webnovel

LEGEND OF VOID SUMMONER [TUA 2] Tagalog/Filipino

Sa pagpadpad ng ating bida sa ibang lugar, ano kaya ang magiging bagong suliranin na kanyang haharapin, magagawa niya pa rin kayang magtagumpay sa buwis-buhay na paglalakbay na ito? Sundan ang ating bida sa pagtuklas ng kanyang sarili maging ng kanyang kapangyarihang tinataglay.

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
28 Chs

Chapter 16: Opening Portal finally Opens

Magbubukang-liwayway pa lamang ay mabilis na bumangon si Evor upang gawin ang kaniyang morning routine.

Pansin niyang maraming ingay na naririnig sa labas at mayroong mga nag-uusap-usap sa labas ng maliit na bahay na siyang tinutulugan niya.

Pumunta si Evor sa gawing bintana at maingat niya itong binuksan.

Tumambad sa kaniya ang napakaraming mga taong nakatumpok rito. If hindi siya nagkakamali ay halos kaedaran niya lamang ang mga ito.

Kaya pala nagising siya ay dahil na rin sa agaw pansing liwanag na nagmumula sa siwang ng bintana niya kanina.

Medyo napaismid pa siya nang mapansin niyang nagpapasikat naman ang inaanak ni First Former Aleton na si Marcus Bellford. Gumagawa naman kasi ito ng kabalbalan para lamang magyabang sa mga kaedaran nila.

"Tsk! Wala pa ring pagbabago ang lampang Marcus na ito. Kailangan kong mas pagtuunan na makakuha ng panibagong familiar upang mas lumakas pa ako. Siguradong aapihin ako ng Marcus na ito kung sakaling malaman nitong nabigo pa ako sa pagkuha ng pangatlo kong familiar." Puno ng kaseryosohang saad ni Evor sa kaniyang sarili lamang. Hindi naman kasi siya habang buhay mananatili rito at ayon kay Ginoong Sirno ay kailangan niyang magpalakas lalo or else ay baka dito na siya sa dimensyong ito mananatili magpakailanman.

Mabilis namang inayos ng lalaking si Evor ang kaniyang sarili at mga kakailanganin niyang gamit para sa pag-alis niya. Inaalala niya pa rin ang katayuan niya rito sa nayon. Hindi naman kasi sa lahat ng pagkakataon ay si Apo Noni o ang mismong Village Chief na si Ginoong Dario lamang ang tutulong sa kaniya. Alam niyang may kinakaharap na mabigat na suliranin ang mga ito kaya nangyari ang lahat ng mga hindi nila inaasahang mangyari y kasalanan niya na.

...

Kasalukuyang naglalakad si Evor sa lugar na sakop ng pahabang anyong tubig na tinatawag na Summoners River. Pangalawang punta niya na rito at masasabi niyang maraming mga summoners ang pumunta sa lugar na ito. Makikitang hindi maipagkakailang napakaganda ng lugar na ito at mas naging mas kaaya-aya ang lugar na ito nang mapansin ni Evor ang malaking pabilog na bagay sa hindi kalayuan na kung hindi siya nagkakamali ay ito ang totoong anyo ng Opening Portal.

Ito ang kauna-unahang nakita niya ang ganitong klaseng lagusan. Alam niyang sobrang laki at lawak ng nasabing portal na ito. Daanan ang lagusan na ito sa mundo ng mga Summons na siyang ipinunta ng karamihan sa mga Summoners dito.

Nanghihinayang nga siya dahil hindi siya maaaring pumasok pa rito because he is too weak to do it.

Nakontento na lamang siyang pumunta sa ibang direksyon at dito maghanap ng mga summons upang maging familiar niya.

Plano ni Evor na ang magiging susunod na familiar niya ay ang summons na kayang lumipad sa ere o sa himpapawid. Isa din sa nakikita niyang malaking disadvantage niya ay ang aerial view kapag nakikipaglaban o di kaya ay malagay siya sa delikadong sitwasyon ay ito ang maaari niyang maging alas. Hindi Lamang iyon dahil maaari niyang magamit din ito into his own advantage.

He can determine and locate his enemies using his familiar na nakakalipad. Mas mabuti kung malakas ang atake nito to kill or to injure his opponent. Sigurado siyang hahamunin na naman siya ng pesteng inaanak ni First Former Aleton na si Marcus Bellford kapag matagumpay itong makakuha ng pangatlong familiar nito.

Given sa nature ng pag-uugali ni Marcus Bellford ay magmamayabang na naman ito at magpapasikat sa mga kaedaran nila at magiging bida-bida na naman ito at siya na naman ang gagawing kontrabida "daw" ng buhay nito. Hindi talaga matatagalan ni Evor ang pag-uugali nito to the point na iniiwasan niya talagang magkatagpo ang landas nila.

Evor found himself sa isang malawak na bahagi ng Summoners River. Medyo may kalayuan ito sa dating pwesto niya. Talaga nga namang walang mga nialalng na naririto. Alam ni Evor na isa ito sa delikadong lugar sa Summoners River lalo na at ang lugar na ito ay mayaman sa enerhiya. Even his body felt an immense amount of power na pumapasok sa bawat pores niya sa katawan niya.

Yun lang, halata ngang isolated ang lugar na ito. Makakapal ang mga ulap sa lugar na ito. Pansin niyang medyo kumakapal ang hamog rito habang naglalakad pa siya paabante sa lugar na ito.

Pansin niyang tila malabo ang dulong bahagi ng lugar na ito. Malamang ay mayroong Opening Portal sa hindi kalayuan mula rito kasi hindi lang naman doon sa parteng pinuntahan niya kanina mayroong Opening Portal maging sa iba't-ibang bahagi ng Summoners River ay meron din.

It is not advisable na pumunta rito ang katulad niya lalo na at meron lamang isang familiar. Ang pangalawang familiar niya ay alam niyang hindi talaga lalabas ito kung meron mang laman ang Summoners ball na nasa palapulsuhan niya.

Mabilis na tinahak niya ang papasok sa mas mahamog na parte sa gilid ng Summoners River. He find it really amazing at the same time ay nakaramdam din siya ng pangamba. This place is really forbidden pero alam niyang dito lang siya makakahanap ng mga Summons na lumilipad either it is a Summoned Beasts o Summoned Hero.

Maya-maya ay pansin ni Evor na parang may kakaiba na nangyayari sa paligid niya. As if there are eyes prying on him na siyang ikinaalerto niya.

Parang padilim ng padilim ang lugar na pinuntahan niya at pakapal ng pakapal ang ulap maging ang hamog sa nadadaanan niya.

Isang malakas na pag-ihip ng hangin ang bigla na lamang naramdaman ni Evor. Pansin niyang parang lumamig ang temperatura ng lugar na ito.

WHOOSH! WHOOSH!

Agad na napatingala si Evor sa makapal na kaulapan. Hindi siya nagkakamali ng hinala niyang may nakamasid sa kaniyang sariling pwesto.

Alam niyang hindi siya namamalikmata nang may mapansin siyang umalpas na kulay asul na bagay sa makapal na kaulapan.

Agad na inilabas ni Evor ang magical rope na panghuli niya sa alinmang summons na pwede niyang hulihin.

Tanging ang bagay lamang na ito ang makakatulong sa kaniya to protect himself sa nasabing nilalang na maaari niyang masagupa.

WOOOH!

Isang atakeng gawa sa malaki at patulis na tipak ng mga yelo ang bigla na lamang bumubulusok patungo sa direksyon ni Evor.

Si Evor ay kanina pa alerto sa anomalyang nangyayari sa paligid niya. Walang inaksayang oras si Evor at mabilis niyang kinuha ang unang Summoners ball sa palapulsuhan niya at mabilis itong ibinato sa ere.

Mabilis na nagliwanag ang Summoners ball at nagkaroon ng magic circle sa ilalim na bahagi nito.

POOOFFFF!

Lumitaw bigla ang isang malaking pulang lobo na wlaang iba kundi ang unang Familiar ni Evor na isang Fire Fox.

Sobrang laki na ng Fire Fox kumpara sa mala-kuting nitong laki noong nakaraang mga buwan. Talagang hindi maipagkakailang ini-ensayo itong mabuti ni Evor kasama niya.