webnovel

LEGEND OF VOID SUMMONER [TUA 2] Tagalog/Filipino

Sa pagpadpad ng ating bida sa ibang lugar, ano kaya ang magiging bagong suliranin na kanyang haharapin, magagawa niya pa rin kayang magtagumpay sa buwis-buhay na paglalakbay na ito? Sundan ang ating bida sa pagtuklas ng kanyang sarili maging ng kanyang kapangyarihang tinataglay.

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
28 Chs

Chapter 10: Energy Control

Sinong mag-aakalang walang katapusang pagti-training ang ginawa ng batang si Evor kasama ang personal na trainer nito na si Ginoong Sirno.

Lahat ng mga trainings ay masasabing napakahirap lalo na ang mga physical training na nasa Intermediate Training at nasa Energy Control Training.

Lahat pala ng natutunan niya noong nasa mundong kinamulatan niya pa siya ay mga basic training lamang iyon. To think na nahihirapan siya noon ay halos dobleng hirap sa pagti-training o pag-eensayo ang ginawa niya rito.

Hindi napansin ng batang si Evor na halos isang taon na siyang nag-eensayo rito kasama si Ginoong Sirno. Ang ilang buwan lamang sana ay naging isang taon dulot ng walang makikitang anumang malaking pagbabago sa kaniya ng nasabing ginoong nag-train sa kaniya mismo.

Sa loob ng isang taon ay halos nasanay na siya sa pagbulyaw at pagsigaw sa kaniya ni Ginoong Sirno na isang istriktong Summoner trainer. Masasabi niyang halos hindi niya maintindihan ang pag-uugali na meron ang Ginoong si Ginoong Sirno. Misteryoso pa rin sa kaniya kung ano ang totoong katauhan nito sa likod ng pagiging trainer nito o naging karanasan nito.

Masasabing bakas sa kaniya ang paghihirap sa napakaraming araw na lumilipas ay pahirap ng pahirap ang training. Hindi niya maintindihan ngunit parang ganon pa rin ang kaniyang sariling katawan, maging ang kaniyang sariling katawan ay walang pagbabago. Tila ba papatagal ng papatagak ay napuno ng kuryusidad ang batang si Evor. Dahil sa puspusang training na kala mo ay sasabak siya sa giyera ay hinayaan niya na lamang ito. Isa pa ay walang lugar ang pagiging reklamador at pagiging lampa dahil bubulyawan at bubulyawan siya ni Ginoong Sirno kung ganon ang magiging kaniyang sariling gagawin.

Noong una ay magiging okay lang ang kaniyang sariling pag-eensayo ngunit hindi pala. Sa intermediate physical training ay nakainclude na roon ang Combat Training,/Sparring Training, Environmental Test/ Survival Training, Attack/ Envading Training, Defensive Training at iba pa na tiyak ng batang si Evor na napakaweird at napakadelikado.

Sa physical training ay halos naging buwis buhay ang kaniyang mga training yung tipong ang pagpunta lamang sa lugar na tahanan ng mga halimaw na napakaagresibo ay kailangan niyang gawin at makipaglaban rito o makipag-sparring ngunit sino ba ang niloloko niya. Sparring Training pero ang kalaban niya ay walang consciousness ngunit ang natural na lakas at talino ng mga ito ay tiyak na gagawin siyang hapunan ng mga ito.

Sa survival Training ang mas malalang naranasan ng batang si Evor dahil noong one time ay nagising lamang siya mula sa mahimbing na pagkakatulog na nasa teritoryo siya ng delikadong ahas na tinatawag na Fire Breathing Boa na dambuhala ang laki nito na kasing laki lamang siya ng nagtatalimang matulis na pangang ngipin ng halimaw. Nakita niya lang namang tinitingnan siya ng dambuhalang halimaw na ahas na iyon haabng nagkukusot pa siya ng kaniyang pares na mata

Ayon, imbes na antok na antok siya ay biglang nagising bigla ang buong diwa niya rito. Paano siya nakaligtas sa delikado at dambuhalang halimaw na ahas na Fire Breathing Boa na iyon ay siyempre lumabas siya sa teritoryo nito. Imbes na madali ang naging sitwasyon niya roon ay mas naging komplikado. Yung tipong napakainit ng lugar at iwas lang siya ng iwas sa mga pinapalasap na atake ng dambuhalang halimaw na Fire Breathing Boa na literal na bumubuga ng apoy. Kapag nakain siya nito ay tiyak siyang matutusta muna siya at bago pa siya makain ng halimaw na ito ay tustado at lasang abo na siya. Kung paano siya nakalanas ng buhay doon ay dulot lamang ng sariling pagsisikap na makaligtas at pagiging swerte siguro. Kaya magmula ng insidente na ito ay nagsumikap siyang alerto palagi at natutulog siya ng mas maaga para hindi siya maging antukin palagi. Pero magkaganon man ay hindi maiiwasan na palagi pa rin siyang nalalagay sa iba't ibang delikadong sitwasyon. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang ang survival training na ito ay isa sa mga mala-impyernong training niya sa tanang buhay niya.

Pagdating naman sa Energy Control ay isa sa pinakamahirap na training niya dahil ang enerhiyang nasa loob ng katawan niya ay uncontrollable dahil kahit sabihing gift ito ng apat na Beast Guardians niya noon na Gorgon, Kraken, Black Dragon at Phoenix ay nahirapan siya. Napakalakas ng mga abilities na ito na maihahalintulad sa katangian ng mga delikadong mga nilalang na ito. Hindi Porket gift ito ay masasabing kapangyarihan ito ng bagkus ay mga abilidad lamang ito katulad ng Super Strength, Extreme Toughness of Body, super Speed at ang makahinga sa tubig ay ordinaryong abilidad lamang. Dito ay natutunan niyang maraming limitasyon ito at kailangang gamitin ng maayos at nasa delikadong sitwasyon lamang. Sa madaling salita, hindi maituturing na malaking factors ito bagkus ay sub-ability lamang.

Noong una ay halos di pa siya naniniwala ngunit nalaman niyang totoo pala ang lahat ng tinuro at sinabi sa kaniya ni Ginoong Sirno na siyang Master Trainer niya.

Noong tumatakbo siya noon ay sinubukan niyang kontrolin ang kaniyang sariling enerhiya upang paganahin ang kaniyang sariling abilidad upang imaximize ang kaniyang sariling bilis para matapos siya. He just end up unconscious ng hindi niya natatapos ang pagtakbo niya.

Labis na hiya ang naramdaman ng batang si Evor dahil sa ginawa niyang iyon. Kung tumakbo lamang siya ng hindi ginamit ang abilidad niya ay hindi sana mauubos agad ang lakas niya sa katawan niya lalo na ang kaniyang stamina

May iba pang training na sinubukan niyang mapadali at matapos kaagad and it just end up so badly. Katulad na lamang ng pagpasan ng napakalaking tipak ng bato na nag-end to be crumbled into pieces dahil ginamit niya ang kaniyang abiidad na Super Strength.

One time din ay ginamit niya ang kaniyang sariling abilid na makahinga sa tubig para makatagal sa ilalim ng tubig pero muntik na siyang atakehin ng dambuhalang halimaw sa ilalim ng tubig dahil sa paggamit niya ng abilidad na siyang nagpadisturb ng natural water flow. It ended badly and traumatic. Imbes na poproblemahin niya lamang kung paano makalast long sa ilalim ng tubig ay madagdagan pa dulot ng kaniyang ginawang pagcheat sa paggamit ng abilidad. Nakuha niya ang napala niya. Mabilis siyang pumaibabaw at lumayo sa tubig.

Ang isa pang insidente ang napakalala ang naranasan niya. Isang Sparrring training iyon kung saan ay nasa itaas sila ng bangin. Mayroong mga ferrocious Black Ants na grabe ang dami. Kailangan niya lang makatagal doon ng buhay sa loob ng limang minuto. Para manalo siya ay mabilis niyang ginawa ay pinagana niya nag knaiyang abilidad na Extreme Toughness pero ang sumunod na pangyayari ay hindi niya inaasahan. Dahil sa ginawa niya ay nagcrumble ang lupa at naputol ang lupang kinaroroonan niya. Extreme Toughness comes with extreme weight idagdag pang mabilis niyang tumalon talon sa lupa na walang magandang pundasyon ng lupa sa ilalim nito kaya this training end up so badly. Di nga siya namatay sa atake ng halimaw ay namatY naman siya sa sarili niyang kagagawan. That's a wasteful way of activating an ability. Kinailangan pa ni Ginoong Sirno na iligtas ang batang si Evor sa kapalpakan nito.

Lahat ng mga naging training niya na pumalpak dahil sa sarili niyang kagagawan ay makailang sermon siyang narinig at pagbulyaw ng kaniyang sariling trainer na si Ginoong Sirno.