webnovel

LEGEND OF VOID SUMMONER [TUA 2] Tagalog/Filipino

Sa pagpadpad ng ating bida sa ibang lugar, ano kaya ang magiging bagong suliranin na kanyang haharapin, magagawa niya pa rin kayang magtagumpay sa buwis-buhay na paglalakbay na ito? Sundan ang ating bida sa pagtuklas ng kanyang sarili maging ng kanyang kapangyarihang tinataglay.

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
28 Chs

Chapter 23

Hindi nagtagal ay nakita na lamang ng batang si Evor ang presensya ng isang nagtutumpuknag mga kalalakihan na sa tingin niya ay halos kaedaran niya rin ang mga ito at ang iba pa ay mukhang mas nakakatanda sa kaniya.

Ang isa pa sa ikinagulat niya ay ang presensya ng isang pamilyar na nilalang na pinagkakaguluhan ng mga nilalang na ito habang nakasalampak ito sa lupa.

Hindi siya nagkakamali ng hinala dahil alam niyang kilalang-kilala niya ang bulto ng nasabing nilalang. Hindi naman siya tanga upang sumugod kaagad sa nasabing kaganapang nangyayari sa lugar na ito na supposed to be ay dadaanan niya lamang ngunit kahit sino namang nilalang ang sa tingin niya ang nangangailangan ng tulong ay sigurado siyang tutulungan niya ito kung sakaling nasa matinding panganib na talaga ang kaawa-awang nilalang.

Mula ng napadpad siya sa mundo ng Astrian na sa nayon ng Hercas mismo siya bumagsak sa bandang kagubatan ay alam niyang masalimuot ang pamumuhay rito sa nasabing Summoner's World. Halos kokonti lamang ang makikitang mabubuti at kung meron man ay takot sa mga mapang-api o mapang-abusong mga nilalang. Likas na malalakas ang mga Summoners lalo na kung grupo-grupo ang mga ito.

Iyon din ang dahilan kung bakit ayaw munang magpakita ang binatang si Evor lalo na at mukhang tinatantiya njya pa kung kakayanin niya ba ang pitong kalalakihang tila inaapi ang inaanak ni First Former Aleton.

Kitang-kita niya pang pasuray-suray at tila babangon na sana ang binatang si Marcus Bellford ay tinadyakan pa ito ng tila lider ng nasabing grupo ng mga kalalakihan na sa tingin ni Evor ay mga bullies.

Imbes na matawa at matuwa si Evor dahil mukhang kinakarma si Marcus Bellford ay napalitan ito ng pagkaawa. Hindi naman kasi umabot sa ganitong klaseng away sila ni Marcus Bellford kahit na ubod ng sungit at sama ang pag-uugali nito.

Nanood na lamang si Evor at nakinig ng maigi sa susunod na eksenang masasaksihan niya. Di nga siya nabigo at narinig niyang nagsalita ang mga mapang-aping grupo ng mga kalalakihan.

"Aba'y gusto mo atang makatikim ng sakit sa katawan Marcus. Ibigay mo na kasi ang hinihingi kong bagay ng matapos na!" Direktang wika ng nasabing lider ng grupong ito ng mga kalalakihan habang madilim ang mukha nito sa pakiwari ni Evor ay nauubusan na ito ng pasensya sa inaasta ni Marcus Bellford.

"Oo nga, asan na iyong sinasabi mong malakas na summoner's ball na pinagyayabang mo huh?! Ibibigay mo ba o si boss mismo ang dudukot sa mismong lalagyanan nito?!" Pagbabantang sambit naman ng isang tila kanang kamay ng grupong ito ng mga kalalakihan. Rinig naman ni Evor ang mga sinasabi nito kaya alam niyang ang Summoner's Tattoo ni Marcus Bellford ang tinutukoy nito.

"Puro ka lang yabang pero alalahanin mo Marcus Bellford, kung wala kami ay wala ka rin. Itatak mo yan sa kukote mo!" Saad naman ng isang miyembro ng kalalakihang tila hindi lulubayan ang isang katulad ni Marcus Bellford.

Tahimik naman ang apat na miyembro ng mga ito na sa tingin ni Evor ay mukhang kilalang-kilala talaga ito ni Marcus Bellford ayon na rin sa sinabi ng pinakahuli.

Pagak namang napatawa na lamang si Evor sa mga inaasta ng mga ito na halatang nabubuhay lamang dahil sa pangingikil ng mga ito.

Akmang gagalaw na sana si Evor ng biglang tumayo ng biglaan si Marcus Bellford at mabilis na hinagis ang isang bagay sa ere na siyang ikinagulat niya dahilan upang mapaatras ang lahat ng mga miyembro ng grupo ng mga kalalakihan para dumistansya sa kinaroroonan ni Marcus Bellford.

"Total ay gusto niyong makita at makuha ang nakuha kong Summoner's ball na siyang familiar ko na ngayon. Tikman niyo ang bagsik ni Agapios!" Nakangising demonyong sambit ng binatang si Marcus Bellford habang nakatingin sa gawi ng mga grupo ng mga kalalakihang minsan niya na ring itinuring na mga kaibigan ngunit ngayon ay hindi na.

Ipinahid ni Marcus Bellford ang dugong umaagos sa bibig nito dulot ng mga pasa niyang natamo sa mga ito.

Isang malaking Magic Circle ang lumitaw sa pagitan ng kinaroroonan nito at ng mismong grupo ng mga kalalakihan nang malaglag ito sa lupa.

Isang dambuhalang halimaw na sa tingin ng mga kalalakihan ay isang uri ng Golden Tiger, isang rare species ng mga sinaunang tigre ngunit kakaiba ang laki nito. Sa tinging ipinupukol pa lamang nito patungo sa kanila ay alam nilang mabagsik at malakas ito.

Imbes na masindak ang mismong lider ng mga kalalakihan na siyang kalaban ngayon ni Marcus Bellford ay tila ba napalitan ng ngisi ang nakapaskil sa mga bibig ng mga ito habang nagkakatinginan.

"Pasensyahan na lamang tayo Marcus ngunit mukhang malas mo lamang dahil kami ang kaharap mo. Pito kami at nag-iisa ka lamang. Aaminin kong hindi ko kakayanin ang dambuhalang familiar mo ngunit mapapasaakin rin iyan hehehe!" Nakangising demonyong wika ng nasabing lider ng kalalakihan na ikinangisi rin ng mga miyembro nito.

Alam kasi ni Evor na pwedeng makuha nag Summoner's ball ng sinuman lalong-lalo na kung ito ay isang Summon Beast o Summon Heroes mula sa summoner's tattoo ng sinuman sa pamamagitan ng espesyal na method na tinatawag na pagpapasa ng familiar (act of transferring). Pero kung mismong natalo ang mismong summoner at natalo ang familiar niya ay babalik ito sa anyo nito bilang bola (summoner's ball) at malaya itong makuha ng sinuman lalo na ng kalaban nito due to damage o exhaustion ng nasabing familiar nito.

The easiest way to get the Summoner's ball is to kill the summoner itself na isang brutal at pinakaepektibong pamamaraan ng pagkuha ng mga pambihirang mga bola na siyang isang hibernation form ng isang summoner's ball kahit na nakadikit o hindi nakadikit sa mismong Summoner's Tattoo ng isang summoner.

May pag-aalinlangan man ang apat na miyembro ng mga kalalakihan ngunit mukhang may ibinulong ang lider at ang tila kanang kamay nito na siyang nagpaaliwalas sa mukha ng mga ito dahilan upang maging alerto ang binatang si Evor na siyang kaisa-isang saksi sa pangyayaring ito.

Medyo masukal ang lugar ng dinaraanan niya at malayo sa mga kabahayan ng mga nasa bayan mismo kaya delikado ito. Tinambangan siguro si Marcus Bellford ng mga kasamahan nito o di kaya ay naset-up ito ng mga ito.

Sigurado naman si Evor na dulot na naman ito ng ubod ng kayabangan at kahanginan ni Marcus Bellford kaya mukhang lumabas na ang tunay na kulay ng mga itinuring nitong mga kaibigan.

Apat na summoner's ball ang nakita niyang inihagis ng apat na mga kalalakihan sa ere dahilan upang magimbal naman si Evor dahil mukhang tinotoo ng lider ng mga kalalakihang ito ang sinabi nito na lalabanan nilang lahat ang binatang si Marcus Bellford.