webnovel

LEGEND OF VOID SUMMONER [TUA 2] Tagalog/Filipino

Sa pagpadpad ng ating bida sa ibang lugar, ano kaya ang magiging bagong suliranin na kanyang haharapin, magagawa niya pa rin kayang magtagumpay sa buwis-buhay na paglalakbay na ito? Sundan ang ating bida sa pagtuklas ng kanyang sarili maging ng kanyang kapangyarihang tinataglay.

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
28 Chs

Chapter 2: Argument

Mistulang naging isa ang diwa o pag-iisip si Apo Noni at ni Gyrant na sarili nitong tinawag. Lubhang matanda na si Apo Noni ngunit ang lakas niya ay kinakatakutan pa rin ng ilan sa mga nayon. Mataas na kasi ang lebel ng kapangyarihang nakamit ni Apo Noni ngunit hindi rin maipagkakailang pinaglipasan na siya ng panahon, isa na kaso itong Fifth Level Summoner na mayroong limang malalakas na Familiar at isa si Gyrant sa familiar nito. Sa mga nayon ay karaniwang nasa Fourth level Summoner lamang ang mga village chief kagaya ni Chief Dario. Ang nakatapak sa 6th Level hanggang 9th Level Summoner ay mga Patriarch. Ngunit sa katandaan ni Apo Noni ay mahihirapan na itong maghunt ng ika-anim nitong familiar at may lakas ito ng 6th Level Summoner hanggang 7th Level Summoner kung kaya't kahit magtulungan pa sila nina Chief Dario at nang tatlo pa nitong Formers ay balewala pa rin ito dahil sa mabababa lamang ang level ng kanilang Summoning Magic. Hindi rin siya pwedeng humingi ng tulong sa mga Patriarch ngayon dahil may suliranin rin itong kinakaharap laban sa iba pang mga patriarch.

Ang Summoner World ay nasa disiplinadong pamamaraan ng pagkakaroon ng sistema ng kaayusan. Liban rito ay marami pang isinasaayos dito lalo pa't nagkakaroon ng pag-iiba sa summoner rankings at si Apo Noni ay hindi man lang nakapasok sa alinmang rankings dahil maraming mas higit na mas malakas sa kaniya.

Nang makarating si Gyrant sa lugar na pinangyarihan ay siyang lubos ring ikinagulat ni Apo Noni ang kaniyang nasaksihan. Hindi niya lubos na aakalaing isang batang nilalang pala ang nasa loob ng Summoner's glass kung saan ay isa itong teleportation magic ng mga summoner ngunit ang lubos niyang ikinapagtataka ay ang kalunos-lunos na anyo ng batang lalaki na nasa loob. Halos patay na nga kung tingnan ito ni Apo Noni ngunit ng makita niyang mabuti ang kalagayan ng bata ay humihinga ito at ang balat nito ay unti-unti ring gumagaling sa mabilis na paraan. Sigurado siya sa kaniyang hypothesis kung bakit naging ganito ito.

"Ngayon na ba ang pagbabalik ng mga batang Summoner mula sa ibang dimensiyon? Isa itong malaking event para sa lahat. Pero bakit parang malala ang naging pagdating ng batang ito? Hindi naman maaaring dulot ito ng Summoner's glass o may anomalya ito. Mabuti na nga lang at nasa loob siya nito dahil mayroong regeneration o recovery ability ito kung kaya't buhay pa ito dahil kung hindi ay baka namatay na ito ng tuluyan. Tsk! Tsk!" sambit na lamang ni Apo Noni sa kaniyang isipan habang inoobserbahan niya ito gamit ang kaniyang tinawag na si Gyrant na isa sa lima niyang familiar.

[Familiar: Tawag sa mga natawag mong mga nilalang kagaya ng mga celestial beings, divine gods, divine childs at iba pa. Maaari ring Summoned Beast o Summoned Creatures at iba pa.]

Agad ring sinubukang buhatin ni Gyrant ang napakabigat na Summoned Glass ng bata na hindi masukat ang bigat pero nakaya rin nitong buhatin sa makailang ulit nitong pagsubok. Halos pumutok rin ang ugat ni Apo Noni dahil sa halos ilang enerhiya rin ang kaniyang na-drain dito habang patuloy sa pagkontrol sa kaniyang familiar na si Gyrant maging ng kaniyang enerhiya.

"Apo Noni, ano po ang nangyayari bakit parang nahi------!" nag-aalalang sambit ni Third Former Serion habang nakikita ang lubos na paghihirap ng kanilang Apo Noni.

Agad siyang pinigilang magsalita ni First Former Aleton.

"Papatayin mo ba si Apo Noni ha, Serion! Malamang ay mayroon siyang ginagawang importante sa mga oras na ito. Kapag nabulabog mo ang konsentrasyon ng Apo ay ipapalapa talaga kita sa aking mga familiar kapag may nangyari sa kaniyang masama!" sambit naman ni First Former Aleton. Kahit na ayaw man nila sa bagong chief ng kanilang nayon na si Chief Dario ay hindi nila maaaring bastusin man lamang si Apo Noni. Hindi man siya nakapasok sa Summoner's Ranking List ay isa ng karangalan sa kanila na pamilya nila ito o ancestors/kanuno-nunuan ng nayon ng Hercas.

Maya-maya pa ay nabigla silang lahat nang biglang napasuka ng sariwang dugo si Apo Noni.

"Apo Noni!" magkasabay na sambit nina Chief Dario, First Former Aleton, Second Former Mario at Third Former Serion habang nag-aalala.

Agad namang uminom si Apo Noni ng Energy Recovery Water na isang espesyal na tubig galing sa Summoner's River. Espesyal ang mundo ng mga Summoner. Ang kapaligiran ay napakaganda at biniyayaan ng mayayamang mga enerhiya ng kalikasan maging ang lupa ay napakataba at ang mga tubig ay nakakagaling. Yun nga lang ay may mga level rin ito at ang Energy Recovery Water na nasa Summoner's River ay isang napakadelikadong lugar dahil pinamumugaran ang lugar na ito sa lupa man lalo na sa katubigan ng mga Ownerless Beasts at iba pang mga Ownerless Heroes at Creatures.

Yan ang nakakatakot na katotohanan sa mundo ng Summoner's at isa ang Summoner's River sa nagkakaroon ng Opening Portal na papunta sa mundo ng mga Summons World kung saan ay naroroon ang mga hindi mabilang na bilang ng mga Ownerless Summon Beast/Creature/Heroes na kung saan ay naghihintay lamang na magmay-ari sa kanila na maging familiar ng mga ito ngunit hindi basta-basta mapapasayo ang mga ito dahil kailangan mo itong mapaamo o kaya ay kailangan mo itong mahuli gamit ang Summoner's Rope na isang mahiwagang tali kung saan ay espesyal na ginawa upang mahuli mo ang mga ito ngunit nasa sarili mo pa rin nakasalalay kung magtatagumpay ka o hindi. Mababangis ang mga Ownerless na mga Summoned Beast/Creature habang likas na mapanghamak naman at mailap ang mga Summoned Hero na karamihan ay anak ng mga Celestial Beings at mga diyos at diyosa.

Every three months ang bukas ng malaking Opening Portal ng Summons World. Dito ay kailangan mong manghuli ng iyong magiging familiar na hero/beast/creature. Kagaya na lamang ni Gyrant na isang Summoned Hero na anak ng isang Celestial Beings. Matanda na kasi si Apo Noni ng mahuli niya ito pero kung bata pa siya ay baka ilang Summoner's level pa ang kaniyang nalampasan at ilang libong taon pa sana ang kaniyang narating ngunit ang kaniyang Summoner's Talent ay unti-unti ng nag-decline kaya ilang daang taon na lamang ang kaniyang ilalagi dito sa mundong ito kaya nga ingat na ingat ang iba na magalit si Apo Noni lalo na ang mga formers at ni Chief Dario.

Gusto sana nilang pahabain pa ang buhay ni Apo Noni dahil ito na ang naging pundasyon ng kanilang nayon at kaya nga rin maraming mga nayon ang hindi sila pinakikialaman o binubulabog dahil takot ang mga ito sa lakas na taglay ni Apo Noni kahit na nasa bingit na ito ng kamatayan sa ilang daang taon mula ngayon. Hinihintay lang nila itong mangyari at tsaka ang mga ito lulusob at sasakupin ang kanilang lugar. Yun nga ang malaking problema sa Summoner's World, kailangan mo ng ibayong lakas at kapangyarihan para hindi ka maapi o maging alipin ninuman. Ang magiging kalaban mo rito ay mga kapwa mo Summoner at ang tawag sa pagsasaayos ng sistema rito ay ang pananakop ng katabi mong lupain o katabing nayon. Iisa man ang patriarch ng ilang mga nayon ay mananatiling ganito pa rin ang sistema rito at karaniwan na lamang ang pananakop dito upang magkaroon ng pag-evolve ng nayon sa pagiging bayan hanggang maging isa itong City yun nga lang ay iisa lamang ang maaaring mamuno rito at ito ay kung ikaw ang pinakamalakas.

Kasalukuyang inaalalayan ng mga Formers si Apo Noni at tahimik lamang si Chief Dario. Ayaw rin nitong makipag-away sa mga ito o makipag-iringan dahil nakakasawa na rin para sa kaniya ito.

"Ano po ang ginawa niyo Apo Noni? Bakit parang pinagod niyo ang sarili niyo?!" nag-aalalang sambit ni Second Former Mario na aligaga sa kaniyang kinauupuan ngayon. Hindi niya kasi alam kung ano ang pinagkaabalahan ni Apo Noni sa pagsanib ng isipan nito kay Gyrant. Ngayon lang kasi niyang nakitang muli na napagod ng husto at medyo napinsala pa si Apo Noni dahil sa ginawa nito na lubos niyang ikinabahala. Si Apo Noni nalang kasi ang natitirang protector ng kanilang nayon at lubhang mahina pa sila kumpara kay Chief Dario na siyang nagsisilbing pinuno ng nayon ng Hercas na kinabibilangan nila.

"Nakalimutan niyo kasi sabihin sa akin na ngayon pala ang Summoner's Annual Celebrations para sa pagbabalik ng mga batang summoners. Di niyo man lang sinabi sa akin ito eh may pagka-ulyanin pa naman ako." sambit ni Apo Noni

"Ngayon na pala iyon Apo Noni? Nakaligtaan ko rin kasi sabihin sa inyo eh, pasensya na po." paghingi ng pasensyang sambit ni Chief Dario habang nagkakamot ng batok. Nagkatagpo na rin kagabi ang dalawang buwan na nangangahulugang nasa panibagong buwan na rin ang petsa sa kasalukuyan. Masyado ring silang naging abala nitong nakaraang buwan eh kaya nakaligtaan nila ang okasyon sa ngayong buwan dadausin. Ito ay ang Summoner's Annual Celebration.

Agad namang bumusangot ang tatlong mga Formers sa naging turan ni Village Chief Dario.

"Diba tungkulin mo bilang Chief o mas mabuting sabihing Village Chief na alamin ang importanteng mga Okasyon ngayong buwang ito o kung anumang araw o taon na yan. Matanda na si Apo Noni upang mag-isip pa ng kung ano-ano dahil makakasama lang sa kalusugan nito ang pagiging iresponsable mo." sambit ni First Former Aleton.

"Kaya nga eh, wala naman akong intensyong bigyan ng sama o magkalamat ang ating relasyon sa ating mga tungkuling ginagampanan. Dapat marunong ka mag-time management Village Chief Dario dahil importanteng okasyon ito ng buong Summoner World para sa mga bagong henerasyon. Isang buwan mula ngayon ay bubukas na ang Opening Portal sa Summoner's River baka madamay pa ang mga disipulo ng ating nayon tsk! tsk!" Sambit ni Third Former Serion na may pagkadisgusto. Ayaw niya kasing care-free lang ang Village Chief dahil sila nga ay tambak ng gawain pero ito ay nagiging pabaya kahit sa simple nitong responsibilidad. Ayaw man nila sa pamumuno nito pero not to the point na gusto nilang patalsikin ito sa pwesto. Higit kasi na mas bata pa ito kumpara sa kanilang mga Formers na dalawampong taon. Magte-trenta pa lamang kasi ito eh sila malapit ng magsikwenta. Tagagabay man sila pero kung kailangan nilang maging istrikto ay kailangan dapat para sa kaayusan ng kanilang nayon ito at hindi lang pansariling gusto. Kasi kapag nawasak ang nayon ay silang lahat rin ang magdurusa.

"Medyo pagod na rin ako sa pag-aaway nating to. Basta ang hinihiling ko lang ay paghusayan mo ang tungkuling nakaatang sa'yo Village Chief Dario. Inaalala lamang namin na dapat mapamunuan mo ang nayon at kaming nasasakupan mo ng maayos dahil ang kasalanan mo ay kasalanan rin ng buong nayon." sambit na lamang ni Second Former Mario habang wala na itong masabi. Ayaw niya rin kasing ma-stress pa si Apo Noni. Medyo kinabahan siya sa pangyayari kanina rito dahil sumuka ito ng maraming dugo. Ayaw niyang dumagdag pa sa problema kaya isasaalang-alang niya ang kanilang pangkalahatang kapakanan kaysa sa personal na layunin. Nasa seryoso at delikadong sitwasyon sila at masyadong nagiging agresibo na kasi ang mga katabi nilang nayon na soyang pinakamalaki nilang suliranin ngayon.

"Pasensya na talaga kayo, hayaan niyo at pagsisikapan kong gampanan ng maayos ang aking tungkulin." sambit ni Village Chief Dario na makikita ang determinasyon nito na mas pagbutihan ang kaniyang pamumuno. Kasi naman eh nasanay siya noong kabataan niya na sunod sa layaw lang ang kaniyang ginagawa at masyadong light training lang ang ginagawa nito at nakaligtaan niyang siya ang namumuno rito. Yun nga lang ay sinadyang pinatay ang magulang niya nitong nakaraang tatlong taon kaya sa edad na dalawampu't lima ay namatay ang kaniyang magulang at doon nagsimula ang mala-impyernong pagsasanay sa kaniya upang ihanda ang kaniyang sarili para sa tungkuling maagang iniatang sa mga balikat niya. Nag-iisa siyang anak kung kaya't wala siyang naging karamay kundi ang mga nasasakupan niya lalo na si Apo Noni na siyang lolo niya sa tuhod. Matagal na itong nag-retire sa pagiging Village Chief at ito rin ang tumulong sa kaniya sa pagsasaayos at paghahanda sa kaniya bilang Village Chief. Ang pagkamatay ng kaniyang magulang ay naging dahilan ng panggigipit ng mga katabi nilang nayon ngunit hindi ang mga ito gumawa ng hakbang na ikakagalit ni Apo Noni. Wala rin silang napanagot sa pagkamatay ng kaniyang mga magulang dahil mayroong foul play ang nangyari na animo'y sinadya ngunit wala silang makalap na ebidensiya para idiin ang mga suspek na pinaghihinalaan nila. Tsaka hindi sila gumawa ng ruckus sa kanilang Nayon na tinatawag na Hercas ay dahil ayaw kasi nang mga ito na galitin ang isang Fifth Level Summoner na si Apo Noni.

Bilang isang Village Chief ay pinag-aralan niya ang bawat sangay ng kanilang teritoryong sinasakupan. Ang kalakalan, ang daloy ng pera o kayamanan ng nayon, ang produksiyon ng pagkain at marami pang iba. Layunin niya ring alamin ang mga kahina-hinalang aksyon ng mga kabilang nayon at ang proteksiyon ng kaniyang nasasakupan. Medyo mahirap ang naging sitwasyon nila noong nakaraang limang buwan hanggang sa kasalukuyan dahil isang alitan naman ang namuo sa mga Patriarch ng mga Bayan malapit sa mga nayon nila. Kapag kasi magkagayon ay mahihirapan ang kanilang kilos lalo na sa inside at outside activities katulad na lamang ng pakikipagkalakalan. Makikita talaga ang epekto nito lalo na sa kanila na umaasa rin sa kalakalan dahil ang pagsasaka sa kanila ay hindi ganon ka-produktibo maging ang kagubatang malapit sa teritoryo nila ay baka agawin rin ng mga kalaban nilang taga kabilang nayon lamang.

Isa itong napakalungkot na pangyayari sa bayan ng Hercas lalo na sa mga namumuno rito pasan ang napakabigat na problemang ito.