webnovel

LEGEND OF VOID SUMMONER [TUA 2] Tagalog/Filipino

Sa pagpadpad ng ating bida sa ibang lugar, ano kaya ang magiging bagong suliranin na kanyang haharapin, magagawa niya pa rin kayang magtagumpay sa buwis-buhay na paglalakbay na ito? Sundan ang ating bida sa pagtuklas ng kanyang sarili maging ng kanyang kapangyarihang tinataglay.

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
28 Chs

Chapter 3: Command

"Oo nga pala, puntahan niyo muna ang paanan ng nayon at doon ko nailagay ang bagay na hinatak ko o mas mabuting isang nilalang ang natagpuan ko." sambit ni Apo Noni na siyang ikinabigla ni Village Chief Dario at ng tatlong mga Formers

"Sigurado ka ba diyan Apo Noni?! Eh napakalayo naman ng tatlong Cities at ang Divine Dragon Kingdom na sakop nito ang kanikang nayon. Ang Albent City ang pinakamalapit na city rito para dito mapadpad ang ilan sa mga summoner na pinalakbay sa ibang mundo liban na lamang kung mayroong aksidente." sambit ni Village Chief Dario habang mabilis na inalala ang mga summoner na ipinadala sa iba't ibang mga mundo liban sa summoner world. Dito ay magkakaroon ng iba't-ibang mga experience ang mga batang henerasyon ng mga summoners. Mayroong mga tala siyang nabasa tungkol rito lalo pa ng mga bata ng mga Summoner Warriors na naglilingkod sa Divine Dragon Kingdom. Ito ang kanilang tungkulin ng kanilang mga magulang at maipapasa ito sa kanilang mga pamilya o lahing pinagmulan. Nakaugat at nakatatak na rin sa kanilang dugo ang pagiging mandirigma at susundin ang patakarang nakaatang sa kanilang lahi ng summoner.

Kung ikukumpara kasi ang tungkuling nakaatang sa mga summoner warriors na may lakas na hindi bababa sa 7th Level Summoner hanggang Summoner Knight Level. Mayroong iba't ibang tungkuling nakaatang sa kanila at mayroong mga ranggo rito. Mahihirap ang mga training ng mga ito at sasabak sila sa malawakang mga labanan at digmaan. Dito rin makikita kung karapat-dapat kang maging mandirigma ng Divine Dragon Kingdom bilang Imperial Guards o Imperial Army. Kung hindi man palarin ay maaari ka pa ring maging City Guards ng alinman sa tatlong Cities.

"Oo maaaring may anomalya nga pero mali naman ang iyong konklusyon dahil walang anomalya ang nagagawa ng Summoner Glass dahil hindi ito maaaring mapadpad sa atin dahil walang space cracks rito at wala ring dimensional rifts dito kung saan kusang bubukas ito kapag mayroong paasok. Kung mayroon man edi sana nagkaroon ng malaking butas yung mga layers ng space sa ating lugar eh wala naman diba?!" Sambit naman ni Apo Noni habang hawak-hawak niya ang kaniyang mahabang bigote.

"Kung gayon Apo Noni ay hindi pala Space Transportation ang nangyari kundi isang Teleportation?!" Sambit ni First Former Aleton habang makikita sa kaniyang mukha ang labis na gulat. Eh sino ba naman ang hindi diba?! Ang Familiars ay galing sa isang separate dimension na sobrang lapit sa kanilang mundo na siyang nagbibigay kapangyarihan sa kanila at maging ganap na summoner kung saan ay nagkakaroon ng Dimensional Rift na nangyayari kapag numinipis ang space wall ng mundong ito at ng mundo ng mga Summoned Creatures na nagiging familiar ng iba kapag nahuli nila ito gamit ang summoner's rope kapag lumabas ang mga ito upang pumunta sa mundong ito. Ang Teleportation ay isa pa ring nakakamanghang abilidad lalo na ang bagay ay kusang nawawala at lumilitaw sa ibang lugar. Kung gayon ay hindi ordinaryong Summoners Glass ang sinasakyan ng nilalang na ito eh bakit naman napadpad rito sa kanilang nayon? Iyan ang lubos na pinagtataka nilang lahat.

"Oo maaari iyon pero isang bizarre things talaga ang pangyayaring ito pero hindi pa rin tayo sigurado dahil malamang ay dapat natin tong suriin at bawal nating ipagsabi ito sa kahit na sinuman lalo na sa Divine Dragon Kingdom at ng tatlong Cities dahil lagot tayo kapag lumabas ang impormasyong ito." Sambit ni Apo Noni habang seryoso itong tumingin sa apat na nilalang na nasa harapan niya.

"Huh?! Bakit naman po Apo Noni, kailangang malaman ito ng tatlong City at ng Divine Dragon Kingdom hindi ba?!" Sambit ni Village Chief Dario habang kinakabahan sa sinasabi ni Apo Noni na itago o ilihim ito sa kinauukulan.

"Hindi maaari iyon dahil hindi mo naman siguro gustong maging laman tayo ng balita ng buong kingdom hindi ba?! Tsaka alalahanin niyong nasa krisis tayo ngayon at maaaring pag-initan ang ating Patriach na lubos na gusto naman ng kaalitan nitong kapwa nito Patriarch tsaka hindi niyo alam ang maaaring gawin ng Divine Dragon Kingdom kapag nagkaroon ng interes ito sa lupain at mga kahina-hinala, aalamin at aalamin nila ang sitwasyon. Napakaistrikto ng pamamahal nito sa nasasakupan nila lalo na sa mga malalaking nayon na kalapit ng kaharian kaya baka malagay lamang tayo sa delikadong sitwasyon." Sambit ni Apo Noni habang seryoso itong nakatingin sa mga ito. Hindi kasi isang demokratikong pamamahala ang Divine Dragon Kingdom at napasailalim sa Monarkiya. Ang kaayusan ang pinananatili nito at hindi maaaring suwayin ang pamamalakad nito ninuman lalo na ang magsimula ng ruckus. Ano na lamang ang maaaring mangyari kapag sila ang magsimula nito at pag-initan sila. Isa pa ay isa lamang ordinaryong mandirigma si Apo Noni noong kabataan niya pa at tanging sa Albent City lamang siya nakapadpad dahil simula ng huli niyang pagtagumpayan ang pagkakaroon ng titulo bilang 5th Level Summoner ay hindi na siya nagkaroon pa ng major accomplishments. Pwede pa sana siyang maging 6th Level Summoner dahil mayroon siyang solid foundation sa katawan para makamit ito ngunit ang problema ay kung paano siya makakahuli ng magiging Familiar niya na Summoned Creature kung wala siyang kapabilidad?! Ito ang lubos niyang ikinapanlumo. Ang 6th Level Summoner ang huling lebel na maaari niyang tapakan dahil mababa lamang ang kaniyang summoner talent at dahil masyado na siyang pinaglipasan ng panahon para makamit pa ang matataas na lebel ng mga Summoners. Dahil dito ay hindi siya napansin o nakilala man lang ng Albent City dahil sa pagiging marka niya bilang ordinaryong summoner. Tanging mga kapwa niya lamang summoner ang kilala siya o kaya sila-sila lamang ang magkakilala. Kung magsasalita man siya tungkol sa kaniyang natuklasan ay marami pang prosesong pagdadaanan at marami pang mga makakabasa ng kaniyang sulat na baka hindi rin mabasa ng Divine Dragon Kingdom at maakusahan pa siya o sila ng pagpapahayag ng maling impormasyon at mga taksil sa loob ng pamamahala ng kaharian na lubos niyang kinatatakutan. Kaya mas mabuting hindi na nila malaman ito para sa ikatatahimik ng lahat.

"Ano ang maaari nating gawin Apo Noni?! May solusyon po ba kayo?!" Sambit ni Third Former Serion habang makikita ang pagkabahala sa boses nito.

"Total ay tayo lang naman ang nakakaalam sa pangyayaring ito ay wag na nating ibalita ito sa labas. Sabihan niyo na lamang ang iba na nagkaroon lang ng salpukan ng dalawang ownerless beast sa kagubatan." Sambit ni Apo Noni habang seryosong tiningnan si First Elder Aleton.

Halos nagulat naman si First Former Aleton ng tiningnan siya ni Apo Noni ngunit maya-maya pa ay ikinalma naman niya ang kaniyang sarili.

"Opo Apo Noni, masusunod po!" Sambit ni First Former Aleton na magalang na yumuko at mabilis na umalis sa silid na ito. Sa kaniya kasi nakaatang ang responsibilidad sa pagbalita sa labas maging ang pagdating ng mga dayuhang balita mula sa ibang nayon.

Tiningnan naman ng apat na tao ang papaalis na pigura ni First Former Aleton.