webnovel

Masayang Nakaraan

Apat na taon ang lumipas.

Linggo noon. Bumangon ang isang bata mula sa mahimbing na pagkakatulog nang ito ay magising. Saglit itong umupo sa higaang kawayan at sinubukang gisingin ang diwa upang makakapagsimula na sa paghahanda. Ikinukusot-kusot pa nito ang mga mata upang mawala ang pagkakaantok bago tuloyang tumayo.

Inilibot nito ang paningin sa paligid na tila may hinahanap. Nang walang makita sa bawat sulok ng maliit na bahay na iyon, tinignan niya ang hinihigaan. Napansin niyang tulog na tulog ang ina kaya napatawa siya.

Lumapit siya rito at ginising ang ina. "Ma, giting na pooooo," malakas nitong tawag sabay alog dito.

Napabalikwas si Josephine sa narinig.

Napakahimbing ng kan'yang tulog ngunit nang dahil sa narinig na ingay, at sa isang malakas na boses ng bata, nataranta siya at mabilis na napabangon.

"A-anong nangyari? A-anong meron?" kinakabahan pa nitong bulong. Ngunit narinig niya ang natatawang anak.

Napatawa na lamang siya rito at lumapit kay Zack. Pinaningkitan niya ito ng mata at mabilis na yumuko at kiniliti ang bata.

"AHAHAHAHAHAHA!" halakhak ng bata, "Tigil na ma, ayoko na... HAHAHAHAHA! Tigil na poooo, hihihihihihi!" reklamo pa nito.

"Loko kang bata ka, akala ko na anong nangyari," sabi ni Josephine nang tumigil siya sa pangingiliti sa anak.

"Hihihihi! Tulog pa po kayo ih, diba timba tayo ngayon ma?"

Nang marinig ang sagot ng anak, napatampal siya sa noo. "Ay oo nga no," bulong pa niya sa sarili at mabilis na tinignan ang lumang orasan na nakasabit sa dingding.

Natawa siya pagkat alas singko pa lamang ng umaga.

"Oy, 5 pa lang ah, ba't ang aga mo nagising?" baling niya sa anak na nakaupo sa kawayang sahig.

Ngumiti ang bata.

Tila hinaplos naman ang puso ni Josephine sa nakikitang enusenteng ngiti ng anak. Muli siyang napahiling sa sarili sa may kapal na sana'y mananatili ang kaenusentehan nito.

"Kati ma, tabi mo bili tayo ng lawuan ngayon," sagot nito at tumayo at tinungo ang paliguan.

Napangiti si Josephine sa narinig. Muling naalala ang ipinangakong laruan para sa anak. Sumunod siya kay Zack habang masayang nakangiti.

--

Natapos na sa pagsimba ang mag-ina. Sa kasalukoyan, naglalakad sila sa isang kalye. Katapat nito ang mall na balak dalhin ang anak.

"Taan tayo mama?" enusenteng tanong ng bata na nakakapit sa kamay ni Josephine habang ito ay nakatingala sa ina.

Ngumiti si Josephine. Liningon ang traffic light. Yumuko at kinarga ang anak para mabilis na makalipat sa katapat na gusali. "Doon," turo niya sa mall at humakbang na para tumawid.

"Yay! Bibilhan ako ni mama ng lawuan! Yehay!" masayang sigaw ng bata na may pataas-taas ng kamay sa ere.

Natawa ang mga taong nakakita sa ginawa ng bata. Maging si Josephine ay napangiti. Makatapos, pumasok na sila sa mall.

***