webnovel

LEGEND OF VOID SUMMONER [TUA 2] Tagalog/Filipino

Sa pagpadpad ng ating bida sa ibang lugar, ano kaya ang magiging bagong suliranin na kanyang haharapin, magagawa niya pa rin kayang magtagumpay sa buwis-buhay na paglalakbay na ito? Sundan ang ating bida sa pagtuklas ng kanyang sarili maging ng kanyang kapangyarihang tinataglay.

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
28 Chs

Chapter 4: Dead?

"Ano ito Apo Noni?! Bakit ganito ang laman ng Summoner's Glass?!" Sambit ni Second Former Mario habang makikita ang pagkabahala sa kaniyang mukha. Kasalukuyan silang nasa paanan o sa labas ng kagubatan kung saan malapit lamang ito sa kanilang nayon. Noong una ay inaakala niyang simpleng bagay lamang ang inaasahan niya o nila ngunit tumambad sa kanilang harapan ang isang nakakamangha ngunit nakakakilabot na pangyayaring ngayon lamang nila nasaksihan sa tanang buhay nila.

"Sigurado po ba kayong buhay pa yang batang yan? Mukhang patay na po yan Apo Noni eh lalo na yung mga pinsala niya sa katawan eh masyado na pong malala tsaka parang nasunog." Sambit ni Village Chief Dario habang makikita ang lungkot sa mukha nito na halatang nahahabag sa kalagayan ng batang nasa loob ng Summoner's Glass.

"Oo nga po Apo Noni, sigurado po kayong buhay pa po yan?! Hindi ko nga nararamdamang humihinga pa siya o kung gagaling pa ang mga pinsala nito. Kahit na mabuhay pa iyang batang yan ay siguradong hindi rin hahaba pa ang buhay nito o kaya ay magiging inbalido nalang ito habang buhay." Sambit ni Third Former Serion habang makikita ang kaseryosohan sa kaniyang sinasabi.

"Sigurado akong buhay pa ang batang iyan. Tumitibok pa ang puso nito ngunit napakahina lamang ngunit ang kalagayan nito ay unti-unti ng nagiging stable. Hintayin na lamang nating gumaling ito at kusang bubukas ang Summoner's Glass. Sambit ni Apo Noni habang makikita ang saya sa mata nito. Kaawa-awa talaga ang lagay nito lalo na ang pinsalang nakuha nito.

"Ano po ang naging dahilan ng pinsala nito Apo Noni?! sambit ni Village Chief Dario habang makikita ang pagtataka nito. Grabe naman ang sinapit ng batang ito bago makarating rito kaya hindi naman masama kung maitatanong niya ito.

"Sa kaalamang nakalap ko noon pa man ay masasabi kong isa lamang ang dahilan ng pinsala nito, Soul Mana Depletion ang naging sanhi ng pagkapinsala niya to the point na halos masaid rin ang lahat ng mana nito sa katawan at maging ang Soul Mana nito ay lubos nitong nagamit na halos masaid na rin." Sambit ni Apo Noni habang inaalala ang kaniyang kaalaman noong nasa Albent Cuty siya. Hindi naman kasi sila binabawalan na mag-aral doon lalo na sa mga karaniwang nangyayari sa mga pasaway na mga user kung saan ay pati ang Soul Mana nila ay hindi nila napapansin na nagagamit na nila ito.

Halos nagimbal naman sina Village Chief Dario, Second Former Mario at Third Former Serion sa narinig nilang ito. Nalaman na nila noon pa ang Mana Depletion noon pa man at wala silang nakitang aktuwal nito dahil napakadelikado nito lalo na ang Soul Mana Depletion. Pero ngayon ang kanilang natutunan noon ay lubos nilang naintindihan kung bajit hindi nilang aksayahin o sairin ang kanilang mana sa katawan. Walang dudang dapat ay handa ang iyong katawan sa pagtanggap ng familiars mo lalo na sa pagpili ng angkop na level ng Familiars na kailangan mo dahil kung hindi ay mas malala pa sa Soul Mana Depletion ang mangyayari sa iyo dahil makakayanan ng katawan mo ang lakas ng iyong magiging familiar.

"Kung ganon po eh bakit naman nangyari po iyon? Tsaka parang ordinaryong bata na lamang ito dahil kahit gumaling pa ito ay lubos na napinsala ang energy channels ng katawan nito." Sambit ni Village Chief Dario habang makikita sa ekspresyon nito ang nagugulumihan at mayroong lungkot rito. Bata pa lamang ang nakikita niyang sobrang naghihirap ay siguradong pagtatawanan at magiging tampulan lamang ito ng tukso sa kanila at wala na itong maaaring maging achievements sa hinaharap na isang kinakatakutan ng sinuman sa kanila. Kasalukuyan siyang isang ganap na 4th Level Summoner pero gusto niya ring mas maging malakas pa at makatapak sa matataas na Summoner Level upang maipagtanggol at maprotektahan niya ang kaniyang nasasakupan. Mayroong sikretong inililihim ang kanilang nayon na hindi sana deserve na maghirap ng ganito ngunit dahil sa nangyari noong nakaraang mga taon ay tuluyan ng humina ang kanilang pwersa. Ayaw niyang pati ang batang inosenteng ito ay madamay sa kamalasan nila. Ewan ba niya, sunod sunod na dagok ang kanilang hinaharap ngayon ngunit naniniwala siyang may awa ang kanilang bathalang pinaniniwalaan.

"Mali kayo ng inaakala, espesyal ang Summoner's Glass na ito dahil gumagaling ang batang ito sa mabilis na paraan. Yun nga lang ay ang Summoner's Glass ay ang may-ari lamang ang maaaring gumamit nito at hindi ang ibang Summoner. Isa itong family heirloom kaya walang kwenta ito sa atin. Talagang masasabi kong napakaswerte ng batang ito para patuloy na mabuhay. Siguro ay hindi niya pa oras para mamaalam sa buhay na ito. Ang lubos na pagkasaid ng Soul Mana nito ay dahil na-unbind na nito ang kaniyang mga Guardian Beasts na una pa lamang ay hindi nito pagmamay-ari ngunit bakit napakaaga naman ata ng pag-unbind nito pero maswerteng nakaligtas pa siya. Siguradong mahina lamang ang Guardian Beasts nito, tama..." Sambit ni Apo Noni na makikita ang saya sa mukha nito.

Pero paano kaya kung ang inaakala nitong mahihinang mga Guardian Beasts ay apat sa napakalakas na Guardian Beasts na nakatala lamang sa libro? Ang Gray Dragon na kayang sunugin ang anumang bagay sa init nito. Ang Kraken na kayang sirain at palubugin ang buong kalupaan papunta sa kailaliman ng karagatan. At ang mga nagkaroon ng malawakang ebolusyon na mga Guardian Beasts na Four-Winged Fire Phoenix na si Phoenuro at ang unang lahi ng mga Gorgon na si Nescafra. Siguradong hihilingin lang nito na lamunin na lamang siya ng buhay ng lupa.

"Unbind ba kamo Apo Noni? Eh isang Forbidden Magic iyon hindi ba? Hindi man nito maapektuhan ang katauhan ng isang Summoner ngunit isa iyong napakahirap na Magic Circle kung saan ang gagamitin mo ang hindi masusukat na Mana. Para sa ligtas na pag-unbind ay kailangan ng maraming mga summoner para mapunan ang Mana pero ang batang ito ay sinasabi niyo Apo Noni na halos inubos nito ang Mana nito at maging ang Soul Mana nito ay ginamit at sinaid nito?!" Sambit ni Second Former Mario habang nagugulantang. Isa itong pure madness na kahit siya ay hindi niya gagawin. Isusugal niya lamang ang kanyang buhay para sa pag-unbind gamit ang sariling kapangyarihan? Hinding-hindi niya ito gagawin, isa siyang Summoner na naniniwalang ang lahat ng bagay ay may solusyon at hindi kasama rito ang pagsugal ng buhay unless it is necessary.

"Hindi ko nga rin alam eh, siguro hintayin na lamang natin na magising ang batang iyon tsaka tayo magtanong tungkol sa nangyari sa kaniya. Sa ngayon ay gawin na lamang natin ang nakagawian at sikaping solusyunan ang ating problema. Ako na ang bahala sa batang ito." Sambit ni Apo Noni. Nakatungkod kasi ito dahil masyado na itong matanda. Agad nitong pinadaloy ang kaniyang mana sa kaniyang tungkod at ng itukod niya ito sa lupa ay biglang gumuhit ang napakalaking Magic Circle na kulay berde. Agad na lumabas sa Magic Circle ang isang Napakalaking nilalang. Isang God's Child na si Gyrant, ang ikalimang Familiar ni Apo Noni.

"Ano po ang ginagawa niyo Apo Noni... Delikado yang ginagawa mo dahil tanging ang mga 6th Level Summoner lamang ang maaaring makapagsagawa ng Dimensional Concealment. Siguradong mapipinsala ka ng malaki Apo!" Nahintatakutang sambit ni Third Former Serion habang makikita ang bagabag sa tono ng kaniyang pananalita.

[Dimensional Concealment: Isang High level Magic ng mga summoner kung saan ay itatago ang isang bagay o parte ng lugar sa mata ng iba. Hindi rin ito mapapansin ng sinuman unless kung mas malakas ang perception at kapangyarihan nito kaysa sa nag-cast ng Magic. Karaniwang ginagamit ito sa pagtago ng mga nilalang sa kanilang kalaban o pagtatago ng mga bagay mula sa sinuman.]

"Oo nga Apo Noni, masyadong malakas ang mahikang iyan para sa inyo. Kung yan ang desisyon niyo Apo Noni, tutulungan ka namin!" Sambit ni Village Chief Dario at mabilis na nagliwanag na kulay asul ang kaniyang katawan at lumabas ang dambuhalang isdang tinatawag na Blue Scaled Fish na sarili nitong Familiar.

"Supporting Magic: Mana Booster!"

Agad na naramdaman ni Apo Noni na maraming enerhiya ang pumapasok sa kaniyang katawan at naisasagawa niya ng tama ang Dimensional Concealment Magic.

Napatango naman sina Second Former Mario at Third Former Serion kay Village Chief Dario at mabilis na nagliwanag ang tinatapakan nila maging ang kanilang mata.

Si Second Former Mario ay nagliwanag ng kulay Pula ang mata nito habang may lumabas na isang malaking Magic Circle sa paanan nito at kusang lumabas ang kaniyang sarili nitong Familiar na isang Red Bull at agad siyang nagcast ng mahika.

"Supporting Magic: Energy Neutralization!"

Naramdaman ni Apo Noni na mas nababalanse niya ang kaniyang enerhiya at maya-maya pa ay unti-unting makikita ang pagkahati ng space na animo'y may parang bumubukas at unti-unti nitong hinihigop ang Summoner's Glass na naglalaman ng isang batang lalaki ngunit parang kulang pa rin ang enerhiya nilang tatlo upang matagumpay ang kanilang isinasagawang ito.

Agad namang nakitang lumiwanag ang mata ni Third Former Serion na kulay kayumanggi. Lumitaw ang kulay brown na Magic Circle at mabilis na lumitaw ang kaniyang Familiar na isang Two Tailed Rhinoceros.

"Supporting Magic: Control of Gravity!"

Agad na naramdaman ni Apo Noni ang pagkaroon niya ng kontrol sa Gravity. Agad niyang kinontrol ang Summoner's Glass papasok sa maliit na Dimensional Rift na kasya lamang ang Summoner's Glass at doon ay unti-unti niyang naipapasok ito na mangangalahati na.

"AHHHHHHHH!!!!!!!" Isang malakas na sigaw ni Apo Noni at tumingkad pa lalo ang kaniyang kulay berdeng mata habang naglalabasan ang ugat nito sa kaniyang noo. Naipasok na sa maliit na Dimensional Rift ang Summoner's Glass.

Pagkatapos nito ay nawala ang kaniyang enerhiya sa kaniyang katawan at mabilis na napasuka ito ng dugo.

"Apo Noni!!!!!" Malakas na sigaw nina Village Chief Dario at ng tatlong Formers.

Agad naman nilang inalalayan ang matanda at mabilis na binigyan ng lunas sa pamamagitan ng Energy Transfer Contact Magic.

[Energy Transfer Contact Magic: Isang basic healing magic kung saan ay ipapasa mo ang enerhiya mo sa pamamagitan ng pagkakaroon ng skin contact. Halimbawa: paghawak sa kamay, pagmasahe sa likod, pag hawak sa palapulsuhan at iba pa.]