webnovel

LEGEND OF VOID SUMMONER [TUA 2] Tagalog/Filipino

Sa pagpadpad ng ating bida sa ibang lugar, ano kaya ang magiging bagong suliranin na kanyang haharapin, magagawa niya pa rin kayang magtagumpay sa buwis-buhay na paglalakbay na ito? Sundan ang ating bida sa pagtuklas ng kanyang sarili maging ng kanyang kapangyarihang tinataglay.

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
28 Chs

Chapter 15: Train

Kahit malungkot man ang sinapit ng batang si Evor lalo na nitong mga araw ay nagpursigi pa rin siyang mag-ensayo at magpalakas pa lalo.

He can now summon his familiar ngunit isa lamang itong cute ba fire fox. Baby fire fox pa lamang kasi ito ngunit alam niyang sa susunod ay lalaki din ito at kaya ng lumaban pero sa ngayon ay kasama niya lamang itong magtraining at palakasin ang bond niya sa familiar niyang ito.

May pagkamalikot din ito at napaka-hyper. Minsan nga ay sinusubukan nitong gumawa ng apoy ngunit hindi stable ang inilalabas ng apoy sa bunganga ito na minsan ay umuubo pa ito ng malakas. This is really normal lalo na at kailangan nga na maliit at hindi lalagpas sa 50 year old ang unang familiar niya. Tanging ang pangalawang familiar niya lamang ang maaaring punan ang requirements na ito.

Kailangan niya din itong alagaan at hindi masyadong isabak sa matinding training ang fire fox. It needs to be nurture accordingly kung ayaw niyang mapagod ito at hindi magkakaroon ng pag-unlad sa katawan nito.

...

"Bata, pinapatawag ka ni Apo Noni. Tama na muna iyang pag-eensayo mo kasama ang malaki mong alagang fire Fox." Natatawang sambit ni Village Chief Dario habang nakikita nitong walang tigil sa pag-eensayo ang batang si Evor kasama ang alaga nitong Fire Fox na sobrang laki na.

Talaga ngang mabilis na dumaan ang mga buwan at ito na at bumalik na ang sigla ng batang si Evor. Tandang-tanda niyang ilang linggo lamang noon ngunit naging malungkutin ito which is really a painful event naman talaga. Having a Void Familiar really is not a good news for everyone lalo na at sino ba naman ang gugustuhing magkaroon ng ganitong klaseng familiar na hindi magamit-gamit man lang. Masasabing napakamalas mo kung ito ang makuha mo.

Baka nga tatanda ka na lamang na puti ang buhok mo eh hindi pa lalabas ang void familiar sa loob ng summoners ball mo. Wala pang sinuman na nakapagpalabas ng totoong anyo ng mga ito. Kaibahan sa mga familiar na hinuli mo talaga at hindi lamang aksidenteng pinulot sa kung saan-saan.

Meron ngang nagsasabi na walang laman ang void familiar kung sino man ang mamalasin na makakuha nito. Kumbaga sila ang pinaka-black ship sa lahat ng familiar. Walang silbi at walang pakialam sa mga summoners na nagmamay-ari sa kanila.

Pero sa lagay ni Evor ay naniniwala siyang may laman ang void familiar na nasa kaniya. Siguro instinct niya lamang ito. Ayaw naman niyang umasa ng tuluyan pero ramdam niyang may buhay sa loob ng Summoners ball niya.

Makailang beses na nga itong ponagtalunan nila. Tinanong niya nga si Apo Noni patungkol sa mga void familiar ag palagi niya itong kinukulit na sabihin sa kaniya.

Natuwa naman ang batang si Evor nang marinig niya ang sinabi ni Village Chief Dario na nakarating na pala sa pwesto niya.

"Kayo ho pala Chief Dario. Mabuti naman at may balak pang tawagin ako ni Apo Noni. Akala ko nga ay hindi na niya ako ipapatawag." Nakangiting sambit ng batang si Evor habang tila kumikinang pa ang mga mata nito.

Napangiwi naman si Village Chief Dario sa sinabing ito ng batang si Evor at mabilis na nagwika.

"Hay nakung bata ka. Alam mo namang matanda na si Apo Noni at marami din iyong inaasikaso. Buti nga at pinagbigyan ka niya ngayon. Malaking epal din kasi ang tatlong formers na iyon." Natatawang sambit ni Village Chief Dario na masasabing gusto niyang tawanan na lamang ang pag-uugali ng tatlong formers. Sanib pwersa din ang tatlong mga ito upang guluhin siya at inisin siya.

Natawa na lamang din ang batang si Evor. Sa ilang buwan niya ng pananatili rito ay masasabi niyang parang nasanay na rin siya sa pag-uugali nina First Former Aleton, Second Former Mario at Third Former Serion lalo na at kontrang-kontra sila sa kanilang dalawa ni Village Chief Dario na akala mo naman ay bubugahan sila ng apoy kapag hindi sila umayos. Hindi nga niya alam kung paano siya nasanay sa mga ito pero madalang na lamang silang magkita-kita ngayon dahil abala rin siya sa pag-eensayo niya mag-isa este dalawa pala sila ng Fire Fox niya.

Si Village Chief Dario ay mayroon ding kinaabalahan dahil marami din itong ginagawa sa pamamalakad ng nayon. Asahan mo namang masipag talaga ito at hindi lang pang-aalaska sa tatlong formers ang alam nito. Talagang mabuti nga itong Village Chief. Akala nga niya noon ay sila lamang ang tao rito ngunit ang lugar na pinamamalagihan niya ay siyang malawak na manor ng opisyales ng nayon. Nakahiwalay ito sa mismong mga kabahayanan alinsunod sa set up ng nayon. Parteng kagubatan din kasi rito at pagsasaka o agrikultura ang pangunahing hanapbuhay ng mga taga-nayon. Hindi din sila pwedeng basta na lamang mangaso rito dahil baka iba ang makasalubong nila. Marami ding mga alagang mga hayop dito kagaya ng pinagmulan niyang mundo.

Nakakatuwa rin dahil mapayapa ang nayon na siyang kinaroroonan niya. Malakas din kasi siya kay Apo Noni at Village Chief Dario kaya hindi siya pinagdidiskitahan ng tatlong formers. Talagang malakas lang talaga mang-inis ang tatlo.

"Hindi ka naman mabiro. High blood ka na naman diyan masyado Village Chief Dario, talagang ganon lang talaga sila. Ikaw din ang nagsabi, sanayan lang yan." Natatawang sambit ng batang si Evor habang mabilis din nitong pinagpag ang damit nito. Ayaw naman niyang magmukhang basang sisiw kapag humarap kay Apo Noni.

"O siya, umalis ka na dahil baka pagdiskitahan ka naman ng tatlong ugok na iyon. Pupunta muna ako sa ka-nayon natin dahil mayroon akong pagpupulong kasama sila." Seryosong wika ni Village Chief Dario. Talaga nga namang abala pa rin siya ngayon. Maghahapon na rin kasi ngayon, alangan namang magpagabi pa siya para lang sa sasabihin niya.

"Sige po Village Chief Dario, mauna na po ako hehe. Maraming salamat po!" Magalang na sambit ni Evor habang mabilis na itong umalis papalayo. Kunaway pa ito bago maglaho ang pigura nito nang makalayo-layo na ito.

Tinanaw na lamang ni Village Chief Dario ang bata at ng mapansin niyang nawala ang pigura nito ay mabilis siyang nagsalita.

"Hay nakung batang iyon. Di man lang ako pinagsalita sa huli. Talagang umarangkada na papunta kay Apo Noni." Natatawang sambit na lamang ni Village Chief Dario at mabilis na siyang naglakad papunta sa daan patungo sa nayon. Buti na lang rin at nadaanan niya na ang mismong lugar kung saan namamalagi ang batang si Evor kaya dire-diretso na ang paglalakad niya.

...

"Apo Noni!!!!!!" Malakas na sigaw ng batang si Evor nang makita niya sa hindi kalayuan ang pigura ng matandang lalaking si Apo Noni. Malayo pa lamang kasi ay alam na alam na niya ang presensya nito.

Natawa na lamang ang matandang lalaking si Apo Noni nang mapansin nito ang batang si Evor na papalapit sa pwesto niya. Kunaway pa ito para ipahiwatig na siya nga ito.

Hingal na hingal naman ang batang si Evor nang makapunta ito sa kinaroroonan ng matandang lalaking si Apo Noni na akala mo naman ay nagmarathon ito para makapunta lang ng mabilis.

"Dahan-dahan lang ijo. Mukhang may humahabol sa iyong kalaban kung makatakbo ka. Relax lang." Sambit ng matandang lalaking si Apo Noni habang hindi nito mapigilang bigyan ng baso ng tubig ang batang si Evor na kumukuha pa ng hangin sa baga nito.

Naging maayos naman ang lagay ng batang si Evor mula sa pagkahingal niya nang makainom na siya ng tubig. Talagang naging hyper ito. Biruin mo buong linggo siyang naghintay para lang sa araw na ito.

"Bakit niyo po ako pinatawag Apo Noni? Mukhang may bago na naman akong gagawin nito." Nagtatakang smbit ng batang si Evor. Talaga nga namang hindi niya alam kung bakit.

"Nakakalimutan mo atang bukas ay bubukas na ang Opening Portal ng Summons World sa Summoner's River, gusto mo bang puntahan iyon?! Hanggang S6tg Level Summoners ang maaaring pumunta roon upang dumalo sa paghahanap ng magiging familiar nila. Gusto mong kumuha rin ng sarili mong familiar hindi ba?!" Seryosong sambit ng matandang lalaking si Apo Noni. Sa katandaan nito ay hindi mo aakalaing matalas pa rin ang memorya nito.

Napakamot na lamang sa kaniyang batok ang batang si Evor.

"Ahehe... Mukhang nakalimutan ko po Apo Noni na bukas na pala iyon. Opo naman po. Lalahok din po ba kayo kasama ang tatlong formers at si Village Chief Dario?!" Sambit ng batang si Evor habang mistulang iniba nito ang usapan. Ayaw niyang magmukhang sabog dahil nakalimutan niya ang malaking kaganapan bukas. Gusto niya ring pumunta bukas at kumuha ng bagong familiar. I'm sure naman na this time ay magiging matagumpay naman siya at ipinapangako niyang di siya tatanga-tanga ngayon.

"Aba'y siyempre naman. Isang tradisyon na rito ang paghahanap ng familiar at pagpapalakas na rin ng kapangyarihan ng bawat summoners iyon. Who want to missed this kind of opportunity?!" Tanging sambit ng matandang lalaking si Apo Noni. This will be an exciting event for all of the summoners. Plano niya ring kumuha ng bagong familiar to strengthen the village's protection.

Ang totoo niyan ay malaki ang problema ng nayon ngunit inilihim lamang nila ito sa lahat including Evor. Tanging sina First Former Aleton, Second Former Mario, Third Former Serion at ang Village Chief Dario lamang ang may alam nito. Apo Noni is too old but if he want to strengthen the village, they must level up inorder to prolong village's existence. Marami silang problemang kinakaharap tsaka ayaw na rin niyang pati ang batang si Evor ay madamay.

"Mabuti naman po kung gayon Apo Noni. Maaari ba kong sumabay sa inyo para maghanap ng familiar?!" Tanong ng batang si Evor habang pansin mong gusto nitong sumama.

"Hindi maaari ang nais mo ijo. Papasok kami sa loob ng Opening Portal upang doon maghanap ng familiar. Mahirap ang pumasok doon at maraming nakaasugapang mga mababangis at untamable na Summons. Masyadong delikado kung sasama ka pa sa loob." Sambit ng matandang lalaking si Apo Noni. Indeed, it is not just dangerous but very dangerous. Madaling makakasagap ng lebel ang mga summons sa loob ng Opening Portal kaya hindi maaaring sumama ang may mababang lebel. 3rd Level Summoner are at risk at maraming mga summons ang nasa labas na pwede nilang gawing familiar. It is not advisable na pumasok pa dahil magiging biktima lamang sila rito. Mahirap ang ganoong sitwasyon. He will be an easy target.

Nag-aalala din si Apo Noni sa kalagayan ni Evor. Isa pa rin itong First Level Summoner at isa lamang ang gumaganang familiar nito. Hindi kagaya ng ganap na second level na summoner na may dalawang familiar eh ito ay isang familiar lamang ang maaari nitong isummon. Mahirap iyon at ayaw naman niyang ipahamak ito. Hindi siya isang walang pusong nilalang na gustong ipahamak ang batang ito na nagsisimula pa lamang na gumawa ng pamamaraan para maging malakas na summoner sa hinaharap.

Kaya nga hahanapan niya ng pamamaraan na hanapan ng suitable familiar ang tatlong formers para lumakas kahit papaano ang pwersa ng nayon nila. Pwede ding hanapan ng suitable familiar si Village Chief Dario kung papalarin.

"Sayang naman po Apo Noni kung ganon. Gusto ko sanang sumama sa loob ng Opening Portal para makita ang pinakaloob nito." Sambit ng batang si Evor habang pansin na nalungkot din ito dahil hindi siya maaaring sumama. Indeed kailangan niya pang maging ganap na Fourth Level Summoner kung gusto niyang pumasok sa loob yun lang ay tatlong Familiar lamang ang maaari niyang matawag. He is already 19 years old at sa edad niyang ito, masasabing bata pa talaga siya kumpara sa ilang daan at ilang libong edad ng mga summoners na nabubuhay sa mundong ito.

"Kapag sinabi ni Apo Noni na hindi, wag kang magpaawa Evor. Isa lamang ang Familiar mo kaya mahiya ka naman sa LAKAS mo hahaha!" Puno ng pang-iinis na sambit ng pamilyar na boses sa likuran lamang ni Evor.

Agad itong hinarap ng batang si Evor at mabilis niyang nakita ang nilalang na nagsalita sa hindi kalayuan mula sa pwesto nila na walang iba kundi si Marcus Bellford. Talagang hindi siya yung tipo ng taong gustong makita ng batang si Evor.

"Hindi ko aakalaing may asungot palang gumala-gala rito. Talagang ang lakas ng apog mong pumunta rito!" Puno ng pang-aasar na sambit ni Evor nang makita nitong bumibitbit pa ito ng naglalakihang mga balde.

"Hmmp! Humanda ka talaga Evor kapag lumakas pa ko ng tuluyan. Porket natalo mo ko noong nakaraang buwan ay hindi naman nangangahulugan na panalo ka nalang parati." Wika ni Marcus Bellford habang nagngingitngit ito sa inis. May mapaglarong ngisi pa ang nakapaskil sa labi nito. Magtatatlo na din ang familiar niya kaya imposibleng hindi siya magdiwang, siguradong mas lalakas pa siya kumpara kay Evor. He is 21 years old na malapit ng maging Third Level Summoner at gusto niyang lampasuhin si Evor. Naiinis talaga siya sa presensya nito lalo na ang pagkatalo niya noon kaya araw-araw na siyang nag-eensayo para paghandaan ang pagkakaroon niya ng pangatlong familiar para bukas. Inaanak siya ni First Former Aleton kaya hindi siya magpapatalo sa batang si Evor. Galit din ang ama-amahan niyang si First Former Aleton kay Village Chief Dario kaya hindi niya palalampasin ang pesteng Evor na ito.