webnovel

Pagtaas ng Cultivation

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"… Sa tingin ko ay nakapasok tayo sa isang kawan ng limitless ocean whales."

Ang mga anit ng lahat ng nasa loob sa barko ay nanginig sa takot.

Sa kailaliman ng karagatan, ang bawat aura ay kumakatawan sa isang mala-alamat na limitless ocean whale.

Karamahin sa mga whales na ito ay nasa hustong-gulang na at ang kanilang bawat battle-strength ay lagpas sa mga normal na Sovereigns.

Ang pagsasama-sama ng maraming whales ay sapat na upang gutay-gutayin ang mga kaluluwa ng mga eksperto.

Sii!

Nanlamig ang paghinga ng lahat ng taong naroroon.

Peng! Peng! Peng!

Ang pagkabog ng kanilang mga puso ay malinaw na malinaw sa loob ng barko.

"Ang mga tao lamang na nasa Void God Realm ang makakatakas nang walang pinsala. Kahit ang mga nasa Great Origin Core Realms ay mamamatay."

Nanginig ang puso ni Zhao Feng. Mayroong ilang mga whales sa grupo na kasinglakas ng isang kinalalagyan nila ngayon.

Ang mas malalaking whales na ito ay mayroong malakas na lifeforce, at kahit ang mga normal na Great Origin Core Realm Sovereigns Lords ay hindi magagawang lumaban sa kanila nang tapatan.

Sa sitwasyong ito, walang magawa si Zhao Feng kundi itago ang kaniyang aura.

Gulu~~~

Dumaan ang whale sa karagatan at nagpadala ng malakas, at malalim na mga tunog nang batiin nito ang ibang mga whales sa malapit.

Ang mga puso ng lahat na nasa loob ng barko ay nanginig, at ang mga apoy sa mga lalagyan ng mata ng skeletal Division Leader ay nababalisa. Hindi pa ito sumailalim sa ganitong karanasan na nakakapanginig ng kaluluwa kahit noong era ng Scarlet Moon Demonic Religion.

Biglaan:

Wu~~

Isang makapangyarihang aura mula sa kailaliman ng karagatan na nagdulot upang magyelo ang Heaven Earth Yuan Qi. Sa sandali na iyon, nanginig ang bawat whale at magalang silang "yumukod".

Kahit ang whale na lumamon ng kanilang barko ay bahagyang nanginig, ay hindi maitago ang kaniyang paghanga at paggalang sa kanilang puso.

"Maaari bang isa itong Void God Realm whale?"

Si Zhao Feng at ang iba pa ay hindi masiyadong nakakapag-isip dulot sa presyon sa kanilang kaluluwa.

Naramdaman muli ni Zhao Feng ang aura ng Void God Realm sa Purple Saint Ruins, subalit ang aura nito ay mas malinaw.

"Ang aura na ito ay maaaring isang limitless ocean whale king."

Nanginig ang katawan ni Loulan Zhisui, at kumunsumo siya ng maraming enerhiya upang magsalita.

Limitless ocean whale king.

Ang Heaven Earth Yuan Qi at ang mga alon sa karagatan ay nanigas nang panandalian.

Ang katawan ng whale king ay berde, at mayroon itong mga halaman na tumutubo sa panlabas ng katawan nito.

Pasimpleng binuksan ng whale king ang mga nito at sinuri ang kapaligiran, nagpapakawala ng isang maharlikang aura.

"Ang limitless ocean whale king ay tiyak na nakaabot na sa Void God Realm. Bilang isang halimaw ng karagatan, napalaki ng sukat nito… Maaaring isa itong mas mataas na uri ng nilalang."

Kahit ang kaluluwa ni Zhao Feng ay napipigilan.

Sa puntong ito, lahat sila ay hindi makahinga. Hindi sila naglakas-loob na gamitin ang kanilang Spiritual Sense, at kahit ang kanilang mga iniisip ay napipigilan.

Subalit, nararamdaman nilang lahat ang whale king.

Shua!

Sinuri ng mga mata ng whale king ang grupo ng whales, at ang paningin nito ay lumapag sa whale na naglalaman kay Zhao Feng at ng iba pa para sa ilang sandali.

"Hindi maganda!"

Ang lahat ng nasa loob ng barko ay nararamdaman ang tingin ng whale king.

Ang presyon sa kanilang mga kaluluwa ay mas lumakas, at pakiramdam nito na maaari itong mabasag sa kahit anong oras.

Peng! Peng! Peng! Peng!

Bumilis ang puso nilang lahat at halos lumundag sa kanilang mga lalamunan.

Subalit, ang titig ng whale king ay nanatili sa kanila sa ilang sandali lamang bago tumalikod.

Hu~

Ang lahat ng nasa loob ng barko ay napahinga nang matagal.

Plop! Plop!

Ang ilang mga mandaragat ay nahulog sa sahig, at ang likuran ni Zhao Feng ay nabasa ng malamig na pawis.

Wala silang pag-asa laban sa isang Void God Realm King.

Naramdaman na sila ng whale king, subalit wala silang ginawa.

Naisip ito ni Zhao Feng.

Malinaw na naramdaman ng lahat ng tao sa loob ng barko ang titig mula sa whale king, subalit wala itong ginawang kahit ano. Mukhang wala talaga itong pakialam sa kanila. Maaaring ang mga tao sa loob ng isang whale ay hindi bihirang makita.

"Naiintindihan ko na."

Ginawa ng skeletal Division Leader ang lahat ng makakaya nito upang panatilihin ang pagiging kalmado nito, "Masiyadong walang pakialam ang whale king na ito upang istorbohin tayo. Sa mga mata nito, langgam lamang tayo."

Sa pagkarinig nito, ang lahat ay napahinga at napuno ng kaligayahan.

Ang whale king ay isa sa mga mas malalakas na nilalang sa walang hanggang karagatan. Sa mga mata nito, ang mga Sovereigns na ito ay langgam. Dagdag pa rito, si Zhao Feng at ang iba pa ay nalamon na ng isa sa mga kasamahan nito.

Habang sila ay napupuno ng kaligayahan, hindi rin nila mapigilang maging dismayado at malungkot. Kailan ba sila tunay na lumigaya sa pagiging mahina?

Kung sila Zhao Feng at ang iba ay mas mataas ng isang realm, maaari nilang makuha ang atensyon ng whale king, at magiging iba sana ang sitwasyon.

Gulu~~

Ang whale kung nasasaan sila ay lumangoy at nakakita ng lugar na pagtutulugan.

Di! Da!

Habang natutulog ang whale, ang acid ay biglang tumaas sa halip na bumaba, dahil dito naselyuhan ang Blue Lightning Sea Sky Ship sa tiyan nito.

Hinala ni Zhao Feng na ang realm na ito ng acid ay ang daan sa pagtutunawan ng whale.

Makalipas ang isang oras, natulog nang mahimbing ang whale, at ang makapangyarihang aura sa harapan ay naglaho.

"Kadalasan, ang limitless ocean whales ay natutulog. Magpupunta lamang sila sa labas upang maghanap ng pagkain sa oras na sila ay magising."

Paliwanag ni Loulan Zhishui nang gumaan ang pakiramdam niya.

Naging tahimik ang grupo. Ang barko ay nagtatagal lamang ng dalawa o tatlong buwan sa hangganan nito. Makalipas nito, malulusaw na ang barko.

"Captain, ano ang gagawin natin?"

Nagsalita si Loulan Zhishui makalipas ang ilang sandali.

"Sandali."

Sambit ni Zhao Feng. Kahit na mayroong silang abilidad upang makatakas, hindi sila maglalakas-loob na gawin ito.

Bukod sa napapalibutan sila ng isang kawan ng limitless ocean whales, mayroon ding isang Void God Realm whale king. Kaya naman, mas magandang wala na lamang silang gawin.

Dagdag pa rito, ang battle-power ng whale na kumain sa kanila ay

Sa loob ng silid ng Captain:

"Makakaabot na sa peak True Lord Rank ang aking cultivation. Ang saradong kapaligiran na ito ay mas nararapat para sa cultivation."

Marahang ipinikit ni Zhao Feng ang kaniyang mga mata.

Ang pagpasok sa Ancient Dream Realm ay talagang maganda para sa kaniya, at ang kaniyang bloodline at katawan ay mas lumakas. Kahit ang kaniyang Source of True Spirit at ang Purple Lightning ay mas naging pino.

Kung mental energy at katawan ang pag-uusapan, si Zhao Feng ay maikukumpara sa isang Sovereign. Siyempre, mayroon pa ring distansya sa pagitan ng bone strengthening ng skeletal Division Leader at sa kaniyang katawan.

Sa ganitong sitwasyon, labis na mabilis tumataas ang cultivation ni Zhao Feng.

Sa paglipas ng oras, si Zhao Feng ay pumapasok si Zhao Feng sa Ancient Dream Realm kada ilang araw at humihigop ng aura mula rito.

Sa kasalukuyan, nakakatagal siya hanggang siyam na paghinga sa loob. Ito ang kaniyang hangganan sa ngayon.

Sa bawat pagbabalik niya, sinusubukan ni Zhao Feng makahigop ng kung ano ang makakayanan niya.

Miao miao!

Hinigop ng munting pusang magnanakaw ang mga bakas ng aura na lumabas.

Hindi alam ni Zhao Feng na, kung hindi para sa paghigop ng munting pusang magnanakaw sa aura na lumalabas sa kaniyang katawan, maiistorbo ang whale king.

Hinigop ng munting pusang magnanakaw ang bawat katiting na natitira sa sinaunang aura, at sa bawat oras na ginawa niya ito, bahagyang nanginginig ang bloodline ng munting pusang magnanakaw. Subalit, ang bloodline ng munting pusang magnanakaw ay napakabihira at napakabagal ng paglago nito. Kahit si Zhao Feng ay hindi maintindihan.

Sa wakas, matapos ang isang buwan ng cultivation, isang malaking aura ang rumagasa mula sa barko.

"Peak True Lord Rank."

Pinigilan ni Zhao Feng ang pagkalat ng kaniyang aura kung saan-saan.

Sa sandaling ito, parehas ang kalidad at sukat ng kaniyang Source of True Spirit ay nakaabot sa hangganan. Ang Peak True Lord Rank ay ang hangganan ng Three Heavens ng True Spirit Realm.

"Nagbreakthrough ang Captain?"

May naramdaman ang lahat ng mga mandaragat. Suwerte, ang Blue Lightning Sea Sky Ship mismo ay mayroong abilidad upang takpan ang mga pandama, at malalim din ang tulog ng whale, kaya't wala itong naramdamang istorbo mula sa mga "katiting" na ito.

"Peak True Lord Rank. Ito pa lamang ang unang hakbang."

Hindi tumigil sa pagcultivate si Zhao Feng. Nitong nakaraang buwan, pumasok siya sa Ancient Dream Realm nang lima o anim na beses, at ang kaniyang katawan at bloodline ay mas lumakas pa.

Kahit na kararating pa lamang niya ng Peak True Lord Rank, ang kaniyang pundasyon ay napakatibay na.

Ang kaniyang kaluluwa, katawan at intent ay lahat nakaabot na sa Sovereign.

Mayroon na rin siya ng bagay na nagkukulang siya – Heaven Earth Yuan Qi. Nag-ipon siya ng maraming Primal Crystal Stones sa loob ng kaniyang interspatial ring, pati na rin ng iba't ibang mga resources na may relasyon sa Wind at Lightning.

Makalipas ang isang buwan, ang Source of True Spirit ni Zhao Feng ay mas lumapot, at ang asul na kulay ay napalitan ng isang kulay lila. Dagdag pa rito, ang kaniyang likidong Source of True Spirit ay mas nagiging solido.

Ang Source of True Spirit ni Zhao Feng ay nagsisimula na maging isang "Origin Core". Ang Origin Core ay ang sentro ng isang Sovereign, na naglilipon ng lahat ng kanilang mga kapangyarihan, at ang kanilang True Force ay magiging True Yuan.

Ang mga Origin Cores at True Yuan ay parehas na lagpas sa Sources of True Spirit at True Force.

Siyempre, ang half-step Origin Core Realm ay nangangahulugan na half-step True Yuan.

Sa isang kurap ng mata, isa na namang buwan ang nakalipas.

Ang katawan ni Zhao Feng ay nakabuo na agad ng kaunting half-step True Yuan, at ang karamihan dito ay mayroong bahagyang lilang kulay, samantalang ang iba ay nanatiling asul.

"Pagbati sa'yo Master sa pagtungtong sa half-step Origin Core Realm!"

Maririnig ang boses ng skeletal Division Leader.

Sa maikling panahon lamang ng isa't kalahating buwan, nakatungtong na si Zhao Feng sa peak True Lord Rank at sunod ay sa half-step Origin Core Realm. Ito ay isang godlike na bilis.

Kahit na ang ibang tao ay magugulat kapag narinig nila ito, alam ng skeletal Division Leader na ito ay dulot sa katotohanang mayroong solidong pundasyon si Zhao Feng.

Ang mental energy, kaluluwa, katawan at bloodline ni Zhao Feng ay lahat nakaabot na sa Origin Core Realm. Ang tanging bagay na pumipigil sa kaniya ay ang kaniyang cultivation. Kaya't, hindi na kakaiba para kay Zhao Feng ang mabilis na makaabot sa half-step Origin Core Realm sa pagtungtong niya sa peak True Lord Rank.

Matapos makaabot sa half-step Origin Core Realm, hindi pa rin tumigil si Zhao Feng.