webnovel

Tatlong Spiritual Sacred Lands

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Ang Emperor of Death ay ipinadala para sa Four Death Spirit Lords at tatlumpu't anim na Death Guards."

Isang itim na Yin Shadow Bird humuni sa tapat ng ancient palace of death. Kasabay nito, nagdilim ang aura of Death.

"Bridge of Death? Nagpala si Master ng mahaba-habang sikretong teknik upang maipadala ito sa Camg Ocean."

Saad ng isang nag-iinit na kabataang lalaki.

Isang matangkad na lalaki at maliit na babae ang naglalakas patungo sa palasyo. Ang lalaki ay nakatayo sa harap nang malungkot na palace of death. Ang babae ay nasa walo o siyam na taong gulang.

Kasing puti ng niyebe ang mukha ng babae, ang kakaiba lamang ay wala siyang cultivation. Ang kanyang mata ay kulay puti rin.

Sa harap ng antigong palasyo, ang mas nagpakakaiba pa rito ay ang lalaki at ang babaeng kulay puti ang mata ay magkasamang nakatayo.

"Si Master… ay pagod na pagod na…"

Ang babaeng may puting amta ay tinignanang kailaliman ng antigong palasyo.

Ang antigong palasyo ay may makapangyarihang aura of Death na humaharanag sa lahat ng uri ng mental energy at senses.

"Pagod? Siyempre."

Ngumiti ang nag-iinit na lalaki at hindi bakas sa kanya ang pagka inip, "Matagal kang nawala sa panlabas na mundo kaya hindi mo alam kung gaano kalaki ang Cang Ocean. Ang bawat isa sa tatlong Spiritual Sacred Lands ay may kontol na ilang daang island zones, at bawat island zones na ito ay may ilang dosenang isla kagaya ng tinatawag na 'Nine Destiny Continent."

Ang maliit na babaeng may puting maat ay masayang tinignan ang nag-iinit na kabataan.

"Uh… Nakalimutan ko na hindi mo nga pala alam ang Consolidated Realm, Ascended Realm at True Spirit Realm…"

Bahagysng nailang ang lalaki. Ang maliit na babae sa kanyang harapan ay tila isang blankong papel na walang alam.

Sou! Sou! Sou!

Matapos ang ilang sandali, isang madilim at makapangyarihang aura ang lumapit sa antigong palasyo.

Sou! Sou! Sou!

Ang bawat aura na ito ay doble sa lakas ni Lord Hu Sou o ng Eight Desolate Sovereign Lord

Ang maliit na bilang nila ay mas malakas la sa tatlong Void God Realms sa labas ng Purple Saint Ruins.

"Hmm? Kakaiba iyon. Bakit sabay na nilabas ni Master ang apat na Death Spirit Lords at tatlumpu't anim na Death Guards?"

Saad ng nag-iinit na kabataan sa kanyang sarili.

Parami nang parami ang mga taong lumilitaw sa harap ng palasyo at sa loob lamang ng isang oras, ang apat na Death Spirit Lords at tatlumpu't anim na Death Guards ay nagtipon-tipon.

Ang apat na Death Spirit Lords ay tumayo sa harapan na tila kumikislap na liwanag. Walang makakita sa kanila nang malinaw. Masasabi lamang nang mga nakakakita na sila ay tatlong lalaki at isang babae.

Sa tabi ng apat na Death Spirit Lords ay tatlumpu't anim na Death Guards. Ang bawat isa sa tatlumpu't anim na Death Guards ay may itim na balabal at walang emosyon.

"Keke."

Ang babaeng may puting mata ay tumawa noong makita ang mga makapangyarihang nilalang na ito.

Shhhh!

Ang nag-iinit na kabataan ay hinila siya sa braso at nagsalita sa mababang tono, "Junior Martila Sister, ang apat na Death Spirit Lords na iyo ay mga Void God Realm at ang tatlumpu't anim na Death Guards ay mga elites mula sa Great Origin Core Realm. Ang mga Normal Great Origin Core Realms ay napapatay nila na tila mga sanggol lamang.

Ang ekspresyon ng mga pwersa mula sa Cang Ocean ay nagbabago kapag pinag-uusupan nila ang apat na Death Spirit Lords at tatlumpu't anim na Death Guards sa ilalim ng Emperor of Death.

"Ang apat na Death Spirit Lords at tatlumpu't anim na Seath Guards ay tinalo ang ilang two-star sects noon. Two-star sect… Junior Martial Sister, hindi ka ba natatakot?"

Saad ng nag-iinit na kabataan.

"Keke."

Patuloy na tumatawa ang maliit na babae. Marahil sa kanyang mata, hindi niya alam kung paano niraranggo ang mga pwersa.

Bumuntong-hininga ang nag-iinit na kabataan. Matagal siyang nag-salita, ngunit wala ring silbi ang mga sinabi niya.

"Hmm lalala…"

Ang babaeng may puting mata ay nagsimulang kumanta at tumalon-talon sa paligid ng apat na Death Spirit Lords.

Tigil!

Napatalon sa takot ang nag-iinit na kabataan. Iyon ay apat na Void God Realms Kings; bakit wala siyang galang?

"Marahil ang maliit na babaeng ito ang disipulo na kinuha kamakailan lamang ng Emperor."

Isang malabong boses ang narinig ng apat na Death Spirit Lords.

"Kakaiba ito masyado. Matapos siyang kuhanin ng Emperor bilang disipulo, wala na siyang tinuro rito. Siya ay nasa Consolidates Realm pa rin, at iyon ay matapos niyang kainin ang sacred pill."

Ang apat na Death Spirit Lords ay tumingin sa maliit na babaeng may puting mata ay pribadong nag-usap.

Kung ito ay normal na babae lamang ito na naglakas-loob na tumalon-talon sa kanilang harapan at inisin ang apat na Void God Realms, pinatay na nila ito. Subalit ang babaeng ito ay disipulo ng Emperor.

Isang mahinang boses ang narinig nila mula sa antigong palasyo. Gayunpaman, kahit na mahina ito, naging dahilan pa rin ito upang manginig ang puso ng apat na Death Spirit Lords.

Matapos ang ilang sandali:

"Binabati kita, Master."

"Binabati kita, Emperor of Death."

Ang lahat ay pumasok sa palasyo, kabilang ang kabataan at babae.

Isang itim na trono ang lumulutang sa antingong palasyo,at ang matangkad at malabong pigura ang nakaupo sa trono. Tanging ang dark golden na korona lamang ang nakikita.

Walang tao, maging ang apat na Death Spirit Lords ay hindi makita ang mukha ng Emperorof Death.

"Keke…. Master, maaari bang umalis ako kasama ang Senior Martial Brother at maglaro?"

Tumawa ang babaeng may puting mata kasabay nang kanyang pagtingin sa Emperor of Death.

Hindi mapigilan nang nag-iinit na kabataan na pagpawisan para sa kanya.

Ang kanilang Master ay ang Emperor of Death - ang kinatatakutan ng maraming tao.

Maging siya na disipulo nito ay natatakot. Maging ang apat na Death Spirit Lords ay ginagalang siya.

"Bai Lin, malapit nang matupad ang iyong kahilingan, ngunit maliban sa paglalaro, kailangan mong tulungan ang iyong Third Martial Brother sa isang misyon."

Ang boses mula sa trono ay masaya at tila nakikipaglaro sa babae.

Naging kakaiba ang ekspresyon ng apat na Death Spirit Lords. Sa kanilang mga harapan noon, ang Emperor of Death ay hindi pa nagiging ganito.

"Emperor… ibig mo bang sabihin ay kailangan mo nang tulong namin sa misyon na ito?"

Hindi ito maintindihan ng isa sa Death Spirit Lords.

"Marahil."

Maging ang mahinang boses ng Emperor ay tila hindi sigurado. Ang babaeng may puting mata ay kakaibang nilalang, at hindi niya alam ang ibang kapangyatihan nito.

"Master, bakit mo ginamit ang Bridge of Death upang mapalabas kaming lahat? Anong klaseng misyon ito?"

Tanong nang nag-iinit na kabataan.

Naghintay ang lahat nang makapangyarihan sa sagot nito.

"Zhe zhe, sisira ba muli tayo nang two-star sect? O aatake sa ilang ancient inheritance?"

Maraming tao ang nanghula.

"Bahagyang kakaiba ang misyon na ito. Gusto kong hulihin niyo nang buhay ang isang tao, ngunit kung hindi niyo kaya, siguraduhin niyo lamang na buo ang bangkay."

Saad ng Emperor of Death.

Hulihin nang buhay ang isang tao?

Nagtinginan ang apat na Death Spirit Lords. Anong klaseng tao ang nangangailangan ng apat na Death Spirit Lords?

"Dahil sa ginamit ko ang Bridge of Death, matutulog ako ng ilang taon upang makabawi. Kaya kailangan ko kayong lahat upang gawin ito. Ang taong ito ay kakaiba at walang hanggan ang potensyal. Huwag niyo siyang maliitin…"

Babala ng Emperor of Death.

"Maari ko bang itanong nasaan ang taong iyon?"

Tanong ng nag-iinit na kabataan.

"Iyon ang pinaka malaking problema. Ang taong iyon ay nagtatago, ngunit sa kabutihang palad, nag-iwan siya ng ilang bakas na nagdahilan upang gamutin ko ang Bridge of Death upang kumpirmahin ang kanyang lokasyon.

Noong sinabi ito ni Emperor of Death, isang mapa ng Cang Ocean ang lumitaw.

Ang Cang Ocean ay may tatlong main Spiritual Sacred Lands.

"True Martial Sacred land, Floating Dreams Sacred Land, Ten Thousand Woods Sacred Land…"

Sinuri nang nag-iinit na kabataan ang tatlong lugar nang mayroong pag-hanga. Ang tatlong Spiritual Sacred Lands ang tanging mga lugar sa Cang Ocean na three-star sects.

Maging ang Emperor of Death ay may galang sa tatlong Spiritual Sacred Lands.

"Ang lugar na inyong paghahanapan ay nasa timog silangan ng True Martial Sacred Land, sa dose-dosenang isla na ito."

Ang Emperor of Death ay tinuro ang maliit na lugar na ito.

Ang dose-dosenang island zones na ito ay wala pa sa isa sa isang daan ng Cang Ocean, ngunit ang kilay ng apat na Death Spirit Lords at nang nag-iinit na kabataan ay nagkunot pa rin. Bawat isla ay sobrang laki at may mga siyudad na kapareho ng Eight Desolate Mountain sa paligid nito.

Isa pa, ang isla ay maliit lamang kumpara sa karagatan.

Ang layo ng bawat lugar ay malaki. Mula doon, makikita nilang mahirap hanapin ang lokasyon ni Zhao Feng.

"Malaki ang lugar."

Sumang-ayon ang Emperor of Death bago muling magsalita, "Gayunpaman, lahat kayo ay may kakaibang Token of Death. Kahit na ang taong ito ay nilagpasan na ito, mararamdaman niyo pa rin ito hanggat kayo ay malapit sa kanya."

__

Ganoon pala iyon.

Naintindihan na ng lahat. Gamit ang kanilang Token of Death, mararamdaman nila ng taong hinahanap nila, na nagbawas sa hirap nito nang ilang daang beses. At least hindi na ito tila naghahanap ng karayom sa dagat.

"Umalis na kayo ngayon."

Nagsalita pa ang Emperor tungkol sa ibang bagay bago magdesisyon.

Huang!

Nagsara ang gate ng antigong palasyo.

Sou! Sou! Sou!

Ang apat na Spirit Lords ay pinangunahan ang mga Death Guards ay lumipad palayo.

Kasama sa kanila ang nag-iinit na kabataan at ang maliut na babaeng may puting mata.

Ang apat na Death Spirit Lords ay hindi maintindihan kung bakit pinasama ng Emperor ang maliit na batang ito, na walang battle power na makatutulings a kanila.

"Tanging ang may mga God Eyes lamabg ang kayang lumaban sa mga God Eyes."

Isang itim na ipo-ipo ang lumitaw sa mata ng Emperor of Death kasabay nang pagsara ng gate ng antigong palasyo.