webnovel

LEGEND OF VOID SUMMONER [TUA 2] Tagalog/Filipino

Sa pagpadpad ng ating bida sa ibang lugar, ano kaya ang magiging bagong suliranin na kanyang haharapin, magagawa niya pa rin kayang magtagumpay sa buwis-buhay na paglalakbay na ito? Sundan ang ating bida sa pagtuklas ng kanyang sarili maging ng kanyang kapangyarihang tinataglay.

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
28 Chs

Chapter 21

Ilang sandali pa lamang ay mula sa malayo ay natanaw niya ang isang may kalakihang antique na bahay.

May kalumaan man ito ngunit alam niyang matibay ang pagkakagawa lalo na ang kalidad ng kahoy na ginamit sa pagpapatayo nito.

Hindi niya maipagkakailang hindi niya namalayang nasa tapat na siya ng isang matandang lalaki na nakalahad ang kamay nito.

Bumalik lamang siya sa reyalidad ng magsalita ito.

"Maaari mo bang ipakita sa akin ang iyong selyo upang makapasok ka rito. Bago ka lamang ba rito bata?!" Seryosong saad ng nasabing matandang lalaki habang hindi nito mapigilang magtanong sa huling pangungusap nito.

Natigilan na lamang ang binatang si Evor sa kaniyang kinatatayuan na halatang nagulat ito sa paglitaw ng matandang lalaki na halos pinaglipasan na rin ng panahon. Lumang-luma na ang suot nitong roba habang may makikita siyang mga mumunting punit sa laylayan ng suot ng matandang lalaki.

Hindi siya maaaring magkamali na hulma iyon ng iba't-ibang bagay. Nag-wave pa ang matandang lalaki sa kaniya dahil mukhang napaisip siya ng malalim.

"Papasok ka ba bata o hindi?!" Saad ng mata na mukhang hindi ito natutuwa sa inasal ng binatang si Evor.

Natatawa na lamang ang binatang si Evor sa inaasal ng matanda. Halatang gusto nitong i-emphasize ang edad nito. Hindi na siya bata kung tutuusin ngunit sa tanda ng mundong ito lalo na ang edad ng mga nilalang rito ay triple o higit pa sa edad niya ay ayaw na niyang magrason pa dahil alam niyang di pa rin magbabago ang tingin ng mga ito sa kaniya kagaya na lamang ni Apo Noni.

"Ah eh papasok po ako Lolo. Bago lang po ako rito hehe at ito po ang selyong hinihingi niyong ipakita ko." Magalang na saad ng binatang si Evor habang mabilis nitong ipinakita ang dala-dala niya kanina pa na isang kakaibang selyo.

Mukhang isang mahalagang bagay ito sa mga nayon at sa bayan kaya ganon na lamang kung hanapin ang mga ito.

"Nagmula ka pala sa bayan ng Apo Noni. Ngunit mukhang hindi ka naman nito estudyante ah." Sambit ng may katandaang lalaking tila ba gusto nitong usisain siya lalo na sa dala niyang isang mahalagang selyo.

Napakunot-noo naman ang binatang si Evor sa inasta ng matandang lalaking hinanapan siya ng selyo. Kung di siya nagkakamali ay ito ang namamahala ng malaking bahay aklatan sa loob ng bayang ito. Nakakapagtaka lamang na kilala nito si Apo Noni.

"Paano niyo po nasabi? Tsaka bakit niyo kilala si Apo Noni?" Nagtatakang wika ng binatang si Evor habang makikitang hindi nito gustong palampasin ang matandang lalaki na kilala ata si Apo Noni.

Masikreto kasi ang mga nilalang na nakapaligid sa kaniya sa maliit na bayang iyon at wala siyang alam sa mga buhay ng mga ito. Liban na lamang sa mga alitan ng mga karatig nayon at problemadong patriarch ay wala siyang alam sa iba pang bagay.

Ang tanging alam niya ay takot ang mga karatig-nayon sa nayong pinamamalagian niya dahil na rin siguro sa existence ni Apo Noni at wala ng iba pa.

"Hay nakung bata ka. Malamang ay kilala si Apo Noni. Isa siya sa magiting na mandirigma noong kasagsagan ng malawakang digmaan sa mundong ito. Tumulong ito sa kaayusan at kapayapaan ng lugar na ito. Isa lamang siya sa iilang pinalad na mabuhay magpasa-hanggang ngayon. Ang tanging masasabi ko lamang ay mahal ni Apo Noni ang lugar na ito kahit na masasabi kong wala siyang napala man lang kapalit ng nagawa niya. Siya nga pala, tawagin mo lamang akong Senior Kwago." Seryosong sambit ng matandang lalaki na agad na ngumiti ng malawak habang nakatingin sa kaniya.

Tila napangiwi naman ang binatang si Evor sa isipan niya lamang hanang naka-poker face siya. Medyo natawa naman siya sa sinabi ng matandang lalaki na ito na may tinatawag ang sarili bilang Senior Kwago. Napaka-basic naman ng sinabi nito patungkol kay Apo Noni. Sa edad nito ay malamang ay naabutan nito ang nasabing malawakang digmaan.

Tsaka sino pa ba ang magliligtas sa kanilang lupain kundi sila-sila lang rin noh. Ito ang bagay na kinabibiliban niya kay Apo Noni dahil likas na mabait at mapagmalasakit sa lupaing kinabibilangan nito.

"Maaari na po ba akong makadaan Senior Kwago?" Tanong ng binatang si Evor habang makikitang humakbang na ito papasok. Ni wala man lang siyang nahitang impormasyon patungkol kay Apo Noni.

"Oo naman. Kinakailangan mo bang ihatid kita papasok sa loob ng bahay-aklatang ito?!" Seryosong wika ng matandang lalaki habang nakatingin sa gawi ng binatang si Evor.

"Hindi na po Senior Kwago. Mukhang hindi lamang kasi ako ang pupunta rito. May paparating na iba pa o!" Seryosong saad ng binatang si Evor habang itinuturo ang mga papalapit na mga nilalang sa hindi kalayuan.

Ayaw niya din kasing maistorbo mamaya sa gagawin niya. Hindi naman makabubuti kung magpatulong pa siya gayong may iba pang mga bibisitang nilalang sa loob ng bahay-aklatang nakatayo sa lugar na ito.

Sensitibong bagay din ang gusto niyang hanapin noh. Baka paghinalaan pa siya ng matandang lalaking nasa harapan niya.

"O siya, mauna ka na sa loob. Bawal magkalat roon dahil hindi mo magugustuhan bata kung lalabag ka sa patakaran ng bahay-aklatang ito." Paalalang wika ng matandang lalaki habang mabiis na nilampasan ang pigura ng humahakbang paabante na binatang si Evor.

Matiwasay na nakapasok naman ang binatang si Evor sa loob. Halos malula siya sa laki at taas ng mga bookshelves rito.

Andaming mga nakapaskil na mga rules o mga babala sa malalapad na pader na gawa sa semento. Talaga nga namang namangha naman si Evor sa mga nakita niya.

Kung tutuusin ay hindi rin lamang siya nag-iisa rito kundi napakarami. Napakalawak talaga ang loob nito at isa lang palang ilusyon ang nakita niya sa labas ng bahay-aklatang ito. Medyo naloko pala siya ng mata niya at mga nakikita niya kanina.

Nang tiningnan niya nag itaas na bahagi ng bahay-aklatang ito ay maraming matataas na parte ang nasabing lugar habang maraming mga librong nakasalansan sa bawat malalakibg shelves.

Hindi naman siya nag-aksaya ng panahon upang hanapin ang impormasyong gusto niyang malamang impormasyon.

Buti na lamang at sinabi ni Apo Noni ang direksyon at kung saan niya makikita ang librong hinahanap niya patungkol sa mga Summons maging ang totoong kasaysayan ng mundong ito. Sobrang tanda na ng mundong ito ayon sa matanda habang makikitang may lungkot na nakakubli sa mga mata nito.

Agad namang pinuntahan ito ng binatang si Evor at kaagad din niyang nakita ito ilang minuto ang nakakaraan. Kung hindi pa siguro sinabi ni Apo Noni ang patungkol sa librong gusto niyang basahin ay baka hindi pa siya makahanap kaagad sa dami ba naman ng mga librong nakasalansan sa naglalakihang mga bookshelves maging sa mga baitang na tila wala kang makikita kundi mga nagkakapalang mga libro at siyempre mga agiw.

Agad namang binitbit ng dalawang kamay niya ang isang napakakapal na librong tila ba gusto pa siyang pahirapan nito. Ginamit na niya ang buong lakas niya at ayaw niyang gumamit ng kapangyarihan dito na ipinagbabawal ring gamitin.

Hindi naman siya isang suwail na nilalang upang suwayin ang mga inihabilin sa kaniyang mga paalala ni Village Chief Dario maging ni Apo Noni na siynag totoong nagmamay-ari ng selyong dala-dala niya patungo rito.

Hindi nagtagal ay nailagay ng maayos ng binatang si Evor ang napakakapal na librong kinuha niya.

Umupo na siya ng maayos habang mabilis niyang binasa ang mga paunang mga salitang nakalagay sa nasabing pabalat ng libro.

Isa-isa niyang binuklat at binasa ng maigi ang mga nakasulat.

Natural na mabilis magbasa ang mga Summoners at matalas ang mga isip nila sa letra at mga simbolo kaya madali lamang ang pagbabasa sa kanila.

Hindi naman nahirapan ang binatang si Evor sa nabasa niya hanggang sa dumako ang tingin niya sa impormasyong gusto niyang malaman.

Nanginginig namang nakahawak ang binatang si Evor sa pahina kung saan ay malaking mga letra ng hinahanapan niya ng kasagutan sa mga tanong niya.

Void Summons

Dalawang salitang nabasa niya hanggang sa buklatin niya ito ng tuluyan upang masagot na ang mga bagay-bagay na gumagambala sa kaniya noong nakaraang buwan pa nagsimula.