webnovel

LEGEND OF VOID SUMMONER [TUA 2] Tagalog/Filipino

Sa pagpadpad ng ating bida sa ibang lugar, ano kaya ang magiging bagong suliranin na kanyang haharapin, magagawa niya pa rin kayang magtagumpay sa buwis-buhay na paglalakbay na ito? Sundan ang ating bida sa pagtuklas ng kanyang sarili maging ng kanyang kapangyarihang tinataglay.

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
28 Chs

Chapter 14: Void Familiar

Mabilis na napabangon ang batang si Evor ngunit ganon din kabilis na napahawak sa ulo niya nang makaramdam siya ng matinding sakit rito.

"Arrgghhh!" Tila hindi mapigilang sambit ng batang si Evor ang naramdaman niyang tila binabarena ang ulo niya.

Eeeckkk!

Mabilis naman niyang narinig ang tunog na galing sa pintuan ngunit di niya tiningnan. Tanging paglangitngit nito ang narinig niya na kung saan ay alam niyang may bumukas nito.

Thump! Thump! Thump!

Rinig niya ang mga yabag ng paang naglalakad patungo sa kaniya.

Unti-unti na ring nawala ang pananakit ng ulo niya kaya agad niyang itinaas ang paningin niya sa pinagmumulan ng tunog.

"O Evor, gising ka na pala. Akala namin ay kung ano na ang nangyari sa'yo dito." Nag-aalalang sambit ni Chief Dario habang kasunod pa nitong pumasok ang dalawang formers ng nayon na ito.

"Kayo pala Chief Dario. Hindi ko aakalaing sumakit bigla ang ulo ko nang bumangon ako." Tila inosenteng sambit ng batang si Evor habang nakahawak pa rin sa sentido nito at hinilot-hilot pa.

"Mabuti naman at nagising ka na bata. Hindi ko aakalaing napakasaway mo at pumunta ka pa sa Summoner's River nang mag-isa lang ha?!" Tila puno ng pagkairitang sambit ni First Former Aleton na hindi nito ikinubli man lang ang iritasyon sa batang si Evor.

"Tama, hindi ko aakalaing lakas ng apog mong pumunta roon eh kami nga ay madalang lamang pumunta roon. Mabuti at di ka nakalayo-layo sa parteng ilog na iyon kung hindi ay baka hindi ka na namin naabutang buhay." Puno ng panghahamak na sambit ni Third Former Serion. Katulad ni First Former Aleton ay hindi din niya alam kung may saltik ba ang ulo ng batang si Evor at nagawa pa nitong mag-sneak out para lang makapunta sa Summoner's River. Ano'ng palagay niya sa malawak at mahabang ilog na iyon, pasyalan?! He don't even familiarize the place here inside the village yet he have guts to explore Summoner's River nang nag-iisa lamang.

"Tama na yan First Former Aleton at Third Former Serion. Hindi kayo nakakatulong sa sitwasyong ito. Kita niyo na ngang hindi naging mabuti ang lagay ng batang si Evor ay binubungangaan niyo na naman." Pag-aawat naman ni Chief Dario. He is really don't want to stress out Evor for experiencing such a dreadful situation.

"Talagang kinakampihan mo pa yang batang yan Dario?! Baka nakakalimutan mo na katulad na katulad no din yan noong kabataan mo. Napakatigas ng ulo!" Sabat naman ni Third Former Serion. Sa totoo lamang ay naiinis pa rin siya sa pag-uugaling ito ng Village Chief nilang si Dario. Knowing how it didn't act accordingly lalo na at kahit sila ay hindi makapalag rito.

"Sinabi mo pa Third Former Serion. Talagang may pagkakahawig nga ang dalawang inutil na to. Alam na ngang delikado ay hala sugod pa rin ng sugod at sariling kagustuhan pa rin ang sinusunod." Puno ng inis na sambit ni First Former Aleton na sinang-ayunan ang sinabi ni Third Former Serion.

Tiningnan naman sila ng masama ni Village Chief Dario na ngayon ay matamang nakatingin sa gawi nila.

"Hindi kayo nakakatulong sa sitwasyon na ito First Former Aleton at Third Former Serion. Talagang kaahit saan talaga ay wala kayong pinipiling lugar at araw na hindi kayo nambubuwiset eh noh." Inis ring turan ng lalaking si Village Chief Dario. Pinipigilan niya lang na makapagsalita ng masasakit na salita sa dalawang former na ito at kung andito pa ang isang former na si Mario ay baka kung ano na naman ang magawa ng triplets na parehong mapanghamak sa kaniya.

"Pwes, sabihin mo yan sa batang yan. Ang laking abala ang ginawa niya ha? Sinayang niya lamang ang kalahating araw namin sa paghahanap sa kaniya at naghanap pa kami ng gamot sa mga pasa niyan hmmp!" Inis pa ring sambit ni First Former Aleton na tapagang pinagdidiinan nito ang nasayang nilang oras at panahon.

"Kung hindi lang dahil sa pakiusap ni Apo Noni ay baka iniwan ka na naming maghanap sa pasaway na batang yan." Iritang sambit ni Third Former Serion. Talagang hindi niya pa rin makuha ang punto ni Apo Noni. He is not fun of kids at mas lalong ayaw niyang makipagtulungan sa Village Chief nilang si Dario na ibang-iba ang postura at pag-uugali sa ama nitong yumao. Talagang hindi pa rin humuhupa ang galit niya sa Village Chief na si Dario.

"Ewan ko sa inyo First Former Aleton at Third Former Serion. Talagang hindi ko maintindihan ang gusto niyong mangyari. Pumunta ba kayo rito para mang-asar lamang?!" Puno ng pagkwestiyon na sambit ni Village Chief Dario na mabilis na nagcross arms dahil mukhnag hindi titigil kakadaldal ang dalawang formers na kasama niya sa loob ng maliit na kwartong ito.

"Hindi. Gusto naming sirain din ang araw mo at ng batang yan. Sarap niyong pag-untugin pareho nang tumino din ang pag-iisip niyong pareho." Gigil na sambit ni Third Former Serion. Sa kanikang lahat ay alam nilang dehado sila dahil wala silang napala sa paghahanap nila sa pesteng batang si Evor na yan.

"Tama, talagang pati si Apo Noni ay pinag-alala niyan. Wag mong kunsintihin ang batang yan Dario kung ayaw mong pag-initan ka rin namin!" Puno pa rin na inis na sambit ni First Former Aleton. Talagang maging siya ay labis din na nanghinayang sa nasayang nilang oras kanina. Kaya ang ending ay si Second Former Mario lamang ang nakapagtraining sa gabay rin ni Apo Noni. Mukhang ito pa ang mauuna sa kanilang lumakas kaysa sa kanilang dalawa ni Third Former Mario at ng mismong Village Chief na si Dario.

"Hindi ko siya kinukunsinti Third Former Serion at First Former Aleton. Talagang sumusobra lang kayo sa sinasabi niyo. Tama bang pagsalitaan niyo ng ganyan ang batang si Evor?! Hindi niya naman ginustong mapahamak eh!" Village Chief Dario

"Kahit na, pinagbawalan na nga natin siyang umalis patungo sa Summoner's River pero itong katigasan ng ulo niya ay inabala pa kami!" First Former Aleton

"Aba'y nawalan pa tayo ng suplay ng halamang gamot at kailangan pa naming pumunta sa napakalayong lugar para lang kumuha ha. Mabuti ka nga at hindi ikaw ang napag-utusan!" Third Former Serion

Ewan ko sa inyo. Alangan namang ako ang kumuha eh maraming nakatokang gawain sa akin ngayon. Ang simple lang naman ng gawain na iyon eh grabe yung pagputok ng mga butsi niyo ha." Village Chief Dario.

"Alam mong hindi simpleng bagay ang nakaligtaan namin Dario kaya umayos ka. Malapit na kaming makakuha ng susunod naming familiar sa mga susunod na buwan. Without proper training sa tulong ni Apo Noni ay hindi namin masisigurado na aangkop ang makukuha naming familiar!" Third Former Serion

"Sinabi mo pa Third Former Serion. Palibhasa ay nakuha na nito ang titulong Village Chief kaya wala ka na ring masyadong mataas na hangarin na lumakas. Pagkatapos mong palitan sa susunod bikang Village Chief ay siguradong wala ka na ring posisyon na makukuha matapos niyan." Puno ng panghahamak na sambit ni First Former Aleton. Hindi niya alam kung iiyak siya o tatawa sa pagiging kampante ng kasalukuyang Village Chief nila. Kung tutuusin ay mababa lamang ang posisyon nito kumpara sa iba. Once they get the title being a 6th Level Summoners or higher, they could be considered a high ranking officials sa nayon na ito o sa buong kabayanan.

"Huwag niyo akong itulad sa inyo. Gusto ko ring tumaas ang lebel ko but in a slow way. Hindi naman kasi ipinapanganak ang pagpapataas ng lebel sa pagiging summoner hahaha!" Natatawang sambit ng lalaking si Village Chief Dario habang nakaharap sa dalawang formers.

Makikitang biglang yumukot ang mukha ng dalawang formers na sina First Former Aleton at Third Former Serion nang marinig nila ang pinagsasabi ng Village Chief nilang si Dario. Isang pang-iinsulto ito sa kanila.

"Talagang ang kapal ng apog mo Dario to make fun of us. Porket naging Village Chief ka ngayon ay hindi pa rin nangangahulugan na naaayon na lamang palagi sa'yo ang tadhana. Darating din ang araw na babagsak ang nayon natin dahil sa kapalpakan mong mamuno!" Puno ng hinanakit na sambit ni First Former Aleton. Kaya nga halata naman siguro na inis na inis sila kay Village Chief Dario dahil sa pagigjng pakialamero nito at pagiging care-free nito na akala mo ay ang pamumuno ng nayon ay isang laro lamang but it is not a child play. Malaki ang epekto nito sa kanila kung sakaling hindi nila ito maprotektahan.

"Matanda na si Apo Noni and if you think being a weak chief of this village could make you satisfied pwes kami hindi. Ayaw naming malugmok ang lugar na ito kasama si Apo Noni!" Puno ng inis na wika ni Third Former Serion. Ewan ba nila kay Apo Noni kung bakit labis itong nagtitiwala sa kakayahan ni Village Chief Dario eh marami namang mas deserving rito na mamuno. Alam nilang hindi sila ang maaaring mailuklok rito pero meron namang sa tingin nila ay deserving talaga.

Napangiti na lamang ang batang si Evor sa pinag-uusapan ng mga matatanda at ayaw naman niyang maging bastos para makisali sa usapan ng mga ito.

Kahit papaano ay masasabi pa rin niyang may katiting pa ring kabutihan sa mga ito at pansin niyang malaki ang respeto ng mga ito kay Apo Noni including na rin si Village Chief Dario na may respeto sa matandang lalaking tumulong sa kaniya.

Hindi lingid sa kaalaman niya na apat silang kasalukuyang estudyante ni Apo Noni ngunit ewan niya ba kung bakit di man lang siya kinonsidera ni Apo Noni na maging estudyante nito. Palagay nga niya ay nagkagulo na nga ang tatlong former laban kay Village Chief Dario tapos dadagdag pa siya? Natatawa na lamang siya sa pagiging childish din minsan ng Tatlong former. Kung kambal lamang ang tatlong ito ay siguradong mas naniniwala siyang magkapareho nga ang tatlong ito sa lahat ng bagay. Yun lang din ata ang pagkakaiba ng mga ito.

Umalis na nga lang tayo rito Serion nang mabawasan ang pagkabwiset ko sa dalawang to hmmp!" Inis na sambit ni First Former Aleton kay Third Former Serion. Tiningnan pa sila nito bago ito padabog na umalis sa lugar na ito.

TCH!

Sumunod na rin si Third Former Serion sa paalis na si First Former Aleton at malakas nitong binalibag ang pintuan.

Napapiksi naman ang batang si Evor sa naging kilos ng mga ito. Tiningnan naman siya ni Village Chief Dario at mabilis na nagwika.

"Wag mong intindihin ang sinabi ng dalawang formers na iyon. Talagang pinapairal lang nila ang pride ng mga ito!" Pag-aalo ng lalaking si Village Chief Dario habang nakatingin sa gawi ni Evor. Mabilis niya rin itong dinaluhan ng tumayo ang batang si Evor sa higaan nito.

"Wag kang tumayo muna bata, mukhang hindi ka pa magaling eh." Sambit ni Village Chief Dario habang makikitang nag-aalala ito sa kalagayan ni Evor.

"Okay na po ako Chief Dario. Sa katunayan ay naalala ko ang lahat ng nangyari kanina." Sambit ng batang si Evor nang makatayo na ito.

"Ano ba ang nangyari Evor?! Talagang malala ang naging sugat na natamo mo kani-kanina pero buti na lamang at isa ka nang 2nd Level Summoner. Binabati kita." Sambit ng lalaking si Village Chief Dario habang nakangiti ito ngunit mayroong kung anong bagay na gustong sabihin ang nangungusap nitong mga mata.

Tila naningkit naman ang mata ng batang si Evor nang mapansin niyang tila mali ang pagkakadinig niya sa huling sinabi nito.

Agad na tiningnan ni Evor ang summoners tattoo niya. Nakita niya ang tila tatlong buo na summoners tattoo na mayroong mga laman.

"Isa na akong 2ndd Level Summoner,Village Chief Dario. Ito o!" Inosenteng sambit ng batang si Evor nang ipakita pa nito ang dalawa't kalahating summoners tattoo niya. Alam niyang may mga Summoner's Balls na rito that he could summon his two familiars anytime.

"Ikinalulungkot kong sabihin bata ngunit maituturing ka lamang na first Level Summoner. Walang halaga ang pangalawang familiar mo to consider yourself a second Level Summoner." Malungkot na sambit ng lalaking si Village Chief Dario habang matamang nakatingin sa kinaroroonan ni Evor.

Nais patunayan ng batang si Evor na mali ang sinasabi ni Village Chief Dario kaya mabilis niyang hinawakan ang pangatlong summoners tattoo niya sa kaniyang palapulsuhan. Lumabas rito ang kulay itim na summoner's ball at hinagis sa ere.

Ilang minuto ang nakakalipas ay nananatili lamang sa ere ang nasabing kulay itim na bola. Bolang naglalaman ng inaakala ni Evor na second familiar niya but there's no sign of making it's way to show itself.

"You have a void familiar Evor, meaning you are one of the unluckiest summoner who picked up a useless summoner's ball. You are bound on it kaya imposibleng maialis mo pa ito sa katawan mo." Malungkot na saad ng lalaking si Village Chief Dario. Maging siya ay nalulungkot sa kalagayan ng batang si Evor. Even if he considered himself a second Level Summoner ay first Level Summoner pa lamang siya sa kahit na anong aspeto lalo na sa lakas. Having a void familiar, he destined to be lower summoners than anyone who have a three familiar.

Naalala naman ng batang si Evor ang nabasa niya. Indeed, void familiar exist in this world. There's always a bug in this world and bizarre things existed beyond anyone's imagination. No one in history of this world summons a void familiar even once. Ang nakita niya siguro noon ay pawang imahinasyon lamang niya. There's no way a void familiar help him during his near death situation.

"Matanong ko lang Village Chief Dario, ano ba ang nangyari nang mahimatay ako sa Summoner's River?!" Nagtatakang tanong ng batang si Evor kay Village Chief Dario.

"Bago ka pa sagpangin ng Stone Ox ay mabilis kung sinummon ang sarili kong familiar. Yun lang ay nakatakas ang Stone Ox at hindi na namin hinabol dahil malala din ang tama mo. Sinuri na din ni Apo Noni ang katawan mo at napag-alaman niyang mayroon kang void familiar which is really sad for his part. Gusto ka pa sanang kunin nitong estudyante but umalma ang tatlong formers. You're a second level Summoner but your Overall power could be said to be only a first level Summoner." Seryosong sambit ni Village Chief Dario habang makikitang nakulungkot pa rin talaga ito para sa batang si Evor. His future achievement will be affected.