webnovel

Balyena

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang huling hiningang kinuha niya mula sa Ancient Dream Realm ay kumakalatna ngayon sa kanyang katawan.

Kahanga-hangang pinalakas ng sinaunang aura na ito ang kanyang katawan at kaluluwa.

"Ito… Ang nanakuhang pinsala sa loob ng Ancient Dream Realm ay naipapakita sa realidad. Ang nga bagay sa loob nito ay maaari ring mailabas?"

Ang isip ni Zhao Feng ay tila sumabog.

Kahit na ang Ancient Dream Realm ay labis na mukhang totoo, pumasok lang si Zhao Feng sa kaniyamg kamalayan. Mula sa kanyang pagtingin, isa lang itong ilusyon.

Gayunman, ang resulta ay kahanga-hanga. Napagtanto ni Zhao Feng na ang Ancient Dream Realm ay hindi isang simpleng mundo ng mental energy.

Miao miao!

Ang munting pusang magnanakaw ay tumalon sa balikat ni Zhao Fenf at nagsimulang higupim ang parte ng sinaunang aura na lumabas.

Hindi rin naman kayang ganap na higupin ng katawan ni Zhao Feng ang aura, kaya ang natitira ay hinigop ng munting pusang magnanakaw.

Miao miao!

Ang munting pusang magnanakaw ay mukhang labis na natutuwa matapos na mahigop ang sinaunang aura.

"Ang aura na ito ay mukhang nakakatulong nang malaki sa akin."

Si Zhao Feng ay pumikit.

Una, ang kanyang bloodline ay mukhang nalinis at napalakas. Karaniwang nangyayari lang ito kapag may mahusay na paglagpas ang isang tao.

"Ang aking katawan at bloodline ay naging mas malakas."

Mahinang sumuntok si Zhao Feng at naramdamang mas malakas na ang kanyang katawan ngayon.

Ang pinakahalatant pagbabago ay ang kanyang bloodline power. Ang aura ng kanyang aura ay mas dalisay na ngayon, at may bakas pa ng "pagbaybay sa mga ninuno."

Bo~

Isang alon ng tubig ang pumalibot kay Zhao Frng at ang enerhiya ay mas dalisay kaysa noon.

"Isang aura mula sa sinaunang panahon…"

Bahagyang nayanig any Ice Imperial Spear, at any lamig na nanatali sa loob nito ay namulat na. Tila nakarinig si Zhao Feng ng isang boses. Malamang ay ito ang espiritu sa loob ng Earth-Grade inheritance weapon.

Ang mga Earth-Grade weapon ay mga bagay na nasa ilalim ng Heaven-Grade, at ito ay karaniwam para sa kanilang magkaroon ng mga espiritu.

"Ang Ice Imperial Spear ay bahagyang hindi kumpleto, ngunit tila naghilom na ito at nanumbalik nang bahagya ang lakas."

Nalaman ni Zhao Femf na ang Ice Imperial Spear ay kaya ring makahigop ng sinaunang aura mula sa Ancient Dream Realm.

Ang ganitong mga pagbabago ang nakagulat kay Zhao Feng at nakapagpasaya.

Kahit kaunting hininga lang mula sa Ancient Dream Real ay marami nang paggagamitan. Ang munting pusang magnanakaw, ang kanyang Earth-Grade weapon, si Zhao Feng mismo ay nagkaroon ng pakinabang mula rito.

Makalipas ang tatlong araw, ang mga pinsala ni Zhao Feng ay naghilom na, at pumasok muli siya sa Ancient Dream Realm.

Sa pagkakataong ito, nakatagal si Zhao Feng nang limang hininga, at sa loob ng limang hininga, nakahigop si Zhao Feng ng dalawang beses ng nahigop niyang ancient aura noon.

Hu~

Ginawa ni Zhao Feng lahat ng kanyang makakaya para ganap itong mahigop.

Mas pinaganda ng aura na ito ang mga katangian ng kanyang katawan ay mukhang binago ang bawat kalagayan ng may buhay. Ang kanyang bloodline power ay mas naging dalisay.

Miao miao!

Ang munting pusang magnanakaw ay umupo kay Zhao Feng at kaagad na hinigop ang aura mula sa Ancient Dream Realm.

"Source of True Spirit!"

Nagliwanag ang mga mata ni Zhao Feng nang mapapasok niya ang ilang Ancient Dream Realm da Source of True Spirit.

Nagulat siya muli. Nang mahigop na ng kanyang Source of True Spirit ang ancient aura, ang kapangyarihan ng Wind Lightning ni Zhao Feng, kasama ang Purple Destruction Lightning, ay nalinis at naging dalisay.

Syempre, ang pagtaas na ito ay kaunti lang at mararamdaman lang kapag pinagtuunan ito ng pansin. Gayunman, si Zhao Feng ay labis na masaya. Ang aura na ito ay labis na epektibo para sa lahat.

Tulad nito, pinasok ni Zhao Feng ang Ancient Dream Realm nang tatlo pang beses, at ang pinakamatagal na oras na ginugol niya rito ay walong hininga.

Syempre, kapag mas matagal siyang naroon, mas malala ang kanyang mga pinsala at mas matagal itong maghilom.

Tatlong beses ang nakalipas, ang katawan ni Zhao Frng at bloodline ay kapansin-pansing lumakas.

Naramdaman niyang may napakalakas na kapangyarihan bawat pulgada ng kanyang katawan, at sa loob lang ng maiksing buwan, ang kanyang katawan ay maikukumpara na sa ilang mga Sovereign.

Ang kanyang Source of True Spirit ay naging mas dalisay din.

"Kapag ito ay nagpatuloy, malapit na akong makakalagpas sa peak True Lord Rank."

Si Zhao Feng ay puno ng pag-asa. Dahil sa ang kanyang mental energy ay nasa lebel na ng Sovereign, kapag naabot na niya ang peak True Lord Rank, bigla siyang mapupunta sa half-step Origin Core Realm.

Sou~~ Di!Da!

Dumaan ang Blue Lightning Sea Sky Ship sa karagatan na tila isang isda.

Boom~~~~

Sa isang sandali, isang napakalaki at makapangyarihang aura ang lumitaw sa harapan ng barko.

"Hindi ito maganda, mukhang nay napakalakas na halimaw sa ating harapan."

Nagpadala ng mga kautusan si Loulan ZhiShui sa mga mandaragat sa loob ng silid pangkontrol, at nabagabag din.

Ang aura na palapit ay mas malakas sa karamihan ng mga Sovereign, at sa tunog nito, mukhang isa itong malaking hayop.

"Patingin."

Binuksan ni Zhao Feng ang kaniyang God's Spiritual Eye.

Shua!

Isang napakalaking balyenang may ilang milyang lapad ang nagpakita.

Ang balyenang ito ay siguradong ang pinakamalaking hayop na nakita ni Zhao Feng. Sa pagpapatalsik lang, makakagawa na ito ng mga along ilang dosenang milya ang laki na makakapagbaha sa mga siyudad.

"Ito ang isa sa mga pinakamalakiny hayop sa karagatan - ang balyena ng walang hanggang karagatan!"

Sumigaw si Loulan Zhishui at namutla nang makita ang imaheng ipinadala ni Zhao Feng.

"Balyena ng walang hanggang karagatan? Ang maalamat na hakinaw? Kapag tumanda na ito, maikukumpara na sa isang Sovereign ang batyle-power nito."

Ang mga mandaragat sa barko ay nagulat at kaagad na tumulong kay Loulan Zhishui.

Shua!

Pinanatili muli ni Zhao Feng ang kapangyarihan ng kanyang mata at naging seryoso ang kanyang ekspresyon.

Ang balyena ng walang hanggang karagatan ay napakalaki, ngunit ang lifeforce nito ay napakalakas. Kahit ang mga Sovereign ay hindi ito kayang harapin.

"Palibutan ito, dali!"

Ginawa ni Loulan Zhishui at ng nga mandaragat ang lahat ng kanilang makakaya para iwasan ang lugar.

Boom~~~ Boom~~~~

Sumugod ang balyena at ang katawan nito ay nakagawa ng malalim na kalabog.

Sa harapan ng balyenang ito, ang Blue Lightning Sea Sky Ship ay isa lang tuldok.

Peng~

Ang Blue Lightning Sea Sky Ship ay naihagis sa paligid ng karagatan, at ang lahat sa barko ay nawalan ng balanse.

"Skeletal Division Leader!"

Sumigaw si Zhao Feng.

"Opo, master."

Lumitaw ang skeletal Division Leader at pinigilan ang isang alon sa kanilang harapan. Ito ay sapat para makapatay ng normal na True Lord Rank, ngunit ang mga buto ng skeletal Division Leader ay napakatibay matapos na isama sa Nine Deadly Yin Bone, kaya kaya nitong mapigilan nang harapan ang mga atake ng mga Sovereign.

"Ihanda na ang pormasyon!"

Iwinagayway ng skeletal Division Leader ang itim na bandila at ang power of the curse ay nagsimulang kumalat.

Hu~~

Higit sa 80 ghost-corpses ang lumitaw sa Ghost Corpse Cursed Array, at ang power of the curse ay nakaabot na sa hindi kapani-paniwalang lebel.

Sa isang kisapmata:

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Ang power of the curse ay naging mga isang daang yardang ahas at dragon na umatake sa balyena ng walang hanggang karagatan.

Shu~~~~

Kahit ang kasinglakas ng balyena ng walang hanggang dagat ay nawalan ng lifeforce nang lamunin ng Ghost Corpse Cursed Array.

Wu~~

Ang balyena ng walang hanggang karagatan ay sumigaw ay niyanig ang karagatan.

"Isang napakalakas na lifeforce! Kahit ang isang normal na Small Origin Core Realm at hindi makakatagal ng sampung hininga laban sa Ghost Corpse Cursed Array."

Si Zhao Feng ay nagulat. Ang balyena ng walang hanggang karagatan ay napakalaki, at ang lifeforce nito ay napakaraming beses na mas malakas sa mga Sovereign.

Sa battle-power, ilang mga normal na Sovereign ang siguradong katapat nito.

Pi! Pa! Boom~~~`

Giumamit ang skeletal Division Leader ng Ghost Corpse Cursed Array para maprotektahan ang barko habang kinakalaban nito ang balyena ng walang hanggang karagatan.

Sa umpisa, ang skeletal Division Leader ay walang kalamangan, ngunit habang tumatagal, ang lifeforce ng balyena ng walang hanggang karagatan ay nilalamon at hinihigop ng Ghost Corpse Cursed Array.

Makalipas ang isang oras, ang balyenang may laking ilang milya ay labis na nanghina at hindi na makalaban sa skeletal Division Leader.

"Zhe zhe zhe… Mas mabuti pang kainin ang mangmang na ito kaysa lamunin ang ilang mga Sovereign."

Iwinagayway ng skeletal Division Leader ang itim na bandila. Sa sandaling ito, nagsimulang magdugo ang napakalaking balyena, at ang katawan nito ay nagiging balat at buto na lang.

Nang makita ito ng mga mandaragat sa barko, nanlamig sila.

Ang Ghost Corpse Cursed Array ay nakaabot na sa nakakasindak na lebel.

"82 cursed ghost-corpses."

Tumango si Zhao Feng.

Boom~~~ Boom~~~ Boom~~~

Sa mismong sandaling ito, sunod-sunod na umalingawngaw ang mga sigaw at alon.

Hmm?

Napagalaw ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng.

Hindi ito maganda!

Nakaramdam ang skeletal Division Leader ng malaking ragasa ng mga aura, wala sa mga ito ang mas mahina sa balyena sa kanilang harapan.

Isa… dalawa… tatlo...

Sa loob ng maiksing sandali, nakaramdam ang skeletal Division Leader ng halos sampung balyena ng walang hanggang karagatan, at dumadami pa ito, na nagpatalon dito dahil sa takot.

Kailangang malamang ang battle-power ng bawat balyena ay maikukumpara sa late-stahe Small Origin Core Realm, at napakahirap nitong patayin.

"Atras! Siguradong makakaharap tayo ng mapakalaking grupo nila."

Sigaw ni Zhao Feng.

Hindi nangahas ang skeletal Division Leader na lumaban pa. Agad nitong itinabi ang Ghost Corpse Cursed Array.

Gulu~

Naglakbay ang Blue Lightning Sea Sky Ship sa pinakamabilis na kaya nito papunta sa pampang.

"Hangga't wala tayo sa karagatan, magiging litas tayo."

Alam ito ni Zhao Feng at kanyang mga kasama. Ang karagatan ay teritoryo ng mga balyena, at ang Blue Lightning Sea Sky Ship ay nakakapaglakbay nang mas mabilis sa langit.

Bam! Bam!

Tumanggap ang Blue Lightning Sea Sky Ship ng ilang matitinding atake.

Higit sa isang dosenang napakalaking anyo ang lumapit sa barko.

Sou!

Sa saglit na sandali, ang Blue Lightning Sea Sky Ship ay nakaiwas sa mga bunganga ng ilang balyena at nagawang mapunta sa hangin.