webnovel

Nilamon

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sou!

Ang Blue Lightning Sea Sky Ship ay tumulak aa tubig at pinabilis ng hangin.

Boom! Boom! Boom ~~~

Ilang mga balyena ang tumatalon sa kanila, halos matamaam na nila ang barko.

Ang pinakamalapit ay ilang yarda lamang ang layo ipang kainin ang maliit na bangka.

Sou~~~

Sa pagpasok ng bangka sa hangin, dahan-dahan itong hinihila palayo sa limitless ocean whales. Ang mga balyena ay may kalamangan sa karagatan, ngunit ang himpapawid ay hindi nila teritoryo.

Higit sa isang dosenang balyena ang nakasunod sa himpapawid ngunit hindi sila makasunod sa Blue Lightning Sea Sky Ship.

Hu~

Nakahinga ang lahat ng nasa bangka.

"Dahil nasa hangin na tayo, hindi na makakahabol mag mga balyena."

Nagsimulang kumalma sila Loulan Zhishui at mga kasama nito.

Kayang kalabanin ni Zhao Feng at Skeletal Division Leader ang isa o dalawang balyena, ngunit ang isang grupo ay katakot-takot na.

"Hindi ko naisip na haharap tayo sa napakaraming paging sa dagat."

"Ayon sa alamat, marami ang mga balyena, at ang pinaka mahalagang parte ng kanilang katawan ay ang kanilang heart blood essence."

"Heart blood essence?"

Ang mga mandaragat ay sabik na pinag-usapan ito habang pinapanood ang dalawang balyena na hinahabol pa rin sila.

Maging interesado rin si Zhao Feng noong marinig sila.

Sa usapin ng lifeforce, ang limitless ocean whales ay mas malakas pa sa Towering Tree Yao.

Habang iniisip ni Zhao Feng ang mga benepisyong bigay ng Towering Tree Yao, ang halaga ng limitless ocean whales ay hindi masusukat.

"Ang heart blood essence ay ang blood essence sa kailaliman ng puso ng balyena, at kapag naligo ka rito, may abilodad ito na pataasin ang estado ng buhay. Epektibo ito para sa mga True Lord Rank, at makaka apekto rin ito sa mga Sovereign."

Pinaliwanag ni Loulan Zhishui ang epekto ng heart essence ng limitless ocean whales , at nag-alab ang kanyang mata habang tinitignan ang mga balyena na nakasunod sa kanila.

Iniisip niya pa lamang kung gaano kalaki ang mga balyena na iyon, gaano pa kaya kalakas ang kanilang mga puso?

Ang kanilang heart blood essence ay katumbas ng Wood Spirit Essence Soul sa Towering Tree Yao.

Ang pagkakaiba sa kanilang dalawa ay ang Wood Spirit Essence Soul ay tumutulong sa kaluluwa ng isang tao habang ang heart essence ay sa cultivation at estado ng pagkabuhay.

"Ang power of soul ko at mental energy ay umabot na sa Origin Core Realm. Sa cultivation na lamang ako may pagkukulang."

Kumalampag ang puso ni Zhao Feng.

Anv heart blood essence ay lubhang kaakit-akit.

"Bagalan mo nang kaunti."

Nakapag desisyon ma si Zhao Feng. Kapag bumilis ang bangka ay matayaranta ang mga balyena.

Naintindihan ni Loulan ang intensyon ni Zhao Feng kaya binagalan niya ang bangka.

Sa sandaling ito, may apat o limang mga balyena na sumusunod sa bangka.

"Matapos umalis ng dalawa o tatlo at isa o dalawa na akmang ang natitira, maaari na nating pag-isipan ang pag-atake sa kanila."

Ginamit ni Zhao Feng ang kanyang Spiritual Sense upang suriin ang sitwasyon.

Simula noong insidente sa Eye of Death, hindi na basta-basta ginagamit ni Zhao Feng ang kanyang God's Spiritual Eye, maya Spiritual Sense na lamang ang kanyang ginagamit.

Kahit hindi kasing husay ng Spiritual Sense ang God's Spiritual Eye, igo ang kadalasang ginagamit ng mga cultivators.

Sa paglipas ng oras:

Sou!

Ang Blue Lightning Sea Sky Ahio ay pinanatili ang tiyak na distansya sa mga balyena.

Matapos ang isang oras.

"Captain,matalino ang mga balyena na ito at sila ay nagsisiksikan."

Saad ni Loulan Zhishui.

Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Zhao Feng. Napansin niya rin iyon.

Isang malaking balyena ang kaya niyang talunin at ng Skeletal Division Leader, ngunit ang dalawang balyena ay mahirap.

Maging ang Great Origin Core Realm ay susuko sa apat o limang balyena.

Sa sandali ring ito:

Wu~~

Isang malalim na ungol ang nagmula sa kalapit na dagat.

"Ano ang tunog na iyon?"

Ang mga mandaragat sa bangka ay naramdaman na bumaligtad ang kanilang dugo at hindi sila makatayo ng diretso.

Hmmm?

Nagsimulang tumalon ang piso ni Zhao Feng. Naging mabigat ang kanyang katawan at nakaramdam siya nang mapanganib na sensasyon mula sa malalim na ungol.

Boom~~~~

Gagamitin niya pa lamang ang kanyang Spiritual Sense, may biglang humigop sa kanila mula sa dagat.

"Hindi ito maganda, takbo!"

Nakaramdam si Zhao Feng ng napakaraming balyena. Ang isang itim na bunganga ay sapat na upang kainin ang maliit na bundok.

Hindi makahinga ang mga mandaragat.

Wu~

Ang aira mula sa hayop ay hinigop ang kalapit na Heaven Earth Yuan Qi.

Sou~

Ginawa ng Blue Lightning Sea Sky Ship ang kanyang makakakaya upang makalipad palayo, ngunit ngumanga pa lalo ang bunganga at huminga, na magpabagal sa bangka.

Whooom!

Isang malaking katawan ang lumabas mula sa karagatan. Malaki itong limitless ocean whales na mayroong sampung milyang haba.

Siii!

Ang lahat ng nasa bangka ay huminva nang malamig, at si Loulan Zhishui ay nagulat.

Sa harap nito, ang Blue Lightning Sea Sky Ship ay walang laban.

"Arghhh!"

Ang lahat sa bangka ay nagsimulang sumigaw.

Peng~~

Ang bangka ay pumasok sa katawan ng limitless ocean whales. Nag paikot-ikot ito sa loob noong nilunok ito.

Ang lahat sa bangka ay nahilo, ngunit si Zhao Feng lamang ang kalmado at kumislap ang mata.

Matapos makuha ang aura mula sa Ancient Dream Realm, nalinis ang katawan at bloodline ni Zhao Feng at mas malakas na ito kaysa sa dati. Tungkol naman sa pisikal na lakas, maikukumpara sa siya sa Sovereign.

Kung gayon, kaya niya pa rin maging kalmado sa ganitong sitwasyon.

"Ang balyena ay higit na mas malakas sa ibang balyena. Nasa Great Origin Core Realm ito. Sinong nakakaalam kung ganoo kalakas ang lifeforce nito? Nasa Void God Realm level siguro ito."

Hinamit ni Zhao Feng ang kanyang Spiritual Sense upang suriin ang paligid.

Sa usaping laki naman, doble ang laki nito sa ibang balyena.

"Ito marahil ang pinuno ng mga balyena."

Mapait na ngumiti si Loulan Zhishui, nagsimulang maging taimtim ang ekspresyon ni Zhao Feng matapos suriin ang paligid.

Ang battle power ng balyenang ito ay lumagpas sa Eight Desolate Sovereign Lord at Lord Hu Sou.

Masyadong malaki ang balyenang ito. Kahit na gamitin ko ang Void Space Eye Slash, hindi maapektuhan ang mga lamang loob nito.

Nahulog ang puso ni Zhao Feng.

Halimbawa, ang puso ng balyenang ito ay mas malaki pa sa karaniwang silid, ngunit ang Void Space Eye Slash ni Zhao Feng ay sampung metro lamang ang haba. Kung masyadong malaki ang bagay, hindi makaka atake si Zhao Feng.

Ang isang metro ay wala lamang sa balyena. Higit sa lahat, tila pagputol lamang ito sa daliri.

Kahit na ang Void Space Eye Slash ang pinaka malakas na eyw bloodline technique, walang perpektong technique sa mundo.

Ang laki ng balyena ay hindi kaya ng Void Space Eye Slash o nang kahit anong isang atake.

Aa puntong ito, nagsimulang mag-isip si Zhao Feng.

Gulugulu~

Ang Blue Lightning Sea Sky Ship ay nahulog sa malagkit na likido.

"Hindi ito maganda, stomach acid iyan ng balyena!"

Sigaw ni Loulan Zhishui.

Stomach acid?

Nakaramdam ng malakas na pwersang pagsabog ang Spiritual Sense ni Zhao Feng. Ang mga normal True Lord Ranks ay agad matutunaw sa sandaling hawakan nila ito.

"Ang limitless ocean whales ay lumalamon ng malalaking halimaw o tao o kahit bangka at tinutunaw ito sa kanyang katawan."

Saad ng matandang mandaragat.

Ang malagkit na likido ay binalot ang buong bangka. Kahit ginawa ni Loulan Zhishui at mga kasamahan nito ang lahat, wala na silang magagawa.

Ang malagkit na likido aybpinahinyo ang bangka.

"Captain, anong gagawin natin?"

Nawalan ng kulay ang mukha ni Loulan Zhishui.

Nilabas ni Zhao Feng ang Skeletal Division Leader at nagsimulang mag plano. Matapos ang lahat, kaunti lamang ang kanyang kaalaman sa mga balyena.

"Gaano katagal ang kakayanin ng bangka?"

Nalaman ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng na ang Blue Lightning Sea Sky Ship nagsisimula nang matunaw.

"Ang Blue Lightning Sea Sky Ship ay gawa sa mga kakaibang materyal, kaya matibay ito. Ang depensa nito ay kayang harangan ang atake ng Sovereign sa ilang sandali."

"Ngunit ang asid ay lubhang makapangyarihan."

Nagsimulang mag-usap ang lahat at nagkaroon ng isang konklusyon.

"Aabot ng isang buwan ang Blue Lightning Sea Sky Ship."

"kung mayroon tayong sapat na Primal Cryatal Stones at mapanatili ang defensive array, tatagal tayo ng dalawa o tatlong buwan."

Nagsimulang kumilos ang mga mandaragat.

Nagsimulang kumislap nang manipis na gray-blue na ilaw ang Blue Lightning Sea Sky Ship, na humarang sa malagkit na likido.

"Captain, ang asido ay lubhang malakas, kaya kailangan natin ng maraming Primal Crystal Stones upang mapanatili ang array."

Mabilis na saas ni Loulan Zhishui.

"Kalma, patatagin niyo muna ang sitwasyon."

Kalmado at walang emosyon ang boses ni Zhao Feng.

Marami siyang nakuhang Primal Stones sa Purple Saint Ruins.

Gulu~~~

Lumangoy ang balyena pabalik sa karagatan at kinain ang lahat ng kanyang madaraanan.

Sa lugar na ito, ang limitless ocean whales ay isa sa mga halimaw sa taas ng food chain.

"Master, mayroon akong 50-60% na tsansa na malagpasan ang asido, ngunit hindi ko alam ang daan palabas.

Saad ng Skeletal Division Leader, bumuntong-hininga si Zhao Feng. Ang buto ng Skeletal Division Leader ang pinaka malakas sa grupo, at kaya nitong tiisin ang mga ganitong bagay. Kung mababa ang tsansa nitong makatakas, lalo na ang iba.

Matapos ang isang oras, lumangoy ang balyena sa kailaliman ng dagat.

Whoosh! Whoosh! Boom~~~

Bumali-baligtad ang alon, ang bilang ng aura ng malalakas na halaw ay nagsimulang tumaas.

Isang dosena… ilang dosena… isang daan…

"...Sa tingin ko ay nakapasok na tayo sa kawan ng limitless ocean whales."