webnovel

Muling Pagmamanman sa Ancient Dream Realm

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa limitless ocean, sa mga sulok ng Tianlu Islands, ang Blue Lightning Sea Sky Ship ay mas lalo pang naglakbay palayo sa Eight Desolate Mountain.

Sa loob ng pahingahan ng kapitan:

Peng! Peng! Peng! Peng!

Nagsimulang tumibok ang kaliwang mata ni Zhao Feng sa pagbabanta nito. Ang aura mula sa Eye of Death na nasa loob ng kailaliman ng kaniyang kaliwang mata ay rumagasa.

Naramdaman ni Zhao Feng na ang presyon at panganib sa loob ng kaniyang kaluluwa na mas naging malinaw, at napabuntong-hininga na lamang siya.

Kung hindi niya ginamit ang Void Space Eye Slash, hindi siguro siya mararamdaman ng Emperor of Death. Maaaring isipin na siguro ay sinubukan ng Emperor of Death na dali-daling sundan si Zhao Feng.

Subalit, hindi pinagsisihan ni Zhao Feng ang kaniyang desisyon. Nang hindi ginagamit ang pinakamalakas niyang atake, ang skeletal Division Leader at siya ay walang kuwenta laban kay Lord Hu Suo.

"Skeletal Division Leader."

Sinuri ni Zhao Feng ang mga pinsala ng skeletal Division Leader sa loob ng Ten Thousand Ghost Pearl. Marami sa mga buto nito ang nabali, at kalat ang mga warak sa katawan nito.

"Suwerte, dahil naligtas ako sa tamang oras ni Master, kaya't pisikal lamang ang aking mga pinsala. Ang pundasyon at sentro ko ay ligtas pa. Ngayon na ang Nine Deadly Yin Bone ay sumanib na sa akin, maaari na akong gumaling sa loob ng dalawang buwan sa loob ng Ten Thousand Ghost Pearl."

Nagpapasalamat na sinabi ng skeletal Division Leader.

Tumango si Zhao Feng. Suwerte, dahil cinultivate ng skeletal Division Leader ang Dao of Bone Strengthening, kaya't labis na matatag ito.

Kung isang normal na Sovereign ang nasa lugar ng skeletal Division Leader, malamang ay hindi sila makakaabot sa loob ng kalahating oras na itinagal niya.

Sa isang kurap ng mata, dalawa o tatlong buwan na ang nakalipas.

Ginugol ni Zhao Feng ang halos lahat ng kaniyang oras sa cultivation. Ito ang isa sa mga benepisyo kapag mayroon kang barko; habang nasa paglalakbay, maaaring magcultivate ang isang tao imbes na lumipad.

"Zhishui, nasaan tayo?"

Maririnig ang boses ni Zhao Feng sa isipan ni Loulan Zhishui.

"Captain."

Yumukod si Loulan Zhishui sa direksyon ng silid ng Captain. Ang Captain ang lider ng barko, at noong labis na napinsala ni Zhao Feng si Lord Hu Suo, ang lahat ng mandaragat ay nagpapasalamat at nagtataka tungkol sa Captain.

"Nasaan tayo?"

Muli na namang nagtanong si Zhao Feng. Ginugol niya ang mga nakaraang buwan sa pagcultivate at hindi binigyang-pansin ang panlabas na mundo.

"Captain, kakapasok pa lamang natin sa mga hangganan ng Thousand Flowing Islands."

Sambit ni Loulan Zhishui.

"Kapapasok pa lamang sa panlabas na hangganan?"

Kumunot ang mga kilay ni Zhao Feng.

Gumugol sila ng dalawa o tatlong buwan upang makalabas sa Tianlu Islands at pumasok sa Thousand Flowing Islands. Mas mabagal sila kaysa sa inaakala niya. Kung magpapatuloy sila nang ganito, sinong makakaisip kung kailan sila makakarating sa teritoryo ng Floating Dream Sacred Land?

Tumingin si Zhao Feng sa mapa ng Cang Ocean.

Ang Cang Ocean ay mayroong tatlong malalaking Spiritual Sacred Lands, at sa kasalukuyan sila ay nasa teritoryo ng True Martial Sacred Land.

Ang Azure Flower Continent ay pagmamay-ari ng Azure Islands, kung saan ito ay teritory ng Tianlu Island Zone. Ang Tianlu Island Zone at ang Thousand Flowing Island ay parehas na nasa loob ng teritoryo ng True Martial Sacred Land.

Batay sa kaalaman ni Zhao Feng, ang True Martial Sacred Land ay kumukontrol sa ilang daang mga zones gaya ng Tianlu Island Zone. Mula rito, makikita kung gaano ito kalayo mula sa isang Spiritual Sacred Land hanggang sa isa pa.

"Captain, dahil tayo ay nagtatago sa mga kailaliman ng karagatan, ang speed natin ay lubos na mas mabagal. Ang pagkakaiba ay aabot hanggang sa sampung beses. Dagdag pa rito, ilang beses na tayong napapadaan sa mga makakapangyarihang mga halimaw. Ang barko ay ilang beses nang naatake."

Paliwanag ni Loulan Zhishui.

Sa pagkarinig nito, nagsimulang mag-isip si Zhao Feng. Ang pagpipigil na mula sa loob ng karagatan ay mas malakas kaysa sa inaakala niya, at kinakailangan nilang lumabas sa daan nang mas maraming beses.

Suwerte, ang Blue Lightning Sea Sky Ship ay isa sa mga pinakamagagandang barko sa buong Eight Desolate Mountain; ang mga depensa nito ay kayang tumanggap ng ilang tira mula sa isang normal na Sovereign, at labis itong naitatago.

Ngunit kahit ganoon pa, hindi posible para sa Blue Lightning Sea Sky Ship na basta-basta na lamang gumala sa karagatan.

Mayroon pang higit sa ilang mga halimaw sa karagatan na nakaabot sa Origin Core Realm.

"Ang panlabas ng barko ay napinsala nang ilang beses. Kung magpapatuloy ito, ang bilis nito ay babagal at ang kaligtasan ng mga mandaragat ay maisasapanganib."

Pag-uulat ni Loulan Zhishui.

"Kung ganoon ano ang mungkahi mo?"

Hindi mapigilang himasin ni Zhao Feng ang kaniyang noo. Hindi naging madali ang mga bagay gaya ng inaakala niya.

"Sa tingin ko ay kailangan nating lumipad na lamang sa ere. Ang hadlang sa ere ay mas maliit kaysa sa mismong karagatan, at ang mga pagkakataon na makatagpo ng halimaw ay mas mababa."

Minungkahi ni Loulan Zhishui, at kailangang tanggapin ni Zhao Feng na lohikal niyang pinag-isipan ito.

Subalit:

"Hindi."

Dali-daling umiling si Zhao feng at tinanggihan ito.

"Bakit…?"

Hindi maintindihan ni Loulan Zhishui. Lohikal na lohikal ang sinabi niya.

Ngayon na nakapasok na sila sa isang bagong island zone, ang banta mula sa tatlong sects at sa Eight Desolate Mountain ay mas maliit, kaya't maaari nilang mapataas ang kanilang bilis.

"Hindi mo na kailangang tanungin kung bakit. Para sa pinsala ng barko, subukan mo na lamang itong ayusin."

Hindi nagpaliwanag si Zhao Feng. Ang totoong panganib na kaharap nila ngayon ay ang Emperor of Death, hindi ang tatlong sects.

Dahil ang koneksyon sa pagitan niya at ng scorpion ay nasira na, hindi na siya maramdaman ng tatlong sects. Subalit, ang sitwasyon kasama sa Emperor of Death. Mayroon siyang paraan na maaaring makaramdam ng aura sa loob ng katawan ni Zhao Feng.

"Ang limitless ocean ay mayroong abilidad na pigilan ang Spiritual Sense; ito ay isang natural na barrier."

Mayroong mga sariling ideya si Zhao Feng. Sa pagitan ng bilis at kaligtasan, pinili ni Zhao Feng ang ikalawa nang walang pag-aalinlangan.

"Skeletal Division Leader."

Ang katiting ng kamalayan ni Zhao Feng ay pumasok sa Ten Thousand Ghost Pearl. Makalipas ang ilang mga buwan, ang pinsala ng skeletal Division Leader ay gumaling, at mas mabilis din sa inaakala.

Hindi lamang gumaling ang mga pinsala ng skeletal Division Leader, nagawa na nitong tutukan ang plano ng Hundred Corpse.

"Master, pitumpu't limang mga corpses na ang narefine ngayon."

Ang boses ng skeletal Division Leader ay mayroong bakas ng kaligayahan, at ang balita ay ikinasaya rin ni Zhao Feng.

Pitumpu't lima. Ang finish line ay dahan-dahan nang dumarating.

Ang bawat cursed ghost-corpse ay halos nasa peak True Lord Rank, at matapos makalamon ng ilang mga halimaw at Sovereign essences, ang kapangyarihan ng sumpa ay lumagpas na sa orihinal na sumpa mula sa Forbidden Ground of a Hundred Graves.

Ang Forbidden Ground of a Hundred Graves ay isang pagkamuhi lamang na nabuo mula sa pagpaslang ng isang daang True Lord Ranks, samantalang ang Ghost Corpse Cursed Array ni Zhao Feng ay nahigop na ang essence of Sovereigns.

Batay sa skeletal Division Leader, sa oras na makalamon ang Ghost Corpse Cursed Array ng isang daang Sovereigns, ang lakas nito ay labis na tataas.

"Tuloy-tuloy lang."

Tumango si Zhao Feng at ibinalik ang kaniyang kamalayan.

Sa loob ng silid ng captain, ipinikit muli ni Zhao Feng ang kaniyang mga mata. Ang kaniyang comprehension at cultivation ay patuloy na tumaas sa mga nakalipas na dalawa o tatlong buwan.

Malapit na siya sa peak True Lord Rank, subalit hindi siya makakapagbreakthrough sa loob ng maikling panahon.

Dagdag pa rito, mahirap para sa kaniyang cultivation na makapagbreakthrough sa limitless ocean kung saan walang masiyadong Heaven Earth Yuan Qi.

Pumunta tayo sa lugar na iyon.

Naisip ni Zhao Feng.

Shua!

Ang kaniyang kamalayan ay pumasok sa dimensyon ng kaliwa niyang mata. Sa loob nito, ang lawa ay lumawak hanggang sa pitumpu't pitong yarda.

Sa gitna ng lawa ay mayroong misteryosong ipo-ipong gawa sa tubig.

Di! Da!

Isang matamlay na sinaunang aura ang nagmula sa misteryosong ipo-ipo, at maingat na inilagay ni Zhao Feng ang kaniyang kamalayan dito.

Shua!

Nagdilim ang isipan ni Zhao Feng at, gaya noon, nakapasok siya sa estadong tila isang panaginip.

"Ancient Dream Realm."

Dumating si Zhao Feng sa isang malayong piraso ng kalupaan.

Ang piraso ng kalupaang ito ay napakaluma. Walang kahit anong senyales ng konstruksiyon sa kahit saan, at sa pagtayo pa lamang dito ay nagdulot na upang makaramdam ng kaba ang kaluluwa ni Zhao Feng.

"Ang Ancient Dream Realm na ito ay labis na kakaiba mula sa katotohanan. Ang lahat ng bagay ay napakaluma at simple…"

Nakaramdam si Zhao Feng ng Heaven Earth Yuan Qi rito. Ang sinaunang aura na kumawala mula sa dimensyon ng kaniyang kaliwang mata ay nanggaling dito.

Ang bawat kapiranggot na alikabok at buhangin ay naglalaman ng hindi lubos maisip na kapangyarihan.

Magpatuloy lang.

Ang katawan at kaluluwa ni Zhao Feng ay humaharap sa walang hanggang puwersa sa bawat sandali.

Kalahating paghinga… isang paghinga… dalawang hinga.

Ginamit ni Zhao Feng ang determinasyon niya upang harapin ang presyon.

Naalala niya, nakaraan, nagawa lamang niyang manatili rito sa loob ng tatlong paghinga, subalit sa oras na ito, handa na siyang harapin ang puwersa.

Wu~

Naramdaman ni Zhao Feng ang pagbaluktot ng kaniyang katawan sa sakit. Nagsusumigaw ang kaniyang mga buto, at ang kaniyang dugo ay humaharap sa aura ng mundong ito.

Kung mas lalong papalag si Zhao Feng, mas lalakas ang puwersa mula sa sinaunang mundong ito.

Ang tanging parte ng kaniyang katawan na hindi napupuwersa ay ang kaniyang God's Spiritual Eye. Binawasan ng God's Spiritual Eye ang presyon mula sa mundong ito upang hindi gawing isang "taga-labas" si Zhao Feng, dahil kung hindi sasabog siya at mamatay kahit na sampung beses siyang mas malakas.

Dalawang hinga… tatlong paghinga… apat na paghinga.

Naramdaman ni Zhao Feng na lumalapit na ang kaniyang katawan sa hangganan nito.

Sa wakas, sa apat at kalahating paghinga, hindi na makapagpatuloy si Zhao Feng.

Wah!

Dumura ng maraming dugo si Zhao Feng at nagdilim ang kaniyang isipan.

Hu~~

Sa isang sandali bago siya maglaho, humigop ng isang paghinga ng sinaunang aura si Zhao Feng.

Sa sumunod na pagkakataon, sa silid ng captain, sa kailaliman ng limitless ocean:

Shua!

Binuksan ni Zhao Feng ang kaniyang mga mata at pinunasan ang dugo mula sa kaniyang mga labi.

Ang pinsala mula sa Ancient Dream Realm ay lumitaw din sa katotohanan. Naranasan niya na rin ito nakaraan.

"Hmm?"

Biglang naramdaman ni Zhao Feng na marahang kumakalat ang sinaunang aura sa kaniyang katawan.

Nang mangyari ito, gumaling ang kaniyang katawan at kaluluwa.

Di! Da!

Ang bloodline power sa kaniyang katawan ay parang isang tuyot na kalupaang humihigop ng tubig matapos ang pag-ulan.