webnovel

Pag-alala ng Ina

Gabi.

Tahimik ang buong paligid ng bahay ng mag-inang Josephine at Zack.

Subalit kapansin-pansin ang maliwanag nitong ilaw.

Sa loob,

Nakaupo ang inang si Josephine sa isang lumang upuan. Palingon-lingon ito sa pinto at pabalik sa bintanang nasa kalapit lamang.

Nakaguhit ang pag-alala ng babae sa mukha.

Hindi nagtagal, tumayo ang babae.

Tinungo ang maliit na kusina.

Kumuha ng baso at nanginginig na inabot ang pitsil.

Inangat niya ang nasabing bagay at akma na sanang magsalan ng tubig sa baso nang hindi na niya makayanan ang naramdamang pag-alala sa anak.

Muli niyang linapag ang pitsil sa mesa.

Nanghihina siyang umupo sa upuang nasa kalapit lamang.

"Saan ka na ba, Zack," bulong niya sa sarili at tinanaw ang nakasabit na orasan sa dingding ng kan'yang maliit na tahanan.

"Alas onse y media ang oras.

Hindi siya mapakali.

Binabagabag siya sa tagal ng anak sa pag-uwi.

Hindi ito ganito si Zack noon.

At wala siyang alam na ganap ng anak na kailangang pupunta ang anak sa bahay ng ibang kaklase.

Muli niyang inabot ang pitsil.

Inangat, at sinalan sa baso ang laman.

Makatapos, diretso niya itong ininom.

Nanunuyo ang lalamunan niya sa kaba at pag-alala kahit nakainom na siya.

Inilapag niya ang baso sa mesa.

Piping hiling-hiling ang kaligtasan ng anak.

--

Samantala,

Sa isang kubo na malayo sa karamihan, makikita ang limang kabataang nagtatawanan.

Nakapalibot sa mga ito ang tumpok-tumpok na kahon ng beer at nakakalat naman ang mga basura ng chicherya sa papag. Ngunit wapakels ang lima.

Abalang-abala sila sa paninigarilyo, pagtunga sa iba pang beer, paglamon sa pagkain, at higit sa lahat...

Paggamit ng droga.

Nakangising itinaas ng binatang si Zack ang hawak-hawak na pitaka.

Tila wala na ito sa sarili.

Lulong na ito sa gamot na ginamit at sa alak na ininom kasama ang buong tropa.

Dati, palinggo-linggo lang silang gumagamit nito kung kaya't hindi napapansin ni Josephine ang ginagawa ng anak.

Ngunit di kalaunan, naging dalawang beses sa isang linggo hanggang sa naging tatlong beses sa isang linggo.

"Freedom!" sigaw ni Zack at inangat pa lalo ang hawak.

Nagsigawan ang apat pa.

Happy happy lang mga tsong, no limits! Yeeeaahh!" sigaw pa ni Harold at tinungo ang bag na nasa sahig.

Binuksan ang bag.

Nagkalkal.

Inilabas ang isang speaker.

Makaraan pa'y pumalanglang na ang maharot at maingay na tugtog sa buong kubo.

Sky is the limit mga tsong! Walang bahay, walang mama, walang magulang, basta happy happy lang! Tagay pa!

Sigaw pa ni Zack at tumayo at sumabay sa tugtog.

***