webnovel

I Will Find You Again, Love. (Tagalog)

What if someone you love suddenly left you without giving you any valid reasons at all? What if this someone came back with something, are you willing to accept him/her again despite on what s/he have now?

pagibigly · Teen
Not enough ratings
16 Chs

Present : Year 2020 (2)

Nanginginig ang kamay ni Hillary habang naglalakad papunta sa guidance office. Binabati siya ng mga estudyante ngunit hindi niya ito pinapansin pabalik.

Nakarating si Hillary sa guidance office at doon niya nakita ang lalaking matagal na niyang kinakamuhian at gustong kalimutan. Ang lalaking nagbigay ng sobrang sakit na alaala.

Sinusubukan ni Hillary na maging matatag sa harap ng lalaki na nagbigay sakaniya ng lahat ng gusto niyang kalimutan.

"Ms. Manuel, I'm glad you're here." Ngumiti ang guidance councilor na naka upo sa harap ng isang table. May paikot kasi na sofa rito, pinapaikuatn niya ang lamesa na nasa gitna. Samantalang ang lalaki naman ay nakaupo sa right side ng sofa. Naglakad si Hillary papunta sa left side ng sofa at doon umupo.

"Mr. Anderson, she is Ms. Hillary Manuel, she can tutor your daughter anytime. Lahat kasi ng mga teacher dito ay puno ang schedule at sa ngayon ay siya pa lamang ang available." Nanlaki ang mata ni Hillary dahil sa narinig niya. Halatang nagulat siya ngunit si Mr. Anderson ay katulad lamang ng dati, parang walang pakiramdam.

"You have a daughter?" Hillary asked as if she didn't suspect the Eliza Anderson in her class earlier.

"Nice meeting you." Tumayo si Mr. Anderson atsaka inilahad ang kamay upang makipag shake hands.

Tinanggap naman ito ni Hillary. Alam niyang nanalalamig na ang kaniyang kamay ngunit hindi pa rin siya nagpadaig.

"I hope you will treat my daughter nicely." 'Saka tuluyang umalis si Mr. Anderson. Binagsak ni Hillary ang kaniyang katawan sa sofa at huminga ng malalim.

"Why did you do that?" Inis na tanong ni Hillary sa kaniyang kapatid na ngayo'y nakangiti.

Oo, tama. Si Hillary at ang guidance counselor ay magkapatid. Pamilya sila ng mga guro.

"You know, it's a matter of something." Natatawang pangaasar nito. Napatayo si Hillary at,

"Ate, what the freak! I'm trying to move on!! It's not easy for me." Bulyaw ni Hillary sa kaniyang nakakatandang kapatid.

"Oh, easy, Ma'am! Don't bite. Don't you dare." 'saka ito humalakhak, halatang masaya siya dahil sa ginawa niya.

"Ate, I already suffered enough." Tuluyan nang umalis si Hillary sa guidance office samantalang ang Ate niya ay nagkipit balikat lamang.

"Bridesmaid ako ha!" Pahabol na pangaasar ni Drishti sakaniyang kapatid.

"Shut the freak up, Drishti!" Malakas na sigaw ni Hillary at padabog na naglakad paalis.

Habang naglalakad sa hallway si Hillary ay patuloy ang pagiisip niya kung paano nagkaron ng anak si Art. Halos apat na taon silang magkarelasyon at hindi niya alam kung paano ito nangyari.

Maari bang nagcheat si Art sakaniya? Napailing ng malakas si Hillary dahil alam niyang kahit papaano ay hindi siya niloko ni Art.

"O, baka naman pinapalabas niya lang na anak niya si Eliza para lang magselos ako? It could be possible, Hill!" Dumiretso sa womens comfort room si Hillary at doon kinausap ang kaniyang sarili.

"What the freak is happening." Napasapo si Hillary sakaniyang ulo nang hindi niya mafigure out kung anong nangyayari, bakit parang ang gulo gulo nitong mundo niya.

"Hindi ka na dapat apektado, Hill!! Tatlong taon na!" Pasigaw na sabi niya sa sarili. Wala namang tao kaya ayos lang sa kaniyang gawin ito.

Hinilamusan ni Hillary ang kaniyang mukhang upang magising siya sa katotohanan.

Alas syete na ng gabi at naghahanda nang umuwi ang lahat ng natitirang tao sa loob ng paaralan na ito. Ang mga gwardiya ay nagiikot na upang masigurado na wala ng ibang estudyante ang nasa loob ng kahit na anong facilities bukod sa mga estudyante na nageensayo para sa pepsquad. Tatlong gwardiya ang nagiikot samantalang may isang naiwan sa main gate upang magbantay kung may papasok at lalabas.

"Goodevening, Kuya!" Nakangiting bati ni Wilson sa guard na nasa gate.

"Goodevening Sir! Ingat po kayo ni Ma'am!" Masiglang bati ni Kuya Guard. Magkasamang uuwi sina Wilson at Hillary.

"Hindi ba't may kotse ka naman? Bakit kailangan mo pa akong sabayan sa pagco-commute?" Nakakailang tanong na si Hillary kay Wilson nito. Dahil simula noong naging magkaibigan sila ay hindi na tinantanan ni Wilson si Hillary. Kung hindi siya sasabay kay Hillary pauwi sa pagco-commute ay si Hillary naman ang isasabay niya pauwi gamit ang kaniyang kotse.

"Tinatamad akong mag-drive e. Ayaw mo naman akong i-drive." Nakasimangot na sagot ni Wilson sa kaibigan.

"Bakit ba!" Inis na bulyaw ni Hillary ngunit tinawanan lang siya ng kaibigan.

"Hilig sumigaw? HAHAHAHA." Pangaasar ni Wilson kay Hillary.

"Wil, please stop. I don't have the energy to fight with you today." Pumara si Hillary ng jeep atsaka sumukay rito, agad naman siyang sinundan ni Wilson upang hindi siya maiwan.

"Bayad po, dalawa." Malakas na sabi ni Wilson sa loob ng jeep, napatingin si Hillary sakaniya ngunit hindi na ito nagsalita pa.

Kagaya nga ng sabi niya ay wala na siyang enerhiya na makipag-talo sakaniya kaibigan. Masyado siyang maraming iniisip na naging dahilan kung bakit parang pagod na pagod siya sa mundo.

"If I ever given a chance to comeback to the time where we first met, hindi ko siya papansinin, hahayaan ko nalang siya sa tabi." Wala sa sariling sabi ni Hillary kaya napatingin si Wilson sakaniya.

"Pinagsisihan mo bang naging kayo?" Tanong ni Wilson kay Hillary. Nagkibit balikat lang si Hillary bilang sagot dahil siya mismo ay hindi niya alam at hindi rin niya alam kung paano niya nasasabi ang mga bagay na iyon.

"Hindi ko alam, kung bibigyan ako ng pagkakaton, itatanong ko sakaniya kung bakit gano'n, bakit umalis siya ng hindi malinaw ang dahilan." Mahinahon na paliwanag ni Hillary.

Wala naman masyadong tao sa jeep kaya ayos lang at hindi rin naman malakas ang kanilang pag-uusap.

"Ano bang nangyari? Ang tagal tagal na nating magkaibigan pero hindi mo pa rin sinasabi saakin kung anong dahilan." Bakas sa tono ni Wilson ang pagkadismaya. Dahil totoo nga naman na matagal na silang magkakilala, mahigit tatlong taon na rin.

"Basta, isang araw, he proposed breakup kasi sawa na raw siya." Seryosong sambit ni Hillary.

"Buti hindi ka niya tinuklaw? HAHAHAHAHA." Binasag ni Wilson ang atmosphere dahil sa walang kwenta niyang joke.

"Ano ba! Gusto mo bang malaman o hindi?" Atsaka binatukan ni Hillary ang kaibigan.

"Syempre, gusto!" Nakangising sagot ni Wilson.

"Para po!" Malakas na sigaw ni Wilson nang makita niyang nasa tapat na sila ng mall. Na-unang bumaba si Wilson atsaka niya inalalayan pababa si Hillary.

"Paano ba kayo nagsimula?" Tanong ni Wilson nang makapasok sila sa mall.

Habang naglalakad sila ay nagpupumilit si Wilson kay Hillary na ikwento kung anong nangyare,

"Ganito kasi," Hindi na naituloy ni Hillary ang kaniyang sasabihin dahil nasa harap niya na si Art, ang lalaking matagal niyang inibig at ngayon at nagbibigay sakaniya ng sakit.

Matagal silang nagkatitigan. Sa tagal ay halos bumalik lahat ng alaala sa isa't isa. Halos lahat. Masasaya, malulungkot, mga pangakong hindi natupad at ang mga alaalang hindi na dapat alalahanin.

Hello!!! This is my first novel here and I'm not really confident but I'm doing my best to satisfy ya'll. Thank you for reading!! I really appreciate it. Drink you water, stay hydrated and stay safe!

pagibiglycreators' thoughts