webnovel

LEGEND OF VOID SUMMONER [TUA 2] Tagalog/Filipino

Sa pagpadpad ng ating bida sa ibang lugar, ano kaya ang magiging bagong suliranin na kanyang haharapin, magagawa niya pa rin kayang magtagumpay sa buwis-buhay na paglalakbay na ito? Sundan ang ating bida sa pagtuklas ng kanyang sarili maging ng kanyang kapangyarihang tinataglay.

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
28 Chs

Chapter 20

Balik normal na naman ang lahat matapos ang ilang araw. Nakakatuwa lamang dahil nagdaos sila ng engrandeng piging para sa tagumpay na kanilang nakamtan lalong-lalo na ang matagumpay na pagkakaroon ng ika-anim na familiar ng matandang si Apo Noni habang mayroon ding nakuhang ikalimang mga familiar ang tatlong Formers maging ang Village Chief na si Ginoong Dario.

Malaki ang naging dulot nito sa mga miyembro ng nayon na siyang nasasakupan ng tatlong Formers at ng mismong Village Chief.

Malaki kasi ang banta ng mga karatig nayon lalong-lalo na ang pag-aaway ng mga village chiefs ng kabilang mga nayon na maaaring magdulot ng mga malalaking sigalot sa kanila maging sa Patriarch ng malawak na lupaing may kontrol sa lahat ng bagay na nangyayari dito.

Hindi maipagkakailang sobrang ganda ng balitang ito na siyang nagdulot ng kaginhawan at seguridad sa lahat ng miyembro ng nayong ito. Malaki kasi ang papel ng patuloy na pag-unlad ng mga namumuno sa mga nayon at mayroong malaking kompetisyon na nangyayari sa mga nayon.

Aa usual, nagmamagaling at nagbida-bida naman si Marcus Bellford na halos kaedaran niya lamang. Talagang ipinagmamalaki nito ang ikatatlo nitong familiar na hindi niya man lang nagawang makita dahil hindi siya dumalo sa nasabing piging.

Pumunta na lamang siya ng magsiuwian na ang mga taong naroroon dahil wala rin naman siyang balak na magpakita sa mga ito. Hindi naman kasi dapat na magpakitang gilas siya sa mga ito. Alam na rin kasi ng mga ito na mayroon siyang Void Familiar na pinaniniwalaang malas ng mga taga-nayon.

Aware na kasi ang mga ito na hindi uunlad ang sinumang mayroong taglay ng ganitong klaseng familiar na hindi man lang matawag-tawag.

Hinayaan niya lamang ito dahil alam niyang si Marcus Bellford lamang ang nagpakalat nito.

Kasalukuyang nakatingin ang binatang si Evor sa bagong familiar niya. Nakalutang ito sa ere habang pansin niyang wala pa ring pagbabago rito. Kaya niya itong utusan sa anumang gugustuhin niyang gawin ngunit ni minsan ay hindi man lang siya nakatanggap ng isang mensahe mula rito. Para bang pipi ito. Hindi na rin ito kataka-taka lalo na at normal lamang ito sa mga familiar nila. kapag sobrang napalakas niya ito maging ang fire fox niya ay sigurado siyang makakausap niya rin ang mga ito.

Yun lang ay masyadong malapit sa kaniya ang Fire Fox na unang familiar niya at ang pangalawang familiar niya ay ganon pa rin, ni walang bakas ng pagbabago o aktibidad. Naka-steady lamang ito na siyang sabi ng iba ay wala itong silbi.

Ngunit di pa rin mawala sa sistema niya na noong nasa panganib ang buhay niya ay nakita niya ang isang nilalang sa loob ng itim na summoner's ball. Tanging ang natatandaan niya ay isang itim na pigura bago siya mawalan ng malay.

Hawak-hawak niya ngayon ang isang selyo. Ito ay ang selyong pagmamay-ari mismo ni Village Chief Dario na ipinagkatiwala sa kaniya. Hiniram niya lamang ito dahil gusto niyang pumunta sa bahay-aklatan sa malaking bayan.

Gusto niyang puntahan ang nasabing lugar lalo na at gustong malaman ng binatang si Evor kung ano ba talaga ang mga void summon. Kung wala itong laman edi sana ay hindi ito kailanman kakapit sa loob ng Summoner's Tattoo. Sa ganon pa lamang ideya ay parang mababaliw na siya kakaisip.

Sinimulan niya ng umalis. Maaga pa lamang at hondi pa gising ang lahat ay agad na siyang naglakad papalayo sa nayon. Masasabi niyang hindi naman ganoon kalayo ang bayan mula rito. Bale tatahakin niya lamang ng ilang metro ang medyo may kasukalang daan at ligtas naman ang mga daan rito dahil hindi naman ito parte ng isang gubat.

Talaga lang na hiwalay lamang ang mga kabahayan sa mga nayon na ganon na ganon rin naman ang istilo sa karatig na mga nayon nila at sa iisang lugar lamang sila nagpapatayo ng bahay at naninirahan.

Ilang kilometro din ang dinaanan ng binatang si Evor at masasabi niyang sumisikat na ang haring araw. Talaga nga namang maingay ang bayang ito dahil ito rin ay sentro ng pamilihan at kalakaran sa magkakalapit na mga nayon.

Iba't-ibang mga kasuotan ng mga tao ang nadadaanan niya maging ang mga nagbebenta ay ganoon rin. Talaga nga namang ibang-iba ito sa tahimik at simpleng pamumuhay na nakasanayan niya ng tumira siya sa nayong nasasakupan ni Village Chief Dario. Ito kasi ang pinakamaingay at pinakamagulong lugar na nakikita niya dahil sa mabibilis na paggalaw ng lahat ng mga taong naririto at sa kung paano ang mga itong nagpaparoo't-parito na akala mo ay may hinahabol.

Parang bumalik siya sa lugar na pinagmulan niya na siyang kinamulatan niya. Agad naman niyang Isinawalang bahala ito lalo na at alam niyang nasa mabuting kalagayan ang pamilya niya.

Lubos na natuwa ang binatang si Evor sa mga nakikita niya lalo na at may nakikita siyang hindi mga normal na gawain ng mga Summoners rito. Malaya ring gumamit ng kapangyarihan ang naririto. Siguro nga ay siya lamang ang nag-iisip ng iba sa bayang ngayon lamang niya napuntahan.

Naalala niya naman ang direksyong itinuro sa kaniya ni Village Chief Dario. Ang tangibg paalala niya lamang ay wag na wag siyang makipag-away o gumawa ng gulo sa bayan lalo na at baka mapag-initan siya.

Isa pa ay isa pa rin siyang dayo at di pa pamilyar sa buong lugar rito sa bayan. Mas mainam na wag na lamang siyang gumawa ng mga bagay na ikapapahamak niya.

Magkagayon man ay sinunod niya pa rin ang mga sinabi ni Village Chief Dario.

Talagang sikreto lamang ang pagpunta niya sa may kalakihang lugar ng bayang ito dahil baka kung ano na naman ang sasabihin ng mga Village Formers lalo na si First Former Aleton at ang inaanak nitong si Marcus Bellford na mainit ang mga mata sa kaniya. Na parang siya lamang ang nakikita ng mga ito.

Hindi nga niya maisip kung bakit mainit ang dugo ng mga ito sa kaniya. Siguro ay nadamay lamang siya sa alitan ng mga ito sa pagitan ng Village Chief Dario at ng tatlong formers.

Si Marcus Bellford naman ay alam niyang competitive talaga ito at hindi magpapalamang ang nilalang na iyon. Alam naman niyang ubod ng sungit ito ngunit meron pa ring tinatagong kabaitan ito. Kahit masama ang tinging ipinupukol ng ungas na iyon sa kaniya ay hinintay pa rin siya ng mga ito sa isang lugar malapit sa Summoner's River.