webnovel

Ang Simula

Anim na taon ang lumipas.

Hapon.

Katatapos lang ng klase ng binatang si Zack. Patungo na siya sa labas ng paaralan nang makasalubong ang isang babae.

Otomatikong gumuhit ang ngiti ng binata nang papalapit sa dalaga.

"Erica," tawag niya sa babae.

Lumingon sa kan'ya ang dalaga.

Ngumiti.

Pumihit at lumapit kay Zack.

Otomatikong inilingkis ng dalaga ang braso sa braso ng binata at hinila na ito.

"Teka, saan tayo papunta?" tanong niya sa dalaga.

Lumingon sa kan'ya ang dalaga.

Ngumiti.

Natulala si Zack sa ngiti ng dalaga lalo na sa lapit nito sa kan'ya.

"Sa tambayan," narinig pa niyang sagot ng dalaga.

Dumaan sila sa likod na bahagi ng paaralan.

Nakarating sila sa isang pader na sa gilid ay may maliit na butas na kasya lamang ang taong gagapang dito.

Muling hinila ni Erica si Zack. Tsaka pa lamang namalayan ng binata ang kanilang kinaruruonan.

"Andito na pala tayo."

Napakamot si Zack.

Natawa ng bahagya ang dalaga.

"Ano, ako na mauna?" tanong ni Erica.

Umiling si Zack.

"Ako na," sabi pa niya, "Para maaalalayan kita sa kabila."

Tumango ang dalaga.

Mabilis namang yumuko si Zack para makalabas na.

Nang makarating sa kabila, agad siyang pumihit at inalalayan si Erica sa paglabas sa butas.

Makatapos, nagpatuloy na sila sa paglakad.

Ilang saglit pa, natatanaw na nila ang isang maliit na kubo. Sa harapan nito, nakatayo ang apat pa nilang barkada.

Sina Harold, Jerald, Ron at Mika.

Muling hinila ni Erica si Zack papalapit sa mga kaibigan.

Sinalubong sila ng isa sa naghihintay. "Tagal n'yo ah. Nag-date pa kayo ano?" salubong nito sa dalawa.

Natawa si Erica. Napatikom naman si Zack sa narinig.

Matagal ang matandang 'yon umalis kaya natagalan kami. Buti nga pinalabas kami dahil dito kay Zack eh. Mas natagalan nga lang siya kasi pinatawag siya sa office.

Sagot ni Erica at humagikgik.

Naghalakhakan naman ang buong barkada sa nangyari kay Zack. "Weak mo pare. Hahahaha!" pang-aasar ni Harold dito.

"Last week pumasok dun, binisita mo ulit pare. Masaya ba ang buhay roon?" gatong naman ni Ron.

"Don't worry pre, ma-uulit pa rin yan. Malay mo bukas," dugtong ni Jerald.

Muli silang nagtawanan.

Napakamot na lang sa batok si Zack. "Mga sira kayo," naisagot na lang niya.

"Di pa ba sisimulan?" yamot na singit ng dalagang si Mika.

Lumapit si Harold.

Tumabi sa dalagang nakasandal.

Pero linayuan siya nito.

Naghalakhakan ang iba pa sa nakita.

"Parang rapest ka raw kasi pre," asar ni Jerald sa kaibigan.

"Hoy mga baliw, sisimulan na ba natin ang session dito mismo sa labas? O uuwi na lang kami," sabit muli ni Mika. Nakataas na ang kilay nito sa irita ng mga kaibigan.

"Ito na nga. Nakabili na kayo?" tanong ni Zack.

Tinaasan siya ng mga lalake ng panggitnang daliri.

"Loko, sabi mo ikaw ang babangka ngayon?" asar ni Jerald.

Napakamot sa ulo si Zack.

"Oo nga pala," naibulong na lang niya.

Kinapa niya ang bulsa. Hinagilap ang pitaka na nakatago roon. Nang makita ay dumukot ng limang daan at inabot sa mga kaibigan.

"O yan, sapat na siguro yan sa first batch ng case," tugon niya.

"Paano yung pagkain?" tanong ni Harold na pababa pataas ang kamay para umabot sa pera.

Ngumisi si Zack.

"Loko, sinabi ko bang pati ang pulutan sagot ko rin? Hindi diba?"

Napasimangot si Jerald sa sagot ni Zack. Aabutin na sana niya ang inabot ni Zack ngunit naunahan siya ni Mika.

"Ok na rin to. Ikaw rin naman ang babangka sa item diba?" usal ni Mika.

Tumango lang si Zack.

"Oy, Mika, sama ako," singit ni Ron.

Wag na, ikaw na lang ang bumili sa item sa kabilang kanto.

Sagot ni Mika.

"Oy pangit, yung pera pambili?" tanong ni Ron at inunat ang kamay.

Dumukot naman si Zack sa pitaka at inabot ang apat na libo.

"Sapat na ba 'yan?" tanong niya. Muli na sana siyang dudukot ng pera subalit maagap siyang pinigilan ng dalagang si Erica.

"Huwag mo nang dagdagan. Ipangbibili lang din niya 'yan ng sariling drugs at magsariling humithit sa bahay nila," nakasimangot na pigil ni Erica.

Napailing si Zack. "Kaya pala wala,  nang nabalik amp," bulong pa niya sa sarili.

"Oy minsan lang 'yon," kumakamot sa ulong depensa ni Ron.

"Loko ka, nahuli ka na namin oy," asar pa ni Harold sa kaibigan at ngumisi.

"Hoy mga walanghiya, pumasok na nga kayo dun. Ikaw Ron bilisan mong bumili kung hindi..." sabit ni Mika at nakangising tinaas ang libreng kamay na nakayukom.

Napaatras ang kalalakehan.

Ngumisi si Erica at nagthumbsup kay Mika.

Makatapos nun, isa-isa na silang kumilos. Sina Zack na pumasok sa kubo kasama sina Harold at Jerald, si Ron na pumunta sa kaliwang direksyon, at si Mika na pumihit sa direksyon kung saan dumaan sina Zack at Erica.

At bago umalis si Erica, sinigawan muna niya ang mga kaibigan. "Mga pangit! Ako na bibili sa pulutan!" sigaw niya at mabilis na tinahak ang kabilang direksyon kung saan dumaan si,  Ron.

***