! Isa pa ay marami siyang ginawa this past years kaya medyo nawala sa kaniyang isipan ang Hunting Season ng mga Halimaw na ito.

Susubukan niya pa sanang gumalaw ng katawan nito upang sagipin ang batang si Evor ngunit ganon na lamang ang kaniyang pagtataka ng mayroong kakaibang pangyayari ang kaniyang nasaksihan sa katawan ng batang si Evor.

Bigla na lamang kasing sumigaw ng malakas ang Giant Tiger Bear habang mabilis nitong binunot ang mga kuko nitong nakabaon at doon tumambad ang animo'y nasunog na kuko nito habang may kulay kahel na apoy ang nakakapit sa kuko nito na unti-unting gumapang sa balat nito sa kuko. Nakakasukang panoorin ito sapagkat nangitim bigla ang kamay nito.

Agad namang sumugod ang Black Viper habang animo'y pagewang-gewang ang pattern ng pagkakagapang nito sa lupa ngunit mabilis nitong napunan ang distansya nito mula kay Evor. Maya-maya pa ay kitang-kita ni Ginoong Sirno na tinitigan lamang ng batang si Evor ang dambuhalang Black Viper sa mata habang animo'y nakatingin lang siya rito. Halos nagulat at nagimbal si Ginoong Sirno sa susunod na pangyayari.

Nang tuklawin ng Black Viper si Evor ay mistulang nangaputol ang dambuhalang patulis na ngipin nito na mayroong nakakamatay na kamandag. Doon ay malakas na sumigaw ang Black Viper na animo'y nasasaktan.

Ano?! Hindi maaari, wala ng sugat ang batang si Evor? Paanong nangyari ito na mayroong Healing Ability ang batang ito? At bakit hindi man lang natuklaw ng Black Viper ang batang ito? Wag mong sabihin na mayroong depensa ang katawan ng batang ito? Ano'ng sikreto ang tinatago ng katawan ng batang ito dahil maging ang malalakas at dambuhalang halimaw na naririto ay napinsala nito ng hindi man lang naano. Parang suwerte naman ata ng batang ito para magkaroon ng tagasagip ng buhay nito. Alam naman niya ang pangyayari sa loob ng kaniyang sariling dimensyon pero ang makasaksi ng kakaibang pangyayaring ito ang labis niyang ikinabahala at ikinaalarma. Wala naman siyang ginawa para pagalingin ang batang ito at ang simple nitong training ay naging komplikado. Kung bakit ba naman kumakapit ang problema at gulo sa batang pilit na lumalayo sa gulo na labis naman niyang ikinabahala. Ano na kaya ang nangyari sa sikretong itinatago ng batang iyon lalo na sa patungkol sa balat nito sa braso?! Ito lamang ang labis na ikinakabahala ni Ginoong Sirno.

"Hindi maaari itong naiisip ko. Masyado akong paranoid. Hindi pa ito gumagana dahil medyo bata pa ito pero kung sakaling mangyari ang bagay na kanilang kinatatakutan ay siguradong mamamatay si Evor sa isang kisap-mata lamang.

Maya-maya pa ay naramdaman niya lamang na mayroong maraming mga nilalang ang nakatago sa isang parte ng madamong parte ng lugar na ilang metro lamang ang distansya sa kinaroroonan ni Evor. At doon nga ay nakumpirma niya.

"Brown Wolves?! Talaga naman oh at masyado pang marami ang mga ito. Makakaya kaya ito ng batang si Evor?! Bahala siya kung mamatay siya total kasalanan niya rin naman ito kung bakit nalagay siya sa sitwasyong ito kung babagal-bagal ba naman tsaka sinabihan kong wag pakampante hmmp!" Sambit ni Ginoong Sirno sa kaniyang isipan. Iniisip niyang hindi siya guilty rito. Tsaka maling direksyon ang natahak nito dahil nito maiging natingnan ang mayayabong na puno na kaniyang natahak. Ito rin ang abilidad ng Giant Tiger Bear dahil mayroong mahikang taglay ang bahay nito lalo na ng ilusyon. Akala mo ay tama ang tinatahak mong lugar yun pala ay hindi at mas lumapit ka pa sa panganib. Lumakas siguro ang abilidad ng ilusyon nito noong nangyari ang sagupaan ng mga Brown Wolves at ni Evor na siyang gumising rito. Doon ay mabilis nitong pinalakas ang ilusyon nitong kayang bulagin ang reyalidad ng sinuman. Sa kagustuhan nitong makapunta sa tinatahak nitong lugar ay hindi namalayan nang batang si Evor na napasailalim na pala siya ng madayang abilidad ng ilusyon ng Giant Tiger Bear.