webnovel

LEGEND OF VOID SUMMONER [TUA 2] Tagalog/Filipino

Sa pagpadpad ng ating bida sa ibang lugar, ano kaya ang magiging bagong suliranin na kanyang haharapin, magagawa niya pa rin kayang magtagumpay sa buwis-buhay na paglalakbay na ito? Sundan ang ating bida sa pagtuklas ng kanyang sarili maging ng kanyang kapangyarihang tinataglay.

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
28 Chs

Chapter 22

Mabilis na nakita ng binatang si Evor ang impormasyong naglalaman ng mga kasagutan sa kaniyang mga katanungan patungkol sa mga Summons at patungkol sa pinagmulan nito.

Mula sa pabalat pa lamang maging sa pahina ay makikita kaagad na matagal na itong nailimbag ng sinumang sumulat nito.

Summons, mga kakaibang nilalang mula sa ibang dimensyon. Taglay ang natural na kapangyarihan at abilidad ng isang nilalang. Nahahati sa tatlong bahagi. Ang Summon Heroes, Summon Beasts at Void Summons.

Sa tatlong ito ay naiiba ang Void Summons na kilala pala sa pagiging tulog. Kinakailangan ng matinding life force upang matawag ang nasabing nilalang. Maituturing na isa itong parasite sa katawan ng isang summoner dahil sa humihigop ito ng life energy ng isang nilalang na nagmamay-ari nito. if you accidentally summon it, it will be dangerous since uubusin nito ang lakas ng isang summoner that can even lead to death.

Void Summoner ang tawag sa mga nilalang na mayroong kakayahang magtawag ng mga Void Summons. Bilang lamang ang mga indibidwal na kayang magtawag ng ganitong klaseng mga nilalang. Malalakas ang mga Void Summons na maihahalintulad sa lakas ng isang Summoned Hero o kung papalarin ay mas higit pa.

Sa mga mahihinang mga nilalang, hindi sila maaaring magtawag ng ganitong klaseng Summons na kanilang magiging familiar dahil maaari silang mawalan ng buhay sa isang iglap lamang.

Ngunit merong mga bloodline o salinlahi ng mga Void Summoners ang nagtataglay ng abilidad na magtawag ng mga Void Summons. Mga dugong bughaw ng mundong ito.

Maraming digmaan ang naganap at maraming mga malawakang labanan ang nabasa ng binatang si Evor at nakita niyang tila ba espesyal lamang ang mga taong naging mga Void Summoners.

Kaya pala hindi madaling matawag ang mga nilalang na ito dahil humihigop ito ng napakaraming life force ng isang nilalang na nagmamay-ari rito.

Maraming nakitang mga halimbawa ng mga Void Summons ang nakaguhit sa mga libro ngunit walang makitang pangalan ang binatang si Evor lalo na at mukhang confidential ang mga identity ng mga ito.

Normal lamang ito sapagkat nakasaad sa makapal na aklat na ito na minsan na ring naglikha ng malaking kaguluhan ang paglitaw ng Void Summoners dahil itinuturing silang malalakas at pinili.

Even one coid acquired one Void Summons, they are not capable of calling it even a lifetime. Maraming sumubok ngunit bigong matawag ang mga nilalang na ito.

Mabilis namang ibinalik kaagad ni Evor ang librong kinuha niya at naghanap siya ng librong maaari niyang basahin upang malaman niya ang patungkol sa life force at kung paano ito mapaparami o mapauunlad ng isang summoner na katulad niya.

Hindi nmaan nagtagal ay nakahanap ng libro ang binatang si Evor at nakita niya ang mga impormasyong gusto niyang malaman.

Life force o Life Qi na siyang isang natural na enerhiyang taglay ng isang summoner. Walang espisipikong nakalagay patungkol sa nasabing life force ngunit ito ay isang natural na enerhiyang bumubuhay sa tao na katumbas ay siyang dumudugtong sa araw na nadadagdag sa mga tao.

Kapag umuunlad ang kakayahan ng isang summoner ay lumalakas din ang life force na taglay ng isang summoner at humahaba pa ang buhay ng mga ito.

Kaya pala ang pagsummon ng isang familiar ay ganoon din, habang tumatagal na lumalakas ito ay kasabay mo rin itong umuunlad o di kaya ay umuunlad ka sa iyong kakayahan bilang summoner ay lumalakas din ang iyong gma familiar. Alinman sa mga pag-unlad ay pareho pa rin ang epekto.

Masasabi ngayon ng binatang si Evor na ang enerhiyang ito ang bumubuhay sa pagiging summoner ng bawat nilalang sa mundong ito.

Kaya pala ganon na lamang kahirap ang pagtawag sa Void Summoner dahil mayroon itong death force. Isang uri ng masamang enerhiya na nagdulot sa mga uri ng summons na matulog ng mahimbing at patuloy na kumukuha ng life force sa sinumang nilalang na nagmamay-ari sa mga ito. Death force o Death Qi could be said that it could really affect the summons or ang mismong familiar ng mga summoners.

Isa sa hindi maintindihan ng binatang si Evor ay ang pagkakaroon ng variations ng mga pagsummon ng mga familiar ng mga Void Summoners. Merong naka-summon ng kanilang Void Familiar ng tumapak sila sa ika-10th level na sila ng pagiging Summoner meron ding 9th Summoner at meron ding ika-anim na lebel ng Summoner ay nagawa nitong gisingin ang kanilang mga Void Familiar. Iyon ay dahil lanang siguro sa taglay na swerte o abilidad ng isang summoner.

Kakaiba ang mga Void Summoners, mayroong mga isip at diwa ang mga ito. They are aggressive in nature at masasabing hindi sila maaaring istorbohin kung ayaw talaga nilang lumabas. They are not in the law of natural phenomena of nature but their nature itself. Sila ang pinakamatigas ang ulo sa lahat ng mga familiar at parang parasitiko lamang sila kung ituring ng kung sinuman ang sumulat ng librong ito.

Mayroon siyang nakitang mga imahe ng mga nakakatakot na mga nilalang na masasabi niyang mga halimbawa ng mga Void Familiar na natawag o mga Void Summons na nagpakita sa publiko na ayon sa mga nakalimbag rito sa libro.

Ang batang si Evor ay labis na nagtaka dahil iba't-ibang mga teorya ang nababasa niya habang pinagpapatuloy niya ang pagbuklat ng mga pahina ng librong binabasa niya.

Merong nakalagay na isinumpang mga summons ito (cursed one), meron ding dahil daw sa premature na pagkakapadpad ng mga Void Summons sa mundong ito kaya nabalutan ng death qi at mayroon ding nagsasabi na iba pang baagy upang mangyari ito sa mga summons.

Hindi naman alam ng binatang si Evor kung ano ang paniniwalaan niya lalo na at napakaraming bagay ay impormasyong ito na hindi lamang niya basta-bastang paniwalaan na lamang.

Isa sa naging importanteng impormasyong nalaman niya patungkol rito ay ang Life Force (Life Qi) at Death Force (Dwath Qi). Naging interesado rito ang binatang si Evor lalo na at mukhang hindi normal ang mga bagay na ito.

Sa pamamagitan ng pagcucultivate ng sarili mo upang umunlad at maging handa sa susunod mong gagawin upang paghandaan ang pagkakaroon ng ssunod na familiar at umunlad sa isang mataas na namang lebel ang layunin nito.

Ang lahat ng mga impormasyong ito ay nagpapatunay na may slim chance na meron pang pag-asa para sa kaniya na matawag sa hinaharap ang familiar niyang hindi matawag-tawag.

Sa huli ay napagpasiyahan niya na lumabas na lamang ng malaking bahay aklatan na ito lalo na at nakuna na niya ang kinakailangan niyang mga impormasyon. Gusto na lamang ng binatang si Evor na paunlarin ang sarili niya at umaasang matawag niya sa pangalawang pagkakataon ang Void Familiar niya.

...

Naglalakad ng mabagal ang binatang si Evor habang makikitang tila hindi pa rin mabura-bura sa isipan niya ang mga mahahalagang impormasyong nakalap niya sa nasabing malaking bahay-aklatang nakatayo sa sentral na bahagi ng bayan.

Nang walang ano-ano pa ay nakarinig siya ng malakas na pagsabog sa hindi kalayuan na agad na umagaw ng atensyon niya.

BANG! BANG! BANG!

Patuloy at magkakasunod na malalakas na pagsabog ang narinig niya dahilan upang makuha nito ang eagerness ni Evor na malaman ang nasabing mainit na kaganapan.

Sa palagay kasi ng binatang si Evor ay hindi ito malayo at nasa malapit lamang ang lugar na pinangyarihan ng pagsabog. Kung di siya nagkakamali ay nandoon lamang ito nagmumula sa isang parte ng lupaing tila may mga usok na pumaibabaw sa ere. Walang dudang iyon na nga ang sa tingin ni Evor ang lugar na pinangyarihan.

Dali-dali namang naglakad patungo roon ang binatang si Evor. Ewan ba niya kung bakit naging interestado siya.

Para kasing nsgkakaintindihan sila ng hangin at may binubulong ito sa kaniya.