webnovel

LEGEND OF VOID SUMMONER [TUA 2] Tagalog/Filipino

Sa pagpadpad ng ating bida sa ibang lugar, ano kaya ang magiging bagong suliranin na kanyang haharapin, magagawa niya pa rin kayang magtagumpay sa buwis-buhay na paglalakbay na ito? Sundan ang ating bida sa pagtuklas ng kanyang sarili maging ng kanyang kapangyarihang tinataglay.

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
28 Chs

Chapter 13: Stone Ox

"Saan na ang batang iyon?! Hanapin niyo siya ngayon din!" Sambit ng matandang lalaking si Apo Noni nang mapansin niyang wala na ang batang si Evor nang gumising na sila mula sa pagkakatulog. Bakas sa mukha nito ang labis na pag-aalala.

"Opo Apo Noni. Ako din ay nag-aalala sa kalagayan nito ngayon lalo pa at hindi niya lama ang pasikot-sikot sa nayong ito o baka sa ibang lupalop na ito nakarating. Napakapanganib nito." Sambit ni Village Chief Dario habang makikitang tila gusto rin nitong mahanap ang mabait at masipag na batang summoner na si Evor na siyang palayaw daw nito. Mabilis niya namang tiningnan ang tatlong Village Former na siyang katuwang niya sa pamamalakad sa nayon nila at mabilis na nagwika. "Samahan niyo akong hanapin ang batang si Evor. Hindi tayo dapat magpakampante rito dahil baka ano na ang masamang nangyari sa batang yun." Puno ng pag-aalala sa boses ni Village Chief Dario habang sinasalita ito.

Sari-sari naman ang reaksyon ng tatlong former sa narinig nilang sinabi ng kanilang Village Chief na si Dario ngunit makikitang hindi sila interesado sa ganitong usapin.

"Bakit natin hahanapin ang batang estranghero na iyon. Malay natin ay umalis na iyon!" Sambit ni First Forme Aleton na mukhang wala itong pakialam. Sa isip-isip nito ay bakit nila hahanapin ang batnag lalaking iyon eh hindi naman nila ito kaano-ano.

"Tama, hindi namin isusugal ang buhay namin para maghalughog sa bawat lugar noh." Hayagang sambit ni Second Former Mario habang tikom ang bibig nito.

Ngunit nang magsalita pa sana si Third Former Serion ay tiningnan siya ng masama ni Village Chief Dario lalong-lalo na at seryoso siyang tiningnan ni Apo Noni na siyang labis na nagpakaba sa kaniya.

"Wag niyo kong isusumbong kay Evor ah. Pero mukhang may ideya na ko kung saan siya pupunta sa mga oras na ito. Sa Summoner's River kung hindi ako nagkakamali." Seryosong sambit ng lalaking si Third Former Serion habang hindi na niya mapigilang isiwalat ang nalalaman niya.

"ANO???!!!" Sabay-sabay na sambit nina Apo Noni, Village Chief Dario at ng dalawang former na sina Aleton at Mario. They are really shocked about this kind of revelations by Third Former Serion.

"Nag-iisip ba ang batang si Evor? He really can't go there without a proper guidance at sapat na kaalaman. Those ownerless creatures there are really cunning at mas lalong mahirap kalabanin ang matagal ng namamalagi na Ownerless Beast maging ng Ownerless Heroes doon." Puno ng pag-aalalang sambit ni Village Chief Dario habang makikitang hindi ito natutuwa sa impormasyong ito na kahit sino ay magigimbal.

"Hindi lang pala tanga ang batang Evor na iyon. He really is not thinking what's best for him. Such a cunning Beasts or Heroes there ciuld end up his life there." Sambit ni First Former Aleton habang makikitang hindi rin siya sang-ayon sa ginawa ng batang si Evor.

"Maski bata man o matanda ay alam na delikado talaga doon. Nag-iisa lamang siya roon pero napaka-istupido naman nito!" Sambit ni Second Former Mario. Pinakaayaw niya pa naman ang mga taong estupido.

"Tigilan niyo nga yan. Mabait na bata iyon tsaka ayaw niyo naman siguro na dagdagan ang problema ng Patriarch natin if he knows about this. Apo Noni wants to train Evor kaya wala kayong magagawa.

Nanahimik naman silang lahat at napagkasunduan na nila ni Village Chief Dario, First Former Aleton at Second Former Mario na sila na lamang ang pumunta while Apo Noni and Third Former Serion will guard this place. Marami ring mga trabahador sa bukid ang naririto dahil tag-ani na rin at mukhang dadagsa dito ang marami pang tao kaya hindi maaaring baliwalain ang kaligtasan at kaayusan ng lugar na ito.

Mabilis na nilang tinungo at nilakbay ang rutang pinakamalapit na daanan papunta sa Summoner's River. Village Chief Dario really wish na hindi pa huli ang lahat para mahanap ang batang si Evor at maiuwi nila ito ng ligtas papunta sa nayon nila.

...

Samantala...

Nakita ng batang si Evor na papasugod muli ang stone Ox kaya mabilis siyang napatayo ng mabilis habang nakita nito kung paano itong marahas na pumunta sa kinaroroonan niya.

Mabuti na lamang at medyo gamay niya ang mga inensayo niya kung hindi ay baka hindi na siya makakabangon pang muli kung sinubukan nitong gumawa ng pamamaraan upang iwasan ang susunod na atake ng summoned beast na Stone Ox.

Muli na naman itong umatake gamit ang nasabing kakayahan ng halimaw na ito na manipulahin ang estraktura o composition ng lupa.

BANG; BANG! BANG! Mabuti na lamang at nakatalon ng mataas ang batang si Evor ng mataas kung kaya't nagawa nitong maprotektahan ang sarili sa muling pagkakapinsala.

Tiniis nito ang natamo nitong sugat sa binti malapit sa tuhod nito. . Ito ang nadali nang pagkakasabog. Muntik na nga ang mismong paa niya ang masugatan buti na lamang at matibay ang suot niyang boots na siyang gamit daw ni Village Chief Dario noong kabataan pa nito.

Meron din siyang natamong konting sugat o gasgas sa likurang bahagi niya but it is not a big deal.

Hibdi nag-aksaya ng oras ang batang si Evor at ginamit nito ang nalalaman niyang gift niya na isang kakaibang lakas para buhatin ang mga bagay-bagay. Nakuha niya ito sa kay Nescafra na siynag kaloob nito sa kaniya matapos nilang magkapaalamanan.

"Agad niyang binuhat ang isang malaking bato sa tabi niya lamang at pinabulusok ito sa mismong paparatimg sa direksyon niya na Stone Ox.

BANG!

Mabilis ang pagkakabulusok ng malaking bato kaya mabilis niyang natamaan ang Stone Ox.

THUD!

Tumalsik naman ang katawan ng nasabing halimaw na Stone Ox ngunit ilang metro lamang. Mabilis namang itong napabangon habang tila inaayos ang sariling leeg at ulo nito na siyang natamaan ng pag-atake ng batang si Evor.

Hindi naman nagpatalo ang batang si Evor at mabilis niyang sinugod ang halimaw gamit ang naglalakihang bato sa kamay nito.

BANG! BANG! BANG!

Harap-harapan nitong inatake ang Stone Ox ngunit ang atake nito ay masasabi niyang hindi gaanong epektibo sa Stone Ox.

Labis namang nagtaka ang batang si Evor dahil sa pangyayaring ito.

Sinubukan niyang suntukin ang halimaw gamit ang sarili niyang kamao maging ang taglay niyang kakaibang lakas but to no avail. It is not effective as he continues to throw punch sa mabangis na halimaw na ito.

Hindi naman makapaniwala ang batang si Evor sa kaniyang nakita ngunit hindi pa rin siya susuko.

BANG! BANG! BANG!

Binuhos ng batang si Evor ang lahat ng lakas niya sa pagbato ng mga pisikal na atake sa halimaw ngunit nakita nitong tila umatras ang nasabing Stone Ox ng ilang metro.

Natuwa naman ang batang si Evor dahil mukhang epektibo ang atake nito ngunit napansin nitong tila umuuga ang lupang tinatapakan niya.

Nakita niya kung paano pumailanlang ang malaking tipak ng lupa pabilog sa kaniya.

"Hindi ito maaari. Balak akong ikulong ng halimaw na ito sa pamamagitan ng Earth Manipulation nito. Kailangan kong makatakas sa atake nito!" Seryosong sambit ng batang si Evor habang pansin nitong maghahanap lang ng tamang oras ang mabangis na halimaw na ito na ikulong siya.

THUMP! THUMP! THUMP!

Ginamit niya ang pader upang tapakan habang narinig niya ang malakas na tunog ng pagpadyak niya rito.

PFFF!

Tumalon ng mataas ang batang si Evor palayo sa kulungang gawa sa lupa na siyang bigla na lamang...

BANG!

Nakita ng batang si Evor ang pagtalsjk ng mga tipak ng lupa na siyang iniwasan niya ang mga bumubulusok kung saan-saang direksyon ang malalaking tipak ng lupa ng hindi nagtagumpay na atake ng nasabing halimaw na Stone Ox.

"Kung minamalas ka nga naman oh!" Sambit ng batang si Evor nang pansin nitong parang hindi siya lulubayab ng halimaw na ito kaya mabilis siyang gumamit ng water manipulation niya dahil na rin sa kakayahan nitong isang gift din.

BANG! BANG! BANG!

Pinagbabato ng batang si Evor ang Stone Ox sa direksyon nito ngunit mabilis ang Stone Ox habang napakaraming Water balls ang pinsgbabato nito sa direksyon nito.

Kahit na tamaan niya man ang halimaw na ito ay napapansin niyang tila hindi masyadong epektibo ang mga atake niya rito. Kaibahan sa inaasahan nito na puputok ang balat nito kung sakaling tamaan ng malakas na water balls na ginawa niya.

Hindi ito nagpaawat at tuloy-tuloy lamang ito sa kakatakbo papunta sa kaniya.

Napangiti naman ang batang si Evor dahil hindi niya maipagkakailang kayang-kaya niyang labanan ito lalo na at meron pa siyang panlaban rito.

Lumikha ng napakaraming fire balls ang batang si Evor sa kamay nito at mabilis niyang pinabulusok nito sa direksyon mismo ng nasabing halimaw na Stone Ox.

BANG! BANG! BANG!

Natamaan naman ang halimaw na Stone Ox sa iba't-ibang parte ng katawan nito at napansin niyang napapaatras at napapaigtad ang nasabing halimaw na ito.

GRRRRRR!!!

Pero ramdam niyang hindi mapakali ang nasabing halimaw na ito sa direksyon nito mismo at mukhang nagagalit na ito.

Nakita niya kasi kung paano maglabas ng kaniyang pangil ang nasabing halimaw na ito halatang hindi na rin ito natutuwa sa ginagawa niya.

Binato pa ng binato ng batang si Evor ng nasabing fire balls ang nasabing halimaw lalo na at mukhang hindi siya nito titigilan kahit tumakas pa siya.

He really see something that could really be his greatest advantage in it at ito ang fire manipulation niya na isa sa mga gifts niya.

Mabilis niyang nalapitan ang distansya ng nasabing halimaw na Stone Ox habang pansin niyang tila napinsala niya ang balat nito dahil siguro sa nakakapasong init ng apoy na pinang-aatake niya.

He could really know how this could really be happen but he find it really worth it lalo na at gusto niyang mapasakanya ang Stone Ox na ito bilang second familiar. He wants to get stronger for a fast phase. He wants to explore thsi world and level up faster.

This Stone Ox will be a great thing para sa kaniya at kakailanganin niya ang abilidad nito lalo na sa pagdepensa. If he could really get it to be his familiar then he will be invincible in any element maging sa Fire Element medyo gamay niya na. He really finds it really worth it.

Ngunit nang nasa malapit na siya ay nakita niya kung paano biglang nagbago ang awra ng nasabing halimaw na Stone Ox at tila nagkaroon ng pagbabago ang balat nito.

Nahintatakutan naman ang batang si Evor nang makita niya ang ganitong klaseng senaryo lalo na at mukhang alam na alam niya kung ano ito at ano ang ibig sabihin ng bagay na ito.

"Papaanong---- isang Level 3 Summoned Beast!" Sambit ng batang si Evor nang mapagtanto nito kung ano ang ibig sabihin ng ganitogn pagbabago ng halimaw na Stone Ox. It turns out na isa pala itong 3rd Level Summoned Beast.

Naramdaman na lamang ng batang si Evor na hinampas siya ng halimaw.

WHOOSH! WHOOSH! WHOOSH!

Kitang-kita nang batang si Evor ang nagtatalimang mga kuko ngunit mabilis ang kilod niya na siyang indikasyon na nakaiwas siya sa talim ng mga naglalakihang mga kuko nito ngunit hindi siya nakaiwas nang suntukin ng halimaw ang lupa paunta sa kaniya.

BANG! BANG! BANG!

Higit na mas malakas ang atake nito kumpara sa kanina. Naiwasan man ng batang si Evor ang mismong suntok ng halimaw sa lupa ngunit hindi ang impact nang nasabing atake nito.

BLAGGGG!

Tumalsik naman ng napakalayo ang batang si Evor dahil sa lakas ng impact na tumama sa kaniya mismo. This is the power ng mismong excess ng atake ng halimaw na Stone Ox sa 3rd Level Form nito.

Siya na First Level Summoner pa lamang at ang makipaglaban sa Third Level Ownerless Beast ay hindi magandang gawain lalo na at kahit na sabihing 2nd Level Summoner na sana siya at mag-3rd Summoner sa susunod na mga buwan ay wala pa siyang napipiling familiar.

Kapansin-pansin na tila ang mismong katawan ng Stone Ox ay nagkakaroon na ng kulay pulang linya at naglalabas ang katawan nito ng malakas na enerhiyang tanging 3rd Level Beasts lamang ang may taglay nito.

"Paano ko matatalo ang halimaw na ito na mukhang kahit gumawa pa ako ng hakbang para labanan ito ay hindi ko magagawa iyon. Even my fire is ineffective now lalo na at mukhang ipinakita na nito angctunay na lebel nito!" Seryosong sambit ng batang si Evor sa kaniyang sariling isipan lamang habang makikita sa mga mata nito ang labis na pangamba at pag-aalala sa kaniyang sariling kaligtasan sa mga oras na ito.

Sinubukang tumayo ng batang si Evor ngunit pansin niyang mukhang tinamaan ng malala ang mga parteng binti niya lalo na ang mismong vital points niya.

Pigil naman ang batang si Evor na humiyaw sa sobrang sakit dahil mukhang hinahanap pa ng halimaw na Stone Ox ang kinaroroonan niya. Kapag babagal-bagal siya at sa konting panahon na ito ay maaaring mahanap kaagad siya.

Ginamit nito ang dalawang kamay niya para piliting lumayo sa pwesto niya. Pigil naman ang luha ng batang si Evor habang pilit siyang lumalayo para subukang makatayo pero ayaw talaga. Talagang malala ang tama ng mga binti niya.

Ramdam niyang tumutulo na ang masagang dugo sa ibabang bahagi ng katawan nito yet he feel numb about it. Sumasakit lang talaga ito kapag pilit siya guamgalaw. That is really not a simple injury as he is think as it is.

Napahawak ang batang si Evor sa isang bilog na bagay sa kamay niya but titingnan niya pa sana ito ngunit mabilis niyang naramdaman na may paparating na atake muli sa kaniya. This time it is a huge rock heading towards him. Mabilis na iniwasan ito ng batang si Evor sa pamamagitan mg pag-exert ng malakas ng dalawang kamay niya ngunit...

BANG!!!!

Hindi na nito naramdaman ang sakit nang mapansin nitong tila tumalsik naman siya dahil sa labis na impact. Imagine na nasa malapit siya sa mismong Summoner's River kaya ang soil composition dito ay medyo clay o basa kaya kapag binato mo ang anumang matigas na malaking bagay sa lupa this will flex and bend the clay part of the river's soil and the impact is really great.

Tila hilong-hilo naman ang batang si Evor habang pansin nitong lumulutang ang napulot niyang bagay sa ere. Palagay niya ay isang Summoner's Ball ito pero it is clearly not his own Summoner's Ball na nakuha niya. Kulay itim ito na pabilog habang makikitang wala itong plano na magpalaglag sa lupa kagaya niya.

Thump! Thump! Thump!

Ramdam niya ang tila pag-uga ng lupa. Alam niya at ramdam niya kung kanino lamang ito galing kundi sa mismong Stone Ox na papalapit na sa direksyon niya.

Ramdam na ng batang si Evor na nalalapit na ang kamatayan niya.

His eyes gets blurry and blurry and in his last sight before he black out. He see something unusual to the black colored Summoner's Ball, it begun to have a rotating circular chains moving around it. And the rest of it he don't really know what really happens next.